Pagpasok ko ng canteen ay kaagad kong hinanap si Bea. Kaagad ko rin naman siyang nakita sa dulong bahagi. Lumapit na muna ako sa counter at nag-order dahil gutom na talaga ako.
Pagkakuha ko ng in-order ko ay kaagad na akong lumapit sa mesa kung saan naroon si Bea.
"Beshie, kanina ka pa ba dito? Nag-order na ako ng food, gutom na talaga ako. Kumain kana ba?" tanong ko kaagad sa kanya pagkalapit ko.
"Oo, tapos na ako, Beshie. Sasamahan nalang kitang kumain." Inayos niya ang mga gamit niya sa mesa para makapwesto ako. Parang masaya siya ngayon ah.
Natanaw ko naman sa 'di kalayuang mesa ang mga campus heartthrob na sina Mark, Anton, dave, james at ang crush ni Bea na si Ken. Kaya siguro s'ya narito at gusto pa ako samahan kumain dahil narito ang crush niya na hindi naman siya napapansin.
"Magkuwento ka naman, Beshie," sabi niya na animo'y excited.
"Tungkol saan?" maang ko. Alam ko naman kung ano ang pinapakuwento niya, pero tinanong ko pa rin.
"Kumusta yung bago ninyong Professor?" Ngiting-ngiti siya na animo'y kinikilig sa gustong malaman tungkol sa masungit kong Professor.
"Ah, iyun ba? Okey naman," malamya kong sagot habang sumusubo na ng pagkain. Parang ngayon lang ako nagutom ng ganito.
"Beshie, iyon lang?! Okey lang?! Wala man lang kuwento diyan?" Sumimangot ang kaniyang mukha na waring nagtatampo. Nangalumbaba pa siya sa harapan ko.
Kinulit niya ako ng kinulit na magkuwento kaya naman wala na akong nagawa pa. Kinuwento ko na sa kanya ang mga nangyari simula kanina sa Coffee Shop, at iyong nagulat ako na siya ang bagong Professor. Ikinuwento ko rin ang tungkol sa sketch at sa pagpapahiya niya sa akin.
Pero imbis na mainis ay parang kinikilig pa siya sa kuwento ko.
"Parang gusto ko pumasok sa klase niya, Beshie. I want to learn more from him." Napanganga naman ako sa sinabi niya. Nakapangalumbaba siya at nakataas ang mga mata na animo'y nangangarap.
"Learn more?! Tumigil ka nga. Napakasungit niya at ipinahiya pa niya ako sa buong klase," inis na sabi ko sa kaniya at ipinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain.
"Okey! So, hindi pala ako dapat na matuwa sa kanya, pero siya parin ang Professor mo," may panghihinayang niyang sabi.
"Yes, but it's okey. I can manage," ani ko sa kanya. A-attend parin naman ako ng class niya.
"Nga pala, Beshie. May job interview ako next week, baka naman p'wede mo ako pahiramin ng pormal na damit."
"Oo naman, ikaw pa ba. Teka, nag-apply kana? Bakit ang aga naman yata?" may pagtataka niyang tanong, bakas din ang bahagyang pagkagulat sa mga mata niya.
"Gusto ko na magka-work 'agad pagka-graduate. Nahihiya na ako sa kapatid ko nuh. Ayaw ko na umasa sa kaniya. Ang dami na niyang hirap sa akin."
Simula nang ma-ulila kami sa mga magulang ay ang nakatatandang kapatid kong babae nalang ang pamilya ko. Siya ang tumayong mga magulang ko, sinuportahan niya ang pag-aaral ko at mga kailangan ko sa araw-araw. Nagtatrabaho siya sa isang kumpanya sa ibang bansa. Kaya naman pinagbubuti ko ang pag-aaral ko para makakuha ng magandang trabaho.
Lumipas ang mga araw na naging maayos naman ang mga klase ko kay, Mr. Ford. Gano'n parin siya, masungit at perfectionist sa lahat ng bagay. Pero parang mas gumaguwapo pa siya araw-araw kahit napakasungit niya.
Ngayon ang araw ng job interview ko sa isang kumpanya. Nagmadali akong nagtungo sa building ng inaplayan ko at kaagad hinanap ang HR department para sa interview. Suot ko ang puting long sleeve at pensil cut skirt na ipinahiram sa akin ni Bea. Nagsuot din ako ng 2 inch black shoes.
Abot-abot ang kaba ko ng sumalang na ako sa interview. Nagdasal muna ako na sana ay makapasa ako..
Nagtanong ang interviewer ng about my self, skills at kung ano ang ma-contribute ko sa kumpanya. Sinagot ko lang ng naaayon sa alam ko.
Pagkatapos ng interview ay naghintay muna ako para sa result. May mga kasama rin ako rito na mangilan-ngilan na applicant na pawang mga naghihintay din sa resulta ng interview.
Lumabas ang HR personel at tinawag ang mga nakapasa. Laking pasasalamat ko ng tawagin ang pangalan ko.
Binigyan kami ng list of requirements. Kukumpletuhin ko na ito kaagad, para graduation certificate nalang ang kulang. May trabaho na agad ako pagka-graduate ko.
Masayang-masaya ako, kaya naman tinawagan ko kaagad ang kapatid ko para ibalita na magkakatrabaho na ako. Masaya naman ang kapatid ko para sa akin. Sinabi ko rin sa kaniya na huwag na niya akong alalahanin, dahil kaya ko na ang sarili ko. Nagpasalamat din ako sa kaniya sa lahat ng sakripisyo niya sa akin. Ako naman ang babawi sa kaniya.
Habang papalabas na ako ng building ay nagulat ako ng bigla nalang akong sumalpok sa isang matigas na- dibdib?
Omg! dibdib nga. Ang tigas at mukhang ma-muscle na batak sa gym. Napatunghay ako sa mukha ng taong nagmamay-ari noon.
Nanlaki ang mga mata ko ng matunghayan ko siya. Sh*t! ang guwapo niya talaga, makalaglag panty.
"Mr. Ford?"
"Ms. Collins, Are you alright?"
"I-I'm sorry, Sir."
"I'm sorry also, hindi kita napansin kaagad." Nagulat ako sa inasal niya dahil parang ang bait niya ngayon. Parang walang regla. Mahinahon ang pagsasalita niya at masuyo rin ang mga mata niya. Parang lalo pa siyang gumaguwapo sa paningin ko habang tumatagal. Sh*t! 'wag ka naman masyado pa-fall.
"Why are you here?" tanong niya sa akin at mukhang nagtataka.
"A-ah, a-nu." Nagulat naman ako ng bigla siyang nagtanong. Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Sasabihin ko ba sa kanya na nag-apply ako? Bakit ko naman sasabihin sa kanya? Pero 'di ba dapat ako ang magtaka kung bakit siya nandito.
Sabay naman kami napalingon ng may tumawag sa pangalan niya. Agad niya naman itong kinawayan.
"I'll go ahead," paalam niya at kaagad naman akong ngumiti bilang tugon.
***
Kinabukasan pagkatapos ng klase ko ay kaagad akong nakipagkita kay Bea. Upang ibalita na magkakatrabaho na ako. Excited na akong sabihin sa kanina.
Nagmamadali akong nagtungo sa tambayan namin sa likod ng University, sa ilalim ng mga puno. Doon ang tambayan namin after class dahil bukod sa malilim ay malapit din sa basket ball court. At laging naroon ang crush si Bea na si Ken.
"Beshie!" agad kong nakita si Bea doon. Lagi nalang siyang nauuna, nagmamadali lagi para makasilay sa crush niya.
"Beshie, I have a good news!" Tumayo siya sa pagkakaupo niya na waring excited sa sasabihin niya.
"Ako din may good news," masayang pagkakasabi ko rin sa kanya.
"Opss! Teka sandali, ako din meron." Nagulat kami ng biglang sumulpot si Avin. Si Avin ay kaibigan din namin ni Bea. Minsan lang namin siya nakakasama dahil bukod sa school ay nagtatrabaho siya sa isang ospital bilang nurs.
"Me first," sabi ni Bea, na mukhang hindi na makapaghintay pa na sabihin sa amin ang good news niya.
"I got a scholarship for the next school year."
"Wow!"
"Wow!" sabay naming sambit ni Avin. Talagang gusto niya ulit mag-aral next year ng ibang kurso.
"Masaya kami para saiyo, Beshie."
"Thank you."
"Ikaw naman, Avin," ani ko.
"Look!" Ipinakita niya ang isang Certificate. "Magiging regular worker na ako sa ospital at p'wede na rin ako mag-apply abroad."
"yehey!" masayang-masaya kami at nagpalakpakan.
"Ikaw naman, Beshie," ani naman ni Bea, na halatang excited na rin sa sasabihin ko.
"I got a job! At p'wede na ako mag-start kaagad, kapag nakuha ko na ang Graduation Certificate ko."
"Wow, ang galing mo!" masayang sabi ng dalawa.
"Group hug!" sigaw ni Avin. At nagyakap kaming tatlo. Walang kapantay na kaligayahan ang nararamdaman namin para sa isat-isa sa mga oras na ito.
"Mag-celebrate tayo. G?" mungkahi ko na may napakalaking mga ngiti at bakas sa mukha ang subrang kaligayahan.
"Sure, my treat," pagsang-ayon naman ni Avin.
"Saglit, hindi p'wede ngayon," pigil ni Bea. "Bukas ang final defense mo, Beshie."
"Matagal ko na natapos ang thesis ko. A-attend nalang ako ng defense bukas. Minsan lang naman ito, Beshie," sabi ko sa kanya at binigyan ko siya ng isang kindat na may kasamang napakagandang mga ngiti.
"Mag-bar tayo," sabi ko pa sa excited na tono.
"Hindi tayo p'wede magtagal doon baka ma-late ka ng gising bukas," paniniguro parin ni Bea.
"Magse-set ako ng alarm."
"Well, lets go." Pag-aya na ni Bea. Dahil sa pagpupumilit ko ay wala na siyang nagawa pa.