/0/32590/coverbig.jpg?v=f7fb92f40a1025717509c623409bf57f)
"Gising na, Jade!" narinig kong sigaw habang niyuyugyog ako. "Jade! Male-late ka na sa trabaho!" sigaw ulit ng kung sino.
Bungangera!
"Mmm... 5 minutes more," inaantok kong saad dito.
"Hala sige, para unang araw pa lang sisante ka na!" pagalit na sigaw niya kaya agad akong napabangon.
"Sh*t, ayaw kong masisante!" sigaw ko. Dali-dali akong bumangon at naghanap ng damit at tumakbo sa banyo. Oa na kung oa pero first day ko ngayon at dapat maaga ako para ma-impress si boss. Dumiretso ako sa kusina pagkatapos kong magpalit.
"Kain ka," aya sa'kin ni Clair, na siyang gumising sa akin kanina. Umupo ako sa tabi ni Anna.
"Ang aga mo akong ginising, 6:47 pa lang, oh..." saad ko habang pinapakita ko ang wrist watch ko kay Clair, na tinampal naman ang kamay ko para mailayo ito sa mukha niya.
"Isang oras at kalahati ka kasi kung maligo, 'di ko naman inaasahan na mamadaliin mo ngayon. Mukhang interesado ka talaga sa trabaho mo, ah, binilisan mo pa talaga ang pagligo para lang 'di ma-late." Tama naman siya, gano'n talaga ako katagal kung maligo, siguro gagawin kong isang oras na lang ang pagligo para hindi ma-late, at hindi naman ako sa trabaho interesado, kun'di sa boss ko.
"Alis na 'ko," paalam ko sa kanila at lumabas na ng condo. Sumakay ako ng taxi upang makapunta sa Company. Hindi naman ako na-late kaya I'm happy.
"Good morning, manong guard," nakangiting bati ko rito. Friendly naman ako minsan.
"Good morning din po, ma'am," bati rin sa'kin ni manong guard. Nakipagkuwentuhan pa 'ko nang 'onti sa kaniya at pumunta na sa office ng m*nyak na si Kleid.
"You're Jade Hein Parker, right?" tanong no'ng nag-assist sa'min kahapon, tumango lang ako sa kanya. "Follow me," saad niya kaya sinundan ko siya. Lots of people knew me as Jade Hein Parker, aside from my name being so long, I also have other reason why I am not using my real surname.
"Nasa office ni boss ang table mo," aniya. Sa pagkakaalam ko may sariling place ang secretary, so bakit kami magse-share?
"Okay po," nakangiting ani ko. Dapat may po talaga, bait-baitan muna tayo para magkaroon ng maraming kaibigan kahit na hindi ko naman kailangan. Nakarating na kami sa office ni sir kaya kumatok na ito. Binuksan niya rin ito at pumasok na kami sa loob and guess what,
naabutan lang naman namin na may nakaupo sa lap ni boss habang nakaupo naman si boss sa swivel chair niya, at ang mas malala pa... NAGHAH*LIKAN silang dalawa! Agad kong hinila si ate palabas.
"What's the meaning of that?" tanong ko habang nakahawak sa noo. "Grabe naman sila, ate Shane." Nagpakilala siya kanina sa'kin.
"Hintayin na lang siguro natin silang matapos," saad ni ate Shane. Of course, alangan namang manood ako sa kanila.
"Hindi naman 'ata office ang napasukan natin, eh, motel 'ata. Ate, sino ba 'yong babaeng 'yon?" tanong ko.
"Ex 'yon ni boss."
"Mag ex sila pero naghahalikan? Baka naman nagkabalikan?" Buwisit na mga lalaki talaga 'yan! Hiwalay na't lahat pero nakikipaglandian pa rin.
"Don't know, maraming ex si boss, 'tsaka si boss kasi, may pagka-playboy," saad niya at pabulong 'yong huli kaya medyo natawa ako.
Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto at iniluwa nito sina boss at 'yong ex niya raw.
"What the hell are you two doing here?" saad niya nang makita kami ni ate.
Malamang magtatrabaho
"Hindi ba halatang nakatayo?" sarkastikong ani ko kaya napahigikgik si ate Shane at sinamaan naman ako ng tingin ni sir. Tsk, hindi niya ba alam na unang araw ko ngayon sa trabaho? Wala man lang bang maganda at maayos na welcome? 'Yon talaga ang isasalubong sa akin?
"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo," malamig na ani niya.
"Hinihintay po kayong matapos," sabi ko, 'wag mo lang subukang itanong kung ano ang hinihintay naming matapos, masasapak talaga kita
"Kanina pa kayo riyan?" saad niya
"Yup..." I said while popping the p.
"Bakit 'di kayo pumasok kung gano'n?" tanong niya.
"Boss, papasok po sana kami pero naabutan po namin kayong naghah*likan. Hindi rin po namin trabaho na panoorin kayong gumagawa ng kababalaghan sa loob, at kung may plano ka namang bayaran ako basta manood lang ako sa ginagawa mo, pass na lang dahil marunong akong mahiya, hindi 'gaya mo." Hininaan ko ang pagkakasabi sa tatlong hukling salita.
"Okay..." 'yon lang ang sagot niya sa mahabang litanya ko, antipatiko talaga, but I am glad at mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko.
"Babe, date tayo," aya no'ng babae.
"I have a work, and please, don't call me babe, co'z we're done," saad niya at hinila niya na ako papasok sa office niya.
Gano'n-gano'n na lang 'yon? Walang'yang lalaki 'to. Ganito na ba talaga ang mga lalaki sa mundo ngayon? Tsk tsk tsk, mga walang kuwenta.
Umupo na siya sa swivel chair niya at nagsimula nang magtrabaho. "'Di kita babayaran para tumayo riyan," saad niya.
"Eh, ano PO ba'ng ipapagawa niyo?" tanong ko, ipinagdiianan ko pa ang salitang po at baka ako'y masabihang bastos, haist magrereklamo ka pero wala ka pa namang pinapagawa.
"Make a black coffee for me," saad niya. Kasama ba 'yon sa trabaho 'ko? Siguro oo, wala naman akong experience sa ganitong bagay. Kaysa magreklamo, gumawa na lang ako ng black coffee at pagkatapos ay nilapag ko sa mesa niya. Hinintay kong tikman niya 'yong kape at nagtanong.
"Does the coffee tastes good?"
"No," sabi niya na para bang wala lang 'yong kape para sa kaniya.
"You don't have to deny it, I'm sure masarap 'yan." I have my own café kaya sigurado akong masarap 'yon.
"This is just a simple black coffee kaya huwag kang makulit, just print this." Ngumuso na lang ako. "And give me the soft copies and hard copies of these," utos na naman niya kaya ginawa ko na lang ang mga sinabi niya. P're, isa-isa lang, mahina ang kalaban.
Pumunta ako sa cafeteria nang mag lunch break at nag-order ng makakain, nang makahanap ako ng upuan na medyo malayo sa mga tao ay agad akong umupo at inilapag ang pagkain ko.
"Ahh, hello." Hindi pa ako nakakapagsimulang kumain ng may magsalita sa harap ko, kunot-noo akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Tumango ako sa kaniya at ibinaling ulit ang tingin sa pagkain. Narinig ko ang tunog ng upuan senyales na hinila niya ito.
"Ano'ng pangalan mo?" tanong niya.
"Jade, ikaw?" tanong ko pabalik. Hindi naman ako bastos minsan, yeah minsan lang dahil mas madalas akong walang galang.
"Susan," sagot niya, "Ikaw 'yong bagong secretary ni sir 'di ba?" tanong niya ulit, pinigilan ko ang mapabuntong hininga dahil nakakahiya naman kung mapansin niyang ayaw ko'ng makipag-usap habang kumakain. Ngumiti ako nang maliit at tumango. Hindi naman na siya nagsalita pa kaya nakakain ako nang payapa.
5:00 na ngayon nang hapon, it means puwede na akong umuwi. Wala naman akong masiyadong ginawa, pinapunta lang naman niya ako sa finance department at may pinakuhang kung ano-anong files, tapos puno pa 'yong elevator kaya wala akong nagawa kung hindi gumamit ng hagdan. First day na first day ko pa naman tapos stress pa, grrr!
Magsasarado na sana ang elevator nang biglang may kamay na pumigil dito at pagtingin ko ay si boss pala. Bakit pa kaya siya sasakay rito eh meron naman siyang sariling elevator. Pumasok siya at siya na ang pumindot sa ground floor. 'Di kami nag-uusap sa loob ng elevator hanggang sa bumukas na ito.
Habang nag-aantay ako ng taxi ay may humintong sasakyan sa harap ko, pagbaba ng bintana ay nakita ko si boss.
"Hop in," aniya.
"Huwag na po, sir," pagtanggi ko.
"Huwag mo nang hintaying buhatin pa kita," asar niyang saad kaya wala na akong nagawa kun'di sumakay.
"Saan ka nakatira?" tanong niya kaya sinabi ko sa kanya kung saan. Tahimik pa rin kami hanggang makarating kami sa lobby ng condo ko, medyo natagalan pa nga kami dahil sa traffic.
"Salamat po," nakangiting ani ko at bahagya pang yumuko bago bumaba, tumango lang naman ito kaya pumasok na ako. Pagkapasok ko sa unit ko ay nakita ko si Anna.
"Nandiyan na pala 'yong kotse mo," bungad ni Anna sa 'kin, tumango ako at dumiretso sa kuwarto at nagpalit.
Tinawag na ako ni Clair dahil kakain na. Sabay kaming pumunta sa kusina at naabutan si Anna na naghahanda ng mga plato. Kumain kami nang hindi nagsasalita, kutsara at tinidor lang ang nagbibigay ingay sa buong lugar. Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagprisintang maghugas.
Tapos na akong maghugas at pumasok na 'ko sa kuwarto. Nagdasal muna ako, siyempre hindi mawawala sa dasal ko ang lalaking gusto ko, 'di ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pag-iisip sa kaniya.