/0/32590/coverbig.jpg?v=f7fb92f40a1025717509c623409bf57f)
Naalala ko na naman ang nakaraan namin kung paano niya 'ko niloko noon, pero buti na lang at naka move-on na ako sa kaniya, siguro may galit pero wala na akong nararamdaman para sa kaniya, pero sa totoo lang, hindi naman ako nahulog sa kaniya at kinakabahan lang talaga ako dahil sa tagal kong hindi nagparamdam sa kanila. Pero makapal na lang talaga ang mukha niya kung magtatampo siya sa ginawa ko pagkatapos niya akong g*guhin.
"Good evening, Federson," bati niya kay boss.
"Good evening, by the way, this is Jade Hein Parker, my secretary," malamig na anas ni boss at do'n lang ako nabalik sa ulirat nang hawakan niya ang braso ko at bahagyang pinisil.
"Good evening, Jade," nakangiting bati niya sa'kin.
"Good evening, sir," malamig kong ani at sinamaan ito ng tingin, ba't ba 'to ngumingiti? Akala niya ba makakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin sa pangiti-ngiti niya? Tsk.
"Have a sit, Axel and Jade," sabi niya at iginaya niya sa amin ang upuang nasa harapan niya.
Umupo na kami sa harap niya at nagsimula silang mag-usap tungkol sa business proposal ni Kleid. Wala naman akong kailangang gawin at isinama lang talaga ako rito kaya nag - cellphone na lang ako magdamag.
Kleid's POV
Pansin kong napatulala si Hein nang makita niya ang ka-meeting ko. His name is Dale Hanius Ferrer, naging kaibigan ko siya sa America, 2 years ago. I've known him for so long before we even became friends but we're not that close. Naging magkaibigan lang talaga kami two years ago.
"Good evening, Federson," bati sa akin ni Dale.
"Good evening, by the way this is Jade Hein Parker, my secretary," pagpapakilala ko kay Hein, I'm sure kilala nila ang isa't-isa co'z both of them are famous, hindi lang 'yon, alam ko rin kung ano sila dati, but of course for formalities, I need to do that.
"Good evening, Jade," nakangiting bati niya kay Hein. Why does he have to smile at her like that? He's getting married for Pete's sake.
"Good evening, sir," she said coldly. I'm confuse why she's acting like this. Siguro dahil sa ginawa ko kahapon, ni hindi na nga siya pumasok, eh. Pero bakit mas dumoble 'ata ngayon 'yong lamig? Should I ask her why she's acting like this? I think I should ask her later.
Umupo na kami sa harap ni Ferrer at pinag-usapan namin ang tungkol sa business, habang si Hein naman ay nagse-cellphone. Actually, I really don't need her to be here, I just want her to stay with me and to confirm something.
"If you'll invest in our company, I'll make sure na hindi ka malulugi lalo na't matagal na ito'ng kilala... and I know that you already know that our company are one of the biggest and successful company in the world." I drank my water, we're eating while talking, same as Jade. "...we're friends and you know na hindi kita lolokohin pagdating sa usaping ganito... 'a deal is a deal'."
"I already saw some of your hotels, even those resorts owned by your family and your staffs are great. Maayos din 'yong pakikitungo nila sa mga tao. One time I saw your manager talking to a rude guest and I am very impress, dahil kahit binabastos na siya no'ng tao, ay kalmado pa rin siya at iniintindi ang mga sinasabi no'ng guest." I smiled a little, hindi naman kasi kami tumatanggap ng staffs na bastos, kaya marami pa rin talagang nagche-check in sa mga hotels namin.
Pinagpatuloy ko na ang pakikipag-usap kay Dale until we finished our discussion. "The deal is off?" nakangiting tanong ni Dale habang nakalahad ang kamay niya. Tinanggap ko naman ito at nakipagkamay sa kanya.
"We're going now and thanks for the meal," saad ko at ngumiti lang naman ito habang tumatango, tumingin siya kay Jade kaya tumingin din ako rito, tutok na tutok ang mga mata niya sa kaniyang cellphone, ni hindi niya nga 'ata napansin na tapos na kaming mag-usap ni Dale.
"Hein, lets go." Kanina ko pa halata na balisa siya nang makarating kami rito sa hotel, buti ngayon ay umayos na 'to.
Nandito na kami ngayon sa kotse. Nagmamaneho ako ngayon habang siya ay tutok pa rin sa cellphone niya. Ano ba'ng meron sa bwisit niyang cellphone at mas gusto niya pang tignan ito kaysa sa'kin? Hindi naman sa nagseselos ako, pero sana naman ay magkaroon man lang sana siya ng kaunting respeto at ituon niya sa akin ang buong atensyon niya.
"Nasa condo mo na nga pala 'yong kotse mo," inis na sabi ko, sana nga lang ay hindi niya mahalata. Pinakuha ko kanina sa tauhan ko ang kotse niyang iniwan namin sa kompanya ko. Tumingin ito sa akin, d*mn, ngayon lang talaga siya tumingin, ha!
"Thanks," nakangiting aniya niya, at bago pa niya ituon muli ang atensyon niya sa cellphone niya ay nagtanong na ako.
"Why are you acting so cold towards me? Are you mad at me? Did I do something wrong?" I hate this feeling, I should not care if she's mad because she's JUST my secretary, but here I am, asking what I did.
"Nothing, you don't have to worry, I am not mad at you," she said sarcastically.
Tsk! A liar b*tch.
We're at the lobby of the building where I have my own unit too, I purposely bought a unit here so that I can be near to the person I love. I am planning to sleep here since pagod na ako at gusto ko nang magpahinga. She just thank me before going out of my car.
I stayed inside my car for a while, I don't want her to know that I have a unit here. Pagkarating ko sa unit ko ay pumunta ako sa kusina para kumuha ng beer. I opened and drink it while removing my suit. Pagkaubos ko nito ay pumasok na 'ko sa banyo upang maligo. Nagpunta ako sa bar island ko rito sa condo ko at kumuha ng whiskey, kumuha na rin ako ng ice. 'Yong kagustuhan kong magpahinga kanina ay biglang nawala. Habang inililibot ko ang paningin ko ay nahagip ng asul kong mga mata ang larawan ng babaeng pinakamamahal ko, lahat 'ata ng parte ng bahay ko ay makikita ko ang mukha niya, lalo na sa kuwarto ko. Haist, why am I so in love?
Three years of being her friend, nine years of being one of her stalker, twenty years of loving her, and I hope, hindi ako magaya sa mga lalaking pinapaasa niya.
Humiga ako sa kama sabay tingin at kuha sa picture frame ng babaeng pinakamamahal ko, na nasa bedside table.
"I hope you can still remember me until now. I miss you and I love you," bulong ko habang nakatingin sa picture niya.