Queen Series 1: Amira Zaine Legazpi
img img Queen Series 1: Amira Zaine Legazpi img Chapter 5 Ang kulit
5
Chapter 8 Manliligaw img
Chapter 9 Jealous img
Chapter 10 Label img
Chapter 11 Possessiveness img
Chapter 12 Principles img
Chapter 13 Bitter img
Chapter 14 Extra-Sweet img
Chapter 15 Selena img
Chapter 16 For the rest of my life img
Chapter 17 Genuine img
Chapter 18 Let Go img
Chapter 19 Wasted img
Chapter 20 Lost img
Chapter 21 Broken Glass img
Chapter 22 Bata img
Chapter 23 Comeback img
Chapter 24 Home img
Chapter 25 Forevermore img
Chapter 26 I Do img
Chapter 27 Family img
Chapter 28 Selene Liynus Marquez img
Chapter 29 King and Queen img
img
  /  1
img

Chapter 5 Ang kulit

"Kamusta kana kuya? Sana okay ka lang kung nasaan ka man ngayon." pagkausap ni Amira sa puntod ng kapatid lahit alam naman niyang hindi siya nito naririnig.

"Grabe kuya ampanget talaga ng asawa mo, yung ugali din kasing panget ng mukha niya." narinig naman niya ang tawa ng katabi kaya tinignan niya ito ng masama.

"Gustong-gusto ko na silang pag untugin nung asawa ni ate, parehas silang manloloko. Pag talaga nakita ko pa sila ulit susunugin ko na sila ng buhay." dagdag pa ni Amira sa mga sinasabi habang tinatanggal ang mga ligaw na damo na tumatakip na sa pangalan ng kapatid.

"Napaka daya nyo talaga ni Ate, una ikaw iniwan mo kaming dalawa, tapos ilang taon lang ang lumipas si ate naman ang nang iiwan saakin. Hindi nyo manlang ako naisip." ramdam ni Amira na nagbabara nanaman ang lalamunan niya dahil naiiyak nanaman siya. Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy sa mga sinasabi niya.

"Pakiramdam ko yung mga pangako nyo saakin wala ni isang matutupad." gumagaragal na ang boses niya pero nagpatuloy parin siya sa sinasabi.

"Sabi nyo gigisahin nyo ang unang magiging boyfriend ko... Sabi nyo pati sa paghatid sa altar pag ikakasal na ako sasama kayo. Pero ngayon hindi na ako naniniwala sa forever. Walang ganun." parang baliw na umiiyak si Amira habang tumatawa dahil sa mga panunumbat niya sa kapatid.

"Alam mo kuya, ang laki na ni Azi. Kaso hindi parin magaling si Ate eh, kaya sila mommy na muna ang nag-aalaga sa kanya. Ang poging lalaki ni Azi kuya, gusto ko rin tuloy magka anak kaso ayokong mag-asawa." tumatawang saad ni Amira at pinupunasan ang mga luha niya.

Ramdam naman ni Amira ang paghigpit ng kamay ni Jethro sa bewang niya, at pag sandal ng ulo nito sa kanyang balikat.

"Uuwi na kami kuya, may trabaho pa ako bukas. Nga pala ito pala si Jethro kuya, boss ko yan." pagpapakilala ni Amira kay Jethro, pagkatapos ay inaya na niya ang binata na umuwi.

"Apat na oras nanaman tayong babyahe, gusto mo ba ako na mag drive?" tanong ni Amira kay Jethro habang naglalakad sila papunta sa kotse ng binata. Kanina pa rin niya napapansin ang pag hawak-hawak sa kanya ng binata, minsan sa bewang at minsan naman ay sa kamay na hinahayaan nalang niya.

"Nah, I'm fine. Pwede ka naman matulog kung pagod ka." sagot ni Jethro habang ginugulo naman nito ang buhok ng dalaga. Bumusangot naman ang mukha ni Amira na tinawanan lang ni Jethro.

Dahil siguro sa pagod ay nakatulog nga si Amira, nagising lang siya na nasa bulacan na pala sila ni Jethro.

"Gising kana pala, kain muna tayo."

Humihikab pa na bumaba sa sasakyan si Amira, tumingin muna siya at nanalamin sa side mirror ng sasakyan ni Jethro bago sumunod sa binata papasok sa loob ng restaurant na napili nitong kainan.

"Ihahatid na kita sainyo, tapos bukas susunduin nalang ulit kita."

"Eh? Paano yung sasakyan ko?"

"Hindi naman mawawala yun."

"Errkay...." napipilitang sang-ayon ni Amira kay Jethro dahil ayaw rin niyang mag drive baka makatulog siya bigla.

Sinabi naman ni Amira ang address ng bahay nila kay Jethro pagkatapos nilang kumain. Ilang minuto lang ang byahe at naihagid na rin ng binata si Amira sa bahay nito.

"Goodnight. Ingat ka." inaantok pa na pagpapaalam ni Amira kay Jethro at kinawayan pa ito bago siya pumasok sa gate.

"Goodnight Baby! Mag-iingat ako kasi aanakan pa kita." sigaw naman ni Jethro sa nakatalikod na si Amira, kaya itinaas lang ni Amira ang gitna niyang daliri. Umiiling na natatawa namang umalis si Jethro dahil pagod at inaantok narin siya.

Lumipas ang ilang linggo at malapit ng matapos ang pagtatrabaho ni Amira sa kompanya ni Jethro, sa ilang linggo ring lumipas ay talagang kinukulit siya ng binata. Palagi tuloy na sumasabay si Amira sa pagkain nito dahil hindi siya nito tinitigilan.

Isang linggo nalang at matatapos narin ang ojt niya, pagkatapos ay maghihintay nalang siya ng graduation dahil tapos narin naman lahat ng projects at thesis nila.

"Good morning Baby!" nagulat at napahawak si Amira sa bandang puso niya ng may magsalita sa bandang likuran niya.

"Ampanget talaga lagi ng timing mong dumuho ka!" naiiritang sagot ni Amira kay Jethro na ginulo lang ang buhok niya, kaya hinampas niya ito ng bag na dala.

"Abno!"

"Ang cute mo talaga, gusto tuloy kitang halikan."

"Manahimik ka dyan sungalngalin kita ng payong ko." singhal ni Amira sa binata na tinatawanan lang siya pero lumapit din naman ito sa kanya at tinulungan siya sa pag-aayos ng buhok niya na ito rin ang gumulo.

Tinitigan naman ni Amira ang binata habang inaayos nito ang kanyang buhok, napaka gwapo talaga nito at lalong bumagay ang salamin nito sa mata, ang balat nitong kulay moreno ay mas nagbigay ng kagwapuhan at angas sa binata. Mapupula ang labi nito at matangos ang ilong, ang mata nito ay palaging nakangiti at nang aakit.

"Baka matunaw ako Amira, sige ka baka halikan kita dyan." malambing na saad ni Jethro at mahinang pinitik ang nuo ng dalaga, nagising naman sa realidad si Amira dahil nagsalita si Jethro. Sininghalan nalang niya ito at inunahan na sa pagpasok sa kompanya nito.

"Sabay ulit tayo mag lunch."

"Bawal tumanggi. Bibigyan kita ng mababang grades sa pag o-ojt mo."

"Btw. Di mo pa ako binabati ng Good morning."

Pagkaupong-pagkaupo ni Amira ay akala niya natakasan na niya si Jethro pero mali pala siya, dahil sa text naman siya nito ginugulo ngayon.

"Good morning mo mukha mo!"

"Ang hilig mong blackmailin ako. Kapag talaga natapos na ako dito hindi na kita papansinin."

Hindi naman na nag reply si Jethro pagkatapos ng mga nireply ni Amira sa binata kaya maginhawa naman ang buhay niya hanggang dumating ang lunch break.

"Asan ka nang dumuho ka, andito na ako sa parking lot!"

"Bilisan mo ah, pag ako nainip kukutusan kita." pagtetext ni Amira kay Jethro habang nakaupo siya sa unahan ng kotse niya.

"Otw na po baby." reply naman ng binata sa kanya, hindi naman niya napigilan ang ngiti na sumilay sa kanyang labi. Inaamin naman niya sa sarili na kinikilig siya sa binata, dahil iba ito sa mga lalaking naka fling niya.

Wala pa siyang naging official boyfriend dahil hindi naman umaabot sa dalawang araw ang mga lalaking nakakadate niya.

"Kinikilig ka naman, nakita kong ngumingiti ka."

"Wag kang masyadong kiligin baka maihi ako sa kilig dito."

Nawala ang ngiti sa labi ni Amira at hinanap ng kanyang mata si Jethro. Nakita niya itong papalapit sa kanya kaya tinignan niya ito ng masama.

"Sabi ko na nga ba kinikilig ka saakin."

"Hindi kaya!"

"Okay lang naman kiligin ka saakin para patas tayo."

"Manahimik ka! Hindi nga sabi ako kinikilig."

"Kinikilig ka nga. Nakita kitang ngumingiti at namumula pa ang mukha." pangungulit pa ni Jethro kay Amira, na tinutusok pa nito ang bewang ng dalaga.

"Hindi nga ang kulit!" pinilit ni Amira na mag mukhang galit ang boses niya, pero parang iba ang tono niya. Dahil nagmukha siyang pabebe.

"Ang kulit!" pag gaya ni Jethro sa boses ni Amira, kaya kinurot kurot siya ng dalaga sa tagiliran habang nagtatawanan sila sa parking lot.

            
            

COPYRIGHT(©) 2022