Chapter 4 TFB-III

"Listen, I have good news," bungad ni Attorney Sales sa opisina ni Ricardo kung saan nadatnan niyang kausap nito si Laura. "May alas pa kayo."

"Alas?" ulit ni Ricardo. "Ano?"

"Hindi ano, Ric, kundi sino," pagtatama ng abogado.

Nagkatinginan sina Laura at Ricardo.

"Kung gayon, sino 'yon, Attorney?" usisa ni Laura.

Matamang naghihintay ng kasagutan ang dalawa.

"Si Shelvin," simpleng sagot ni Sales.

Napahagalpak ng nang-uuyam na tawa si Ricardo. "Niloloko mo ba kami, Sales?"

"Anong mahihita namin sa baliw na iyon?" segunda ni Laura.

"Malaki. Dahil may natatago pang kayamanan ang matandang Villagracia."

Sumeryoso si Ricardo, nabuhay ang interes sa sinasabi ng abogado.

"Maaaring nilimas na nga ninyo ang D.M. Villagracia Jewelry Store pero ang mas marami pang ginto at alahas na pag-aari ng Don ay nakatago sa isang lihim na lugar," patuloy na paliwanag ni Sales.

"At paano mo iyon nalaman, Sales? Matagal na akong kasama ni Don Marco at higit na pinagkakatiwalaan pero wala akong alam tungkol d'yan," pagtataka ni Ricardo.

"The late Attorney Geron. Nabanggit niya ito sa akin minsan." Ang tinutukoy nito ay ang tapat na abogado ng mga Villagracia na namatay dahil sa karamdaman ilang taon na ang nakararaan.

"Bakit ngayon mo lang ito sinabi? So, where's the secret place?" sabi ni Ricardo sa naiiritang tono.

"There is the role of Shelvin Villagracia. Siya ang makapagsasabi sa inyo. Even Attorney Geron didn't know when he told me the fact. Ngayon ko lang ulit naalala ang sinabi niya kaya ngayon ko lang nasabi."

"Crazy! Paano natin itatanong sa kaniya? He's insane!" Nasapo ni Ricardo ang noo.

"Let's just wait until Shelvin's okay. Maaari siyang magamot ni Doctor Miron--he's a great psychiatrist," Laura tried to calm him down. "Now, kapag gumaling na si Shelvin at nasabi na ang kinalalagyan ng kayamanan, maaari na natin siyang itumba gaya ng talagang plano natin kung hindi lang tayo naunahan ng sakit niya. For the meantime, Ric, let's focus on Diomano dela Fuente. I heard he's arriving this week."

"Diomano dela Fuente," halos idura ni Ricardo ang pangalan nito. "What an antique name... Maybe he's an old rat like Don Marco," he said grinning. "He will just come closer to his end. Pagsisisihan ng Diomanong 'yan ang pagpunta rito."

***

"I'm done, Miss Cutie," sabi ni Shelvin, paglabas na paglabas sa banyo ng magarang silid na inookupahan nito sa ospital. Katatapos lang nitong maligo.

"My name is Pearl, Shelvin," pagtatama niya.

"Alam ko. But I prefer to call you Cutie, kasi ang cute mo, Pearl."

"Naligo ka nga, hindi mo naman pinunasan ang buhok mo," pag-iiba na lang niya ng usapan. Kinuha niya ang hawak nitong tuwalya at patingkayad na pinunasan ang buhok nito. "Dapat punasan mong mabuti ang buhok mo para hindi tumutulo. Tingnan mo, basa na tuloy pati ang t-shirt mo."

Kumuha ng malinis na t-shirt si Pearl sa closet, saka binalikan si Shelvin at inayang maupo sa kama nito. Akma niyang huhubaran ng t-shirt ang lalaki, ngunit pinigilan siya nito.

"Bakit mo ako huhubaran?"

"Bibihisan kita," kaswal na sagot niya.

Pinabayaan na lang siya ni Shelvin. Pagkatapos niyang maisuot rito ang tuyong damit ay sinuklay niya ang buhok nito. Si Shelvin naman ay tumingin sa kaniya nang diretso. Nang mapuna niya na tinititigan siya nito na parang nakakatunaw ay natigilan siya at naasiwa sa sitwasyon. Pero hindi siya nagpahalata at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Ang swerte ng boyfriend mo, 'no? Maalaga ka kasi, e."

"Ha?" Lalo siyang naasiwa sa sinabi nito. Pero nakabawi rin naman siya agad nang maalalang wala sa tamang pag-iisip ang kausap. "Wala 'kong boyfriend." Sabay nginitian niya ito.

"Talaga? But, have you been in love?" pangungulit pa nito.

"No..." nauumid niyang tugon. "May crush ako dati... he's actually a model for my ideal guy," amin niya dahil iniisip niyang makakapagpagaan iyon sa tensyon na unti-unti niyang nadarama. "Pero ang 'love,' wala pa iyon sa plano ko." Dinaan na lang niya sa tawa ang pagtatapos ng sinasabi. "O, 'yan, maayos na ang buhok mo." Sabay lumayo na siya rito at inabala ang sarili sa pag-aayos ng throw pillows sa couch.

"Who's that lucky guy, then?" usisa pa ni Shelvin.

"Sino? 'Yong crush ko?

"Yeah. The ideal guy, you've said."

"He's a childhood friend. Pero matagal na kaming nagkalayo, lumipat kasi kami ng tirahan. Wala na nga akong balita sa kaniya, eh. I don't even have an idea if he really turned out to be the nice guy I imagined him to be. Sandali, bakit ba natin siya pinag-uusapan?" Natawa siya dahil naisip niya na baka nakagat na ng kaibigan ang dila nito. Nakaka-miss din pala.

"Kung nasa plano mo na iyon, p'wede mo ba akong mahalin?" diretsong tanong ni Shelvin.

"Ano 'yon?"

"Sabi mo wala pa sa plano mo ang 'love.' Kung nasa plano mo na iyon, p'wede mo ba akong mahalin?"

Oh, my! Napakagat-labi si Pearl. Mukhang nagkakagusto pa sa akin ang baliw na ito! sigaw ng isip niya. Parang sumikip bigla ang dibdib niya.

"Miss Cutie, what's your answer?"

"Ha?"

"Anyway, hindi mo naman kailangan sagutin. Isn't it obvious? Hindi mo magugustuhan ang baliw na tulad ko. You'd rather walk to the ends of the earth to find your long lost crush than loving a lonely insane like me."

Nang sabihin iyon ni Shelvin ay nakita niyang naging sobrang lungkot ng mga mata nito. Na may halong hinanakit?

"Shelvin, hindi naman iyon ang--"

"There was a girl," putol nito sa sasabihin pa niya. "I loved her so much," patuloy nito na tila nagkukwento sa sarili. "Ipinakilala siya sa akin ni Ricardo, pamangkin niya raw. Her name is Laura. She's beautiful and intelligent..."

Kilala ni Pearl ang tinutukoy nito. Si Laura Montecillo, ang assistant manager ng Kuya Fred niya sa D.M. Villagracia Jewelry Store.

"No," umiling ito. "She's wise. Clever. Alluring..." Napangiti nang mapait si Shelvin. "Nahulog ako sa kaniya dahil sa mga katangiang iyon at dahil sa paniniwalang mahal niya rin ako." Nagpakawala ito ng malalim na paghinga. "I was away for three years, and when I came back, right after my parents died, one day I heard her in our library... laughing so sweet." Sarkastikong natawa si Shelvin. "Nakita ko silang naghahalikan ni Ricardo na tiyuhin niya kuno. So that's why all this time she addressed him by his name alone. Ric? Ricardo? Ayaw raw magpatawag ng 'Tito'? Of course, why would he? –Eh, magkalaguyo nga kasi sila!" Punong-puno ng galit ang mga mata ni Shelvin kung saan mula roo'y dahan-dahang tumulo ang mga luhang simbolo ng kapaitan.

Kumirot ang puso ni Pearl dahil sa nakikita niyang kalagayan ni Shelvin. Ngayon ay mas nauunawaan na niya. Kaya pala hindi nakapagtatakang mabaliw ito dahil sa magkasunod na lungkot at pighati. Ang biglaang pagkawala ng mga magulang nito at ang panloloko rito nina Laura at Ricardo.

Namalayan na lang ni Pearl na humakbang na siya papalapit kay Shelvin at hindi niya napigilan ang sarili. Niyakap niya ito. Dama niya ang matinding kalungkutan nito dahil pareho sila, napaglaruan ng pagkakataon.

"Tahan na, Shelvin. Tahan na," bulong niya. Naramdaman niyang yumakap din ito sa kaniya. Ilang sandali rin silang tahimik sa ganoong posisyon. Ramdam nila ang literal na pagtibok ng puso ng isa't isa. At sa oras na iyon tila nakahanap sila ng kakampi -- ng karamay. Isang taong makauunawa ng sakit na kimkim sa puso ng bawat isa sa kanila.

Si Shelvin ang unang bumitiw. Nabigla si Pearl nang tabigin siya nito papalayo.

"Leave me," utos nito.

"Shelvin?"

"I said, leave me," muling utos nito na bahagyang itinaas ang tono ng pananalita. "I don't need your pity. Leave now!"

Napakislot si Pearl. Napaurong siya -- natatarantang lumabas ng silid. Bagaman bumangon ang takot dahil sa inasal ni Shelvin, nanatili muna siya sa tapat ng pintuan ng silid na iyon para pakiramdaman kung ano ang ginagawa nito sa loob. Baka kasi tuluyang magwala ito at maghagis ng mga bagay-bagay o saktan ang sarili. Ngunit may ilang sandali na ang lumipas at wala siyang narinig na ingay. Bahagya niyang binuksan ang pinto at nang masigurong nakahiga lang ito'y saka niya iyon dahan-dahang ipininid bago ito iwan, saka tumungo sa Director's Office.

"Oh, ikaw pala, Pearl. Kumusta ang pasyente? May problema ba? Namumutla ka yata," puna ni Dr. Miron pagpasok niya sa office nito.

"Si Shelvin, Doc. Biglaan pong nag-iba ng mood kaya pinabayaan ko na lang siyang mag-isa."

"Nag-iba ng mood?" Sandaling nag-isip ang doktor. "Hindi bale, ako nang bahala sa kaniya. Siyanga pala, mabuti pa ay 'wag mo na rin siyang hatiran ng pagkain mamaya. Ako na ang bahala."

May pagtataka, ngunit tumango na lang si Pearl sa sinabi ng doktor.

"Ayusin mo na lang ang mga files sa table ko."

"Yes, Doc," maagap niyang tugon.

***

Kinatanghalian, ibang nurse ang naghatid ng pagkain kay Shelvin. Kasunod ng nurse si Dr. Miron. Kunot-noong tiningnan ni Shelvin ang doktor at nang makaalis na ang nurse ay saka ito nag-usisa.

"Where is Pearl?"

"May iba akong pinatrabaho sa kaniya sa office... But don't worry, she'll return as your nurse after a week."

"After a week?"

"Missing her that early, huh?" panunukso ng doktor.

"Bakit kailangan siyang mawala nang gano'n katagal?"

"Well, nabalitaan kong sumama ang mood mo kanina. Bakit mo ginawa iyon?"

Napabuntonghininga si Shelvin saka umiling-iling.

"Kung ayaw mong sabihin ay hindi na kita kukulitin pa. But I can say that it's in good timing... That's a good excuse for her to not visit you here," makahulugang wika nito na lalong nakapagpakunot ng noo ni Shelvin.

            
            

COPYRIGHT(©) 2022