Anong gagawin ko ngayon? Wala na akong trabaho at pera.
'Basta kapag kailangan mo ng tulong, puntahan mo na lang ako dito sa opisina at welcome ka ulit dito o kaya naman tawagan mo ako dito,' sabay bigay ng calling card. 'Para makabawi ako sa'yo... Again, I'm sorry.'
Naalala ko 'yong sinabi ni Xian at kinuha ko ang calling card sa bulsa ng pantalon ko at tinitigan 'yon.
Nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko ba siya o hindi. Tumayo ako sa pagkakahiga at umupo sa kama. Pinunasan ko muna ang mga luha ko 'tsaka ko dinail ang numero niya.
Wala na rin akong choice para makadilihens'ya ka-kailanganin namin ng malaking pera para mapagamot ko si papa. Kaya kong ibababa ng pride ko para kay papa dahil para sa ikabubuti niya ang gagawin ko. Baka kapag hindi ko binaba ang pride ko, kapalit naman ng buhay ng papa ko ang mawala.
Tatlong ring lang 'yon at sinagot naman niya ang tawag ko.
"Hello? Who's this?" pormal na pormal na tanong niya malayong-malayo sa pagiging pervert.
Tumikhim muna ako 'tsaka ako nagpakilala. "S-si Katharine 'to," nauutal kong sabi.
"Ohh... What can I help you?" tanong niya.
"'Di ba sabi mo tawagan kita kapag kailangan ko ng tulong mo? Pero hindi ako hihingi ng tulong sa'yo, bigyan mo ako ng trabaho kahit na anong trabaho basta kailangan ko ng s'weldo para sa papa ko. 'Yong marangal na trabaho ang gusto ko," demanding kong saad.
"Bakit anong nangyari sa papa mo?" tanong niya.
"Basta, bigyan mo na lang ako ng trabaho."
"Oh, okay. Mamayang alas otso ng gabi pumunta ka sa Sta. Anna village at hihintayin kita mamaya doon para bukas ay may trabaho ka na."
"Sige, pero teka. Bakit kailangang gabi pa? Hindi ba p'wedeng mamayang hapon?"
"Marami akong ginagawa, and that's my order kung gusto mong magkaroon ng trabaho. Kailangan mong sumunod sa akin."
"Oo na!" sabay patay ng tawag.
Buti na lang hindi ko tinapon ang calling card. Ayokong magka-utang na loob sa pervert na 'yon kaya sinabi ko na lang na ihanap niya ako ng p'wedeng trabaho. Ayokong umutang sa pervert na 'yon baka biglang kapalit ay ang katawan ko.
LUMIPAS ANG ilang oras at alas otso na ng gabi. Naligo muna ako 'tsaka ako nagbihis ng jeans at blue na t-shirt at pinaresan ng sapatos. Nilugay ko ang mahaba kong buhok at lumabas na ng inuupahan kong bahay at pumara ng tricycle papunta sa Sta. Anna village.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa Sta. Anna village, nag bayad muna ako sa tricycle driver at pumunta sa mga guard na nag babantay ng village.
"Ma'am ano po ang kailangan nila?" tanong ng isang guard.
"Ah, kuya guard pinapapunta po kase ako ni Xian Leem dito. Nand'yan po ba siya?" tanong ko.
"Wait lang po ma'am," sabi ng guard at pumasok sa guard house at may tinawagan sa telepono. Ilang saglit pa ay lumabas ulit siya sa akin at nagsalita
"Ma'am pasok na po kayo. Diretso lang po kayo at kapag may nakita ka pong kulay black and white na bahay, 'yon na po ang bahay ni Mr. Leem. Siya lang po ang may ganoong kulay na bahay," paliwanag ng guard.
"Ahh, sige po. Salamat," sabi ko at pumasok na sa village.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumungad agad sa akin ang mga malalaking bahay dito sa village.
Palakihan ba sila ng bahay dito? Dati sabi-sabi ng mga trabahante sa kompanya ay private raw itong village na 'to kaya pala ang daming guard ang nagkalat.
Nahinto ako sa pinaka malaking bahay na kulay black and white.
"Baka ito na ang sinasabi ni manong guard," bulong ko sa sarili ko.
Nag doorbell ako ng tatlong beses bago bumukas ang pinto ng bahay at hinintay ang pagbukas ng gate.
Isang maid ang nagbukas no'n at sinalubong ako ng ngiti.
"Ma'am pasok na po kayo. Nando'n po si Sir sa private office niya. Doon daw po kayo mag-usap."
Wow naman may pa private office pa siya sa bahay niya.
Pumasok na kami sa malaking bahay at pinalibot ko agad ang paningin ko. Ang daming mga mamahaling gamit. Parang nakakatakot gumalaw sa bahay niya dahil sa mga mamahaling figurine.
Dinala ako ng maid sa sinasabing private office ng pervert.
May pinindot ang katulong na intercome ata 'yon.
"Sir nandito na po siya," sabi ng katulong.
"Sige. Makakaalis kana," sabi sa kabilang linya ni si Xian.
Nag bow lang ang katulong sa akin saka mabilis na umalis. Bumukas naman ang pinto at tumambad sa akin ang malaking opisina.
Grabe! Mas malaki pa ito bahay namin ah?
"Pasok," sabi ng pervert.
Pumasok naman ako at kusang sumara ang pinto. Pinalibot ko ang paningin ko at marami ding mamahaling gamit dito at may malaking dalawang book shelves sa magkabilaang gilid ng opisina.
"Umupo ka," sabi niya habang nakatingin sa akin.
Umupo naman ako sa visitor chair at humarap sa kaniya.
"Anong trabaho ang ibibigay mo sa akin?" tanong ko agad sa kaniya.
"Excited ka na bang malaman?" nakangis niyang tanong kaya agad naningkit ang mga mata ko.
"Ayusin mo lang na maayos ang trabaho ko dahil kung hindi..." Ano nga ba? Ako itong na ngangailangan ng pera eh.
"Dahil kung hindi?" nakangising tanong niya.
"Kung hindi be-betlogan ulit kita!" 'yon na lang ang nasabi ko.
Bigla siya napatikhim at umayos nang-upo.
"Okay."
"So, ano na nga? Ano ang magiging trabaho ko?"
"You will be my girl."
"Ano?!" sigaw ko.
"Easy, hindi pa ko tapos. You will be my girl P.A," sabi niya
Nakahinga naman ako ng malalim.
"As in, personal assistant?"
"Yup! Bakit, 'di ba gusto mo ng trabaho? Ayan binigyan na kita ng trabaho. You will be my P.A at bukas ay p'wede ka nang magtatrabaho bilang P.A ko. Ang magiging monthly salary mo is fifty thousand pesos at kapag nagandahan pa ako sa performance mo bilang P.A ko ay baka taasan ko pa ang s'weldo mo," paliwanag niya.
"fifty thousand?" gulat kong tanong.
Grabe malaking tulong 'yon sa amin.
"Yes, bukod pa do'n ang magiging bonus mo." Maikling sabi niya. "So, ano na? Will you be my P.A?"
Napalunok ako.
"Oo naman, malaking tulong na 'yon sa amin!" nag ningning ang mga mata ko.
"Okay. You're hired now, my girl P.A."
Napakagat labi ako sa naisip ko.
"Ohh? May kailangan ka pa?" takang tanong niya.
Lumunok muna ako bago magsalita.
"A-ah... P'wede bang bumale muna ako. Promise bukas na bukas ay maaga akong pupunta sa opisina mo," nakataas pa ang kanang kamay ko.
"Hindi ka pa nga nag-uumpisa babale ka na agad?" hindi makapaniwalang sabi niya.
"K-kase kailangan na ng papa ko eh, nasa hospital siya ngayon at inatake siya sa puso," wika ko habang nagpipigil ng luha.
Tumayo siya at humarap sa akin.
"Okay," aniya.
"Talaga?!" 'di makapaniwalang tanong ko.
"Yup. Magkano ba ang kailangan mo?" tanong niya.
Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya.
"Thank you!" sigaw ko at tumalon-talon pa sa tuwa habang yakap siya.
Para akong natauhan dahil nagulat din siya sa ginawa ko kaya naman bumitaw ako sa pagkakayakap.
"H-hehe... Sorry, masaya lang. Salamat ulit," nahihiyang sabi ko.
"It's okay," sabi niya at nag-iiwas din ng tingin. "Pero bago ko ibigay sa'yo ang pera, gusto ko ay may mga rules ako."
"Ha, may rules pa?" tanong ko.
"Oo naman. Rule number one, bawal ang ma-late sa trabaho.
Rule number two bawal ang mag boyfriend o mag paligaw--"
"Teka, kailangan ba 'yon sa rules mo?" takang tanong ko.
"Oo at bawal kang magpapaligaw sa mga lalaking nakapaligid sa'yo."
"Bakit naman?" takang tanong ko.
"Kase ma-didistract ka sa trabaho mo."
"Oh, okay." 'Yon na lang ang nasabi ko.
"Rule number three, bawal ang umabsent sa trabaho. Aabsent ka lang kung may sakit ka o may emergency. May day off ka naman.
Rule number four. 'Wag makikipagdate sa ibang lalaki. Rule number five, bawal makipagkita sa kahit na kaninong lalaki maliban sa akin. Rule number six, bawal kang makipag kiss, touch at hug sa ibang lalaki p'wera lang sa akin."
"Ano ba 'yang mga rules mo, bakit parang hindi na tungkol sa trabaho?!" nakakunot noong na sabi ko.
"Hindi pa ako tapos! Rule number seven. Susunod ka sa lahat ng utos at sasabihin ko. Rule number eight, kung nasaan ako ay nando'n ka rin dapat. Rule number nine, dito kanatitira sa bahay ko and last but not the least. Rule number ten, tatawagin mo akong boss Xian. Not Xian, not boss. Not Sir. Kundi boss Xian. Understood?"
"Dami mong rules. Oo na! Basta 'yong bale ko. Kailangan ko na ngayon dahil ipapadala ko pa sa mama ko," demanding kong sabi.
Naglabas siya ng wallet at ibinigay ang thirty thousand pesos at ibinigay niya sa akin 'yon.
"Here! Sana naman tumupad ka sa pangako mo," sabi niya. "Dahil kung hindi," tumingin siya sa mga mata ko at walang emos'yon siyang nagsalita. "One wrong move, I will kill you."
Napalunok ako sa uri ng tingin niya sa akin pero naglakas loob pa rin akong umirap sa kaniya kahit kinakabahan ako.
Bipolar din 'tong hipokritong 'to e, sarap banlian sa bayag. Amp!
Tumango lang ako sa kaniya. Lalabas na sana ako nang may maalala ako, kaya humarap ulit ako sa kaniya at nakita kong nakatingin siya sa puwit ko.
"Bastos!" sigaw ko.
"'Di ko mapigilan."
"Pervert! Salamat!" sigaw ko at nagmamartsang pumunta sa pinto ang kaso ay ayaw mabuksan. Kaya bumaling ulit ako sa kaniya.
"Hoy! Ano?! Ayaw mo ba ako palabasin!" sigaw ko sa kaniya.
"Sabihin mo lang ang magic words," sabi niya.
"Anong magic words?" naiiritang tanong ko.
"Sabihin mo lang. Ang g'wapo ni Xian Leem," Nakangising sabi niya.
Ay Putragis?
"Anak ka ng tokwa!" sigaw ko. "Ikaw na nga magsabi dito!" sigaw ko.
"Na, ah! Bahala ka, hindi ka makakauwi kapag hindi mo sinabi 'yon. Kase ako, okay lang na matulog dito basta kasama ka," sabay kindat.
Inirapan ko lang siya saka humarap ulit sa pinto.
Bakit kase may ganitong pintuan? B'wisit naman!
Bumuntong hininga ako ng malakas 'tsaka ko sinabi ang...
"Ang g'wapo ni... Xian Leem," parang nagkasala 'yong bibig ko dahil sa sinabi ko.
"Ilakas mo hindi 'yan magbubukas," natatawang sabi niya.
"ANG G'WAPO NI XIAN LEEM!" sigaw ko at do'n lang bumukas ang pinto.
Mabilis akong lumabas sa private office niya at mabilis akong lumabas ng bahay niya at umuwi na sa inuupuhan kong bahay.
Nang makauwi ako sa apartment ko ay tinawagan ko agad si mama.
"'Ma. Mayroon na po tayong pang pagamot kay papa. Ipapadala ko po d'yan bukas at--"
"Anak! Don't tell me na ginamit mo ang katawan mo?"
"'Ma! Hindi po! Never kong ibebenta ang perlas ng silanganan! Kainis ka naman mama eh! Basta po bukas ko na ipapadala 'yong pera sa inyo. Hindi po muna ako makaka-uwi diyan dahil may trabaho pa po ako. May pa english na ang mama ko ah, Kailanga pa po?" natatawang tanong ko
"Kanina lang. Hahaha! Sige na anak salamat. Mag-iingat ka sa mga salisi ah," kahit hindi ko nakikita si mama ay alam kong nakangisi siya.
"Opo 'ma. Bye po, ingat din po kayo d'yan at ikamusta mo na lang po ako sa mga kapatid ko at kay papa."
"Sige-sige. Mag-ingat ka d'yan. I love you 'nak."
"I love you too 'ma, bye."
'Tska ko pinatay ang tawag at humiga ako sa kama at tumingin ako sa kisame. Salamat talaga sa pervert na 'yon.
Narinig ko ang pagbuhos ng malakas na ulan. Paniguradong malamig mamaya.
Hmm..
'Di ko na malayang napangiti ako nang maalala ko ang mga rules ni Xian. Napabuntong hininga na lang ako 'tsaka nailing bago ko pinikit ang mga mata ko.
Pero biglang nag ring 'yong cell phone ko. Sa isiping si mama 'yon kaya sinagot ko agad habang nakapikit.
"'Ma... Bukas ko na lang po ipapadala, gabi na rin po kase--"
"Bukas na bukas dito ka na titira sa bahay ko at agahan mo ang pagpunta. Bawal ang late," mariin niyang sabi.
Napadilat ako ng mga mata at napabangon sa kinahihigaan dahil hindi si mama ang nagsalita kundi si Xian.
Tinignan ko kung sino ang tumawag at ang numero nga 'yon ni Xian.
"H-ha?" 'Yon na lang ang na sabi ko.
"Bukas, dito ka na titira sa bahay at dapat agahan mo."
Magsasalita pa sana ako nang patayin na niya ang tawag.
Bukas do'n na ako titira sa bahay niya?
Nagpapatawa ba siya?