Malakas akong bumuntong hininga at bumulong sa sarili ko. 'Go Kath! Kaya mo ito! Laban lang!' Nagclose-open muna ako ng kamay dahil sa nerbyos. Ikaw ba naman ang tumira sa malaking bahay este mansyong ito sino ang hindi kakabahan plus makakasama mo pa ang magiging boss mong pervert.
Mag do-dorbell na sana ako nang biglang bumukas 'yong gate.
"Ay, malaking ibon!" sigaw ko sa gulat.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si pervert 'to at nakahalf-naked lang siya. Napalunok ako nang masagi ng mga mata ko 'yong matitipuno niyang katawan. Halatang bagong ligo siya dahil nakatapis pa siya ng tuwalya.
Hiya naman ako sa kaniya. Hindi pa ako naliligo eh, nag tooth-brush at hilamos lang ako baka kase pagbayarin pa ako ng malaki sa inuupahan ko kung maliligo pa ako. Sayang rin ang pisong ibabayad ko sa land lady.
Balik tayo sa half naked ni pervert-- 'yon na nga ginagahasa na ng mga mata ko 'yong mga pandisal niya sa katawan. Natauhan na lang ako nang maramdaman kong nakalapit na siya sa akin.
"Ang aga-aga ginagahasa na ng mga mata mo 'yong abs ko. Maawa ka sa kanila baka matunaw. Wala silang laban kawawa naman," paawa effect niyang sabi.
Inirapan ko na lang siya. "Ewan ko sa'yo, Bossabos," pabulong na giit ko.
"What did you say?" nakakunot noong tanong niya.
"Wala! Sabi ko, g'wapo ka kaso ang bingi mo! Uso kayang magtutuli ng tainga," sarcastic kong sabi.
"Hindi ako bingi," giit niya. "Pero 'yong g'wapo ako, alam ko 'yon."
"Yabang ah."
Nag kibit balikat lang siya. "Kanina pa kita nakikita sa CCTV, bakit ayaw mo pang mag doorbell?" mabilis niya akong hinatak papasok sa gate.
Nang makapasok kami sa loob, lahat ng mga katulong at driver ay nando'n at ang lahat ay nakayuko sa amin este kay pervert lang pala. "All of you.. I like you to meet Katharine Orteza. She's my personal assistant and from now on dito na siya titira sa bahay ko," maawtoridad niyang paliwanag.
Teka bakit kailangan niya pa akong ipakilala sa lahat kung magta-trabaho rin naman ako 'tulad nila? S'yempre nga naman Kath para makilala ka ng mga tao dito sa mans'yon alangan naman sila pa ang mag-adjust para sa'yo.
"Welcome po Ms. Katharine!" sabay-sabay nilang banggit.
"Hehe... S-salamat po," med'yo naiilang na sabi ko. Humarap si pervert sa akin at hinila ako paakyat sa second floor.
"This is your room," matapos naming makaakyat sa second floor ay iminuwestra niya sa akin ang malaking k'warto. Parang kas'ya na ang buong pamilya ko dito sa k'wartong 'to. "Ready ka na bang maging P.A ko?" nakangising tanong niya na parang may maitim na balak.
Hindi ko siya pinansin dahil napa wow na lang ako sa ganda at laki ng k'warto pero nagtaka rin ako kung bakit dito niya ako dinala.
"Xian--" Nabitin ang sasabihin ko nang itama niya 'yong sinasabi ko. "Boss Xian," mariin niyang sabi.
Tumikhim muna ako bago nagsalita. "B-boss Xian. Bakit dito mo 'ko dinala? Akala ko ba kasama ako sa iisang k'warto ng mga katulong mo?" nagtatakang tanong ko.
"Marami na sila sa k'warto kaya dito ka na lang." 'Yon ang paliwanag niya at nag-iwas ng tingin sa akin. "Pero kung ayaw mo ay p'wede ka naman doon sa bodega," nakangising aniya.
"Okay na pala ako dito," tumango-tango pa ako.
"Sige na ayusin mo na 'yang sarili mo at mag-ayos ka na ng mga gamit mo at pagkatapos ay pumunta ka sa kwarto ko. Ayan lang siya," sabay turo sa 'di kalayuang pinto ng kwarto.
"Alam mo naman na ang magic words kaya 'di ko na uulitin pa." Sabi niya 'tsaka akmang tatalikod na no'ng mag-salita ako.
"T-teka lang naman. Bakit ako pupunta sa k'warto mo?" takang tanong ko.
"S'yempre, mag-uumpisa ka ng magtrabaho bilang P.A ko, maglilinis ka ng buong k'warto ko. Mas'werte ka at ikaw pa lang ang makakapasok sa k'warto ko maliban kay manang," paliwanag niya.
"Ay wow, salamat ha?" sarcastic kong sabi. "Pero teka, akala ko ba P.A mo ako? Personal assistant, eh bakit pinaglilinis mo ako ng buong k'warto mo eh hindi mo naman ako katulong sa bahay mo. Hindi naman ako nag apply bilang isang maid mo!" reklamo ko.
"Parehas lang 'yon. Bakit ka ba nagrereklamo? Basta pagsinabi ko dapat ay sumunod ka, dahil kasama 'yon sa trabaho at rules ko para sa'yo. Get it? O baka naman gusto mo pang isa-isahin ko 'yong pinag-usapan natin kahapon," nakataas pa ang kilay niya.
"Ewan ko sa'yo," sabi ko sabay irap.
"Very much welcome my P.A" sarcastic niyang sabi sabay lakad papuntang k'warto niya. Nag make face muna ako bago padabog na pumasok sa k'warto. Mabilis akong nahiga sa napakalambot na kama. Ang sarap higaan lalo na kung ganito ang higaan mo. Very relaxing.
Hinayaan ko lang 'yong sarili kong matulog dahil maaga akong nagising kanina dahil tumawag ng maaga si Xian na dapat daw ay saktong ala sais ng umaga, ay nandito na ako sa bahay niya kung hindi ay mawawalan ako ng trabaho.
Nga pala, kaninang ala singko ay naipadala ko na kila mama ang pera, gustuhin ko man na ako ang mag-abot sa kaniya, hindi ko magagawa dahil may trabaho pa ako na kailangan tapusin. Kaya no choice ako.
Hindi ko na rin namalayang at nakatulog na pala ako.
Nagising na lang ako nang makaramdam ako ng gutom. Tanghali na pala pero teka!
Hala!
Lagot ako kay Xian!
Halos liparin ko na 'yong k'warto niya. Ilang beses ako kumatok nang maalala kong high tec nga pala 'tong pinto.
Sinabi ko ang magic words
"Ang g'wapo ni boss Xian!"
'Tsaka lang bumakas 'yong pinto. Pinihit ko agad 'yong doorknob saka mabilis na pumasok sa kwarto. Nang hindi ko siya makita sa loob ay nag-umpisa na lang akong maglinis ng k'warto niya. Mas inuna ko pa ang paglilinis ng k'warto niya bago kumain.
Matapos kong malinis ang lahat pati na rin ang banyo niya. Bumaba na ako para dumiretso sa kusina. Naabutan ko ang mga katulong na nagluluto. Tutulong sana ako kaso pinigilan ako ng isang katulong at pinaupo sa hapag kainan at hinanda ang mga pagkain.
"Pinapasabi ni Sir Xian na antayin mo siyang makauwi at sabay kayong kakain ng lunch. Pauwi na rin siya maya-maya," sabi ng isang maid.
Biglang may bumusina sa labas.
"Nandiyan na si Sir!" sigaw ng isang maid kaya naman ang lahat ay hindi magkandaugaga.
Lahat ng maid ay nakayuko kay Xian habang naglalakad patungo sa hapagkainan.
"How's your sleep?" tanong niya sa akin na ikinagulat ko.
"H-ha?" gulat kong tanong. Umupo siya sa tabi ng kinauupuan ko.
"Kamusta ang tulog mo?" tanong niya ulit.
"Ayos lang.."
"Hmm.." Tumango siya. "Let's eat," nakangiti niyang sabi.
Nag-umpisa na siyang magsandok pero natigilan siya nang hindi pa rin ako gumagalaw at nakatingin lang sa kaniya.
"Alam kong g'wapo ako kaya 'wag mo akong titigan ng ganiyan," mahangin niyang sabi.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. "A-ano... Hmm.. Sila? Hindi ba sila sasabay sa atin?" turo ko sa mga katulong.
Lahat naman ng katulong ay biglang nagsilabasan sa dining erea.
"Mukhang ayaw nila." nakangising sabi niya.
"Ayaw nila? Oh, sad'yang takot lang sa'yo?" sikmat ko.
"Kumain ka na lang p'wede? Marami ka pang trabahong gagawin," masungit niyang sabi.
Napa-irap na lang ako.
Akmang tatayo na ako nang pigilan niya ang braso ko.
"Where are you going?" tanong niya habang hawak ang braso ko.
"Aalis," sabi ko.
"Stay and let's eat," mariin niyang bigkas.
'Tsaka ako hinila paupo at nilagyan ng pagkanin 'yong plato ko.
"Bakit mo ito ginagawa?" tanong ko.
"Ang alin?" takang tanong niya habang busy sa pagsandok.
"Lahat-lahat," sabi ko.
"Sabihin na lang natin na, gusto kitang makilala ng lubos." Sabay tingin sa akin.
"B-bakit?" nauutal na tanong ko.
Nagkibit-balikat lang siya 'tsaka iminuwestra ang mga pagkain.
"Let's eat," sabi niya.
Tumango na lang ako 'tsaka ako kumain at binuhos ang atensiyon sa kinakain.
Kahit nararamdaman ko na ang mga titig niya sa akin.