Chapter 5 TFB-IV

Surprised. Iyon ang reaksyon nina Ricardo, Laura, at Atty. Sales nang dumating si Diomano dela Fuente. He's not as old as what they've expected. Matangkad, matikas, at mukhang tuso. Matapang ang mukha nito na dala marahil ng makapal na kilay, balbas, at suot na eyeglasses.

"Good day to you," bati nito sa tatlo sa matatag na tinig. "I'm Diomano dela Fuente, the new owner of Villagracia Company."

Titig na titig sa seryoso nitong mukha ang tatlo.

Matapos ang pagpapakilala ng mga ito ay tumuloy na si Diomano sa opisina ni Don Villagracia. Samantala, sina Laura at Atty. Sales naman ay sumunod kay Ricardo sa sarili nitong opisina.

"So, that is our new boss," umpisa ni Laura.

"Have you noticed his resemblance with Shelvin?" tanong ni Ricardo. "Maybe his voice is deeper than Shelvin's, pero p'wede namang baguhin iyon."

"Don't tell me, Ricardo... Oh no! Is it possible? Shelvin and he... Only one?" naiintrigang bulalas ni Laura.

"I will go and check Shelvin in the hospital," suhestyon ni Ricardo.

"Mabuti pa nga, and we'll take our eyes on Diomano while you're there."

"Perfect, Attorney," sagot ni Ricardo saka ito umalis.

Samantala, hindi makapaniwala si Diomano dela Fuente na talagang narito na siya sa loob ng dating opisina ni Don Marco Villagracia. Hinagod niya ng tingin ang kabuuan ng silid. Dahan-dahan niyang nilapitan ang lamesa. Naroon pa rin ang pangalan ng Don. Naroon din ang mga larawan nila. Dinampot niya ang framed photo ng mag-asawang Villagracia. Hinaplos niya ang mukha ng mga iyon doon saka tila iyon kinausap.

"Kaygandang pagmasdan ng mga ngiti ninyo pero sa isang iglap, pinawi iyon ng isang trahedya." Inilapag niya ang larawan at itinaob iyon. Sunod na dinampot niya ang picture ni Shelvin."Mula pagkabata, laki sa layaw ka na, Shelvin Villagracia. Anomang naisin mo, madali mo lang makuha. Walang tutol ang mga magulang mo kahit ano pang gawin mo. Maging sa pag-ibig, hindi ka nag-iisip...

"Isip bata ka talaga, Shelvin, ni hindi mo namalayan ang bantang panganib sa buhay ninyong mag-anak. Ang babaeng minahal mo, nilinlang ka niya!" Sabay hagis sa larawan nito. Tumama iyon sa pader at nabasag ang salamin ng frame. "Pero hindi iyon mangyayari sa akin, Shelvin, dahil ako si Diomano dela Fuente," mariin nitong sabi.

***

Habang nag-aayos si Pearl ng files ni Dr. Miron ay naalala niya ang huling pag-uusap nila ni Shelvin. Dalawang araw na niya itong hindi nakikita buhat noon ayon na rin sa utos ng doktor. Kinuha rin ni Dr. Miron mula sa kaniya ang susi ng silid kaya hindi rin siya makadalaw kahit palihim lang. Sa ngayon ay ang pag-aayos ng records at files ang trabaho niya. Mas mainam kung tutuusin. Ngunit hindi maalis sa isip niya si Shelvin.

"Pearl, nand'yan ka ba?" Tinig iyon ng isang babae mula sa labas ng office ni Dr. Miron.

Natigilan si Pearl at agad binuksan ang pinto. "Shirley, bakit?" tanong niya sa matangkad na nurse na nakatayo sa may pintuan.

"May bisita ang pasyente mo," sabi nito.

Sandaling nag-isip si Pearl. Sino kaya iyon? Ang sabi ni Dr. Miron wala raw dumadalaw kay Shelvin. Ano ang gagawin niya kung si Laura iyon o si Attorney Sales?

"Mr. Ayez daw," basag ni Shirley sa iniisip niya.

Nakahinga nang maluwang si Pearl. "Salamat, Shirley. Susunod na ako."

Nadatnan ni Pearl si Ricardo Ayez sa silid kung saan nasa harap nito ang isang monitor. Pinapanood nito roon si Shelvin na palakad-lakad sa loob ng isolated room -- kung gayon ay inilipat pala ito ng silid, naisip ni Pearl. Nariyang sisigaw at magwawala.

Laking pasasalamat ni Pearl at hindi kasama ni Ricardo sina Laura at Attorney Sales. Hindi siya nito kilala.

"Excuse me, sir."

"Ikaw ba ang personal nurse ni Shelvin? Gusto kong makausap si Doctor Miron. Nasaan ba siya?"

"Hello, Ricardo."

Sabay na nilingon nina Pearl at Ricardo ang papasok na si Dr. Miron.

"Do you miss Shelvin?" biro pa ng doktor.

"Anong nangyayari sa kaniya, Doc?" usisa ni Ricardo.

Napailing at napahugot ng malalim na paghinga ang tinanong. "Mula pa noong nakaraang araw ay nagwawala na siya nang ganyan. Do you want to see him in person?"

"Oh, can I?" tanong-sagot ni Ricardo.

"Sure," kampanteng tugon ng doktor. Hinugot nito ang cell phone mula sa bulsa at may ginawa roon. Pagkatapos ay bumaling ito kay Pearl. "Maaari ka nang bumalik sa office."

Tango lang ang isinagot ni Pearl, saka siya tumingin sa monitor. Hindi siya makapaniwalang nagwawala nang gano'n si Shelvin. Sigaw ito nang sigaw habang nakasuot ng straightjacket. Namalayan na lang niyang hinahaplos na pala niya ang screen.

"Shelvin..." bulong niya sabay napasigok. Bakit pakiramdam niya kinukurot ang puso niya?

Habang naglalakad naman sa pasilyo sina Dr. Miron at Ricardo patungo sa silid na kinalalagakan ni Shelvin, tumunog ang cell phone ng huli.

"Wait," pasintabi ni Ricardo sabay huminto sa paglalakad. Nang tumigil din ang doktor ay lumayo siya nang may ilang hakbang mula rito, saka sinagot ang tumatawag.

"Hello, Laura, anong problema? Papunta pa lang ako kay--"

"Hello, Mr. Ayez?" Malalim na tinig ng isang lalaki ang nasa kabilang linya. Natigilan si Ricardo.

"The problem is, we have a meeting now and I hate to waste my time waiting for you. Where are you at this office hour?"

Hindi siya maaaring magkamali, si Diomano iyon, gamit ang phone ni Laura.

"Mr. dela Fuente? I'm sorry, sir, I'm coming." Pinagpawisan nang malamig si Ricardo at nagmamadaling nagpaalam sa doktor.

***

Kinagabihan ay muling nag-meeting sina Ricardo, Laura, at Atty. Sales sa library ng mansyon ng mga Villagracia. At dahil sa hotel tumutuloy si Diomano, mas safe ang tahanang ito para pag-usapan ang plano nila laban dito.

"So, you mean to say, Diomano is not Shelvin?" umpisa ni Laura.

"You're right, Laura. I saw him in Mental Help," sagot ni Ricardo.

"Kung gayon, magkaano-ano sina Diomano at Shelvin? Magkamukha talaga sila, of course, kung wala lang balbas si Diomano at 'di laging magkasalubong ang mga kilay," muling sabi ni Laura.

"Kahit putiin ang buhok ni Diomano, he looks young, so definitely he's not Shelvin's might-be-real-father," sabad ni Sales.

"Maybe, he's Don Villagracia's bastard. Kaya siguro tiwala siya rito."

"You have a point there, Laura," sang-ayon ni Ricardo. "At kung anak din siya ni Don Marco, maaaring narito siya para maghiganti."

"Bakit siya maghihiganti? Walang nakakaalam ng connivance natin. Just the three of us."

"Laura's right, Ricardo," sang-ayon ni Atty. Sales. "Or maybe, he has another agenda."

"At ano naman iyon, Attorney?" interesadong tanong ni Ricardo.

Attorney Sales grinned. "What else? To own Villagracia's wealth. Sa kaniya iniwan ni Don Marco ang pamamahala ng kompanya, but as the legal heir, kay Shelvin pa rin ang kalahati ng lahat ng ari-arian ng mga Villagracia. Pero sa kalagayan ni Shelvin ngayon, malaki ang chance ni Diomano to take everything."

            
            

COPYRIGHT(©) 2022