Queen Series 1: Amira Zaine Legazpi
img img Queen Series 1: Amira Zaine Legazpi img Chapter 6 Nervous
6
Chapter 8 Manliligaw img
Chapter 9 Jealous img
Chapter 10 Label img
Chapter 11 Possessiveness img
Chapter 12 Principles img
Chapter 13 Bitter img
Chapter 14 Extra-Sweet img
Chapter 15 Selena img
Chapter 16 For the rest of my life img
Chapter 17 Genuine img
Chapter 18 Let Go img
Chapter 19 Wasted img
Chapter 20 Lost img
Chapter 21 Broken Glass img
Chapter 22 Bata img
Chapter 23 Comeback img
Chapter 24 Home img
Chapter 25 Forevermore img
Chapter 26 I Do img
Chapter 27 Family img
Chapter 28 Selene Liynus Marquez img
Chapter 29 King and Queen img
img
  /  1
img

Chapter 6 Nervous

Natapos rin ang OJT ni Amira sa kompanya ni Jethro at binigyan naman siya ng binata ng pinaka mataas na grado, kaya pinag hahampas niya ang binata kahit sinasabihan siya nito na sadista.

"Aray ko naman! Baby, deserve mo naman yun kasi nag trabaho ka naman ng maayos. Yung mga kaklase mo mataas rin naman ang grades ah." pag dadahilan ni Jethro kay Amira, mukhang kumalma naman ang dalaga at umupo na ulit sa tabi niya.

Nasa mall ang dalawa at katatapos lang kumain ng tanghalian nila. Kahit natapos na ang trabaho ni Amira, ay palagi parin siyang kinukulit ng binata kaya palagi parin silang magkasama na kumain ng tanghalian o kaya ay dinner.

"How's your day?" tanong ni Jethro sa dalaga habang hinahawakan ito sa siko, dahil baka madapa ito sa kakatext nito, maglalakad pa man din sila papunta sa sinehan.

"Okay lang, practice lang ng pagmamartsa." sagot ni Amira at tsaka humawak sa braso ng binata na para bang normal iyon sa kanila. Itinago naman na niya ang cellphone niya dahil hindi naman na nag reply ang mama niya.

"Nakalimutan ko. Magpapaalam pala ako sayo, bukas kasi uuwi kami nung kaibigan ko sa manila."

"What for?"

"Party ata? Ang alam ko ibibigay na yung company ng magulang ni Jane sa kanya kaya may ganun. Pero feeling ko naman invited ka dun eh, noh?"

"Yeah. Wala sana akong balak na pumunta kasi maiiwan ka dito, pero kasama ka naman kaya sasama narin ako. Dapat kung nasaan ang asawa ko andun din ako." uminit at pinamulahan naman ng pisngi si Amira dahil sa sinabi ni Jethro.

"Manahimik ka kung ayaw mong ilaglag kita sa first floor." bulong ni Amira sa binata na hindi nanaman pinansin ang banta niya. Hinila nalang niya ito papunta sa bilihan ng ticket at namili ng palabas na hindi corny at hindi rin love story, si Jethro naman ay nakapila sa bilihan ng popcorn kaya sumunod nalang siya dun pagkatapos makuha ang ticket nila.

"Misis ko, anong gusto mong flavor." bulong ni Jethro kay Amira nang makalapit ito sa kanya.

"Cheese. Tapos gusto ko ng ice tea."

"Alright."

Habang hinihintay ni Amira na matapos ang pag order ni Jethro ay tinignan ulit niya ang cellphone niya kung may reply na ba ang mommy niya. Ibinalita kasi sa kanya ng ina na umaayos nanaman ang lagay ng ate niya. Ilang araw na daw itong maayos na kausap at nakipag laro kay Azi.

Dahil wala namang reply ang mommy niya ay binalik na niya ang cellphone sa bag at nginitian si Jethro na papalapit na sa kanya dala ang paglain nila. Hindi na naintindihan ni Amira ang palabas na pinapanuod nila dahil bukod sa boring naman ito ay dinadaldal pa siya ni Jethro hanggang sa matapos ang palabas.

Inaya nalang ni Amira si Jethro na umuwi na dahil aasikasuhin pa niya ang dadalhing gamit papuntang manila. Inihatid naman siya ng binata sa bahay nila at hinalikan siya sa nuo bago umalis. Kinabukasan maagang umalis si Amira at Jane kasama si Jaero na anak nito, at dahil gabi pa naman ang party sa bahay nila Jane ay buong maghapon na tumambay si Amira sa kung nasaan ang ate niya.

Natutuwa naman siya dahil nakakausap nga ito ng matino pero may mga pangyayari na hindi nito matandaan. Umalis lang si Amira dun nang malapit na ang party sa bahay nila Jane.

Nag-ayos siya sa bahay nila,nagsuot siya ng kulay itim na sweetheart sando dress na hanggang talampakan pero may slit naman iyon kaya mas kumportable siyang lumakad. Kulay itim rin ang heels niya at ang sling bag niya ay itim na may gold logo ng Gucci. Naka messy bun ang buhok niya at nag lagay ng sobrang simpleng make-up at kulay maroon na lipstick.

"Amira, tapos kana ba?"

"Opo mommy, alis na po tayo?" dahil ayaw nanaman mag drive ni Amira ay nakisakay na sya sa magulang niya, kasama nila si Azi na nakasuot pa ng suit.

"Pogi mo ngayon Azi ah."

"Ngayon lang po ate mira?" nanlalaki ang mata na tanong ng pamangkin ni Amira.

"Naku araw-araw kang pogi, pero sobrang pogi mo ngayon. Tapos Azi, sabi ko sayo tita mo ako hindi ate ha."

"Thank you po tita! Sanay lang po kasi ako na ate kasi ang young nyo pong tignan."

"Sus nambola ka pa. Wala akong maipapamana sayo Azi, umaasa lang din ako sa mana nila daddy saakin." nagtawanan naman ang magulang ni Amira dahil sa sinabi niya, gusto pa sana niya iyong dugtungan pero nag vibrate ang cellphone niya kaya tinignan niya kung sino ang nag text.

"Napaaga ako ng punta wala ka pa pala dito."

"I'm so lonely here baby."

"I miss my baby <3"

Napangiti naman si Amira dahil sa pagpapa bebe ni Jethro at nireplyan niya ito.

"Mag hintay ka! Malapit na kami."

"Okay, I'll wait baby, Love you."

"What the F!" bulong ni Amira sa sarili ng makita ang reply nitong love you.

"Diba po tita Amira ang meaning ng what the f is "What the F*ck?" inosenteng tanong ni Azi kay Amira, nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ng pamangkin.

"Azi saan mo natutunan yan? Ang bad ah."

"Bad po ba yun? Bat po ikaw sinasabi mo din yun?"

"Bad yun kasi bata ka pa, tsaka na pag adult kana."

"Ah, sige po tita." nakangiting sagot ng pamangkin ni Amira, binatukan naman ng dalaga ang sarili dahil naging bad influence pa siya sa pamangkin. Parang kinunsinte pa niya itong mag mura pag nasa tamang edad na siya.

Nang nakapasok na sila Amira sa napaka laking sala nila Jane na akala mo ay nasa palasyo ka ay agad niyang hinanap kung nasaan si Jethro. Nahanap naman niya ito na nakabusangot na nakaupo at may mga kasama pa atang mga business man din.

Lumapit si Amira sa binata at agad na lumiwanag naman ang mukha ni Jethro dahil nakita siya nito. Hindi na tuluyang nakalapit si Amira sa upuan ng binata dahil tumayo na ito at sinalubong siya.

"I miss you. Don't you miss me?" paglalambing ni Jethro at yumakap pa sa bewang ni Amira, gustong-gusto talaga niya na niyayakap ang dalaga.

"Doon kana tumabi saakin, dali kasama ko lang yung mga kaklase namin dati." pag-iiba ni Amira sa usapan dahil kinakabahan talaga siya, lalo na sa nararamdaman niya.

"Hindi mo manlang sinagot ang tanong ko." bulong-bulong ni Jethro.

"Ano yun?"

"Wala" nakangiting sagot ng binata kay Amira ng mag tanong ito.

Napa buntong hininga naman si Amira at hinawakan ang kamay ni Jethro at bumulong siya sa tenga nito.

"Namiss din kita kaya wag ka ng pabebe." sumilay naman ang malapad na ngiti sa labi ni Jethro at nagpatianod na sa hila ng dalaga.

Magkasiklop ang kamay nilang dalawa hanggang sa matapos ipakilala ni Amira si Jethro sa mga kaibigan, nang nakaupo na sila ay hindi na binitawan ni Jethro ang kamay ng dalaga.

Maya-maya lang din ay tumayo na ang ama at ina ni Jane sa stage sa harap ng mga tao.

"I will give our company now to my only daughter. Matanda na rin kami at kailangan ng magpa hinga dito sa bahay." panimula ng ama ni Jane,

"Don't worry, my Jane is a great leader. Alam kong mapapalago niya ang kompanya." dagdag naman ng ina ni Jane.

Pero sa mga sinabi ng magulang ni Jane ay mukhang maraming nadismaya. maraming nagbulungan na hindi daw niya deserve ang kompanya.

"As if naman sila ang magulang mo bessy. Ang eepal ng mga to." bulong ni Amira kay Jane, na halatang naiinis sa mga naririnig. Hinila naman ni Jethro ang kamay ni Amira dahil baka manampal nalang ito bigla, alam naman niyang sadista ang dalaga.

"Hindi bat masyado pang maaga para ibigay sa kanya ang kompanya?"

"Oo nga, lalo pa at iresponsable ang batang iyan."

"Ang alam ko pa nga ay may anak na siya, ngunit walang ama."

Mga bulungan ng ilan sa mga panauhin na halata namang gusto rin naman nilang marinig ni Jane. Tumayo naman si Jane para magsalita sa harap nang lahat.

"Go bessy, kung ako siguro yan pinag sasampal ko na tong mga chismosa na to." pag checheer pa ni Amira sa kaibigan, isinandal naman ni Jethro ang ulo niya sa balikat ni Amira.

"Baby, you're so adorable." bulong ni Jethro kay Amira habang mahinang tumatawa.

Hinampas naman ni Amira si Jethro sa braso dahil pinagtatawanan nanaman siya nito, pero hinuli lang ng binata ang kamay niya at dinala sa kanyang labi para mahalikan ito.

"Yes, I'm not perfect. I disappointed my family at the early age. I was smart,and talented girl, pero nawala ang lahat ng yun. Because I fall in loved to someone who can't love me the way I loved him." Alam ni Amira na nagpipigil lang si Jane sa pag iyak nito, kilala niya ang kaibigan niya at hindi rin niya maiwasan na malungkot para sa kaibigan.

"Nabuntis ako nang maaga, grabe ang kahihiyan na binigay ko sa aking pamilya. Pero hindi ko pinagsisihan na isilang ang aking anak, because he is the light in my darkness night, he is my inspiration and my life. And for your information hindi ako iresponsable, nabuntis lang nang maaga ay iresponsable na? Kung hinuhusgahan nyo ako ngayon dahil maaga akong naging ina, then go!"

"Wala akong pakialam dahil alam ko! alam ko sa sarili ko, na naging mabuti akong ina sa kanya, hindi ako naging iresponsable, dahil binigay ko ang lahat nang makakaya ko, despite of the struggles I've been through nakaya ko, at wala kayo dun kaya wala kayong karapatan na husgahan at pagsalitaan ako ng masama." Si Amira at mga pamilya lang nila ni Jane ang nakakaintindi dito, dahil sila lang ang nakakita kung gaano kahirap ang pinag daanan ng dalaga. Kung anong sakit ang naramdaman nito sa mga nakaraang taon, at kung gaano kabuting ina ang kaibigan.

"Shh, don't cry. I don't like seeing you crying." hindi namalayan ni Amira na umiyak pala siya dahil sa mga sinabi ni Jane. Pupunasan na sana niya ang luha pero naunahan siya ni Jethro, nakita naman niyang nakatingin sa kaniya ang mommy at daddy niya kaya yumuko siya sa balikat ng binata.

"Hey baby, do you want to date me tomorrow?" malambing na bulong ni Jethro kay Amira na kinurot naman siya sa tagiliran.

"Malandi ka talaga. San tayo mag dadate?" bulong din ni Amira habang naka yuko parin sa balikat ng binata dahil sa nararamdamang kaba dahil sa mga sinabi sa kanya ng binata mula kanina, at dahil rin sa tingin ng kanyang ama na kanina pa tumatama sa kanya.

            
            

COPYRIGHT(©) 2022