Genre Ranking
Get the APP HOT
A Heartthrob Dweeb [Tagalog] Book I
img img A Heartthrob Dweeb [Tagalog] Book I img Chapter 5 Pagpapakumbaba
5 Chapters
Chapter 10 Si Kuya img
Chapter 11 Sanaysay img
Chapter 12 Sino img
Chapter 13 Lihim img
Chapter 14 Kurso img
Chapter 15 Paglabas img
Chapter 16 Kasiyahan img
Chapter 17 Ano img
Chapter 18 Kahina-hinala img
Chapter 19 Pelikula img
Chapter 20 Ako Cute img
Chapter 21 Debate img
Chapter 22 Problema img
Chapter 23 Si Alex img
Chapter 24 Pagkalimot img
Chapter 25 Kataka-taka img
Chapter 26 Masamang Balita img
Chapter 27 Huli Ka! img
Chapter 28 Nakakatawa'Yon img
Chapter 29 Barkada img
Chapter 30 Kakatuwa img
Chapter 31 Kakilala img
Chapter 32 Opera img
Chapter 33 Galit img
Chapter 34 Ala-ala img
Chapter 35 Hukbo img
Chapter 36 Ang Sakit! img
Chapter 37 Balik Sa Dati img
Chapter 38 Kawawa img
Chapter 39 Payo img
Chapter 40 Katapusan Ng Unang Libro img
img
  /  1
img

Chapter 5 Pagpapakumbaba

"Next Krist!?" pasigaw na tanong nya.

"I don't know either ma'am," sagot din ni Krist na nakayuko. Nakikita kong bumalatay ang takot sa mga mukha ng estudyanteng ito lalo na ako.

"Jusmeyong mga bata ito!?" galit na sigaw nya.

"Okay last!? Alex!?" pagkarinig ko sa pangalan ko ay parang wala akong narinig at tika tibok lang ng aking puso ang naririnig ko.

"ALEX!?!" pasigaw nya at doon naman ako natauhan sa malakas na pagsigaw nya.

"Five....! Four...! Three...! Two....!..," pagbibilang ng guro.

"M-ma'am.. T... The Portrait of a Lady(?)" nag-aalangang sagot ko dahil baka mali ako at 'iyon lang ang natatandaan ko sa binasa ko kanina. Pikit mata pa akong sumagot at natahimik naman silang lahat kaya dumilat ako, at napalitan ng ngiti ang galit sa mukha ng guro.

"Okay! Very good.. now sit down all of you," tsaka nagpatuloy sa pagdi-diskosyun ang guro. Natapos ang klase ng may ginhawa sa loob ko. Papunta na sana ako patungong locker ko nang may nakabangga sa akin. Nahulog ang librong dala nya at agad akong tumulong sa pagpulot ng mga libro nya. Natigilan pa ako ng ilang sandali dahil namumukhaan ko sya. Sya yung lalake kanina na naka-eye glass at nakatapon sa'kin ng tirang noodles. Ewan ko kung anong iniisip ko at tinitigan ko ang mukha nya, mas nakaka-akit ang mukha nya sa malapitan. Ilang sandali pa ay parang galit ang mukha nito tsaka ako tumayo at iniabot ang librong napulot ko. Tumayo din sya at kinuha ang librong nasa kamay ko. Tumalikod na sya at nagsimulang maglakad ng wala man lang pasalamat. Ewan ko ba pero ako naman siguro ang naka-bangga ba't kailangan ko pa ng pasalamat?

"Wala man lang bang pasalamat jan?" biglang tanong ko at kahit ako ay nagulat sa tanong ko.

"Heh!" tanging sagot nya at humarap sa akin.

"Salamat, hah?" sarkastikong pagkakatugon nito.

"Walang anuman po," sarkastiko ko ding tugon at tumalikod na sya. Pumunta na ako sa locker ko at baka masarhan ako ng guwardiya dito.

Tar's PoV

Naiinis pa rin ako sa lalakeng 'yon kanina. Inaamin kong kasalanan kong nawalan ako ng balanse at kanina din ay ako din ang nakabangga sa kan'ya dahil 'di ako tumitingin sa mga nakakasalubong ko.

"Hoy Mel! Hapunan na," tawag ko sa kapatid ko na nasa sala ngunit wala itong tugon.

"Mel! Kakain na!" medyo naiinis na tawag ko sa kan'ya.

"Mel ano ba?! Kakain na! Pinaghihintay mo ang grasya!" inis na talagang tawag ko.

"A-ah! K-kuya ano po 'yon?" balisang tanong nya.

"Narinig mo ba ako? Kanina pa ako tawag ng tawag dito!" inis na bulyaw ko sa kan'ya.

"Ah s-sorry po kuya," tsaka sya umupo at naglagay ng kanin sa plato nya. Tahimik kaming kumakain at wala sa amin ang nagtangkang mag-ingay kahit pa sa pagkain. Napapansin ko namang tulala sya ngayon. Natapos kaming kumain ngunit ganon parin sya kaya ako na mismo ang nagligpit ng pinagkainan namin.

"A-ah kuya.. ako na ang maghuhugas," nagulat ako sa paglapit nito. Napatango nalang ako sa kanya at inilapag ang plato sa lababo.

"Oh sige," tsaka ako ngumiti sa kan'ya at naghugas na ako ng kamay. Umakyat ako ng kwarto ko ngunit 'di ko maiwasang isipin kung bakit tulala ang kapatid ko.

"Kakausapin ko nalang siguro sya mamaya," mahinang sabi ko at pumasok na sa kwarto ko.

"Maaga pa naman eh," dagdag ko pa at hinubad ang uniporme ko at pantalon ko at ang naiwan nalang saplot sa'kin ay ang brief at boxer. Napabakat naman ang malaki kong alaga dito, mga naglalakihang pandesal at malulusog na masel ko. Humiga muna ako sa kama para makapagpahinga ng sandali. Pero sa pagkahiga ko ay tumayo ang alaga ko, kaya nagtakip ako ng kumot ko. Kinalaunan ay nawala rin ito at bumangon na ako para maligo dahil medyo nangangamoy na ako. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ng pangtulog at pumunta sa kwarto ng kapatid ko para tanungin sya kung anong nangyari.

"Bunso," mahinang tawag ko sa kan'ya sabay katok ng pintuan nya.

"Ah kuya.. pasok lang po," tugon nya tsaka ko binuksan ang pinto at pumasok na. Tsaka ako umupo sa tabi nya habang nagsusuklay ng buhok nito.

"May problema ka ba? Bunso?" mahinahong tanong ko sa kan'ya.

"P-po? Wala naman po akong problema," naisagot nya.

"Bakit nyo po naitanong kuya?" dagdag na tanong nya.

"Kanina kase, tulala ka at alam kong wala ka sa sarili mo," kompronta ko sa kan'ya.

"Wala po talaga akong problema kuya," sagot nya pero alam kong nag-aalangan syang sabihin sa'kin ang totoo.

"Matagal na tayong magkasama Mel kaya alam na alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi," sabi ko tsaka sya tiningnan sa mata.

"Sa totoo nyan.. may bumabagabag lang po sa'kin kuya," alam kong totoo na ang sinasabi nya ngayon.

"Ano naman 'yon?" paniniguradong tanong ko.

"Wala kuya, alam mo na mga babae. Sa'kin nalang po 'yon.. kaya ko naman," sagot nya.

"Sigurado ka bang ayaw mong ibahagi sa'kin yan?" naninigurong tanong ko.

"Opo kuya sigurado po ako," sagot nya.

"Oumm sige. Matulog ka na ha, 'wag ka magpupuyat. Maaga pa tayo bukas, goodnight!" sabi ko tsaka tumayo.

"Goodnight din po kuya," sagot nya at tsaka kami nagbeso-beso. Pumunta naman ako sa kusina para uminom ng tubig at para na rin maghilamos. Pagkatapos kong maghilamos ay pumunta na ako sa kwarto ko at nagpunas na ng mukha. Kinuha ko muna ang libro ko na galing sa locker ko kanina para mag-rebyu sa kasaysayan at filipino. Hindi pa ako masyadong bihasa sa pagtatagalog kaya ang una kong nirebyu ay filipino. Nasa ibang bansa ang Mama ko para magtrabaho doon at para narin sa'min. Bata palang ako ay doon na ako nakatira sa ibang lugar kaya ngayon medyo nahihirapan pa ako sa pagsasalita ng tagalog. Nagbasa lang ako ng maigi, kumuha muna ako ng papel at panulat para isulat ang mga salitang naguguluhan ako. Ganto yung ginagawa ko kapag may mga salitang hindi ko naiintindihan, nagsasaliksik ako sa mga pilipinong bokabularyo at isinusulat ko ang kahulugan nito. Bagaman ay nakakalimutan ko din ang kahulugan non kaya balewala lang din -_-. Hindi pa ako inaantok kaya kinuha ko ang ikrokis ko tsaka yung yung may kulay na panulat ko pagkatapos ay nag kaligrapiya muna ako.

*TOK TOK TOK*

"Pasok," sabi ko pa at bumukas naman ang pinto.

"Hmm ano 'yon?" tanong ko nang makapasok na si Mel sa kwarto ko.

"Diba na-alala mo nung sa probinsya ako nag-aaral?" tanong niya at umupo sa kama ko.

"Oumm anong problema don?" tanong ko at tinuloy ang pagkakaligrapiya.

"Diba nagtaka ako kasi bakit ganon yung apilyedo ko? Bakit Suarez?" tanong niya at na-alala ko naman yung araw na nagtaka siya dahil sinabihan siya ng guro niya na Suarez ang apilyedo niya.

"Ano namang kaso dun?" tanong ko ulit.

"Eh kasi nagtataka ako bakit ganon yung apilyedo ko? Bakit naging Suarez?" pagkaklaro niya sa tanong niya.

"Eh kasi si Mama may sabi non.. na ibahin yung apilyedo mo muna, tsaka para naman din yun sa kapakanan mo.. madami kasi tayong chismosa," sabi ko pa at pabulong ang huli kong sinabi.

"Bakit nga kuyaaaa?" namimilit na tanong niya.

"Ha? Hindi ko alam noh. Ewan ko din kay Mama bakit niya iniba yung apilyedo mo," sabi ko pa at hinarap siya.

"Bakit may nagtatanong ba sa'yo tungkol sa apilyedo mo?" tanong ko pa.

"Wala naman nagtataka lang talaga ako noon.. wala lang naisip ko lang kanina," sabi pa niya at tumayo.

"Sige 'yon lang bye! Goodnight!" sabi niya at isinara ang pintuan. Nakaramdam din naman ako ng antok kaya inayos ko na ang mga nagkalat kong gamit pagkatapos ay humiga na sa kama at natulog na.

Previous
            
Next
            
Download Book

COPYRIGHT(©) 2022