The Professor's White Lies(Filipino)
img img The Professor's White Lies(Filipino) img Chapter 3 Sketch
3
Chapter 6 Panyo img
Chapter 7 Side-mirror img
Chapter 8 Move out img
Chapter 9 Last wish img
Chapter 10 Girlfriend img
Chapter 11 Pandesal img
Chapter 12 Favor img
Chapter 13 Advise img
Chapter 14 Contract img
Chapter 15 First met img
Chapter 16 Bed img
Chapter 17 Forehead kiss img
Chapter 18 Decision img
Chapter 19 Fallen img
Chapter 20 I do img
Chapter 21 Honeymoon img
Chapter 22 Mall img
Chapter 23 Staring img
Chapter 24 Crazy img
Chapter 25 Smile img
Chapter 26 Dinner img
Chapter 27 A piece of paper img
Chapter 28 Vacation img
Chapter 29 Job img
Chapter 30 Free taste img
Chapter 31 Warm hug img
Chapter 32 Surprise img
Chapter 33 New job img
Chapter 34 Dinner meeting img
Chapter 35 Gentlemen img
Chapter 36 Hardworking img
Chapter 37 Glass of milk img
Chapter 38 Mine img
Chapter 39 Restaurant img
Chapter 40 Birthday img
img
  /  1
img

Chapter 3 Sketch

"Again, class. Good morning!" muling pagbati niya, pagkatapos niyang isulat ang pangalan niya sa white board.

Nagsimula na namang magbulungan ang mga kaklase kong babae na waring kilig na kilig at nagsipagtilian pa ng mahihina. Ang lalandi nila.

"Ang guwapo naman ni, Sir."

"My Girlfriend na kaya siya?"

"Available ako," sabi naman ng isang babae sa malanding tinig.

"I'm Albrey Ford," pagpapakilala niya sa buong klase.

"Ah, 'yun pala ang pangalan niya, akala ko Mr. Sungit," naibulong ko at bahagyang natawa ng maalala ko ang nagyari kanina sa Coffee Shop.

"From today on, I will be your new Professor and I'm responsible for two classes which are Statistics and Complex Variables," pagsisimula niya.

"I hope all of you will be functual for my class. Time of the class is really valuable.

So, I won't introduce myself in detail."

Napakaseryoso ng mga mukha niya at halatang istrikto siya lalo na sa pananalita niya. Pero hindi naman iyon nakabawas sa kaguwapuhan niya. Parang lalo pa nga siyang gumaguwapo dahil doon. Bumagay rin sa kanya ang suot niyang salamin na kulay itim ang frame. Napakapormal niyang tingnan doon.

Kung hindi lang siya masungit ay napakaperpekto na niya. Nangiti ako, ano ba itong iniisip ko.

"Today, I'm going to discuss the feature of Complex Variables," pagpapatuloy pa niya.

Naririnig ko pa rin ang mga bulungan at mahihinang tilian ng mga babae sa gawi ko. Napakahaharot naman ng mga ito.

"Hey! Nag-research ako tungkol kay, Sir and look what I foud." Na-curious naman ako sa narinig ko, kaya bahagya akong nakinig sa kanila.

"Mr. Ford is so amazing!"

"He won the international Mathematical Olympic Gold Award. Not just once but twice."

"Wow! His really awesome!" Sabay-sabay silang nagtilian.

"Nag-aral din pala s'ya abroad at naging Associate Professor siya."

"But why did he choose to become a teacher in our University rather than working abroad?" tanong naman ng isa.

"Ayon dito sa research, ito ang Alma Matter niya and he is still single at the Age of 28. So, mas gusto niya siguro dito dahil maraming magaganda,"

"Like us!"

"Tama!" sabay-sabay nilang sabi at kanya-kanya ng pa-cute sa harap ni Sir. Kinikilig na animo'y ngayon lang nakakita ng guwapong lalaki. Nakikinig lamang ako at hindi ko magawang makisali.

"The complex variables was found by two mathematicians," pagpapatuloy pa rin niya sa kanyang lecture.

Napatingin naman ako sa cellphone ko ng may dumating na mensahe. Galing ito sa kaibigan kong si Bea. Dito din siya nag-aaral sa University sa ibang kurso.

Agad ko naman itong binuksan at binasa.

"Beshie, Balita ko guwapo daw ang bagong Professor n'yo. Totoo ba?"

Bigla naman akong napatingin sa bagong Professor. Binawi ko rin naman kaagad ang paningin ko ng tumingin din siya sakin. Natatandaan niya kaya ako?

Nagtipa na ako ng mensahe bilang reply.

"Hindi siya guwapo, Beshie. Mukha na siyang may edad na. Napakasugit at akala mo ay mayroong regla." pagkaka-ila ko sa kanya.

"Huwag mo ako itchusin, Beshie. Kalat sa buong University."

"Huwag ka maniwala d'yan fake news lang 'yan, Beshie. I-drawing ko nalang siya para sayo." Agad naman akong kumuha ng lapis at papel.

Hindi ako magaling sa drawing kaya nag-sketch lang ako ng tao pero walang mukha, ginaya ko lang iyong kasuotan niya sa katawan.

"What are you doing?"

Napapitlag naman ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa harapan ko.

Dahil abala ako sa ginagawa ko ay hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. Tahimik na rin ang buong klase at ang lahat ng paningin nila ay na sa akin.

Dahil sa gulat ko ay 'agad kong ikinubli ang ginagawa ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung para saan ang kaba na nararamdaman ko. Dahil ba sa takot na mapagalitan o dahil sa prisensiya niya. Bakit ba hindi ko siya namalayan?

Tumunghay ako sa kanya at nginitian siya ng pilit.

Hindi siya nagsalita pero mariin ang pagkakatitig niya sa akin.

Inilahad niya ang kanyang kamay waring hinihingi ang bagay na ikinubli ko.

Nang hindi ko pa rin ibigay ay siya na ang kumuha nito.

Sinuri niya ng mabuti ang larawan bago nagsalita. Wala naman akong mabasang emosyon sa mga mata niya habang nakatingin doon.

"Is this me?" Tanong niya sa masungit na tinig. Narinig ko naman ang pagtawa ng mga kaklase ko.

"Maybe not. ' Cause, I have two buttons on my coat, but you drew one." Lalo namang lumakas ang mga tawanan.

"I have a watch on my left hand, but you drew it on my right hand."

"And also, I have a bracelet on my right hand but you drew it on my left hand."

"Above all, you didn't put on a face and also a fair of eyeglasses that I have." Hindi nga ako marunong mag-drawing kaya walang mukha, kung may mukha iyan baka mas lalong hindi mo ikatuwa. Isip-isip ko.

"What is your name?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Parang kinilig naman ako sa klase nang pagtitig at pagtatanong niya sa pangalan ko.

"I'm Savannah Collins," mahinahon kong pagkakasambit habang nakatitig sa kanya na may mapupungay na mga mata.

"Ms. Collins, even if you want to sketch or being absent minded in the class. I hope you can make it accurate, not like this." Napanganga naman ako sa mga sinabi niya. Akala ko pa naman kilig moment na. Napakaperfectionist, simpleng sketch lang pinatulan pa. Pano niya ba nasabi na siya iyan, wala namang pangalan.

"A whole picture is nothing but a stupid errors." Pahagis niyang ibinalik sa akin ang papel. Lalo pang lumakas ang mga tawanan. Grabe ang saya-saya nila.

Sobra-sobrang pagkahiya naman ang inabot ko. Nag-init ng husto ang mukha ko at pakiramdam ko ay subrang pula nito. Nakakainis talaga siya, ubod talaga siya nang sungit.

"The reason why I choose the complex variables as the first class is that I want to make it clear that everyone is required to be accurate without any errors." Wow! sana all perpekto. Hindi pa ba siya nagkakamali sa tanang buhay niya?

Nagpatuloy na siya sa lecture niya. Ako naman ay hindi na mapakali sa upuan ko. Wala naman akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya dahil hindi ako nakikinig at wala akong balak na makinig sa kanya. Parang mas gusto ko pang titigan nalang siya hangang matunaw. Ay ' wag sayang.

Hindi naman ako halos makatingin sa mga kaklase ko dahil subrang napahiya ako at pakiramdam ko ay pinagtatawanan pa rin nila ako.

Nang matapos ang klase ay kaagad na rin akong lumabas. Nagtungo ako ng canteen para kumain dahil nakaramdam ako ng gutom, hindi ko alam kung sa hindi ko pagkain ng almusal o sa mga nangyari.

            
            

COPYRIGHT(©) 2022