"'Yan na muna sa ngayon mga anak.. bukas magbibigay ako ng isang mahabang sasagutan ninyo kaya mag sipag-aral kayo. Paalam!" sabi nya at tumayo ako para magbigay galang sa kan'ya. Nagsilabasan na ang iba pero ako ay nakatulala pa din, pinapakiramdaman ko ang tawag ng kalikasan. Baka masuka pa ako dito. Dali-dali akong pumunta sa banyo at sumuka kaagad ng konti doon. Binuksan ko ang gripo para mawala kaagad ang masangsang na amoy at ang suka ko. Kalaunan ay parang gumaan ang pakiramdam ko, tsaka naman ako naghilamos at nagmumog na din. Kinuha ko yung panyo sa bulsa ko at pinunas ito sa mukha ko. Pagkatingin ko sa salamin ay medyo nagulat pa ako dahil may nakatinging lalaki sa akin. Lalaking parang namamangha sa pagpunas ng mukha ko. Sya yung lalakeng natapunan ko ng noodles ng 'di sinasadya.
"Tinitingin-tingin mo dyan?" medyo mataray kong tanong?
"A-ah wala.. nandito lang ako para ibigay sa'yo 'to," tsaka nya inilahad sa'kin ang likido na pampa-ayos sa sikmura.
"'Wag na," sabi ko pa at umalis na. Hindi ko naman naramdamang sumunod sya kaya dumiretso ako sa classroom at kinuha ang bag ko. Pumunta na ako sa canteen dahil alam kong nadoon na si Mel ngayon.
"Kuya!" sigaw nya at pumunta naman ako kung nasaan sya ngayon. Nandoon na din si Liz na kakakilala lang namin kahapon.
"Kamusta," bati ni Liz.
"Ayos lang," matipid na sagot ko.
"Oh napano ka?" biglang tanong ni Mel.
"Wala naman," pinilit kong isaayos ang tono ko para hindi nya mahalata.
"Hindi. Alam kong masama pakiramdam mo ngayon," sabi pa nya at may kinuha sa bag nya.
"Buti nalang may dala ako nito. May kutob kasi akong sasama na naman ang pakiramdam mo sa niluto ko," sabi pa nya at inilapag ang pamahid.
"Ayos lang ba?" tanong ko.
"Ha? Oo naman, ano ka ba?" sagot nya sa'kin.
"Ang.. ibig kong sabihin, ayos lang bang hindi ako okay sa niluto mo?" pagkukumpirma ko. Nakita ko namang nagbago ang reaksyon nito pero mabilis nya itong pinalitan ng ngiti.
"Oo naman," sagot nya at nagpatuloy sa ginagawa nyang pagse-selpon.
"Kumain na ba kayo? Ako na bibili," sabi ko pa tsaka tumayo pero pinigilan ako ni Mel.
"Hindi.. ako na ang bibili," sabi pa nya at tumayo. Hindi na ako umangal pa at kinuha ang pamahid na nasa mesa, tsaka ko ito pinahid sa pagitan ng tyan at ilalim ng dibdib ko. Sumabay naman si Liz kay Mel kaya ako nalang mag-isa ang naiwan ngayon, kinuha ko muna ang aklat aralin ko para magsuri sa mga hindi ko napagtuunan ng pansin kaninang paksa. Habang nagbabasa ay may nararamdaman akong nakatingin sa'kin kaya isinara ko muna ang libro ko at tumingin sa kaliwa para 'di ako mahalata. Ilang sandali pa ay tumingin na din ako sa kanan at may nakita akong dalawang mata na nakatingin sa direksyon ko. Sya na naman. Ano bang kailangan nya sa'kin? Humingi naman ako ng patawad sa kan'ya ah? At isa pa wala na akong ibang atraso bukod sa nung natapunan ko sya. Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy na sa pagbabasa ng aklat aralin ko.
Hindi nagtagal ay dumating na sina Mel dala-dala ang dalawang plato na may kanin at binarbekyung karne. Inilapag nya lang ito tsaka bumalik ulit sa bibilhan, lumingon naman ako sa kinaroroonan ng lalaki kanina pero paglingon ko ay wala na ito. Umuna nalang akong kumuha ng pagkain tsaka dahan-dahang kumain. Pagkarating nina Mel ay may dala itong dalawang baso ng inumin pati na din kay Liz.
"Nauna na ako kumain. Gutom na kase ako," sabi ko pa nung maupo sila.
"Ayos lang, 'wag ka mag-alala," sagot ni Mel at kumain na din sya.
Alex's PoV
Nandito ako ngayon sa loob ng banyo at nakatulala sa salamin, hindi ko pa din nakakalimutan ang imahe nya dito kanina habang nagpupunas ng mukha nito. Lumabas naman ako sa banyo at pumuntang canteen para kumain nang makita ko yung lalake kanina na si Tareon na nagbabasa ng libro. Sobrang pala-aral nya nga talaga, medyo nabahala pa ako dahil isinara nya ang kanyang libro at lumingon sa kaliwa pagkatapos naman ay dito sa direksyon ko. Alam kong nakita nya ako kaya ibinalik nya ang kanyang tingin sa libro at nagbasa muli. Ilang sandali pa ay may lumapit na dalawang babae sa kan'ya na may bitbit na pagkain. Pamilyar sa akin ang isang babae, hindi ko masyadong ma-aninag ang kanyang mukha dahil sa buhok nito na nakatakip sa mukha nya. Pero parang nakita ko na sya noon pa o namamalikmata na naman ako. Umalis na ako sa pwesto ko at bumalik sa silid-aralan ko dahil parang nawalan na ako ng gana kumain.
Inantay ko nalang na matapos ang pananghalian sa pamamagitan ng pagtulog. May mga imaheng lumalabas sa utak ko pero sobrang labo nito. Parang may ipinapahiwatig ito sa akin, kamay na magkahawak lang ang nakikita ko at sa tuwing titingin ako sa taas ay sobrang maliwanag.
"Uy.. uy.. Alex," may yumuyogyog sa'kin.
"Anong nangyayari sa'yo? Binabangungot ka ata," sabi niya nang mag-angat ako ng tingin.
"Anong ginawa ko?" usisa ko dito.
"May binibigkas kang hindi ko naiintindihan," sagot niya.
"Ganon ba.. sige pasensya na ha," sabi ko pa at inayos ko naman ang sarili ko. Lumabas muna ako at pumunta ng banyo pagkatapos ay naghilamos doon. Pagka-angat ko ng ulo ko ay na-alala ko yung ginawa niyang pag-angat niya ng ulo.
"Ba't ba ako nagkakaganito?" sabi ko pa sa isip ko at naghilamos ulit. Nang mahimasmasan na ako ay kinuha ko ang bimpo sa bulsa ko at pinunasan ang mukha ko. Lumabas na ako sa banyo, tumunog naman yung tiyan ko kaya dali dali akong pumunta ng canteen para bumili dahil baka tumunog na yung batingaw. Buti nalang ay naka-abot pa ako bago tumunog ito, mabilis naman akong tumakbo papuntang silid ko at doon na kinain ang pananghalian ko.
"Penge!" sabi pa ng kaklase kong lalake kaya inalok ko ito. Kumagat lang siya doon pagkatapos ay tinapik ang balikat ko at nagpasalamat kahit may kinakain pa siya. Umupo na ako sa silya ko at kumain ng tahimik dahil baka MAY MANGHINGI NA NAMAN!!! Medyo gutom ako kaya naiinis ako kapag may ganyang tao na nanghihinge sa'kin-_-. Dumating naman ang guro namin kaya dali dali ko itong inubos kahit pa wala akong tubig. Nagtawag pa muna siya ng mga pangalan namin bago siya magsimulang magsulat sa puting pisara at nagsasalita. Hanep isang matematikong guro na nagsasalita pa at nagsusulat! Pa'no kami makakapokus niyan ser?? Hindi na muna ako nagpokus sa pagsusulat niya sa halip ay nagpokus ako sa sinasabi niya at yun ang isinusulat ko sa kwaderno ko.
"Stop writing!" sigaw niya at humarap sa'min. Now I want someone to repeat what I'm saying here.
"Oummm! Ayan siya! Ganiyan na ganiyan talaga siya magturo!" sigaw ko pa sa isipan ko.
"I'd like Ms. Pres to repeat what I'm saying earlier or just summarize it," dagdag niya pa at tumayo naman ang presidente namin. Nasabi naman niya yung sinasabi ni sir kanina kaya nagpatuloy siya sa pagsusulat sa pisara at hindi na siya nagsalita pa.