/0/32590/coverbig.jpg?v=f7fb92f40a1025717509c623409bf57f)
Napabangon ako at tinakpan ang mata nang maramdaman kong may tumatamang sinag ng araw sa mukha ko, umayos muna ako ng upo at napatingin sa alarm clock ko, 6:45 na pala ng umaga, paniguradong late na naman ako sa trabaho nito. D*mn! But who cares, anyway?
Agad akong nagpunta sa banyo at naligo. Lumabas akong naka-bathrobe at pumasok sa walk in closet ko. Pagkatapos kong magpalit ay nagpunta na ako sa kusina at naabutan ko roon si Clair na nag-aayos ng mga plato sa mesa.
"Ang aga mo 'ata ngayon," saad niya. Nginitian ko lang siya at nagtimpla na ng kape. Maaga ba 'yon?
"Tawagin mo na si Anna, malapit na akong matapos magluto." Pinuntahan ko si Anna sa kuwarto niya para gisingin.
"Anna!" sigaw ko sa labas ng kuwarto niya, bumukas naman ang pinto at bumungad sa 'kin ang isang babaeng nakatapis lang ng tuwalya.
"Punta ka na lang sa kusina 'pag tapos ka nang magpalit," utos ko rito.
"Sige," sabi niya at isinarado na ulit ang pinto kaya umalis na ako roon, nagtungo na ako sa kusina nakita ko naman si Clair na naghahain na ng makakain. Maya-maya pa ay dumating na rin si Anna.
"Good morning!" pasigaw niyang bati sa amin.
"Morning," sabay naming bati ni Clair.
Umupo na ako at ilang sandali pa ay dumating na si Clair at Anna na dala ang mga pagkain. Kumuha ako ng dalawang pancake, hotdog, bacon, tocino at sinangag at nagsimula na akong kumain. Lagi akong nasasabihan ng matakaw ng mga kapatid ko pero kapag kaunti lang ang kinakain ko ay nagagalit sila, ironic isn't it?
"Maghahanap na pala ako ngayon ng trabaho," ani ni Anna na nagpatigil sa akin sa pagkain.
"Why? Kung tungkol na naman 'to sa ambag mo rito sa condo ay hindi mo na kailangang mag-aalala, Hindi naman kita pinagbabayad," mahabang litanya ko, last week kasi ay pinipilit niya akong tanungin kung magkano ba ang dapat niyang ibigay na pera, nahihiya na raw kasi siya sa akin.
"It's not about that, nabo-bored na rin kasi ako rito, eh."
"That's good. Mabuti naman at hindi na dahil sa bagay na 'yon kaya ka magta-trabaho," nakangiting saad ko.
"Good talaga, para naman may paglibangan ka, puro ka na lang tulog at kain kaya ka tumataba," tumatawang ani ni Clair kaya 'di ko rin maiwasang matawa, napasimangot naman si Anna dahil sa narinig.
"Ang sama mo naman sa'kin," asar na sabi ni Anna.
Pagkatapos kong kumain ay agad na akong nagpaalam at umalis, maayos naman ang mood ko hanggang sa makarating ako sa kompanyang pag-aari ng mga Federson, dahil hindi naman ganoon ka-traffic.
Nasa harap na ako ng elevator nang may nakita akong naghahalikan sa medyo hindi mataong parte rito sa first floor, hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napahawak sa dibdib ko nang makilala ko kung sino 'yon, pamilyar sa akin ang babaeng kahalikan niya pero hindi ko maalala kung sino siya at saan ko siya nakita. Napayuko ako at napailing para mawala ang kirot na nararamdaman ko. Pumasok ako sa elevator at pinindot ang top floor. Iyong sakit na nararamdaman ko ay napalitan ng pagkailang, pa'no ba naman kasi, kanina pa nakatingin 'yong lalaking nakasabayan ko rito sa elevator.
"Any problem, mister?" I asked him.
"You look familiar, miss," he said, I got confused c'oz we haven't met before. "Nagba-vlog ka ba?" tanong niya.
"Yeah. Pero hininto ko na, why?"
"So, are you Jade Parker?" he asked while smiling so I just nodded. Hindi ko na lang ikinaila na ako 'yon.
"Talaga?" tanong niya ulit kaya tumango na naman ako. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Yes, he freaking HUGGED me!
"Wahhh! Dream come true, na-meet din kita sa personal, idol!" tili niya kaya nagulat ako, hindi dahil sa sinabi niya, kun'di sa boses niya.
'Akala ko lalaki, BAKLA pala.'
Nasaktan ka na nga, pakiramdam mo na-scam ka pa.
Ngumiti lang ako sa kaniya. Magsasalita na sana siya nang bumukas 'yong elevator kaya lumabas na ako. Pumasok na ako sa office nang walang katok-katok at thank God, hindi niya dinala rito 'yong kahalikan niya. Well, wala namang problema roon, kaso nga lang, masiyadong nakakainis 'yong boses nila. Parang mga palaka. Yeah, wala talagang problema, walang problema at hindi ka nasaktan kanina.
"Good morning, Sir," malamig kong ani at pumunta sa table ko. He deserves this kind of treatment.
"Good morning. My schedule for today."
"Meeting with the board members 10:00 to 11:30, and dinner meeting with Mr. Ferrer. That's all, Sir," ani ko. Napakunot noo ako nang mag sink-in sa utak ko 'yong Mr. Ferrer.
'D*rn sana hindi siya'
Nagsimula na akong magtrabaho at pilit na inaalis sa isip 'yong apelyido na 'yon sa utak ko, nagawa ko naman kaya nakapagtrabaho ako nang maayos.
Lunch Break
Lunch break na kaya pumunta na ako sa canteen ng company at nag-order ng beef steak, rice, chocolate cake at milktea. Nagsimula na akong kumain nang biglang may nagsalita sa harap ko.
"Ahh, miss, puwedeng maki-upo? Wala na kasing mauupuan," aniya kaya tumingin ako sa kaniya at nilibot ang paningin sa buong canteen, at tama nga siya puno na lahat kaya ngumiti ako sa kaniya at tumango, agad naman siyang umupo at nagsimula na ring kumain. Malawak ang canteen at maraming mauupuan pero 'yong ibang mga employee ay inilalagay ang mga bag sa mga extra'ng upuan, akala mo naman pati bag kumakain.
Pagkatapos kong kumain ay nag-stay muna ako roon, gano'n din siya.
"Siguro, bago ka lang dito, ngayon lang kasi kita nakita," sabi niya kaya tumango ako.
"Yeah, bago lang ako rito. I'm Jade Parker, Mr. Kleid's secretary," bagot kong ani, bad mood talaga ako ngayon, nakadagdag pa 'yong pangalan ng walang hiya kong boss na walang ginawa kung hindi ang mambabae.
"Ah, by the way, I am Harvey Dent. Sana magtagal ka sa pagiging secretary ni boss, 'yong iba kasing naging secretary niya, nagre-resign dahil sa ugali niya, 'yong iba naman. nagtitiis dahil gusto nilang ak*tin si sir, pero si sir mismo ang sumisisante sa kanila dahil palpak daw lagi ang ginagawa nila, hindi nila nagagawa nang maayos ang trabaho nila, pero ang sabi-sabi, mahal niya pa raw ang first love niya," sabi niya at lumapit pa nang bahagya para ibulong ang panghuling mga salita.
"Kung mahal niya ang first love niya, eh, bakit siya may mga babae. Malandi lang ba talaga siya o g*go?" tanong ko kaya natawa siya. Ano'ng nakakatawa ro'n? G*go naman talaga siya, eh, manakit lang ng babae ang alam... parang walang nanay at kapatid na babae.
"Alam mo bang wala pa ni isa ang nagbalak na sabihan siya nang ganiyan? Ikaw pa lang 'ata ang narinig kong tumawag sa kaniya ng g*go at malandi, eh, kaya sana magtagal ka pa rito dahil oras na marinig ka niyang nagsabi nang ganiyan, baka masisante ka na," sabi niya kaya napasimangot ako. Pake ko naman kung marinig niya, suntukan pa kami, eh.
"Hindi naman ako takot sa kaniya, eh," nakangusong ani ko kaya natawa siya.
"Halata nga," natatawang ani niya, halos hindi niya na nga mabigkas ang sinasabi niya dahil sa sobrang pagtawa. Nagkuwentuhan pa muna kami bago bumalik sa kaniya-kaniyang trabaho.
Nagpaalam na ako sa kaniya at nagpunta sa office ni boss at nagsimulang ipagpatuloy ang pagtatrabaho sa ginagawa kong hindi natapos kanina. Sa kalagitnaan ng pagtratrabaho ko ay biglang bumukas 'yong pinto at pumasok si ate Shane.
"Sir, these are the files that you needed for the upcoming fashion show," aniya at nagpunta sa table ni sir at inilapag ang mga hawak niya. Lumabas naman siya agad kaya pinagpatuloy ko na ang pagtratrabaho.
Hours passed at uwian na naman, nag-inat muna ako bago niligpit ang mga gamit ko at binitbit ito patayo, aalis na sana ako nang biglang magsalita si boss at ikinakaba ko ang mga sunod niyang sinabi.
"You're going to come with me Miss. Mera," aniya kaya nagsimula akong kabahan. Bakit ba ako kinakabahan? Hindi rin naman ako makatanggi dahil isa ito sa trabaho ko, kaya wala akong nagawa kun'di ang sumama na lang sa kaniya. At bakit nga ba Miss Mera siya nang Miss Mera? Hindi ba puwedeng Miss Parker na lang?
Walang-imik kaming nagpunta sa kotse niya hanggang sa makarating kami sa isa sa mga restaurant na pag-aari ng mga Federson. Nang makarating na kami ay agad tinuro sa amin ng isang staff kung nasaan ang ka-meeting ni boss kaya pumunta kami sa puwesto niya.
Humarap siya sa amin at parang natuod ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang mukha niya, d*mn, hindi nga ako nagkamali, siya nga talaga.
'PLEASE WAKE ME UP!'
'I HOPE THIS IS JUST A DREAM.'