/0/32590/coverbig.jpg?v=f7fb92f40a1025717509c623409bf57f)
"Hoy, babae!" sigaw ng kung sino habang hinihila ang paa ko. "Gising na, Jade, ano ba!" Sino ba 'to?
"Mmm..." ungol ko. "Mamaya na lang," inaantok ko pang saad dito.
"Anong mamaya pa? Jade, ano ba!" Sino ba kasi 'to? Ang ganda-ganda ng paniginip ko, eh, panira naman, oh.
"Jade, 7:00 na, male-late ka na, 8:00 'yong pasok mo!" sigaw n'ya, at a-ano raw? 7 o'cl–, nanlalaking mata akong napamulat.
"7:00 na?! Ba't ngayon mo lang sinabi?" Tumingin ako ro'n sa gumigising sa'kin at nakita ko si Anna na masamang nakatingin sa akin. Ano ba 'yan? Kahapon si Clair, tapos ngayon naman si Anna!
"Jusko porsanto, Jade! Kanina pa kita ginigising, kaloka ka! Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip mo at naghanap ka ng trabaho. Eh, alam mo namang late ka na kung magising, " sabi niya habang nakalagay ang kamay niya sa noo. "Maliligo ka na o bubuhusan kita?!" nanghahamong sabi niya kaya siya naman ang tinignan ko nang masama. Gising na nga bubuhasan pa? Tsk as if naman kaya niya akong buhusan.
"Kaya mo?" hamon ko sa kaniya, nagulat siya pero agad naman ding nawala.
"Eh ano naman kung 'di ko kaya?" nakangusong tanong niya sa akin kaya napatawa ako.
"Eto na? maliligo na," tatawa-tawang saad ko at kinuha ang t'walya. "Pero teka Anne, 'asan si Clair?" tanong ko kay Anne.
"Who knows? Baka gumala na naman 'yong babaitang 'yon, o baka nag-jogging." Mukhang stress na siya sa aming dalawa.
"Baka nga."
"Naks naman. ang bilis ah? Naghilod ka ba?" tanong niya pagka-labas na pagka-labas ko sa banyo, inirapan ko lang siya. "Attitude!" natatawa niyang sigaw kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Pinaalis ko na si Anna at pumasok na ako sa walk-in-closet ko at nagbihis na kaagad.
"Anne, una na 'ko ha? Ikaw na muna'ng bahala rito," pagpa-paalam ko sa kan'ya.
"Kain ka kaya muna," nguso niya sa lamesa.
Ngumuso rin ako. "Do'n nalang siguro?" patanong kong sabi.
"Yuck! 'Wag ka ngang ngumuso, hindi bagay sayo!" sabi niya na nagkunwari pang nasusuka.
'Sa cute kong 'to? 'Di bagay sa akin ngumuso? May sira na siya sa ulo!'
"Ang sama mo talaga Anne! Ewan ko ba kung paano kita naging kaibigan eh!" Sabay irap ko sa kanya.
"Oh sya... pumasok kana at 20 minutes na lang late ka na." Pagtutulak niya sa'kin sa pinto.
"D*rn it! 20 minutes na lang?!" sigaw ko.
"Ahum, kaya go na! Shooo." Nag-hand sign pa nga.
"Okay, bye-bye na!" pagpa-paalam ko sakanya at hinalikan siya sa pisngi.
'Buti na lang at dumating na 'yong kotse ko kase kung hindi ay sobrang hassle talaga! Sumakay na ako at nagpunta na sa trabaho. Binusinahan ko si manong guard pagkarating ko.
"Good morning, Ma'am," bati niya sa 'kin
"Good morning po," bati ko pabalik sa kanya
Nakarating na rin ako sa wakas! Dali-dali akong pumunta sa office at pag bukas na pag bukas ko pa lang...tsk 'yan na naman sila, naghahalikan, pero ibang babae na naman! Tinignan ko 'yong babae at halos mahubaran na sya. Yuck!
"Why are you standing there?" tanong nya. 'Well, secretary mo ako kaya 'andito ako nakatayo sa office mo.' Pagsagot ko sa isip ko.
"A-ah e-eh, n-naka-abala po ba ako sa inyo, Sir?" kunwaring nahihiyang ani ko.
"Unfortunately, yes," pairap na sabi no'ng babae kaya palihim ko rin siyang inirapan. Ang lakas ng loob sumagot, hindi naman siya ang kinakausap.
"Get out of my office!" sigaw nya. Edi sige, aalis. Tse! Paalis na 'ko nang bigla siyang nagsalita
"No, not you!" Kailangan ba talagang sumigaw? At saka ano raw? Hindi raw ako? Eh, sino? Hala! May M-multo ba rito? "But, you!" Turo niya sa babaeng kahalikan niya kanina.
"Huh, why me, babe?" Inosenteng tanong no'ng babae.
"Don't call me babe, and now... get out! We're over!" Sigaw n'ya rito.
Mangiyak-ngiyak na umalis 'yong babae sa office ni 'SIR'.
"Ganyan ka ba talaga 'Sir'? No offense ah, pero... Hindi 'ata tama 'yong ginawa mo ro'n sa babae. 'Di ka ba naawa?" sunod-sunod na sabi ko at tanong. Para sa mga kagaya kong babae ay alam kong masakit 'yon, kahit na hindi ko pa 'to nararanasan, lalo na 'yong mapahiya ka sa harap ng iba.
"Who are 'you' to tell me that?" inis na tanong niya kaya mas lalo akong nagalit.
"I am your Secretary, Sir," pormal kong sabi sa kan'ya.
"You'e just my secretary! You dont have the rights to tell me that stupid thing! and I am sorry to dissapoint you but I do not care if mali 'yong ginawa ko sa babaeng 'yon, and please... mind your OWN business!" galit na sigaw n'ya. Foul na 'yon ah.
"Yeah right, Sir, I'm JUST your secretary, but excuse me, Sir, I am also a woman, alam ko 'yong nararamdaman no'n, no'ng taong 'yon! I'm sorry for saying these things, I know that you don't need my opinion... but I know that your mother will be very disappointed with you, oras na malaman niya ang lahat ng katarantaduhang ginagawa mo!" matapang na sabi ko. I don't care kung mas lalo siyang magalit sa'kin.
"Alam mo, bago ka pa lang dito pero kung sagut-sagotin mo 'ko ay parang mas mataas ka pa sa'kin, ah? Bilib din ako sa tapang mo eh 'no?" pagkasabi nya no'n ay umalis na siya. Asar talo ka pala, eh.
"Eh, anong gagawin ko ngayon dito?" Dala ko na rin 'yong mga pinagawa niya sa 'kin kagabi siguro iiwan ko na lang dito? Bahala na? Dapat magtrabaho pa rin ako kahit na wala siya, kaso nawala na ako sa mood. Napagdesisyunan ko na iwan na lang sa mesa niya 'yong mga files na kakailanganin niya sa meeting niya today. Umuwi na lang ako at iniwan ang trabaho ko rito.
"Kumusta ang second day?" bungad sa'kin ni Anne. "...mukhang 'di okay, ah? Ang aga mo, eh. Mukha pa ngang hindi ka nagtrabaho," nanunuya at naka-ngisi niyang ani.
"Hindi talaga okay!" inis na sabi ko.
"Bakit?" curious na tanong nya.
"Ang bastos-bastos kasi ng Boss ko, bwiset! Guwapo nga, bastos naman, isipin mo... nakita ko siya kanina sa office niya na may kasamang babae, naghahalikan silang dalawa tapos bigla-bigla na lang niyang sasabihin na over na raw sila? Tapos pina-alis n'ya pa 'yong babae, bwiset!" 'di maka-paniwalang sabi ko.
"Oh, tapos?" Umupo siya sa upuan na nasa harap ko.
"Oh, tapos?" inis kong panggagaya sa boses nya. "'Yon lang, tapos nagkasagutan kami, at nag-walk out si gago!" padabog na sabi ko.
"Tsk tsk tsk! Mga lalake nga naman, oh!" sabi n'ya habang umiiling.
"By the way, nasaan nga pala si Clair?" tanong ko.
"Wala pa! Halika na, kain na lang ulit tayo. Alam mo naman na may trabaho rin 'yon!" sigaw niya at naghanda na ng makakain.
Tapos na kaming kumain at ililigpit ko na sana 'yong mga ginamit namin nang pigilan nya 'ko.
"Ako na, alam kong stress ka, at baka mabasag mo pa 'yong mga pinggan, mahal pa naman 'yon, at saka ikaw naghugas kahapon."
Nagpunta na ako sa kuwarto ko at nag-isip ng gagawin para matuto si boss sa ginagawa niya sa mga babae.
'What if ipap*tay 'ko na lang siya? Well, puwede namang ako mismo ang gumawa.'
'Di puwede... mawawalan ako ng guwapong boss.'
Parang may light bulb na nag-pop sa ulo ko.
"Ah alam ko na," bulong ko sabay evil grin.
I'll make sure that you're gonna suffer and feel the same pain I felt because of you.