Genre Ranking
Get the APP HOT
A Heartthrob Dweeb [Tagalog] Book I
img img A Heartthrob Dweeb [Tagalog] Book I img Chapter 6 Kurbata At Ang Alat
6 Chapters
Chapter 10 Si Kuya img
Chapter 11 Sanaysay img
Chapter 12 Sino img
Chapter 13 Lihim img
Chapter 14 Kurso img
Chapter 15 Paglabas img
Chapter 16 Kasiyahan img
Chapter 17 Ano img
Chapter 18 Kahina-hinala img
Chapter 19 Pelikula img
Chapter 20 Ako Cute img
Chapter 21 Debate img
Chapter 22 Problema img
Chapter 23 Si Alex img
Chapter 24 Pagkalimot img
Chapter 25 Kataka-taka img
Chapter 26 Masamang Balita img
Chapter 27 Huli Ka! img
Chapter 28 Nakakatawa'Yon img
Chapter 29 Barkada img
Chapter 30 Kakatuwa img
Chapter 31 Kakilala img
Chapter 32 Opera img
Chapter 33 Galit img
Chapter 34 Ala-ala img
Chapter 35 Hukbo img
Chapter 36 Ang Sakit! img
Chapter 37 Balik Sa Dati img
Chapter 38 Kawawa img
Chapter 39 Payo img
Chapter 40 Katapusan Ng Unang Libro img
img
  /  1
img

Chapter 6 Kurbata At Ang Alat

Mel's PoV

Hindi ko na sinabi kay kuya ang bumabagabag sa akin, kase ayaw kong dumagdag pa sa isipin nya.

N A K A R A A N

Naglalakad ako papuntang locker nang makita ko ang 'di ko inaasahang lalake na makikita ko dito. Ang dati kong kasintahan na dalawang taon na ang nakalipas. Naghiwalay kami nyan nang dahil sa nahuli ko sya na may kahalikan sa likod ng paaralan namin noon. Kaya nung nahuli ko sila ay hindi na ako nagpakita sa kanila, lalo na sa dati kong kasintahan kahit kailan. Hindi ko masasabing naghiwalay talaga kami dahil wala namang nabanggit doon, tumakbo lang ako sa sakit na ipinadanas nya. Kaya nung nakita ko sya ay hindi ako makapaniwala kase parang may hinahanap pa sya kanina. Nung mga araw at oras na tumakbo ako at lumayo ako sa kan'ya ay palagi nya akong kino-kontak kaya mas minabuti kong magpalit nalang ng sim card at hindi ko na pina-alam sa kan'ya.

Hanggang sa umabot ng hapon ang klase ko ay ganoon pa rin sya na parang may hinahanap, nakatambay sya sa gate one na parang may hinihintay kaya mas minabuti ko na ding dumaan sa gate two at baka mamukhaan nya pa ako.

K A T A P U S A N - N G - N A K A R A A N

Bago ako matulog ay ginawa ko muna ang nakagawian ko na, ang mag skin care. Pagkatapos non ay humiga na ako at ilang sandali ay nakatulog na.

K I N A B U K A S A N

Pangalawang araw ko na ito at ang unang araw ko ay mahirap na sa akin, pero gusto ko naman ang naging resulta ng unang araw ng pasok ko dahil mas marami akong naging kaibigan. Isa pa, yung kuya ay komportable naman sa bagong eskwelahan namin kaya wala na akong problema. Siguro haharapin ko nalang ang iniwan kong kasintahan at sabihin sa kan'ya ang gusto kong sabihin noon pa. Nagbihis na ako matapos kong maligo at bumaba na dahil gusto ko naman ako ang magluto para kay kuya. Nag suot muna ako ng apron tsaka inihanda ang dapat lulutuin. Gulay ang niluto ko ngayon dahil sa canteen walang masustansya na madaling kainin. Kumuha ang ng cubes para naman mas lumasa ang niluluto ko. Tsaka ko tiningnan ang niluto kong kanin at ayos naman ang pagkakaluto ko dito. Pagkatapos kong magluto ay pumunta ako sa kwarto ko para magbihis na ng uniporme ko.

"Kuya handa ka na ba?!" pasigaw na tanong ko.

"Ahh oo.. susunod lang ako," sabi pa nya.

"Sige," tanging sagot ko lang.

Nagtataka pa ako dahil para syang hinihingal nung sumagot sya sa akin. Ipinagsawalang bahala ko nalang at dumiretso na sa kwarto ko tsaka ako nagbihis. Dinala ko na ang mga kakailanganin kong gamit at inilagay ito sa upuan sa sala.

"Kuya tapos ka na ba jan?" tanong ko pa at naghain na ng kanin at ulam sa mesa. Naghanda na din ako ng plato at kutsara para 'di na kami kukuha mamaya.

"H-hindi pa," hinihingal na sagot nito kaya dali-dali akong umakyat at binuksan ang pintuan nya.

"A-anong ginagawa mo?" gulat na tanong ko dahil nakagapos sa leeg nya ang dapat na neck tie o kurbata na susuotin nya.

"H-hindi.. ako makahinga," mahinang sabi nya.

"Loko ka talaga!" pasigaw ko dito at medyo natatawa ako sa itsura nya ngayon dahil HAHAHA nag lilang kulay na yung mukha nya. Tumawa pa muna ako ng matagal bago sya tinulungan dahil baka masakal ko pa sya HAHHAHA.

"A-ano b..." nawawalan ng hiningang pagkakasabi nya. Dali-dali ko namang tinulungan sya at tinanggal ang nakapulupot na tali sa leeg nya.

"Oh ayan.. grabe ang laki-laki mo na 'di ka parin marunong mag-suot nito!" asik ko sa kan'ya.

"Ayos ka lang ba?" pigil tawang tanong ko sa kan'ya.

"At tumawa ka pa talaga bago ako tulungan huh? At kung namatay ako non?" parang batang pagkakasabi nya.

"Diii.. 'di ka mamatay non," sarkastikong pagkakasabi ko.

"Tsk! Tulungan mo'ko!" pasigaw na utos nya at ibinigay sa'kin ang neck tie nya.

"Akin na!" tsaka naman ako lumapit sa kan'ya at isinuot sa kan'ya ang neck tie nya.

"Grabe magiging ulyanin ka na tapos neck tie lang 'di mo alam?" tanong ko habang isinusuot ang neck tie nito.

"T-tahimik," mahinang sabi nya.

"Oh ayan ayos na 'yan!" sabi ko at tinulak ito papalayo sa'kin. May naramdaman naman ako sa kamay ko tsaka ko ito tinignan.

"Ano 'yon?" tanong nya.

"L-lumaki ba yung dede mo?" 'di makapaniwalang tanong ko.

"Haaaa!? At saan mo naman napulot 'yan!?" tanong nya.

"N-nahawakan ko eh!" sigaw ko pabalik.

"E-ewan siguro I'm matured enough HAHAHA," proud nya talagang sabi.

"Tch.. bumaba ka na! Malapit na tayong ma-late oh!" sigaw ko at nauna ng bumaba.

"Okehhh," sagot nya lang at sumunod na din sa'kin dala-dala ang bag at libro nya.

"Grabe ka talagang estudyante noeh? Limang libro talaga?" sarkastikong tanong ko pa.

"Kailangan ko eh," sabi nya at inilapag ang librong dala sa kutson.

"Ayos ka na ba?" paniniguradong tanong ko.

"Oo. Tara kain na tayo," sabi nya ng pagkalapit nya.

"Wow gulay oh!" sabi pa nya at humigop dito.

"Alam mo naman. Puro nalang ikaw ang nagluluto dito," kaya ngayon ako naman.

"Yaguhggghhg," bulyaw nya at umuubo.

"A-anong nangyari," tsaka nya pinahid pahid ang dila nya gamit ng kamay nya.

"Luto mo nga talaga 'yan," tsaka sya umupo at naglagay ng kanin sa plato nya.

"Bakit ba? Masarap naman sa panlasa ko ah?" natatawang tanong ko.

"Sa'yo! Ang alat nga eh!" sabi pa nya at humigop at nakita ko namang nasisira nga talaga ang mukha nito pag humihigop. Umupo na din ako at kumain na. Ilang sandali pa ay dali dali siyang pumunta sa banyo at narinig kong sumuka siya.

"Ang pangit ko talaga magluto!" sigaw ko sa isipan ko. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain kahit na-aalatan na din ako. Pagkatapos kong kumain ay nagligpit na ako ng mga pinagkainan namin pero hanggang ngayon ay nandoon parin si kuya sa banyo.

"Kuya tapos ka na ba diyan?"

*BLRGHGH*

Dinig kong suka niya kaya hinugasan ko muna ang plato para mamaya ay wala na kaming mahugasan, natapos na lang ako sa paghuhugas pero hindi pa din tapos si kuya.

"Kuya?" tanong ko at kinatok ko naman ang pintuan.

"Nagbabawas ka ba?" tanong ko dahil biglang nag iba yung hangin.

"Nagbabawas nga," sabi ko pa at tinakpan ang ilong ko. Tsinek ko muna ang mga gamit ko pagkatapos ay pumasok ako sa paradahan para ilagay ang bag ko doon, pati na din yung bag ni kuya.

"Ayos ka na ba?" tanong ko pero nanghihina yung paglalakad niya.

"'Wag ka nalang pumasok siguro?" suhestiyon ko pa at hinawakan naman niya ang magkabilang braso ko.

"Hindi pwede.. kailangan kong.. orghhh," tsaka siya tumakbo sa banyo ulit. Hindi nga siya nagpa-awat at siya na din ang nagmaneho. Nagsuot siya ng jacket dahil sabi niya nilalamig daw siya, nakarating naman kami ng paaralan ng maayos pero yung paglalakad niya ay hindi. Nakahawak siya sa tiyan niya habang naglalakad hanggang sa 'di ko na siya makita. Pumunta naman ako sa silid-aralan ko at buti nalang ay hindi pa kami huli sa klase.

"'Wag na siguro akong magluto -_- baka makapatay pa ako," mahinang sambit ko at inilagay ang bag ko sa upuan ko. Dumating naman yung guro kaya nakinig na ako sa diskusyon niya.

Previous
            
Next
            
Download Book

COPYRIGHT(©) 2022