Ako si Savannah Collins, 22 years old at isang fourth year student sa isang sikat na University.
Kasalukayan ako ngayong naglalakad kasabay ng isang malamyos na musika. Papalapit sa altar kung saan naroon naghihintay ang lalaking bukod sa matalino ay may angkin din siyang kaguwapuhan, maganda ang kanyang mga tindig at pangangatawan. Nakadagdag din sa malakas na dating niya ang maganda niyang kasuotan.
Siya si Albrey Ford, 28 years old and my college Professor.
Siya ang dahilan kung bakit hindi ako naka graduate dahil ibinagsak niya ang Thesis na pinaghirapan ko. Nakaramdam ako ng hinanakit at pagkainis sa kanya dahil sa nangyari.
But we become couple within a week after we knew each other.
At pagkatapos nga ng isang buwan which is today, ay ang araw ng aming kasal.
Napakasimple lang, tanging pamilya at malalapit na kaibigan lang ang naririto.
Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit ako sa kanya at halo-halong emosyon ang aking nadarama. Gano'n din naman ang nakikita ko sa kanyang mga mata habang nakatitig ako sa kanya. Titig na titig din siya sa akin na animo'y namamangha sa kanyang nakikita.
"Napakaganda mo," sambit niya nang makalapit ako sa kanya. Mailalarawan sa mga labi niya ang isang napakagandang mga ngiti at sa mukha niya na animo'y masayang masaya.
"Ikaw din ang guwapo mo," sagot ko naman sa kanya na ikinatawa naman naming dalawa.
Hawak niya ang kamay ko habang inihaharap ako sa altar. Nag-umpisa na ang pari sa kanyang seremonyas.
Nang matapos ang pari at kaylangan nang halikan ng groom ang bride. Matagal niya akong tinitigan at tila hindi alam ang gagawin kaya ako na ang mabilis na umabot sa mga labi niya na ikinagulat niya at nagsigawan naman ang mga naririto.
Kung titingnan para kaming isang masaya at perpektong couple pero ang totoo ay palabas lang ang lahat ng ito.