"Sige. See you." hindi maganda ang pakiramdam ni Amira habang nasa byahe siya, agad ibinalita sa kanya ng ina na nagsasalita ng muli ang ate niya kaya kahit mapa absent pa siya sa ojt niya ay okay lang sa kanya.
Nakarating rin naman si Amira sa manila pagkatapos ng apat na oras na byahe dahil wala naman masyadong traffic. Dumiretso na siya sa lugar kung saan andoon ang kanyang ate.
Nang makita ng nurse si Amira ay pinapasok naman agad siya nito sa kwarto ng ate niya. Nakita niya roon ang mommy at daddy nila, kasama ang kanyang pamangkin na pitong taong gulang na.
"Andyan kana pala Amira, kanina pa nangungulit itong pamangkin mo nalaman lang na pupunta ka dito." hinalikan naman ni Amira ang kanyang mga magulang bago umupo sa tabi ng pamangkin at hinalikan rin ito sa nuo.
"Ate mira, may nakita po akong mga bagong toys sa mall, bili nyo po ako ate." nagpapa cute pa kay sa dalaga ang pamangkin niya habang nakahawak sa kanyang braso.
"Sabi sayo Azi, tita mo ako hindi ate. Pero sige mamaya pupunta tayong mall para bumili ng toys, at maglalaro din tayo." lumiwanag naman ang itsura ng pamangkin ni Amira at hinalikan siya sa pisngi.
"Sige tita! Thank you po."
"Iniispoil mo nanaman iyang si Azi."
"Hayaan nyo na Daddy. Kamusta na pala si Ate?" iniba nalang ni Amira ang usapan dahil ayaw niyang sumama ang loob ng pamangkin niya. Gusto lang naman niya na hindi nito maramdaman na wala ang ate niya sa tabi nito. Dalawang taon narin simula ng napilitan silang ilagay sa mental institution ang ate niya.
"Okay lang ang ate mo, kanina ay matino na siyang nakakausap. At sabi rin ng mga doctor ay hindi na siya madalas magwala at mag tangkang magpaka matay." naluluhang sagot ng ina ni Amira, niyakap naman ito ng dalaga at hinagod ang likod ng ina.
Dalawang taon na ang nakararaan nang mawala sa sarili ang ate ni Amira, simula ng malaman nito na may kalaguyo ang asawa nito ay nagsimula itong maging suicidal na mas lumala ng tuluyan siyang iwanan ng kanyang asawa.
Hindi na nito napag tuonan ng pansin ang anak niya, palagi itong tulala o kaya naman ay nagwawala at tinatangkang patayin ang sarili. Kaya nang hindi na ito nakayanan ng magulang niya ay dinala na nila ito sa mental para magamot.
Inabot ng dalawang taon bago ito nakausap ng matino. Napakatagal na hinintay ito nila Amira.
Pinunasan ni Amira ang luhang pumatak galing sa kanyang mata, hindi mapigilang makaramdam ng awa para sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang pamangkin na si Azi. Alam niyang hindi pa ito naiintindihan ng pamangkin pero nakikita rin niyang nasasaktan ito. Lalo na sa mga panahon na hindi niya makausap ang ina dahil nagiging agresibo ito, at takot silang baka masaktan ng ate niya ang sariling anak.
"Amira, kamusta naman ang pag-aaral mo?" tanong ng ama ni Amira sa anak.
"Okay lang, nag o-ojt ako ngayon. Pagkatapos nun ay hihintayin nalang namin ang graduation."
"Mabuti naman kung ganun. Palagi kayong mag-iingat ni Jane."
"Opo My."
"Anak, mabuti pa ipasyal mo na si Azi. Bumalik nalang kayo ulit dito mamaya, baka gising na ang ate mo nun."
"Sige po, Azi tara punta na tayo sa mall."
Lahat ng magustohan na laruan ng pamangkin ni Amira ay binili niya. Kumain din sila at naglaro sa tom's world. Kasama nila ang yaya nito kaya hindi naman siya nahirapan sa pagbubuhat ng mga pinamili nila.
Idiniretso na niya ang pamangkin sa bahay dahil tumawag sa kanya ang ina na nagising ang ate niya at hindi nanaman makausap ng matino.
Kinabukasan araw ng linggo ay muling binisita ni Amira ang kanyang ate, napaiyak nalang siya ng makita ang kapatid na sinasaktan nanaman ang sarili niya.
"My God, Ate tama na! Please lang maawa ka naman saamin. Bumalik kana Ate!" umiiyak na sigaw ni Amira habang yakap ang kapatid na huminahon naman din.
"Ang daya-daya nyo ni kuya, iniwan nyo akong mag-isa." umiiyak na sambit ni Amira habang humihigpit ang yakap sa kanyang kapatid.
"Amira?" napaangat ng tingin si Amira ng marinig ang kapatid na binanggit ang pangalan niya.
"Ate...Ate ako to si Amira, ang bunso nyong kapatid." mas lalo lang bumuhos ang luha ni Amira ng maramdaman ang kamay ng kapatid sa kanyang pisngi, pinupunasan nito ang mga luha ng dalaga kaya mas lalo lang siyang nasasaktan.
"Ate, miss na miss kana namin. Miss kana ni Azi, bumalik kana saamin please, hindi mo na ba kami gustong makasama?" bigla namang napalayo si Amira sa ate niya ng magsimula itong magsisigaw na at nawala nanaman sa kanyang sarili.
Napagpasyahan na umuwi ni Amira sa bulacan ng masiguradong nasa ayos na ang kanyang kapatid. Saglit lang siyang dumaan sa kanilang bahay para magpaalam at bumyahe na pauwi sa bahay nila ni Jane.
Buong gabing umiiyak si Amira habang katabi sa higaan ang kaibigan, sinusuklay naman ni Jane ang buhok ni Amira habang yakap niya ito.
"Everything will be alright Amira. I'm here, always here for you." nakatulugan na ni Amira ang haplos ni Jane sa buhok niya at nagising nalang siya dahil sa mabangong amoy na niluluto ng kaibigan.
Naligo na siya at nag-ayos ng sarili para sa pag pasok sa trabaho. Kahit medyo mugto pa ang mata niya ay kailangan niyang pumasok sa trabaho.
Tulala lang si Amira buong maghapon, hindi na nga siya kumain ng tanghalian at nilunod nalang ang sarili sa trabaho. Tumatayo lang siya sa upuan kapag kailangan niyang mag banyo o uminom ng tubig.
Matamlay na naglalakad si Amira habang iniinda parin ang sakit na nararamdaman niya dahil sa mga nangyari sa kaniyang pamilya. Nasa tapat na siya ng kotse niya pero tulala parin siya.
Nagising lang ang diwa niya ng marinig na tumunog ang kanyang cellphone, kinuha niya iyon sa kanyang bag at nakita ang alarm na nanggagaling sa kanyang calendar. Biglang nanghina ang tuhod niya at muntikan na siyang matumba kung wala lang sanang humawak sa kanyang bewang.
Natulala siya habang nakatingin sa screen ng cellphone niya na tuloy-tuloy na tumutunog at may nakalagay na "Tomorrow kuya's B-Day/Death Anniversary" napaupo nalang si Amira at hindi na napigilang umiyak, mabilis ang pag agos ng mga luha niya pero hindi naman maingay ang pag iyak niya.
Ang bawat sakit na dapat ay isinisigaw niya ay parang naiipit sa kanyang puso, kaya mas lalo lang niyang nararamdaman ang sakit at poot sa mga taong gumawa ng mga panloloko sa kanyang mga kapatid.
"What's wrong?" kabadong tanong ni Jethro kay amira at lumuhod siya para mapantayan ito. Nakayuko ang dalaga sa kanyang tuhod at rinig niya ang impit na pag iyak nito.
"Baby, F*ck why are you crying." hindi parin sumasagot si Amira at patuloy na nanginginig ang balikat nito dahil sa pag iyak. Kaya niyakap ito ni Jethro kahit pa nakaupo na siya sa sahig.
Dahil sa panghihinang nararamdaman ni Amira ay hinayaan niya ang sarili na umiyak sa balikat ng boss niya, ramdam niya ang pag hagod nito sa likod niya habang pinapatahan siya nito.
Hindi na niya alam kung ilang minuto bago natapos ang pag iyak niya. Ngayon lang niya napansin na nakaupo pala siya sa kandungan ng binata at basang-basa narin ang damit nito sa bandang balikat. Pinunasan naman niya iyon na akala mo ay matutuyo pag ginawa niya yun.
"So..sorry, nabasa yung damit mo." emosyunal na sabi ni Amira at may isang butil nanaman ng luha ang pumatak galing sa mata niya.
"It's okay." seryosong saad ng binata at pinunasan ang pisngi ni Amira.
Tumayo sila pareho at si Jethro na ang nag bukas ng sasakyan ni Amira para makapasok na ito at makauwi.
"Sigurado ka bang makakauwi ka ng ligtas? Pwede naman kitang ihatid."
"Okay lang ako, mag-iingat ako. Salamat talaga." tumango naman si Jethro kay Amira, akala tuloy ni Amira ay aalis na ito pero nagulat nalang siya ng yumuko ang binata at hinalikan siya sa nuo.
"Ingat ka, mamahalin pa kita." saad nito at ngumisi pa kay Amira bago siya talikuran.
Habang si Amira ay nakatulog ng mahimbing. Dahil sa halik ng binata sa kanya at hindi niya maipaliwanag kung bakit naging payapa ang ang pakiramdam niya sa gabing iyon.