Chapter 7 Punishment

Nagsimula na akong magtrabaho at hindi na pinansin si boss. Ang plano ko talaga ay hindi siya pansinin pero mukhang hindi naman niya napapansin ang klase ng treatment ko sa kaniya pero ipagpapatuloy ko pa rin ang plano ko. Ayaw ko talaga sa mga babaero pero sanay na ako. Halos babaero ang mga nakakasalamuha ko sa loob ng tatlong taon. Yeah in almost f*cking three years, all of them are womanizer.

Nakaka-asar nga minsan, eh, sinabi ko na noon sa kanila na 'wag magdala ng babae sa bahay pero nagdadala pa rin sila, tapos 'yong mga babae nila, wagas kung makatili pag tinatawag sila kuya, akala mo naman may nab*ril sa harap nila. Pero mas better kung sila ang mabab*ril.

'Their voice are poisoning the ear of every human in our house. That's why I hate them.'

Pinagpatuloy ko na ang pagtatrabaho pero mga ilang sandali lang ay nagulat ako nang biglang tumunog 'yong cellphone ko kaya napatingin ako roon pati narin si boss na busy kanina. Tinignan ko naman ang caller at si Clair lang pala.

"Hello, Clair," ani ko pagkasagot ko sa tawag.

"Jade, hindi ako uuwi mamaya, may pupuntahan ako at si Anna naman ay mag-o-over time."

"Saan ka pupunta?" kyuryoso kong tanong sa kaniya. Hindi naman 'to aalis nang matagal kung hindi importante ang pupuntahan niya.

"Uuwi ako sa bahay, bibisitahin ko sina mommy at si Clark," sagot niya kaya napabuntong hininga ako, ibig-sabihin talaga ay wala akong kasama mamaya dahil malayo-layo rin ang bahay nila rito.

"Sige, ingat ka sa pupuntahan mo," sabi ko habang pilit itinatago ang lungkot sa boses, at pinipigilan ang pagbuntong-hininga ulit para hindi siya makahalata.

"Ikaw rin ingat ka, huwag ka na gumala lalo na 'pag wala kang kasama, lalo na ang maglasing," pagpapaalala niya kaya bahagya akong ngumiti pero agad ding ngumuso. Hindi naman na ako bata para paalalahanan pa.

"Sige, bye." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay ibinaba ko na ang tawag.

"You okay?" Nagulat ako nang biglang magsalita si Kleid kaya napatingin ako sa kaniya at pilit na ngumiti.

"Ayos lang ako, boss," ani ko pero mukhang hindi siya kumbinsido kaya nagpakawala ako ng buntong hininga.

"You can rest if you want. I think you're not okay," may pag-aalalang ani niya at ibinalik ang paningin sa ginagawa.

"Okay lang ako, boss. Hindi ko naman kailangang magpahinga," saad ko at ibinalik na rin sa ginagawa ang paningin.

"Okay, if that's what you want," pabuntong hiningang sagot niya kaya hindi na ako nagsalita pa.

Ipinagpatuloy ko na ang pagtratrabaho para madali ko lang ito matapos.

"Hein, send this files to Mr. Samonte," utos ni Boss kaya napatingin ako sa kaniya at kinuha ko na ang mga files na inaabot niya.

"Sige, boss," malamig kong ani.

Umalis na ako sa opisina at nagpunta kay Mr. Samonte. Pagkarating ko ay kumatok muna ako bago pumasok.

"Good morning, sir. Mr. Federson wants to give you these files," magalang na ani ko sabay abot ng mga files.

"Thank you, hija," nakangiting ani niya at kinuha ang inaabot ko kaya nginitian ko rin siya.

Umalis na ako roon at bumalik sa office. Ipinagpatuloy ko ulit ang ginagawa ko hanggang sa mag-lunch na. Pumunta ako sa canteen at bumili, umupo ako sa hindi mataong puwesto at nagsimulang kumain nang biglang umingay sa canteen.

"Hala! Ano'ng ginagawa ni boss dito?"

"Unang beses pa lang siya pumunta rito."

"Dito kaya siya kakain?"

Mga bulungan nila na sa tingin ko naman hindi na bulong sa sobrang lakas, mas dapat pa ngang tawaging sigaw, eh, pero hindi ko na lang tiningnan kung sino man ang pinagt-tsismisan nila dahil wala naman akong pake at saka, masarap ang kinakain ko kaya rito lang dapat ang buong atensyon ko.

'FOODS BEFORE DUDES.'

Napaangat ako ng tingin nang may umupo sa upuang nasa harapan ko, agad ko itong sinamaan ng tingin pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Umalis ka riyan," malamig kong ani pero hindi siya umalis.

"I am the boss here so I can do whatever I want," malamig niya ring ani kaya mas sinamaan ko siya ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain at hindi na siya pinansin pa. Remember self, foods before dudes.

Pagkatapos kong kumain ay tatayo na sana ako nang bigla niyang hablutin ang kamay ko at pinaupo ako pabalik, pinagkunotan ko siya ng noo.

"Bakit, sir?" takang tanong ko sa kaniya.

Pinunasan naman niya ang bibig niya bago nagsalita. "Sa bahay ka na titira as your punishment sa pagiging late," aniya na nagpataas ng kilay ko.

'Ano siya siniswerte?'

"At bakit naman kita susundin?" medyo pasigaw na tanong ko habang nakataas kilay pa rin.

"As what I said, this is your punishment of ALWAYS being late," masungit niyang ani sabay cross arms.

'Bakit naman kailangang diinan ang always?'

"Hindi ko susun-" Before I could finish my words he already cut me off.

"I'm your boss so you should follow what I say," he said as if there's a law that can prove it kaya binalingan ko siya ng matalim na tingin.

"Being your employee doesn't mean I should always follow what you say. Ang unfair naman para sa amin na empleyado ang ganito, you're being a manipulative boss" seryoso kong ani pero pinagsawalang bahala niya ang pagiging seryoso ko.

"Your parents knew about this already so you can not do anything about it." Kalmado man ang pananalita niya pero halata pa rin ang diin sa bawat bigkas niya sa mga salitang binibitawan.

"I don't care if my parents know this punishment of yours , I can do whatever I want. They can't control me, no one can control me, lalong-lalo ka na. You can't control me without my permission and if you think hahayaan kita na kontrolin ako, nagkakamali ka," mahabang litanya ko nang hindi pa rin inaalis ang mga matatalim kong titig sa kaniya, pero napatawa lang siya ng pagak.

"The day you f*cking enter my company is the day you f*cking gave me permision to control you and your f*cking life, so you can't do anything to change my mind. Sa ayaw at sa gusto mo, sa bahay ka titira. This is a command, so you better follow it," he said coldly and left me dumbfounded.

Tulala akong bumalik sa opisina. 'Paanong pumayag si daddy sa ganitong bagay?' Imposibleng ganun-ganon lang 'yon.

'Da*n ano kaya ang ginawa ng lalaking 'yon at napapayag niya sina Mom at Dad?'

It's already 5:00 pm kaya inaayos ko na ang mga gamit ko at niligpit ang mga kalat ko. Hindi ko nga alam kung paano ako nakapagtrabaho sa sobrang pag-iisip kung paano niya napapayag ang magulang ko. Palabas na sana ako nang hindi ko mabuksan ang pinto kaya napakunot-noo ako. Napatingin ako kay Kleid na ngayo'y nakangisi na sa 'kin.

"Open this da*n door," utos ko sa kaniya pero nanatili pa rin siyang nakangisi, kaya unti-unti na akong naiinis sa kaniya.

"Hindi ka aalis hangga't hindi pa ako natatapos dito," he said so I gave him a deadpan look. "And of course, sa bahay ka uuwi kaya hihintayin mo ako sa ayaw at sa gusto mo."

"Hindi nga ako titira sa bahay mo!" naiiritang sigaw ko sa kaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"If I said you're going to live in my house, you will. That's your punishment for being late and because I am the boss here, you'll follow my f*cking command," he said with authority.

Wala na akong nagawa kaya bumalik na lang ako sa upuan ko at nag-cellphone habang hinihintay siya. Madali lang naman niyang natapos kaya tumayo na ako at binitbit ang gamit ko pero hindi ko napansin ang handkerchief kong nahulog at naapakan ko ito, kaya ang ending, nadulas ako at nadaganan si boss.

I stared at him and I realize that our LIPS MET.

                         

COPYRIGHT(©) 2022