Queen Series 1: Amira Zaine Legazpi
img img Queen Series 1: Amira Zaine Legazpi img Chapter 7 My Only Baby
7
Chapter 8 Manliligaw img
Chapter 9 Jealous img
Chapter 10 Label img
Chapter 11 Possessiveness img
Chapter 12 Principles img
Chapter 13 Bitter img
Chapter 14 Extra-Sweet img
Chapter 15 Selena img
Chapter 16 For the rest of my life img
Chapter 17 Genuine img
Chapter 18 Let Go img
Chapter 19 Wasted img
Chapter 20 Lost img
Chapter 21 Broken Glass img
Chapter 22 Bata img
Chapter 23 Comeback img
Chapter 24 Home img
Chapter 25 Forevermore img
Chapter 26 I Do img
Chapter 27 Family img
Chapter 28 Selene Liynus Marquez img
Chapter 29 King and Queen img
img
  /  1
img

Chapter 7 My Only Baby

Amira ignored her nervousness, hinanap niya ang kaibigang si Jane at nakitang nag-aaway sila ng dati nitong kasintahan na si Hero. Hindi niya gusting pakinggan ang mga pinag-uusapan ng dalawa kaya naman humakbang siya paatras at aalis na sana ng magkasalubong ang mukha nil ani Jethro na sumunod pala sa kaniya.

Why are you here? Tanong niya sa binata.

I followed you. So, your friends ex was Akihero. Saad ng binata at tinitignan ang dalawang taong nagtatalo di kalayuan sa kanila.

How did you know him? nagtatakang tanong ni Amira, dahil masyadong malayo ang manila sa Bulacan para maging magkaibigan ang dalawa.

Hes my cousin. Parehas kami ng apilyedohindi ba halata? nakangiting sagot nito kay Amira. Napasapo naman sa kanyang bibig si Amira ng maalala na parehas nga ng apilyedo ang dalawa. Akihero Marquez at Jethro Linus Marquez.

How? Bakit? Paano? sunod-sunod na tanong niya at hindi talaga makapaniwala sa nalaman.

Ill explain with you in other time. Lets go, baka makita pa nila tayo at isiping pinapakinggan natin ang pinag-uusapan nila. Tumango nalang si Amira at nagpatianod sa hila ng binata.

Ilang oras pa ang lumipas bago isa-isang nagsiuwian ang mga bisita kaya napag pasiyahan narin ni Amira na yayain ang maglang na umuwi. Nagpaalam muna siya sa binata bago dumiretso sa kanyang magulang.

Hindi na muna bumalik si Amira sa bulacan dahil hinihintay pa niya si Jane, kaya si Jethro ay kinukulit nanaman siya gamit ang text at tawag. Hindi malaman ni Amira kung nagtatrabaho pa ba ito o puro siya lang ang inaatupag.

"Who's that man last night Amira?" tanong ng ama ni Amira na halata naming tinutukoy si Jethro.

"Sino daddy?" pa inosenteng tanong ni Amira sa ama.

"That man that you're flirting with." Parang naiinis na sagot ng ama niya.

"OMG! Amira you have a boyfriend?" OA na sigaw ng ina ni Amira, dito talaga siya nagmana sa ina niya. Maingay at sadista.

"Ang OA My, hindi ko boyfriend yun. Ahm ano lang siguro M.U?" hindi siguradong sagot ni Amira.

"Do you love each other baby?" tanong ng ina ni Amira sa anak at kumikinang pa ang mata na nakatingin siya rito.

"I don't know about his feelings pero ako gusto ko siya My, pero hindi love alam mo naman na bitter ako sa word na yun." Seryoso niyang sagot sa ina dahil hindi rin naman niya sigurado ang nararamdaman ng binata.

"Ipakilala mo saamin ang nobyo mo Amira." Seryosong saad ng kanyang ama.

"Hindi ko nga nobyo ang kulit nyo naman, Daddy." Naiiritang sagot ni Amira dahil sa paulit-ulit na pagsabi ng mga ito na mag nobyo sila ng binata.

"Kahit na nobyo o hindi, kailangan kong makilala yun." Seryoso naman at pinal na sagot ng kanyang ama.

"Errkey pag may oras na siya ulit." Wala na siyang nagawa kundi ang sumang-ayon dahil mukhang hindi magpapapigil ang ama.

"San ba ang bahay ng boyfriend mo na yun baby?" napa buntong hininga si Amira ng marinig nanaman ang salitang boyfriend sa tanong ng ina.

"Taga bulacan po My, siya po ang boss nung company na pinag OJT-han ko." Malumanay na sagot ni Amira at pinipigilan ang sarili na mainis sap ng iintriga ng mga ito.

"Really? So pwede naman namin siyang i-meet nalang pag graduation day mo na para hindi siya busy ng araw na iyon. Sigurado naman ako pupunta rin siya sa graduation day mo." kinikilig na saad ng ina ni Amira, sinang ayunan nalang niya ito para matahimik na sila.

Lumipas ang araw at nag-aya ng umuwi si Jane pero kanya-kanya sila ng kotse na gamit, Nakauwi na sila Amira at Jane sa bahay nila at ng simula naman silang linisin ang buong bahay dahil naiwan nila ito na hindi nalinis.

"Let's date." text ni Jethro kay Amira.

"Bukas na after ng pracatice ko, naglilinis kami ng bahay ngayon." reply naman ni Amira na kasalukuyang nagtatanggal ng agew sa kisame.

"Oh, okay see you tomorrow. I Love you, baby." naramdaman nanaman ni Amira ang kakaibang pakiramdam dahil sa word na I love you na yun, pero ipinag sawalang bahala niya nalang yun at nagpaalam kay Jane.

"Bessy bukas di ako dito matutulog ah. wag mong sabihin kila mommy." Nagpapa cute na saad ni Amira sa kaibigan nang makalapit ito sa kanya.

"San ka matutulog?" nagtataka naman nitong tanong.

"Ahmsa condo ni Jethro." Medyo kinakabahang sagot ni Amira at agad iniwas ang tingin sa kaibigan.

"Boyfriend mo na?" nanunudyo ang tingin ni Jane sa kaibigan.

"Hindi pa." namumula ang pisngi ni Amira ng sagutin ang tanong ni Jane.

"Hindi PA. ibig sabihin may balak." Mapang-asar ang tono ni Jane at may bahid pa ng pagkatuwa sa kanyang boses.

"Wag ka nga dyan. Basta wag mo akong isusumbong ah." Kahit nahihiya ay pinakusapan parin niya na huwag siyang isumbong.

"Sige lang basta walang spg na mangyayari. Wag isusuko ang bataan, baka pagsisihan." Natatawang sagot ni Jane at lumayo sa kaibigan dahil baka batukan siyaa nito.

"Oo naman noh, naku sa sobrang bitter ko tingin mo ba ibibigay ko nalang basta yun?" namumula na ang pisngi ni Amira pero pinilit parin niyang patibayin ang boses na akala mo ay hindi naaapektuhan.

"Di natin alam. Malay mo maakit ka." Malakas na saad ni Jane dahil nasa kusina na siya habang nasa sala si Amira.

"Che! ayan ka nanaman." tumawa lang si Jane at nagpatuloy sa paglilinis.

Pagkatapos maglinis nila Amira sa buong bahay ay kumain na muna sila ng dinner bago ang mga sarili naman ang nilinis at nag pahinga.

Kinabukasan maagang pumunta si Amira sa practice nila para sa graduation, wala naman masyadong ginawa kaya pinauwi narin sila mga bandang alas diez ng umaga kaya tinext na ni Amira si Jethro na paalis na siya at papunta na sa condo ng binata. Sa parking lot na sinundo ni Jethro si Amira dahil baka may mga magpakilala pa ditong mga lalaki atsaka hindi naman alam ng dalaga ang unit niya.

Pagkababa ni Amira sa kotse nito ay kinuha ni Jethro ang dala ng dalaga, at pinag siklop ang mga kamay nila hanggang sa makapasok sila sa condo ni Jethro.

"Marunong ka bang mag luto?" pang uusisa ni Amira kay Jethro nang makita ito na naghahanda ng mga ingredients.

"Yeah. How about you?" tanong naman ni Jethro kay Amira na tinanguan naman siya habang kinakagat ang tsokolate na kinuha nito sa freezer ng binata.

"Really? Pwede na pala kitang asawahin, Aww! Ang sadista mo talaga." saad ni Jethro habang hinihimas ang braso na hinampas ni Amira.

"Umupo ka na nga lang dun sa sala, baka di ko mapigilan panggigilan kita." Dagdag pa ng binate at mahinang tinulak ang dalaga papunta sa sala.

"Batok you want?" sagot naman ni Amira sa binata habang pinupukol ito ng masamang tingin.

"Okay na saakin yung kiss." tumatawang biro ni Jethro sa dalaga, at hindi naman niya inasahan na lalapit sa kanya si Amira at hahalikan siya sa labi pero mabilis lang at tumakbo na ito sa sala.

"BABY!" nangingiting sigaw ni Jethro.

"ANO NANAMAN!" sigaw rin pabalik ni Amira na prenteng nakaupo sa sofa at naghahanap ng magandang panunuorin.

"Bitin yung halik! Gusto ko isa pa, yung torrid!" natatawa pero kinikilig na sigaw muli ni Jethro sa dalaga.

"SAPAK NA TORRID BAKA GUSTO MO!" Kunwaring galit na sagot ni Amira para hindi mahalata ng binata na nahihiya siya dahil sap ag halik niya dito.

"Ang sadista talaga, kaya mahal kita eh." bulong ni Jethro habang sinisimulan na ang pagluluto.

Pero hindi pa man siya natatapos mag luto ay bumalik na si Amira sa kusina niya na naka busangot.

"Amboring naman dito, walang magandang palabas." Tinatamaad na saad ni Amira at lumapit sa island counter kung san nagluluto ang binata.

"Gusto mo sayawan kita? Para hindi ka ma bored." natatawang sagot ni Jethro sa dalaga at nagsimulang sumayaw ng mahalay na sayaw at pinatugtog pa ang kantang careless whisper.

"Yuck! Kadiri ka, tumigil ka nga." nakita ni Jethro na tinatakpan ni Amira ang mata niya kaya nilapitan niya ito at pinilit na ibaba ang kamay ng dalaga. Gumiling giling siya sa tabi ng dalaga at nang akma na niyang itataas ang t-shirt niya ay tumakbo nalang bigla ang dalaga pabalik sa sala.

"Malandi ka talagang lalaki ka! Malandi! Kadiri ka, wag kang lalapit saakin ah." pagsisigaw ni Amira habang tumatakbo ito paalis sa kusina. Tawang-tawa naman si Jethro sa reaksyon ng dalaga at nag patuloy na siya sa pagluluto.

"Baby. Luto na ang pagkain. Let's eat." Saad ni Jethro nang sunduin niya ang dalaga sa sala, naka busangot naman na humarap sa kanya ang dalaga kaya nginitian niya ito ng matamis.

Pagkatapos nilang kumain ay sabay din nilang hinugasan ang mga pinagkainan at tinungo ang sala para manuod. Magkatabi silang dalawa habang ang kamay ni Jethro ay nakapulupot nanaman kay Amira.

"Alam mo yung palabas na Boss baby ba yun? O My baby boss? Basta yun. Yun ang gusto kong panuorin." saad ni Amira at iniabot kay Jethro ang remote dahil ito ang pinaghahanap niya sa palabas na sinabi niya.

Kinuha naman ni Jethro ang remote at hinanap sa Netflix ang palabas na gustong panuorin ng dalaga at nang mahanap niya ito ay sinimulan na nilang panuorin.

"Gusto ko din magka baby ng ganyan katalino." Pagkausap ni Amira sa sarili habang seryoso sa pinapanuod.

"Oh my God bakit ang cute nung mga baby." komento ni Amira habang tutok na tutok sa pinapanuod, naaaliw talaga siya sa mga bata. Matagal na niyang pangarap na magka anak ng marami pero hindi naman kasi siya naniniwala sa pag-ibig.

"You want a baby? Or do you want to be my baby?" singit naman ni Jethro sa sinasabi ng dalaga.

"He! Manahimik kang hudyo ka. Tigil tigilan mo ako sa ka cheesihan mo." inis kunwaring sagot ni Amira kay Jethro kahit sa loob-loob niya ay kinikilig na siya.

"You know I can give you lots of baby, ilang baby ba ang gusto mo?" malambing na saad ni Jethro at marahang hinihila ang dalaga palapit sa kanya.

"Shhhh tahimik! Nanunuod ako." dahil hindi maagaw ni Jethro ang atensyon ng dalaga ay mas hinapit niya ito palapit sa kanya at hinalik-halikan ito sa leeg habang kinikiliti sa bewang ang dalaga. Nagtitili naman ito at napahiga na sa sofa habang si Jethro ay patuloy lang sa pag kiliti sa dalaga.

"T*ngna tumigil ka nga!" tili ni Amira at pilit inilalayo ang kamay ng binata sa kanya. Hinalikan naman siya ni Jethro sa labi at tumigil narin sa pag kiliti sa kanya.

"Your mouth is bad, but it's okay hahalikan nalang kita kapag nagmumura ka."

"Baby." saad ni Jethro sabay halik sa labi ni Amira.

"My baby." sabay halik niya ulit sa labi ng dalaga at niyakap ito at pinag palit ang posisyon nila kaya si Amira na ang nasa ibabaw niya.

"My only baby." at hinalikan muli ni Jethro ang dalaga na mas matagal pa sa mga nauna niyang halik.

                         

COPYRIGHT(©) 2022