Para akong hinahabol ng sampong kabayo sa subrang bilis at pagmamadali ko. Hindi ako p'weding ma-late sa defense. Ayon sa school rules hangang 5 minutes lang ang palugit. Kaya ginawa ko ang lahat para makarating kaagad sa University.
Tinakbo ko nang matulin ang silid kung saan magde-defense ng thesis. Halos nagbanga-banga na ako sa mga taong nadadaanan ko at hinihingal na rin ako. Pero wala na akong paki-alam. Kailangang umabot ako.
THIRD PERSON
Samantala sa loob ng defense room ay kasalukuyan ng tinatawag ang pangalan ni Savannah. Maka-ilang ulit itong tinawag ng isang panel na babae. Ngunit walang sumagot na Savannah. Nagpalinga-linga pa siya bago ulit tinawag ang pangalan niya, sakto naman sa kanyang pagdating.
"Ms. Savanna Collins? Come on, lets begin," sabi sa kanya ni Ms. Jen, ang babaeng panel bago ito bumalik sa pagkaka-upo.
Hinihingal pa si Sav dahil sa pagtakbo niya, ngunit wala na siyang panahong magpahinga.
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "The tittle of my defense is, Simple Analysis of Statistics."
"The statis-." Natigilan si Sav, ng biglang nagsalita si Mr. Ford.
"Excuse me, Ms. Collins. You're forfieted your defense." Mariing pagkakasabi ni Mr. Ford. Nagulat naman ang lahat sa narinig.
"B-Bakit?!" gulat na tanong ni Sav. Bakas sa mukha niya ang pangamba. Ito ang huling pagsubok niya bago maka-graduate at mukang babagsak pa siya.
"Because you're late." Hindi makapaniwala at halos mabingi si Sav sa narinig.
"Pero 5 minutes lang akong late, Mr. Ford. According to school rules, I'm not late with in 5 minutes," pagpapaliwanag niya. Kitang-kita sa mga mata niya ang halo-halong emosyon.
"You're 5 minutes and 19 seconds late, Ms. Collins. So, it is not just 5 minutes, gaya nang sinasabi mo." Siryoso ang mukha nito.
"Huhh?! 19 seconds lang, isasali mo pa? Minutes lang naman ang usapan diba?" Nanginginig ang kanyang boses. Nag-umpisa na rin mangilid ang mga luha niya. Hindi siya makapaniwala sa inaasta ng guro. Talagang napaka-strict ni Mr. Ford.
"Is 5 minutes and 19 seconds over 5 minutes?" tanong ulit ni Mr. Ford na may diin sa mga tinig. Ngunit walang mababasa na kahit anong emosyon sa kanyang mga mata.
"Y-Yes!" mahina at halos hindi na makasagot si Sav. Nangi-nginig ang boses.
"So, according to the rules you're over 5 minutes late. So, you're thesis defense is a fail."
"But, Mr. Ford. Nakiki-usap ako, parang-awa n'yo na. Nagmamadali akong pumunta dito, I tried my best. I work hard for this. Could you please give me a chance for the sake of my four years studying in college." Nag-uunahan nang pumatak ang mga luha niya. "H-hindi ko sinasadya." Pagsusumamo pa niya.
Ngunit matigas ang disisyon ni Mr. Ford.
"Are you a statistic major, Ms. Collins?" tanong ulit ni Mr. Ford kay Sav.
"Yes, Sir."
"What is the definition of statistics?" tanong pa rin ni Mr. Ford. Nailing-iling ang mga kasama niyang panel na mga guro.
Kahit tumutulo ang mga luha niya ay pinilit niyang Magsalita. Sinabi niya ang definition ng statistics. "The statistics is a comprehensive discipline that we can collect, present, analyze and organize data accurately to infer the essence of things."
"You're right! To analyze and organize the data accurately, you're not allowed to be over 5 minutes late according to school rules." Tumaas ang mga kilay niya.
"As a statistics major, please answer me." Tinitigan niya si Sav ng ilang segundo bago nagsalitang muli.
"Do you think your 5 minutes and 19 seconds late can be accepted?" Naghintay siya ng ilang segundo pero hindi na nakapagsalita si Sav para sagutin ang kanyang tanong.
"Ms. Collins, your defense is over." Halos pagsakluban ng langit at lupa si Sav. Kitang-kita sa mga mata niya ang subrang frustration.
"Ms. Jen, Next one please," ani ni Mr. Ford sa isang panel na babae na napatulala sa nangyari.
Muli namang nagsalita si Sav. "Ikaw ang pinaka-walang pusong teacher na nakilala ko, Mr. Ford." Pinunasan niya ang mga luha niya. May diin din sa mga salita niya.
Hindi naman iyon pinalagpas ni Mr. Ford. "Hold on, Ms. Collins." Aalis na sana si Sav, ngunit napabaling muli ang paningin kay Mr. Ford, ng tawagin siya nito.
"Pinaka-walang pusong teacher?" Natawa siya ng bahagya at waring hindi makapaniwala sa narinig mula kay Sav.
"Are you sure, Ms. Collins?" tanong pa niya kay Sav. Pumikit siya ng sandali bago nagsalita muli.
"Before you get this proposition you have to have seen all the teachers in the world. Then, you have the right to say I'm the heartless teacher." Natawa naman at na-iling ang mga kasama niyang mga guro na hindi makapaniwala sa mga narinig nila. Habang si Sav naman ay napakunot ang noo sa subrang inis. Mariin ang mga titig niya kay Mr. Ford.
"I hope you can gather enough data before you put forward your ideas and then you can come to a conclusion," mahaba pa rin niyang litanya.
"You can go now." Pagkasabi niyon ni Mr. Ford, ay padabog na umalis si Sav. Mangiyak-ngiyak siya na nakipagkita sa mga kaibigan niya.
"F***k!" mura niya. "Beshie, 19 seconds lang, 19 seconds hindi pa niya ako pinagbigyan. Lahat ginawa ko pero wala. Nagmakaawa na ako sa kanya! Napakatigas ng puso niya. Iyon ay kung may puso siya." Nag-iiyak siya at halos magsisigaw sa subrang inis sa nangyari. Hindi naman malaman ng mga kaibigan niya ang gagawin upang mapatahan at mapagaan ang kanyang nararamdaman.
"Sana hindi nalang tayo nag bar kagabi, na-late ka tuloy." Pagsisisi ni Bea. Lalo namang humagolgol si Sav.
"Eh, Beshie. Paanu na pala ang work mo kung hindi ka makaka-graduate?" tanong sa kanya ni Bea, habang hinahagod ang likod niya.
"Oo nga pala, ang trabaho ko!" nagulat naman siya sa naalala kaya agad niyang pinuntahan ang HR Departmet ng kumpanyang pagtatrabahuhan sana niya.
Kinausap niya ang HR personel at ipinagtapat niya na hindi pa siya makaka-graduate at naki-usap siya na baka pupuwede pa rin siya sa trabahong iyon.Ngunit mahigpit ang HR personel at mariing tumangi.
"Bakit ba napakamalas ko ngayon?" Tanong niya sa kanyang sarili habang ang dalawang kamay niya'y nakasapu sa kaniyang magkabilang ulo at patuloy na naman ang pagtulo ng mga luha niya.
"Ano ng gagawin ko ngayon? Hindi ko puweding sabihin sa kapatid ko na hindi ako makaka-graduate at na wala ang dapat sana ay magiging trabaho ko. Kailangang makahanap ako kaagad ng trabaho. Ayaw kong ma-disappoint sa akin ang kapatid ko." Halo-halong emosyon na ang nararamdaman niya.