/0/20650/coverbig.jpg?v=38e0444b8bbb6d673e798850202765c3)
Miss Cutie? Parang may kuryenteng gumapang sa katawan ni Pearl nang sabihin iyon ni Shelvin Villagracia. Kilabot ba na matatawag iyon? Hindi niya alam. Pakiramdam niya may hatid na mahika ang paraan ng pagsasalita nito, sinamahan pa ng mga titig nitong hindi niya magawang salubungin.
Kalma, Pearl. Kalma lang, nasabi niya sa sarili. Hindi ito ang inaasahan niyang reaksyon sa unang pagkikita nila ng lalaking tatlong taon na rin niyang isinusumpa ang pangalan.
Bumaling siya kay Dr. Miron para humingi ng saklolo. Ano ba ang dapat niyang gawin? Lalapitan niya ba agad-agad si Shelvin? Harmless ba ang pasyente niya? Tila naintindihan naman ng doktor ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Natural naman, isa itong espesyalista. Hindi man nito mabasa ang eksaktong laman ng isip niya ay nababasa naman nito ang kaniyang kilos. Nang tumango si Dr. Miron ay saka siya lumapit sa pasyente.
Hindi inaasahan ni Pearl ang ginawa ni Shelvin. Hindi pa man niya halos naiaabot ang tray ay agad na nito iyong hinablot. Sa bigla niya ay agad siyang napaurong.
"Pearl," bulong sa kaniya ng doktor. "Rule number one. Never show any sign of fear to your patient."
Nasapo ni Pearl ang kumakabog niyang dibdib. Nag-aalangan siyang tumango sa sinabi ng doktor.
"Look at him," patuloy ni Dr. Miron.
Tiningnan ni Pearl ang tinutukoy ng doktor. Tahimik na itong kumakain, nakaupo sa kama, habang ang tray ng pagkain ay nakapatong sa rolling table na naroroon.
"He's tamed, trust me, I won't give you this patient if you can't really handle him. Alam kong hindi ka sanay sa trabahong ito at alam ko ring hindi ka mahihirapan sa kaniya. Pakibagayan mo lang si Shelvin," paliwanag ni Dr. Miron na ngumingisi-ngisi pa. "Trust me, and everything will be fine."
Muling sinulyapan ni Pearl ang kumakain pa ring si Shelvin. Kung titingnan, maayos naman ang kilos nito. In fact, pansin ang natural at pinong kilos nito base sa pagsubo ng pagkain.
This ghost, bulong niya. For three years, he was cursing him and his family. Pero ngayon, magiging tagapag-alaga pa siya nito. One moment, he made her shiver. In a split seconds, he made her tremble. Can she really handle him? Will she get used to his presence, or will she hate him even more? Minsan nang umasa rito ang Kuya Fred niya noon. Sana, hindi isang malaking pagkakamali ang umasa siya rito ngayon. This man -- her insane, yet prince-like patient Shelvin Villagracia -- might be her only chance... her one and last hope to start over her search for Alfredo.
***
Villagracia Mansion...
"Anong sabi mo? Of course, ako ang dapat na pumalit kay Shelvin... What! No way. Hindi ako makapapayag sa sinasabi mo!" Ibinagsak ni Ricardo ang telepono.
"What's up, darling?" agad na tanong ni Laura na kapapasok lang sa library ng mansyon.
"Curse that old man! I want to kill Don Villagracia again!"
"Take it easy, Ric. Si Attorney Sales ba ang kausap mo kanina? Anong sabi niya?"
"The company, you know--that cursed old man!" Sinipa ni Ricardo ang upuan.
"Sandali nga, calm down and explain it to me," naiirita nitong sabi.
"How can I be this fool, Laura? Wala akong kaalam-alam na may iba palang magmamay-ari ng kayamanan at ari-arian ng mga Villagracia."
"What? Akala ko ba ay okay na ang lahat?"
"Akala ko rin. Kusa nang nawala sa landas natin si Shelvin. Hindi mo na siya kailangan pang pakasalan dahil nawala na siya, yes, but this Diomano dela Fuente replaced him."
"Diomano--what? Who's that man?"
"Sabi ni Attorney Sales, may lihim na kasulatang pinirmahan ang matandang Villagracia na sa oras na mawala siya, si Diomano dela Fuente ang papalit sa kaniya."
"Really? So, wala naman palang silbi sa atin si Shelvin. Kahit pala magpakasal ako sa kaniya hindi pa rin mapapasaatin ang lahat? Pero bakit gano'n? Sino ang Diomano na 'yon at bakit mas malaki pa ang tiwala sa kaniya ng Don?"
"That exactly puzzled me, Laura. Pero hindi na iyon mahalaga. Ang dapat nating isipin ay kung paano siya mawawala sa landas natin," sagot ni Ricardo.
"Ric, darling, it's easy. We will plot his accident. Hindi ba't may nakahanda na tayong plano noon para kay Shelvin? So, kay Diomano natin iyon itutuloy."
Nabuhayan ng loob si Ricardo sa narinig. "Yes, brilliant woman."
Inabutan ni Laura ng kopita na may alak si Ricardo. "To our future success, cheers."
***
Nagtungo si Pearl sa Director's Office ng Mental Help nang gabing iyon. Buo na ang pasya niya, kailangan niyang masigurong hindi siya nilalansi ng doktor. Mula nang pumasok siya sa ospital ay ngayon pa lang yata siya nakapag-isip. Kinuha siya nitong nurse kahit wala siyang background sa medicine, at hindi rin siya nito pinalalabas ng ospital. Stay in siya, pero hindi niya inaasahan na bawal na siyang lumabas. Ang paliwanag ng doktor, kailangan daw iyon para maiwasan ang insidenteng makita siya ni Laura o ni Attorney Sales. Sa kagustuhan niyang makasama ang kapatid ay agad siyang nagtiwala.
"Gusto kong makita ang kuya ko, Doctor Miron." Walang pasintabi niyang bungad sa opisina nito. Napakunot-noo ang doktor nang mag-angat ito ng tingin. Agad din nitong ibinalik ang atensyon sa pagsusulat na tila wala lang siya.
"Ang sabi ko, gusto kong makita ang kuya ko." Bahagyang basag ang boses niya.
"I already promised, at the right time," sagot nito na tuloy pa rin sa pagsusulat. "Patience is a virtue, young woman."
Lumakad papalapit dito si Pearl at may inilabas na two-inch revolver mula sa bulsa ng uniporme. "Gusto kong makita ang kuya ko. Saan mo siya itinago? Gusto kong makasiguro kung ano na ang kalagayan niya."
Natigilan ang doktor dahil sa nakatutok na baril.
"Alam mo bang tatlong taon kong hinintay ang pagkakataong ito? Tatlong taon, Doktor."
"Huminahon ka, Pearl," sagot nito na nakangiti at kalmado. "Hindi mo alam gamitin iyan kaya ibaba mo na 'yan."
"Hindi ka natatakot, Doktor? Oo nga pala, ang sabi mo, 'never show any sign of fear to your patient.' But I'm not your patient, Doc, kaya 'wag ka nang magpanggap na hindi ka takot."
"Huminahon ka, Pearl, hindi mo alam gamitin 'yan. Come on, let's talk about this."
"Hindi ko alam? Nag-aral akong bumaril dahil alam kong darating ang pagkakataon ko para makapaghiganti."
"At sa palagay mo, ito ang tamang pagkakataon? No, Pearl. 'Pag namatay ako, lalong hindi na makalalabas ang kuya mo. Ang alam nina Laura at Ricardo, patay na siya. Ako lang ang may alam kung nasaan siya, Pearl. Magtiwala ka sa akin--"
"Bakit ako magtitiwala sa 'yo!"
"Nagtiwala ka na sa akin mula nang sumama ka sa akin dito, hindi ba?" mahinahon pa rin nitong sagot, sabay tumayo at unti-unting lumapit sa kausap. "Bakit mo pa babawiin? Think about this, young woman. Ano bang mapapala ko kung pati ikaw ay bibihagin ko rito? Tatlong taon na kitang napagtaguan, sa palagay mo, hindi ko naisip na pagtatangkaan mo ang buhay ko? Pero nandito ka. Nandito ka dahil kinuha kita rito. Ako ang pumili sa 'yo."
Tumalab ang pagiging bihasang doktor sa pag-iisip nito, dahil unti-unti, ibinaba ni Pearl ang kamay na may hawak na baril. Tumulo ang mga luha. Matapos ay mabilis na lumabas ng opisinang iyon, kimkim ang sama ng loob.
Dinala siya ng mga paa sa silid ni Shelvin. Itinago niya sa bulsa ang baril saka dahan-dahang lumapit sa huli na noo'y mahimbing nang natutulog, maingat na naupo sa gilid ng kama nito. Pinagmasdan niya ang maamong mukha ng lalaki.
Hindi ko maintindihan kung bakit kahit galit ako sa mga Villagracia, hindi pa rin ako masaya sa nangyaring trahedya sa pamilya n'yo, bulong ng isip niya habang nakatitig ang luhaang mga mata sa tulog pa ring si Shelvin.
DAPAT KANG MAGDIWANG, KABAYARAN IYON SA KASALANAN NILA SA KUYA MO... udyok ng isang bahagi ng kaniyang utak.
Pero, hindi ko naman talaga tiyak kung may kasalanan ba ang mga Villagracia... pangangatwiran niya.
PINABAYAAN NILA ANG KAPATID MO, HINDI BA? muling udyok ng kabilang panig ng isipan niya.
Pero dahil kay Shelvin, makakalaya na rin ang kuya ko...
Sinapo niya ang sariling noo. Nagtatalo ang isip. Siya na yata ang mababaliw! Mariin siyang napapikit kasabay na muling bumagsak ang kaniyang mga luha.
May humablot sa braso niya kaya agad siyang napadilat.
"Ba't ka umiiyak? Hindi naman ako patay, ah," sabi ni Shelvin sa kaniya. Nakangiti ito ngunit tila may pag-aalala sa mga matang iyon. Hawak pa rin nito ang kaniyang braso.
"Hindi... hindi ako umiiyak. Na... napuwing lang kasi ako." Obvious na dahilan na iyon pero wala na siyang ibang maisip. Hindi naman na siguro iyon mapapansin ng kausap dahil sa kondisyon nito. Marahan niyang inalis ang kamay nitong nakahawak sa kaniya.
"Nagsisinungaling ka," nakangiti pa rin nitong sabi. Bumangon ito at pinunasan ng mga palad nito ang luha niya. Kung hindi lang ito baliw baka isipin niyang nananamantala na ito.
"Can you give me a smile, Miss Cutie?"
Hindi napigilan ni Pearl ang mangiti sa bansag nito sa kaniya. Ang loko, baliw na nga marunong pang mambola! Siguro likas itong palikero.
"'Yan... e di napangiti rin kita."
Sandaling napatitig si Pearl sa mukha ng kaharap. Ang ganda ng ngiti nito. 'Yong napakaaliwas na ngiti na tila nakakagaan ng pakiramdam. Ang tingin niya rito ay isang Prince Charming na lumabas mula sa pahina ng fairy tale books.
At ako ang princess...
Ang huling naisip niyang iyon ay tila malamig na tubig na nagpagising sa kaniyang diwa. Napailing siya. Saan niya nadampot ang mga ideyang iyon? Ang kaharap niya ay hindi isang Prince Charming, at lalong hindi siya isang prinsesa. Ang kinalalagyan nila ay hindi isang kastilyo kundi mental hospital. Ang lalaking ito ay isang baliw, at siya ay ang peke nitong nurse. Period.
Napahugot siya ng malalim na paghinga bago muling nakapagsalita. "Oo na, oo na... Napangiti mo na nga ako. Ngayon, humiga ka na ulit at matulog ka na." Inalalayan niya ito sa paghiga saka kinumutan. "Good night, Shelvin." Akma na siyang aalis nang magsalita ito.
"Wait..."
Lumingon siya. "Bakit?"
"Sing for me, Miss Cutie, so that I can sleep... Please?"
What? gusto sana niyang isagot dito. "Okay..." sa halip ay sinabi niya, napakibit-balikat. "Anong gusto mong kanta?"
"Anything that will make me fall asleep," sagot nito na noo'y nakapikit na.
Bumuntonghininga si Pearl saka nagsimulang ihimig ang unang kantang pumasok sa isip niya, "Lullaby and good night... Close your eyes and sleep tight... Go to sleep, do not cry... Soon the morning is nigh..."
Habang pinagmamasdan niya ang payapang mukha ni Shelvin, unti-unting nagbago ang damdamin ni Pearl para rito. Inosente nga marahil si Shelvin sa mapait na pangyayari sa kuya niya sa nakaraan. Siguro nga, dapat ay gawin na lang niya ang trabahong ito na ipinagagawa ni Dr. Miron. Tutal, nagkakasundo na naman sila ni Shelvin at ito ang tanging paraan para mailigtas ang kaniyang Kuya Fred.