Queen Series 1: Amira Zaine Legazpi
img img Queen Series 1: Amira Zaine Legazpi img Chapter 2 Para sa effort niya
2
Chapter 8 Manliligaw img
Chapter 9 Jealous img
Chapter 10 Label img
Chapter 11 Possessiveness img
Chapter 12 Principles img
Chapter 13 Bitter img
Chapter 14 Extra-Sweet img
Chapter 15 Selena img
Chapter 16 For the rest of my life img
Chapter 17 Genuine img
Chapter 18 Let Go img
Chapter 19 Wasted img
Chapter 20 Lost img
Chapter 21 Broken Glass img
Chapter 22 Bata img
Chapter 23 Comeback img
Chapter 24 Home img
Chapter 25 Forevermore img
Chapter 26 I Do img
Chapter 27 Family img
Chapter 28 Selene Liynus Marquez img
Chapter 29 King and Queen img
img
  /  1
img

Chapter 2 Para sa effort niya

Maagang gumising si Amira kinabukasan, ayaw kasi niyang malate ulit. Kahit bangag ay nakabihis na siya at nag-aagahan kasama si Jane at anak nito.

Sumisimsim siya sa kape niya habang hinihilot ang sintido dahil sumakit ang ulo niya sa kakaisip sa binatang nakita.

"Good morning po!" bati ni Amira sa mga katrabaho niya, binati rin naman siya ng mga ito at nginitian siya. Kakaupo pa lang niya ng magtayuan ang mga ka trabaho dahil may binati silang kakapasok lang, nagmadali naman siyang tumayo at bumati din ng magandang araw, dahil naisip niya na baka iyon ang boss nila.

Pagka angat niya ng ulo niya galing sa pagkaka yuko ay nagkatinginan sila ng taong binati nila, parehas na nanlaki ang mga mata nilang dalawa. Pero kalaunan ay nginisian ng binata si mira.

"Good morning din, Baby... I mean, good morning! Everyone!" sagot ng binata habang nakatingin ng masama kay Amira. Inismiran naman ito ng dalaga bago niya pinaikot ang kanyang mga mata.

Narinig nalang ni Amira ang mahinang pagtawa ng binata bago ito umalis.

"Malandi." bulong-bulong ni Amira bago umupo sa kanyang upuan.

Naging abala naman ang lahat sa pagtatrabaho maging si Amira ay hindi rin namalayan na tanghali na pala.

"Oh hindi nyo na kailangan bumili ng lunch nyo. Umorder na si Sir Jethro."

Tatayo palang si Amira ng dumating ang isa sa head ng department nila at sinabing may pagkain na sila.

"Talaga? Mukhang Good mood si boss ah." segunda naman ng isa sa mga regular na nagtatrabaho sa kompanyang iyon.

Isa-isa namang iniabot sa kanila ang pagkain, pagkain ito galing sa mamahaling restaurant at with dessert pa.

"Mabait naman po pala ng boss nyo." sarkastikong sabat ni Amira sa mga nag-uusap usap na katrabaho. Dahil alam naman niya na boss nila ang lalaking nakita kaninang umaga na siyang nakita kagabi.

"Anong boss nyo? Boss natin Amira, boss natin ha!" mariing sagot ng head department nila. Pilit nalang na ngumiti si Amira.

"Oks po. Boss nga po natin." dahil wala rin namang baon ang dalaga ay kinain nalang niya ang bigay daw ng boss nila, tinatamad rin naman siyang lumabas kaya ipinilit nalang niya iyon sa sarili.

Pagkatapos mag tanghalian ni Amira ay pumunta siya sa comfort room para mag toothbrush at mag ayos narin ng sarili.

"Malas nga naman." bulong ng dalaga sa sarili ng makita ang boss niya na makakasalubong niya.

"Good afternoon, Sir." napipilitang bati niya sa binata.

"Good afternoon, beautiful." sagot ng binata kay Amira at iba parin talaga ang mga tinginan nito na akala mo ay nang-aasar.

"Ha.Ha. sige sir, CR lang ako." bukod sa peke ang tawang isinagot ni Amira sa boss niya ay nginitian rin niya ito ng peke bago dumiretso sa banyo habang naiisip na baka ginagantihan siya ng binata at balak siya nitong ipahiya sa trabaho lalo pa at ito pala ang boss niya.

Nang mag uwian na ay agad-agad na umuwi si Amira sa kanila dahil baka makita nanaman niya ang malandi niyang boss.

"Oh My God bessy, alam mo ba ang landi talaga niya. Pakiramdam ko talaga pinagtitripan niya ako. Lalo na kanina, akala ata niya di ko narinig na tinawag niya akong Baby at yung mga tinginan niya parang nang-aasar." inis na pagkukwento ni Amira kay Jane habang nanunuod sila ng palabas. Humalakhak naman si Jane dahil sa inis na nakikita niya sa kaibigan.

"Ayaw mo nun magkaka love life ka."

"Hindi totoo ang love."

"Bitter ka nanaman."

"Wow! Nahiya naman ako sayo bessy, eh sayo nga ata ako nag mana." nagpatuloy lang sa kwentuhan ang dalawa hanggang sa mapagod sila at dinalaw na ng antok.

Kinabukasan ay hindi nagising si Amira sa alarm niya kaya nagmamadali siyang umalis kahit hindi na siya nakapag almusal.

"Bwisit na alarm na yun hindi manlang ako ginising! Gutom tuloy ako, ambango pa naman ng almusal namin pero di naman ako nakakain." pagkausap ni Amira sa sarili habang naglalakad papasok sa kompanyang pinag tatrabauhan.

Hindi niya napansin na may tao pala sa likod niya at dinig na dinig ang mga reklamo niya.

"Here." nagulat na napalingon si Amira ng may mag abot sa kaniya ng kape galing sa mamahaling coffee shop.

"Do you want me to buy you some foods?" dagdag pang tanong ng boss ni Amira habang inaabot sa kanya ang kape.

"Naku wag na po, kinakausap ko lang naman ang sarili ko. Pwede naman akong kumain mamaya." pag tanggi ni Amira sa alok ng binata pero mapilit talaga ang boss nila dahil kinuha nito ang kamay ni Amira at ipinahawak ang kape sabay takbo.

"By the way, Good morning!" sigaw ng boss ni Amira sabay kindat sa kanya. Siya naman ay napatingin sa kapeng binigay ng binata.

Nagtataka siyang pumasok sa loob at umupo na sa kanyang pwesto, iniisip niya kung bakit siya bibigyan ng kape nito lalo na at may nagawa siyang hindi maganda sa binata.

Habang nag tatrabaho ay napalingon ulit siya sa kape na kanina pa nakalapag sa table niya dahil hindi pa niya ito naiinom. Inabot naman ito ni Amira at kahit malamig na ay inumpisahan na niya itong inumin.

"Para sa effort niya." bulong ni Amira sa sarili.

Lumipas ang oras at dumating rin ang lunch time kaya isa-isa naring naglabasan ang mga katrabaho niya para kumain.

"Buti nalang. Gutom na talaga ako." bulong ni Amira sa sarili habang naglalakad papunta sa Mcdo dahil ito na ang pinaka malapit na kainan sa pinag tatrabauhan niya. Ayaw naman na niyang lumayo dahil gutom na talaga siya.

Pagka-uwi ni Amira galing sa trabaho ay agad siyang nag kwento sa kaibigan.

"Baka gusto ka niya Amira? Anong pangalan?" tanong ni Jane sa kaibigan.

"Jethro ata?"

"Di ka sure? Name lang talaga alam mo, di mo pa inalam ang apelyido."

"Pakialam ko naman dun." sinundot naman ni Jane ang tagiliran ni Amira.

"Sus, pakialam daw pero kinukwento."

"Heh! Dyan ka na nga." naiinis na sagot ni Amira sa kaibigan at nag martsa na papunta sa kanyang kwarto para matulog.

"Ipakilala mo saakin pag naging boyfriemd mo ah!" pang-aasar pa ni Jane kay Amira.

"Che! Pag nakita talaga natin si Hero, who you ka saakin." natahimik naman si Jane sa sinabi ng kaibigan at tinignan niya ito ng masama. Tinawanan naman siya ni Amira at tuluyan ng isinara ang pinto ng kanyang silid.

Kinabukasan habang nag-aalmusal sila Amira ay hindi matigil ang asaran nilang dalawa.

"Balitaan mo ulit ako mamaya ha." natatawang asar ni Jane kay Amira.

"Hindi na ako mag kukwento sayo! Pag nakita ko si Hero yaan mo ikukwento ko." pang aasar din ni Amira kay Jane. Nagtitigan naman sila ng masama at parehong natawa sa mga asaran nila.

"Bitter tayo forever bessy, yun lang ang magpapatunay ng forever."

"Ikaw lang, Amira. Ikaw lang wag mo akong idamay."

"Bakit may love life ka na ba?"

"Wala, pero kuntento na ako kay Jaero."

"Tignan mo..." mabagal na sagot ni Amira at tinuturo pa ang kaibigan.

"Naku umalis ka na nga Amira malalate ka sige ka." natatawang tulak ni Jane sa kaibigan. Umalis naman na si Amira at pumasok sa trabaho.

Kakalabas palang ni Amira sa kanyang sasakyan ng may mag abot sa kanya ulit ng kape, pero ngayon ay may kasama ng cookies.

"Nag almusal na po ako, Sir."

"It's okay. Baka magutom ka ulit." tulad kahapon ay ang binata na ang naglagay ng kape sa kamay ni Amira at diretso na itong umalis.

Katulad din kahapon ay titig na titig si Amira sa kape na bigay ng boss niya. At tsaka lang niya ininom ng malamig na ito.

"Para sa effort niya." pangungumbinsi ng dalaga sa sarili habang inuubos ang kape.

            
            

COPYRIGHT(©) 2022