"Uuwi ka po ba sa next month Ate?" malungkot na tanong ni Kathy.
"Oo naman!" nakangiting sabi ko.
"Yey! Ate panoorin mo po akong sumayaw sa stage. Kase po lalaban po kami kada section," excited niyang sabi.
"Talaga? Wow naman.. Sige, sige! manonood si ate ng sayaw mo," 'tsaka ko siya hinalikan sa pisnge.
Masayang-masaya si Kathy dahil mapapanood ko raw siyang sumayaw sa stage. Kailangan kong ma-video-han ang bunso ko para may remembrance.
"'Ma," tawag ko kay mama.
"Oh anak, akala ko ba ay nagmamadali ka na?" takang tanong ni mama.
Niyakap ko muna siya bago ako nagsalita. "'Ma, heto po 'yong s'weldo ko. Kayo na po ang bahala sa mga gastusin dito sa bahay," masayang abot ko kay mama
"Ano ka ba naman anak. 'Wag na, mayroon pa naman kaming pera dito pang gastos." Tanggi ni mama at binalik sa akin. "Sa'yo na 'yan para makadagdag iyan sa ipon mo," nakangiting sabi ni mama.
"Naku naman mama! Kaya nga po ako nag tra-trabaho para sa inyo eh. Kaya, ito po sainyo 'yan mayroon pa naman akong perang nakatabi dito 'tsaka kailangan 'yan ng mga kapatid ko sa pag-aaral nila," nakangiting abot ko ulit ng pera.
"Hayy! Ikaw talagang bata ka. Salamat Kath. Napakabuti mong ate at anak sa amin," naiiyak na sabi ni mama at niyakap ako ng mahigpit. Gano'n din ang ginawa ko, niyakap ko rin siya bago ako kumalas sa pagkakayakap.
"Sa susunod ay hindi lang s'weldo ko ang ibibigay ko sainyo. Pati na rin ang bahay at lupa, idagdag mo na rin ang kotse," pabiro kong sabi at sabay kaming natawa.
"Ikaw talagang bata ka! Sige na baka malate ka pa sa pagpasok mo. Mag-iingat ka sa mga salisi sa daan ah," pagpapaalala ni mama.
Tumango lang ako 'tsaka ako sumakay sa tricycle papunta sa bus station.
"Ba-bye!" kumaway pa ako sa kanila at nag flying kiss na rin.
Hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Wala si papa dahil maaga siyang dumiretso sa bukid para magsaka buti na lang nakapagpaalam na 'ko kagabi sa kaniya.
NANG MAKARATING ako sa kompanya. Mabilis akong sumakay sa elevator at pinindot ang 37 floor kung nasaan ang opisina.
Pero bago pa magsara ang elevator ay may humarang na paa sa pinto. Kaya bumukas ulit ang elevator. Pumasok ang isang lalaki na abala sa kaniyang cell phone.
Siguro ay isa siya sa mga matataas ang ranggo dito sa kompanya. Umiling-iling na lang ako at pinindot ko na lang 'yong buton 'tsaka lang sumara ang pinto ng elevator.
Pagkatapos kong pindutin 'yon ay bumaling ulit ako sa lalaki at laking gulat ko nang makilala ko ang lalaking ito. Nagtama ang mga mata namin at siya rin naman ay nagulat dahil nakita niya ako pero mabilis din siyang nakabawi.
"Ikaw!" sigaw ko sa lalaki pero ngumisi lang siya.
"Gago kang man'yak ka! Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko sa kaniya.
Tinago niya ang cell phone niya sa suot niyang suit at dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kaba. Kaya naman atras ako ng atras. Wala na akong maatrasan pa kaya nahinto ako at napasandal sa gilid ng elevator.
"H-hoy... A-anong gagawin mo? Lumayo ka nga!" tinatapangan ko lang ang sarili ko dahil ibang klase ang presens'ya na dala ng lalaking 'to.
G'wapo sana siya kaso pervert naman.
Grabe naman, bakit ang kinis ng mukha niya? Hindi mo makikita ang mga pores niya sa mukha.
Inggit ako.
Napailing-iling ako nang palihim hindi ako p'wedeng maakit sa hipokritong 'to dahil may atraso pa siya sa akin. Hindi ako magpapatalo sa kaniya dahil lang sa isa siyang mayaman.
Ngumisi ang lalaki kaya kitang-kita ko ang napaka lalim niyang dimple sa kanang bahagi ng pisnge, napalunok ako dahil do'n.
"'Di ba dapat ako ang magtanong niyan sa'yo?" tanong niya sa britonong boses.
"D-dito ako nagtatrabaho!" sigaw ko sa kaniya at hindi nagpatalo sa lalaki.
Ngumisi ulit siya.
Napatango-tango siya. "So, dito ka pala nagta-trabaho," mahinahon niyang sabi habang nakangisi.
"A-ano bang pakialam mo?!" kinakabahang sigaw ko.
Titig na titig ang mga mata niya sa akin. Bumaba sa mga labi ko at bumaba sa dibdib ko hanggang sa umabot sa pagkababae ko.
Napalunok ako at lahat ng balahibo ko ay nagsitaasan. Pinagpapawisan din ako ng malamig at ang mga palad ko ay nanlalamig dahil sa kaba.
Ang lakas na rin ng pintig ng puso ko dahil sa kaba.
"Sa tingin mo," patuloy ng lalaki at nagtaas siya ng tingin sa mga mata ko. "Kanino at sino ang boss mo?" tanong niya at huminto ang mga tingin niya sa labi ko.
Kinabahan ako sa tanong niya lalo na ngayong nakatingin na siya sa labi ko.
"H-hindi ko alam," pabulong kong sabi.
Ramdam ko ang panginginig at panlalambot ng tuhod ko kaya wala sa sariling napahawak ako sa balikat ng hipokritong 'to para doon kumuha ng lakas upang makatayo.
Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa balikat niya bago niya ulit ako tinignan sa mga mata. Napalunok ako dahil sa uri ng tingin niya.
Bakit ba ang tagal bumukas ng elevator?!
Bakit ang init dito sa loob?
Nag-iwas ako ng tingin saka ako bumitaw sa pagkakahawak sa balikat niya.
Pero nagulat ako nang hablutin niya ang dalawa kong kamay at pinahawak ulit sa balikat niya pero ang mas ikina-gulat ko.
Bigla niya akong hinalikan!
Parang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis no'n pero hindi ko alam kung kaba lang ba ang nararamdaman ko o ano. Huminga ako ng malalim at pilit siyang tinutulak nang malakas.
"Hipokrito ka talaga pervert!" sigaw ko sa kaniya.
Pilit ko siyang tinutulak pero mas malakas siya kumpara sa akin at mas inilalapit pa niya ang katawan niya sa katawan ko.
"Umalis ka nga!" sigaw ko habang patuloy sa pagtulak sa kaniya.
"'Di ba sabi ko sa'yo, pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin?" walang emos'yon niyang tanong.
Natulala ako sa sinabi niya pero ang mas ikinagulat ko nang dahan-dahan niyang inilapat ulit ang mga labi niya sa labi ko.
Hindi ko na nagawa pang gumalaw dahil sa kaniya. Para akong na istatuwa sa ginawa niya at kusang bumuka ang labi ko dahil sa gulat. Hindi ko siya magawang maitulak dahil parang nawalan ako ng lakas dahil sa ginagawa niya.
Bawat pagsakop niya sa labi ko na akala mo ay gusto na niyang kainin dahil sa panggigigil. Sinamantala naman niyang ipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko na nakabuka at idinikit niya ang dila niya sa dila ko.
Ilang minuto na niya akong hinahalikan. Hindi pa rin siya tumitigil sa ginagawa niya at nagtataka na rin ako kung bakit ang tagal bumukas ng elevator kaya buong lakas ko siyang itinulak at sa pagkakataong ito ay nagkahiwalay na ang mga labi namin pero nakadikit pa rin ang katawan niya sa katawan ko kaya ramdam ko pa rin ang init ng katawan niya.
Tinignan niya ako sa mga mata. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkalagablab nito. Unti-unti siyang umatras sa akin bago niya ulit tignan ang labi ko.
"Kung akala mong... Tapos na ako sa'yo," tumingin ulit siya sa mga mata ko. "Nagkakamali ka, nag-uumpisa pa lang ako. You can run whenever you want but you can't hide from me."
Saktong tumunog ang elevator sanhing bumukas na ito.
Mabilis na naglakad ang lalaki at ako naman ay natulala lang sa mga nangyari.
NANG MAKAPASOK ako sa opisina ay sinalubong agad ako ni Charlott, ang sekretarya ng boss namin.
"Charlott. Ito na ang mga paper bags," sabi ko.
Para siyang nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ko. "Kompleto bayan? Walang nabawas or nawala?" Nag-aalalang tanong niya sa akin kaya umiling lang ako. "Wala Naman," sabi ko.
"Good... Ikaw na ang magbigay niyan kay boss sa opisina niya. Marami pa akong gagawin," sabi ni Charlott kaya tumango na lang ako sa kaniya 'tsaka ako naglakad papuntang opisina ng boss namin.
Kumatok muna ako bago pumasok. Bumuntong hininga muna ako dahil baka masungit ang boss namin. Mula no'ng mag-umpisa akong magtrabaho dito ay ngayon ko lang makikita at makikilala ang boss namin, med'yo pa mysterious itong boss namin. Ayaw kumilala ng ibang tao lalo na kung baguhan sa trabaho.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa harapan ng boss namin na busy sa pagpirma ng mga papeles.
"Sir, ito na po lahat ng mga paper bags," kinakabahan kong sabi.
Huminto siya sa pagpirma at dahan-dahang tumingala mula sa akin kaya gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko kung sino ang kaharap ko.
'Coincidence lang ba ito o sad'yang malas talaga ako at siya pa ang naging boss ko.'
"Ikaw na naman!" sigaw ko.
"What a coincidence.. or should I say we're meant to be," sarkastong sabi niya 'tsaka siya tumayo sa pagkakaupo at hinarap ako. "Ako pala ang boss mo?" kunwari pa siyang nagulat 'tsaka siya ngumisi.
"I'm Xian Leem, the CEO of this company. Your boss, and you are?" nakalahad ang kamay niya.
Pero imbis na tanggapin 'yon ay tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Not interested," masungit kong sabi.
"Woah," dipensa niya. "Is that how you treat your boss?" tanong niya at ipinagdikit ang dalawa niyang palad.
"Hindi porket boss kita ay sasamantalahin mo na ang pagiging boss mo," masungit kong sabi.
"I'm just asking your name. What's wrong with that?" nagtataka niyang sabi at painosente pa siyang tumingin sa akin.
Bumuntong hininga muna ako nang malalim 'tsaka padabog kong inabot sa kaniya ang paper bags at tumingin sa kaniya.
"I'm Katharine Orteza at mag qu-quit na ako dito sa trabaho na 'to dahil nandito ang man'yakis na gusto kong ipakulong. Hindi ako disperadang babae at buo na ang desisyon kong kamuhian ka!" sigaw ko at nagmartsa palabas ng opisina pero bago ako tuluyang makalabas ay bigla niya akong hinatak sa braso.
"Hindi mo naman kailangang mag quit sa trabaho," mahinahon niyang sabi.
Humarap ako sa kaniya at tinitigan siya ng masama.
"Dapat sa isang 'tulad mong Pervert ay nag-iingat ako dahil ang mga hipokrito na katulad mo ay may hidden desire at tulad na lang ngayon na boss kita, alam ko ang mga galawan ng mga man'yak na katulad mo! Sa-samantalahin ang pagkaboss nila para sumunod sila sa i-uutos niyo! Kaya hangga't maaga pa ay maghahanap na lang ako ng ibang trabaho kaysa tiisin ko ang kaman'yakan mo!" sigaw ko sa kaniya at hinigit ang braso ko.
Sa huling pagkakataon ay tinignan ko siya ng masama at kita ko sa mga kulay brown niyang mga mata ang kislap ng kalungkutan pero hindi ko 'yon pinansin at padabog na umalis ng opisina niya.
Nakasalubong ko si Charlott. Magsasalita sana siya nang unahan ko na siya.
"I'm quit," walang alinlanggan kong sabi at dire-diretsong lumabas ng kompanya.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang makarating ako sa elevator.
'Sana makahanap ulit ako ng magandang trabaho.'
Nang bumukas ang elevator pumasok na ako sa loob at pinindot ang ground floor
Ilang inches na lang ay magsasarado na ang elevator nang may kamay na humarang sa pagsara ng pinto ng elevator.
Bumukas ulit ng kusa ang elevator at pumasok ang lalaking hipokrito.
Nag cross-arm ako 'tsaka ako akmang lalabas na lang dahil ayoko na ulit ma-man'yak ng pervert na ito.
Pero mabilis niya akong nahatak at pinindot 'yong buton ng elevator.
"Bakit ba?! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kaniya.
"Hindi mo naman kailangan mag quit sa trabaho mo. Alam ko namang may pamilya ka at kailangan mo 'tong trabaho," mahinahon niyang sabi.
Hinatak ko ang braso ko mula sa kaniya at matalas na tinignan siya.
"WALA. KANG. PAKI. ALAM! At 'wag mo akong pakialaman!" sigaw ko sa kaniya.
"Sorry," mahinang sabi niya na ikinatigil ko.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Naikwento kase sa akin ni Charlott na hindi raw marunong mag-sorry ang boss nila at hindi alam ang salitang tawad o patawad. Hindi rin daw laging tumitingin sa mga empleyado kapag nagsasalita at laging mainit ang ulo at masungit.
"I said, I'm sorry." Sincere niyang sabi.
"At sa tingin mo ay mapapatawad kita? Mapapatawad lang kita kung maibabalik mo ang oras para iwasan lahat ng kaman'yakan mo sa akin. Pervert!" sabay irap sa kaniya.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Yeah.. I understand if you don't accept my sorry," mahinang sabi nya. "And fine. Go ahead. Basta kapag kailangan mo ng tulong ko puntahan mo na lang ako dito sa opisina at welcome ka ulit dito o kaya naman ay tawagan mo ako dito," sabay bigay niya ng calling card. "Para makabawi ako sa'yo. Again. I'm sorry," hingi niya ng tawad at biglang bumukas ang elevator at naglakad na siya palabas ng kompanya.
Ako naman ay natulala sa sinabi niya. Tinignan ko ang calling card na hawak ko at nag-iisip kung itatapon ko ba ito o itatabi na lang pero napagtanto kong ibulsa na lang 'yon at lumabas na ng elevator.
Lumabas na ako ng kompanya 'tsaka ako pumara ng tricycle at nagpahatid sa inuupahan ko.