Hindi na ako kakain ng breakfast dahil pakiramdam ko ay busog pa ako sa nakain ko kagabing hapunan. Dahil may oras pa naman ay dadaan na lamang ako sa coffee shop para bumili ng kape. Malapit lang naman iyon at madadaanan patungong University.
"Hey! Sav, good morning!" masiglang bati sa akin ni Ron, ang barista at cashier dito sa favorite kong Coffee Shop.
"Good morning din sa iyo, Ron! Kumusta ka?" magiliw ko namang tugon sa kanya, habang papalapit ako sa counter.
"Aba, syempe maganda ang araw ko dahil ikaw ang bumubuo nito." Hayan na naman siya sa mga linya niya.
"Kaylan ba ko p'wede manligaw sayo?"
"Haayyyst, puro ka kalokohan."
"Come on, I'm serious. Just give me a chance." Nginitian ko lamang siya at nag-umpisa na mag-order.
"Isang Caramel macchiato, pakitapangan 'yung kaya akong ipaglaban," biro ko.
"Kaya naman kita ipaglaban kung gugustohin mo lang." Natawa naman ako sa mga patutsada niya.
Ganito kami palagi sa tuwing naririto ako. Matagal ko ng kakilala si Ron at naging kaibigan.
Kaya naman sanay na ako sa mga biro niya. Iyon ay kung biro nga talaga.
"My order please," putol ko sa usapan at agad na ring nagbayad.
"A'right, coming!" sagot naman niya sa masigla pa ring boses habang inuumpisahan ng gawin ang order ko. Ilang saglit pa at ready na ang kape ko..
"Here's your order! Enjoy your coffee." Iniabot niya ito sa akin na may kasamang pagkindat at may pilyong mga ngiti.
"Thank you!" Napangiti din naman ako at mabilis ko rin itong dinampot at napa-atras, ngunit may naapakan ako at nawalan ng balanse kaya mabilis akong bumagsak at napapikit ngunit may mga malalakas na bisig ang sumalo sa likod ko.
Para namang nag-islomo ang buong paligid nang maimulat ko ang aking mga mata na halos isang dangkal lang ang layo ng aming mga mukha, nagtama ang aming mga mata at napatitig sa isa't-isa.
Oh my G! Ang guwapo,he's so perfect. Ngunit nanlaki ang aking mga mata nang bigla na lamang niya akong itinayo at itinulak ng bahagya.
"Will you please be careful, miss? You have a cup of coffee in your hand!" masungit na singhal niya habang nagpapagpag ng suot niya na animo'y nadumihan. Napansin ko naman na hawak ng isa niyang kamay ang kape ko at waring ibinabalik sa akin kaya agad ko itong inabot. Mabuti naman at hindi matapon. Ang bilis naman ng kamay niya at nahawakan agad ang kape ko.
Hindi maipagkakaila ang angkin niyang kaguwapuhan, talagang hahanga ka sa una niyo pa lang na pagkikita. Love at first sight kung baga.
Maganda ang kanyang pangangatawan, may katangkaran din at napakapormal niyang tingnan sa suot niyang business suit.
Mukha rin siyang matalino sa suot niyang eyeglasses na mas nakadagdag sa kanya ng kaguwapuhan. Parang Prince Charming ang dating. Pero saksakan s'ya ng sungit. Para kaming Beauty and the Beast. Oo, tama dahil maganda ako.
"Hey! Will you stop dreaming. I been waiting for so long here," untag niya bago nagsalita muli.
"May i ask if your done? And if posible it's my turn now," sarkastiko niyang wika at napanganga naman ako bigla at nabalik sa wisyo sa mga narinig ko.
Napakasungit talaga nakakagigil, kung hindi ka lang talaga guwapo sinasabi ko talaga sa'yo makakatikim ka sa akin. Hahalikan kita ng walang patid, charr!
"Excuse me, Mr...!," natigilan ako at naalala na hindi ko pala alam ang pangalan niya.
"Bakit ba napakasungit mo ang aga-aga? Siguro noong umulan ng kasungutin nasa labas ka at sinalo mo lahat." Itinikwas ko ang aking buhok palikod at pinaikutan ko siya ng mata. Hindi ko napigilan na sungitan siya.
"Im done, Mr. and the counter is all yours. Iuwi mo kung gusto mo." Tumalikod na ako at padabog na lumabas ng Coffee Shop.
"Hayyyyst! Nakakainis, akala mo kung sinong guwapo. Kikiligin na sana ko saksakan naman ng sungit panira ng araw, ang aga-aga," pagmamaktol ko habang naglalakad na patungo sa University kung saan ako nag-aaral na hindi kalayuan dito sa coffee shop. Sumimsim ako ng kape habang naglalakad.
Bahagya akong tumigil para kunin ang cellphone ko sa bulsa upang tingnan ang oras, eight twenty na ng umaga. Medyo maaga pa kaya hindi ko kailangang magmadali sa paglalakad.
Nang makapasok ako sa University ay dumaan muna ako ng restroom.
Naghilamos muna ako ng aking mukha at nag-ayos ng sarili.
Sinipat ko rin ang suot ko sa salamit at baka natapunan ako ng kape. Nakasuot lang ako ngayon ng plain shirt at jeans, wala kaming uniform dito sa University kaya kahit ano pweding isuot.
Pagkatapos ko sa restroom ay kaagad na din akong nagtungo sa silid kung saan ang first class ko.
"Hi, Sav Good Morning!"
"Good morning, beautiful lady!"
"Maganda ka pa sa umaga, Sav!"
Sunod-sunod na bati sa akin ng mga kakaklase kong lalaki at ramdam ko naman ang pag-ismid ng mga kababaihan.
Tanging ngiti lang ang isinagot ko sa kanila. Hindi na yata good ang morning ko dahil sa antipatikong lalaking 'yun. Akala ko pa naman mala-night and shining armor. Napabuntong hininga ako nang maalala ko na naman siya.
Kaagad na akong naupo sa bakanteng silya. Wala akong masyadong ka-close na kaklase dahil na sa ibang kurso ang mga kaibigan ko. Kinakausap ko naman ang mga kaklase ko kapagkinakausap nila ko, pero mas gusto kong kausap ang mga lalaki dahil karamihan sa mga babae kong kaklase ay mga plastik.
Ngayon nga ay naririnig ko silang mga nagbubulungan. Ano naman kaya ang topic?
"Ngayon daw dadating ang bago nating Professor sa Mathematics," bulong sa akin ng katabi kong si John. Napansin niya siguro ang paglinga ko sa mga kaklase kong nag-uusap.
"Ah, 'yun ba ang pinagbubulungan nila?" Tumango naman siya bilang tugon. Kung kelan ilang araw nalang defense at graduation na, may bagong Professor pa. Sana naman ay mabait.
Alas nuebe impunto ng umaga nang pumasok sa loob ng classroom ang bago naming Professor. Biglang nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala nang makita ko ang mukha niya.
"Good morning!"
"Good morning, Sir!" balik na bati naman ng mga kaklase ko. At nag-umpisa nang magtilian at animo'y mga sinisilihan ang puwet ng mga kababaihan.