"Sabagay. Sige po salamat, akyat lang ako dun kay boss." nahihiya man siyang harapin ang boss niya dahil sa nangyari kagabi ay kailangan niyang magpaalam dito.
Pagkaakyat niya sa floor kung saan ang opisina ng boss niya ay agad niyang nakita ang secretary nito na may katandaan na. Ngumiti siya rito at nagtanong kung nasaan ang boss nila.
"Ahm. Si Mr. President po?"
"Si Jethro ba? Nasa loob siya eh. May kailangan ka ba sa kanya? Anong pangalan mo para masabi ko sa kanya na hinahanap mo siya."
"Ahm, empleyado rin po ako rito. Amira po ang pangalan ko." nakangiting sagot ni Amira sa secretary ng boss niya, nginitian rin naman siya nito at pumasok na sa opisina ni Jethro.
"Pasok ka daw."
"Sige po, thank you." pagkapasok ni Amira ay bumungad sa kanya ang nakangiting boss niya, inikot niya ang mga mata sa paligid ng silid at napansin halos lahat ng gamit ay black and white.
"You okay now?" nakangiting tanong ni Jethro kay Amira.
"Oo, thank you ulit sa kagabi."
"You're welcome. So anong pinunta mo dito bukod sa pasalamatan ako?" napakamot sa ulo si Amira dahil nahihiya siya sa binata.
"Ano kasi, ano pwede ba akong mag half day? Promise bukas mag o-overtime nalang ako." nakapikit at nakayukong paalam ni Amira sa boss niya.
"Why? San ang punta mo?"
"Uuwi lang sa manila saglit, bibisita lang ako sa puntod ng kuya ko. Kung okay lang sana." nakangiwing sagot ni Amira dahil pakiramdam niya ay di siya papayagan nito. Sinulyapan naman niya ang boss niya na tumatango at ibinaba pa nito ang salamin niya bago tumingin ulit sa kanya.
"Sa manila?" tanong nito at tumango naman si Amira.
"Okay lang naman saakin, pero sa isang kundisyon."
"Anong kundisyon?"
"Isama mo ako."
"WHAT! Ba...Bakit ka sasama?"
"Isasama mo ako para makaalis ka, o iiwan mo ako dito at di ka rin makakaalis?" medyo nairita naman si Amira dahil may pa kundisyon pa ang boss niya, pero dahil mabait naman ito sa kanya ay pinag bigyan nalang din niya. Baka kakailanganin din naman niya ng iiyakan ulit.
"Okay fine. Mamayang lunch na tayo alis."
"Pwede na tayong umalis ngayon, dalawang oras nalang naman lunch break na." nakangiting sagot ni Jethro kay Amira, napilitan namang mag ligpit ng gamit si Amira at sumunod sa boss niya sa parking lot.
Nasa byahe na ang dalawa, tahimik lang sila sa loob ng sasakyan at parang walang may balak na putulin ang katahimikan. Pero mas pabor naman iyon kay Amira dahil wala din naman siyang masasabi sa binata.
Habang nasa byahe sila at itinext ni Amira ang magulang na hapon na siya makakabisita sa kuya niya kaya mauna na sila sa pag dalaw dito. Naka libing ang kuya ni Amira sa isang pribadong lugar na pagmamay ari nila. Lahat ng mga kasapi sa pamilya nila na pumapanaw ay doon inililibing.
"Do you want to have lunch first?" tinignan ni Amira ang katabi at tumango. Dahil naisip na baka gutom narin ang boss niya.
"Saan mo gustong kumain?"
"Kahit saan, kung ano nalang madaanan natin."
"Alright." maya-maya lang ay nakakita sila ng Jollibee kaya dun na sila nag park para kumain.
"Buti hindi ka maarte boss." saad ni Amira ng makapasok sila sa loob ng kainan.
"Maarte?"
"Oo, kasi fast food ito. Akala ko sa mamahaling kainan ka lang kumakain, katulad nung pinamigay mong lunch." sagot ni Amira dahil naalala niya na palaging mahal ang pagkain na nakikita niya para sa binata.
"Pagkain parin naman ito, pero minsanan lang ako kumain."
"Ah." tumatango-tangong sagot ni Amira.
"Pero kung ikaw naman ang kasama pwede naring araw-arawin." bulong nalang bigla ni Jethro kay Amira, kaya sinapak siya ng dalaga sa tiyan.
"Abno!" pagtataray ni Amira at nauna na sa pila, nakita naman ni Amira na hinagod siya ng tingin ng lalaking nasa kabilang linya. Tinarayan nalang niya iyon at tumingin na sa menu, naramdaman naman niya ang boss niya dahil talagang hinapit siya nito sa bewang na ipinag sawalang bahala naman ng dalaga. Maigi narin iyon dahil ayaw niyang may tumitingin sa kanya ng malagkit.
Nakakain na sila at nagpahinga ng saglit bago ulit bumyahe, hindi katulad kanina na tahimik sila ngayon ay medyo nag-uusap naman sila dahil tanong ng tanong si Jethro kay Amira.
Makalipas ang ilang oras nakarating din sila sa destinasyon nila, pinag masdan ni Amira ang malawak na lupain nila sa malayo. Nasa parking lot pa sila dahil inaayos pa ng binata ang pagpa-park niya ng sasakyan.
Itinaas ni Amira ang palad niya sa bandang ulo dahil naiinitan siya sa sinag ng araw. Pero nawala din naman ang sinag na tumatama sa kanya dahil nilagay ng boss niya sa kanyang ulo ang suit nito.
"Tara na." aya ni Jethro sa dalaga at hinwakan muli ito sa bewang.
Malapit na sila Amira sa puntod ng kanyang kuya ng makita niya ang asawa nito na nakaupo malapit sa puntod ng kanyang kuya. Nakaramdam nanaman siya ng matinding galit na napansin ata ni Jethro dahil humigpit ang paghawak nito sa bewang niya.
"Ang kapal din naman ng mukha mong bumisita dito, kahit alam mong ikaw ang dahilan kung bakit namatay si kuya." nagpipigil sa inis na saad ni Amira nang makalapit sila sa puntod ng kapatid.
"Humihingi lang ako ng tawad Amira."
"Ngayon ka pa humingi ng tawad kung kailan wala na siya. Samantalang nung nabubuhay siya at bigla kang kumabit sa ibang lalaki hindi ka manlang nag sorry!"
"Wag mo akong sigawan Amira! Mas matanda parin ako sayo at Asawa ako ng kuya mo!"
"Ano namang paki ko! Kahit pa siguro kasing tanda ka ni mommy hindi kita bibigyan ng respeto katulad ng hindi mo pagbibigay ng respeto kay kuya."
"Matagal na yun, Amira hanggang ngayon ba naman ako parin ang sinisisi nyo." umiiyak na saad ng asawa ng kuya ni Amira.
"Ayun na nga eh! Matagal na pero hindi parin matanggal yung sakit na dinulot ng pagkawala ni kuya. Kung hindi ka sana naghanap pa ng iba hindi siya mawawala saamin! Inuna mo kasi ang landi dahil lang sa umalis siya para sa trabaho!" lumagutok ang pisngi ni Amira ng sampalin siya ng kanyang hipag, galit niyang tinignan ito at sinampal rin ng mas malakas. Nanlilisik ang mga mata niya at handa ng sugurin ito pero niyakap siya ni Jethro at ikinulong sa kanyang bisig.
"Miss umalis kana, baka hindi ko na mapigilan to at masampal ka ulit." pagpapaalis ni Jethro sa hipag ni Amira at umalis naman ito agad.
"Okay ka lang?" baling ni Jethro kay Amira at hinaplos ang pisngi na sinampal ng babaeng kaaalis lang.
"Naiinis ako sayo! Lubayan mo nga ako!"
"What? Anong ginawa ko? Pinigilan ko lang naman kayo kasi baka masaktan ka lalo."
"Che! Pag untugin ko pa kayong dalawa eh." naiiritang sagot ni Amira kay Jethro at umupo na siya sa damuhan kaharap ang puntod ng kuya niya, sinindihan naman niya ang biniling kandila at inilapag ang bulaklak sa tabi nito.
Umupo rin naman si Jethro sa tabi ni Amira at inilagay ulit ang suit niya sa ulo ng dalaga, bago humawak ulit sa bewang nito. Kinurot naman ni Amira ang kamay ng boss niya na nakapulupot nanaman sa kanya.
"Aww!"
"Bagay lang yan sayo." saad ni Amira at binelatan pa ang boss niya. Natatawa naman itong ibinalik sa bewang niya ang kamay nito.
"Ang clingy mo naman!" sigaw ni Amira dito at tinampal pa ang kamay ng binata na hindi siya pinansin at mas lalo pang isiniksik ang sarili niya.