"Shhh.. 'wag mong sabihin sa kuya ko na 'di ako pumasok ha?" sabi ko pa at tumango lang ito.
"Ano bang dahilan?" tanong nya at umupo naman ako sa sopa namin.
"Kilala mo naman jowa ko diba?" tanong ko pa.
"Alin doon?" tanong nya at napangiti nalang ako.
"Gaga isa lang," sabi ko pa.
"Biro lang. Pinapagaan ko lang ang bruha mong loob," sabi pa nya at napangiti lang ako.
"Ano nga?" tanong nya.
"Nahuli ko sya," sabi ko.
"Nahuling alin? Ano ba yan! Napaka pabitin sarap mo ding ibitay," sabi nya at napatawa na ako.
"Kase..," pang-aasar ko sa kan'ya.
"Kase...?" medyo nauubusan na nyang pasensya.
"Teka lang.. naiiyak ako," sabi ko pa at nakikita ko namang naiinis na talaga ang mukha nito.
"Iyak ka lang," pang-iinis nya sa'kin.
"Ganto kase.. nahuli ko nga sya!" pasigaw kong sabi.
"Nahuli ngang alin!!!" sigaw nya din at hinampas pa ako.
"Kaloka ka walang hampasan naman," sabi ko pa at hinawakan kung saan banda ang hinampas nya.
"Pasensya pasensya. Nadala lang hehehe," sabi pa nya at umayos ng upo.
"Nahuli ko syang.. may kahalikang iba," malungkot na pagkakasabi ko pero wala namang nagbago sa reaksyon nya.
"Kasalanan ko?" pang-iinis nya.
"Ano ba seryoso na kase akoo!" sabi ko pa at parang batang naiiyak na.
"Mukha ba yang seryoso?" tanong nya pero 'di nagbago ang reaksyon ko.
"Seryoso nga," sabi nya at lumapit sa'kin tsaka ako niyakap ng mahigpit. Napatulo naman ang luha ko dahil sa higpit ng pagkakayakap nya.
"T-teka.. pinipiga mo naman yung luha ko eh!" pasigaw kong sabi at lumihis sa pagkakayakap.
"Ay pasensya hehehe," tsaka nya ako hinawakan sa balikat.
"Masakit ba?" tanong nya.
"Malamang! Kainis ka!" angil ko pa.
"Saan banda mo naman nakita?" seryosong tanong nya.
"Sa likod ng gusali natin," sabi ko at sobra naman ang reaksyon nya.
"Sobra lang," sabi ko at hinawakan ang kamay nya para ibaba ito.
"Pake mo ba? Ganyan dapat mga reaksyon ng mga iniiwan. Charot," sabi pa nya at hinawakan ang kamay ko.
"Ano, ayos ka lang ba?" seryosong tanong nya.
"Oum, ayos na ako. Alam mo naman dapat mabilis tayong makapag paalam sa mga nabuong ala-ala natin sa napayapa nating mahal," sabi ko pa na may dagdag biro.
"Yung totoo?" tanong nya na may halong pag-aalala sa mata nito tsaka biglang tumulo ang luha ko at alam kong ang pangit pangit ng mukha ko pag umiyak.
"Nasasaktan ako masyado.. kase kahit ganon yung relasyon namin.. iniingatan ko 'yon. Isa pa.. totoong minahal ko naman sya ah.. bakit.. bakit nya naisipang gumawa ng ganon. Kung hindi.. hindi ko nakita 'yon.. sasabihin nya kaya?" iyak na sabi ko at hinihimas himas naman nya ang likod ko.
"Sige ilabas mo lang lahat," sabi nya habang yakap yakap ako.
"Kase.. kahit pitong buwan kaming nagkasama.. sa totoo lang.. naging masaya naman ako.. kami," sabi ko at todong umiyak.
"Tapos ka na ba?" nag-aalalang tanong nya.
"Siguro," nag-aalangang sagot ko.
"Kuha lang ako tubig," sabi nya sabay tayo at pumunta sa kusina.
"Ano naman ang plano mo?" tanong nya pagkalapit nya sa akin dala-dala ang isang basong tubig.
"Hindi pa pala kita nasasabihan..," sabi ko pa tsaka malakas na nagpakawala ng buntong hininga at ininom ang tubig.
"Aalis kami sa susunod na linggo," sabi ko at nakikita kong lumungkot ang mga mata nito.
"S-saan naman?" alam kong pinipilit nyang 'wag malungkot dahil sobrang tagal na naming magkasama noong ika pitong baitang ko pa.
"Lilipat lang kami ng bahay 'wag ka mag-alala," sabi ko at alam naman nya ang gusto kong iparating.
"Ayos na ba pakiramdam mo?" tanong nya.
"Oum, ayos na. Gusto ko lang na may makausap. Salamat dahil nandyan ka parati sa'kin nakikinig Shane," sabi ko at niyakap naman nya ako.
"Mamimiss kita," sabi nya at alam kong nagpahid ito ng luha nya.
"Magkikita pa naman tayo," sabi ko at humiwalay sa pagkakayakap.
"Siguraduhin mo lang ah?" sabi nya at napangiti nalang ako.
"Oum," sabi ko at nagyakap kaming muli. Nag-usap lang kami ng mga nakaraan namin noon hanggang sa magpaalam sya dahil may gagawin pa daw sya sa bahay nila.
Nandito ako ngayon sa kwarto umiinom ng kape kahit nerbyosa naman ako, nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Pinapanood ang mga batang masayang naglalaro sa mga kani-kanilang kaibigan.
K A T A P U S A N - N G - N A K A R A A N
Habang iniisip ko yung nakaraan ko ay malapit na palang matapos ang guro namin sa pagsusulat kaya nagmadali na din akong nagsulat, dahil pakiramdam ko hindi ngayon magtuturo ang gurong ito. Kalaunan ay natapos na din akong magsulat pero sya ay nakaupo lang sa upuan nya at nagbabasa ng libro, wala ni isa sa amin ang nagtangkang mag-ingay.
Hindi pa man hudyat na tapos na ang klase ay tumayo na sya at umalis ng walang sinasabi. Broken nga siguro.
K I N A B U K A S A N
"Kuya may gusto daw'ng makipagkilala sa'yo," sabi ko pa at liningon naman niya ako, masama padin ang pakiramdam niya hanggang ngayon.
"Ha? Sino naman 'yan?" medyo interesandong tanong niya.
"Kaklase ko lang," bulong na sabi ko.
"Oh..," sabi niya na napapataas pa ang kilay nito.
"Asan?" pabulong niyang tanong.
"Sandali tawagin ko lang," sabi ko pa at pumunta naman ako sa likod ng pader kung saan nagtatago yung kaklase kong gustong kilalanin ang kuya ko.
"Huy!!" sinadya kong gulatin siya.
"H-ha ha?! Ano yon?!" natatarantang tanong niya.
"Tayo na.. hinahanap ka ni kuya," sabi ko pa at hinawakan ang kamay nito.
"H-hindi nalang siguro ako pupunta," nahihiyang sabi niya.
"Ano ka ba! Mabait naman yung kuya ko.. hindi naman 'yon nangangagat," sabi ko pa at hinila siya.
"Hello," malalim na boses na bati ni kuya.
"H-hi," nahihiyang sagot ni Ava.
"Tar nga pala," sabi ni kuya at inilahad naman ni kuya ang kamay niya.
"H-ha? A-ava pala," sabi niya at pinagpag pa ni Ava ang kaniyang kamay bago niya kinuha ang kamay ni kuya at nakipag kamay. Nag-usap usap pa silang dalawa bago lumisan si Ava kahit hindi pa tumutunog ang batingaw.