"Si mama talaga oh. Ayos lang po ako, tsaka mababait naman ang mga tao dito," sagot ko sa tanong nya para 'di na sya mag-alala pa.
"Talaga ba? Mabuti naman kung ganoon. Kung may kailangan ka magtawag ka lang sa akin o 'di kaya ay mag-iwan ng mensahe," bilin nya sa'kin.
"Opo ma! Susundin ko po lahat ng bilin ninyo," paglalambing na sabi ko.
"Oh sya sige at iba-baba ko na ito. Mahal kita anak," sabi nya.
"Sige po ma. Mahal din po kita," huling sabi ko at sya na ang nagpatay ng tawag.
Iinom na sana ko ng tubig nang...
"Put-" tsaka ako mabilisang tumayo.
"Anong ginawa mo sa uniporme ko!?" sobrang galit na tanong ko dahil nakaupo lang naman ako dito tapos may nagtapon ng pagkain sa akin! Nasa ika-labing isang baitang pa ata 'tong estudyanteng 'to.
"A-ahh hindi ko sinasadya, paumanhin natapunan kita dahil nawalan ako ng balanse kanina," kabadong pagpapaliwanag nito at alam ko namang nagsasabi sya ng totoo, pero napapairal talaga ang galit ko.
"Nawalan ng balanse?! Ha!? At ano? Dahil lang sa isinalaysay mo ay paniniwalaan na kita?" 'di mapigilang galit na sigaw ko pagkatapos ay dinaklot ko yung kwelyo ny at nabitawan ny ang dala-dala nyang lalagyan.
"Nagsasabi ako ng totoo," kalmado nyang sabi.
"Ha!" galit ko talagang sigaw.
"Paniniwalaan kita.. sa ngayon! Pero sa oras na maulit ang insidenteng ito, 'di lang yan ang aabutin mo," nagga-galit-galitang banta ko rito, tapos ay binitawan ko sya ng patapon at bumalik sa upuan ko. Pinagpag ko ang basang uniporme ko gamit ang panyong dala ko. Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako ng banyo para naman mabawasan ang amoy ng noodles at maghugas na din ng kamay. Kamalas-malasang andun pa yung estudyanteng nakatapon sa akin kaya nagtago ako. Para akong timang na nagtatago sa pader na 'to, sandali pa akong naghintay nang lumabas na sya at hinintay ko pa muna ng ilang sandali bago sya maka-alis ng tuluyan. Pumasok ako sa banyo ng may pag-aalala pero binalewala ko nalang ito, naghilamos ako at tumingin muna sa salamin. Iniisip ko kung ano 'tong nangyayari sa dibdib ko.
K A T A P U S A N - N G - N A K A R A A N
"Hayst," napabuntong hininga na lang ako. Agad akong bumalik saking inuupuan ko kanina at kinuha ang bag ko, tsaka ako pumunta sa locker room ko para makapag-bihis na ako dahil nalalansahan ako sa amoy ko. Inanunsyo sa'min kanina na wala pa kaming guro sa asignaturang ito kaya mamaya pang alas dos ang klase ko. Pumunta na muna akong library dahil mag-aaral ako ng asignaturang ingles. Magsisipag ako ngayong taon dahil ayaw kong maulit ang ika-pitong baitang ko na bumagsak ako. Dapat ay nasa ika-labing dalawang baitang na ako ngayon kung hindi lang ako bumagsak, kaya desididong-desidido akong makapagtapos para na rin sa sakripisyong ginawa ni mama para sa akin.
Binuksan ko ang libro na dala-dala ko at bumungad sa'kin ang unang pahina na ang titulo ay "The Portrait of a Lady", ngunit sa titulo pa lamang ay wala na akong maintindihan. Kaya agad-agad kong sinara ang libro. Para pa nga yatang sumakit ang ulo ko dahil doon, kinuha ko naman ang selpon ko para mag efbi, bumungad naman sa akin ang madaming mensahe at notipikasyon. Hindi ko na itatangging kilala ako sa larangan ng sosyal midja tsaka ko pinindot ang notip ko at may naka-agaw ng atensyon ko. Isang "new suggest friend" ni efbi at parang pamilyar ang mukha nito sa akin. Kaya pinindot ko iyon at tama nga.
"Sya yung nakabangga ko kanina yung nagtapon sakin," nasabi ko nalang.
"Cyan Tareon?" medyo natatawa kong sambit sa pangalan nya. Itinuon ko ang atensyon ko sa pang-iistalk sa kanya at nakita ko ang bagong post nito. Tatlong tao sa isang larawan.
"HAHAHA buhay sosyal media pala 'to eh," natatawa kong sabi. Nangalap pa ako ng impormasyon tungkol sa kan'ya nang hindi ko namalayang malapit na palang magsimula ang klase kong pang alas dos. Nagmadali ako para hindi na ako ma-late sa pangatlong klase ko at yun ay yong ingles.
"Good afternoon everyone," sabi ng guro namin nang makarating siya.
"Good afternoon din ma'am," sagot naming lahat tsaka kami naupo.
"This day we'll discuss about the first chapter," pagdi-diskosyun nya at tila nakikinig naman ang lahat.
"Can anyone tell me about the exact title of the first chapter?" tanong nya at napa-ayos naman kami ng upo lahat.
"None? Any voluntary?" she ask but no one bother to answer.
"Okay! I'll call someone and if you didn't answer it, you'll receive a failing grades in this lesson! Understand!?" sigaw nya at lahat naman ay sobrang tahimik.
"Yes ma'am," sagot naming lahat.
"Okay! I'll call boys and I'll give five seconds for the three students... Roco!?" tawag nya sa pinaka-maingay dito. Kabado naman itong tumayo at hindi tuwid ang pagkakatayo.
"M-ma'am?" nag-aalangang tanong nya.
"Exact title of first chapter in english?" diretsong tanong ng guro.
"I-I don't know ma'am," sagot nya. Kailangan naming sumagot ng naka-ingles din dahil mababawasan ang aming puntos kapag hindi kami umayon sa patakaran ng aming guro.
"Excuse me po ma'am," sabi ng isang estudyante na hindi namin kilala, tagaibang pangkat ata.
"Yes dear?" sobrang maamong sagot ng guro namin pero pag sa amin nakaharap parang tigre! Lumapit naman yung guro sa estudyante.
"May ekstra po ba daw kayong panulat sa puting pisara po," mahinang sabi ng estudyante.
"Sinong may sabi?" kalmadong tanong niya.
"Si Ginoong Eric po ma'am," sagot naman ng estudyante. Lahat ng kaklase ko ay nakatingin lang sa guro namin at wala silang ginagawang ingay.
"Oh si Ginoong Eric? Ay oo naman madami akong ekstra para sa kaniya.. ay este para sa mga walang panulat," bawi niya pa na halata naman naming yun talaga ang gusto niyang sabihin. Pumunta naman siya sa bag niya at kumuha ng isang panulat.
"Oh eto, pakisabi pag naubos magsabi lang siya sa'kin ah?" dagdag pa ng guro na sobrang tamis ng ngiti niya. Pagkatingin niya sa'min ay nag-iba na kaagad ang ihip ng hangin.
"Oh nasaan na tayo!?" galit galitang tanong niya.
"Sa paaralan po ma'am," sobrang hina nito pero dinig na dinig ko ang sagot ng kaklase kong lalakeng sobrang pasaway.
"Ano? Anong sinabi mo Roco?! Wala ka na ngang naisasagot ganiyan ka pa din?" sigaw niya habang lumalapit sa kaniya.
"Tayo! Sinabi ko bang umupo ka kanina?" utos niya at mabilis namang tumayo si Roco.
"Jusko kayo! Nasa kolehiyo na kayo pero ganyan padin ugali niyo boys! Pati pag sagot sa simpleng tanong ko wala man lang nakatama!" sigaw niya.
"Eh isa palang naman po ang tinatanong niyo ma'am," sabi ko pa sa isip ko dahil ayaw ko ding mabulyawan.
"Matatanda na kayo! Dapat alam niyo na kung pa'no rumespeto!" sigaw niya at wala naman nagtangkang mag-ingay dahil totoong galit na nga talaga siya.