Genre Ranking
Get the APP HOT
A Heartthrob Dweeb [Tagalog] Book I
img img A Heartthrob Dweeb [Tagalog] Book I img Chapter 8 Bakit
8 Chapters
Chapter 10 Si Kuya img
Chapter 11 Sanaysay img
Chapter 12 Sino img
Chapter 13 Lihim img
Chapter 14 Kurso img
Chapter 15 Paglabas img
Chapter 16 Kasiyahan img
Chapter 17 Ano img
Chapter 18 Kahina-hinala img
Chapter 19 Pelikula img
Chapter 20 Ako Cute img
Chapter 21 Debate img
Chapter 22 Problema img
Chapter 23 Si Alex img
Chapter 24 Pagkalimot img
Chapter 25 Kataka-taka img
Chapter 26 Masamang Balita img
Chapter 27 Huli Ka! img
Chapter 28 Nakakatawa'Yon img
Chapter 29 Barkada img
Chapter 30 Kakatuwa img
Chapter 31 Kakilala img
Chapter 32 Opera img
Chapter 33 Galit img
Chapter 34 Ala-ala img
Chapter 35 Hukbo img
Chapter 36 Ang Sakit! img
Chapter 37 Balik Sa Dati img
Chapter 38 Kawawa img
Chapter 39 Payo img
Chapter 40 Katapusan Ng Unang Libro img
img
  /  1
img

Chapter 8 Bakit

Mel's PoV

Medyo nalungkot ako nung makita ko ang reaksyon ni kuya kanina nang tinikman nya ang niluto ko. Alam kong sobrang panget ko magluto pero yun lang talaga ang kaya kong gawin eh. Hindi naman ako magaling sa pagtitimpla ng lulutuin. Pero ayun lang, nalungkot lang talaga ako.

"Ayos ka na ba? Naglagay ka ba nung binigay ko sa'yo?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Ah oo. Medyo bumuti naman ang pakiramdam ko sa binigay mo," sagot nya at nagpatuloy sa pagkain.

"'Wag ka masyadong magpakabusog baka isuka mo lang 'yan," sabi ko pa at sumubo na.

"Opo madam," sagot nya ng mailunok nya ang kinakain nya.

"Huyy.. magsalita ka naman jan. Baka mabulunan ka nyan," biro ko pa kay Liz.

"Ah ha? Pasensya na may iniisip lang," sagot nya.

"Ano naman 'yon?" usisa ko pa.

"W-wala 'to hehehe," sagot nya lang at nagpatuloy sa pagkain. Binalewala ko nalang ito kase baka maturan pa akong chismosa. Kumain nalang ako at maya maya pa ay natapos na kaming kumain. Kami parin ni Liz ang nag-sauli ng mga pinagkainan namin tsaka kami naghiwa-hiwalay ng landas nina kuya at Liz. Dumiretso na ako sa silid aralan para hindi na ako ma-huli mamaya. Kinuha ko na ang kwaderno ko sa sa Filipino pati ang panulat ko.

"Hoyy.. pakilala mo naman ako sa kuya mong pogi," sabi pa nitong sobrang mabunganga dito sa klase namin.

"Si Tar? Sus.. 'wag ka na don. Panget panget kaya non at isa pa wala 'yong taste sa'yo noeh!" pambabara ko sa kan'ya para 'di na sya magdagdag pa ng salita.

"Eh pagpapakilala lang andamot damot mo talaga. Gusto mo din kuya mo noeh?" tanong pa nya at alam kong hindi naman 'to magtatapos hanggang sa dumating ang guro namin.

"Malamang kuya ko 'yon eh," sagot ko at nagulat naman sya.

"Ang ibig kong sabihin, 'yon bang gusto mo sya mapasayo," sabi pa nya at nakukuha ko naman ang gusto nyang iparating.

"Gaga! Kuya ko nga 'yon diba? Kaya malabo yang iniisip mo," sabi ko pa.

"Eh.. pupwede naman kase 'yon," tsaka ako natawa sa sinagot nya.

"Anong pwede ka jan! HAHAHA napunta na sa akin ang usapan eh ang gusto mo lang naman magpakilala sa kan'ya diba?" pagbabalik paksa ko nung lumapit sya sa akin.

"Eh ayaw mo kaseng ipakilala sakin yung kuya mo. Kaya ikaw nalang pag-uusapan natin," sabi pa nya at mas natawa pa ako dahil parang interesado talaga sya sa kuya ko.

"Bukas. Punta ka sa canteen, ipapakilala ko sya sa'yo ng malapitan," sabi ko pa at nagliwanag naman ang mukha nito.

"Talaga?" sabik na tanong nya.

"Oo," sabi ko.

"Sige sabi mo yan ha?" tsaka sya bumalik sa upuan ko.

"Hays salamat at matiwasay na ulit yung buhay ko," mahinang sabi ko pa nung maka-alis na sya.

Alam mo yung gusto mo lang ng tahimik na buhay pero may maingay ka na kaklase, hindi ko din sya maprangkang patahimikin sya kase baka masumbong ako nito at naghahamon ako ng away. Oks na din siguro yon para naman hindi sobrang lungkot ang buhay ko. Malungkot na nga ako, papalungkotin ko pa ba ang paligid? Ano 'to damay damay lang? Shunga 'tong author na 'to sinasali yung totoong nararamdaman ngayon, tumigil ka na nga. Eto na po titigil na.

Ilang sandali pa ay dumating na nga ang guro namin sa Filipino, walang sabi sabi at diretso nagsulat sa pisara. Baka iniwan siguro 'to. Kinuha ko naman ang kwaderno ko at panulat tsaka nagsulat na lang din ako para 'di ako mapagalitan, nasa unahan pa naman ako. Habang nagsusulat ay may na-aalala ako sa isinusulat ko, ang paksa ngayon ay hindi naman sobrang importante pero may na-aalala lang ako sa nakaraan ko. Ala-alang ayaw ko mang balikan pero palaging sumusulpot sa isipan ko.

N A K A R A A N

Naglalakad ako ngayon bitbit ang borger at juice na binili ko sa canteen, nang makadaan ako sa maliit na eskinita ay parang may naririnig akong naghahalikan. Sobrang mausisa ako kaya tiningnan ko ito kung sino ito at bigla nalang tumulo yung luha ko. Hindi ko alam pero tumakbo ako ng biglaan palabas ng paaralan, dala dala ko naman ang bag ko kaya wala na akong dapat alalahanin pa. Nagpara nalang ako ng dyip at pagsakay ko ay pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko. Naninikip masyado yung dibdib ko ngayon, pinahid ko nalang ang luhang tumulo mula sa mata ko pagkatapos ay pinasuyo ang bayad ko. Bumaba ako kaagad kahit pa may sukli ako tsaka ako pumasok ng bahay ko. Kaagad akong pumasok sa kwarto ko at humagulgol doon. Mga ilang oras siguro bago ako tumigil sa pagd-drama at napagtanto kong kung karapat dapat ba siyang iyakan.

Nasa sala ako ngayon at nagda-dalawang isip magpalit ng sim card, kani-kanina lang nakita ko yung jowa ko na may kahalikang babae. Hanggang ngayon tumutulo pa din yung luha ko kahit pa maj ayaw ko ng umiyak. Wala naman akong maisip na dahilan para saktan nya ako ng ganito ah?

Tinawagan ko muna ang kaibigan kong si Shane bago ako magpalit ng sim card.

"Moshi moshi panget mo," paunang bati nya.

"Nasaan ka?" paiyak kong tanong.

"Nasa classroom gaga ka ba?" nagtatakang tanong nya.

"T-teka umiiyak ka ba? May nangyari ba beh?" dagdag na tanong nya.

"Pwede ka bang pumunta sa bahay?" tanong ko at walang na syang isinagot at pinatay ang tawag. Kinuha ko ang sim sa selpon tsaka ko ito itinapon sa basurahan. Walang tigil ang pag-agos ng luha ko, bumabalik balik parin sa utak ko ang imahe kanina. Kung paano nyang halikan ng madiin ang babaeng 'yon. Hindi naman ako tulad ng iba na magbubulag-bulagan sa nakita nila. Kanina ang naisip ko nalang talagang gawin ay ang umalis ng 'di nagsasabi. Total aalis na din naman kami ni kuya sa susunod na linggo kaya maayos lang sigurong 'wag na akong pumasok. Hindi naman alam ng jowa.. dati kong kasintahan ang bahay namin ngayon dahil itinago ko ito mula sa kuya ko kaya, mismo ang kuya ko ay walang ding alam sa nangyayari. Kumuha muna ako ng tubig sa kusina at ininom ito para naman kumalma ako ng kakunti man lang. Humiga muna ako sa sopa at iniisip ang mga bagay na dapat hindi iniisip! Tumayo muli ako na parang nasisiraan ng ulo pagkatapos ay hinimas himas ko ang ulo ko para naman maibsan ang sakit nito. Medyo bumuti buti naman ang pakiramdam ko kaya humiga akong muli at pilit pinapakalma ang aking paghinga.

Previous
            
Next
            
Download Book

COPYRIGHT(©) 2022