Nakaupo kami ngayon ng pervert na 'to sa mono block s'yempre sa magkabilaang side kami nakap'westo baka mamaya ay t'yansingan na naman niya ako.
"Hindi naman ho," untag ni loko.
"Eh, kung gano'n, bakit ka nandito hijo?" tanong pa ng hepe.
"Ipapakulong daw niya ko," sabi niya sabay turo sa akin.
Abaaaa! Hindi siya nag dalawang-isip na sabihin sa hepe ang totoo at talagang siya pa ang nagsabi sa pulis. Mabuti naman kung gano'n!
Humalakhak ang hepe kaya napunta sa kaniya ang pansin ko. Ano naman kaya ang itinatawa-tawa ng kalbong hepe na 'to?
Lumapit ang hepe sa pervert habang tumatawa pa rin ito na parang kakapusin na ng hangin kakatawa.
"This time Mr. Leem, ano naman ang ginawa mo?" tanong ng kalbong hepe 'tsaka ito ngumisi sa Mr. Leem na ang tinutukoy ay si pervert. "Don't tell me . . . pinilayan mo ang magandang binibini na ito?"
Ayos na sana sa magandang binibini kaso bakit may pinilayan pa siyang nalalaman?
Umiling lang ang pervert sa kalbong hepe.
"Sinikmuraan mo?" tanong ulit ng hepe.
Bakit parang puro violence ang tinatanong ng kalbong hepe na 'to? Halata naman sa lalaking 'to na manyakis siya.
"Ano'ng violence ang ginawa mo sa kaniya Mr. Leem?" seryosong tanong ng kalbong hepe.
"Nothing," maikling sabi ni pervert.
"Eh, kung gano'n, bakit ka niya gustong ipakulong?" tanong sa kaniya ng kalbong hepe.
Bumaling siya sa akin 'tsaka niya ako tinanong.
Eh, kung kanina pa niya ako tinanong e 'di sana hindi siya naging manghuhula, napairap ako ng palihim.
"Bakit gusto mo siyang ipakulong, miss?"
"Orteza," maiksing sabi ko.
"Orteza?" ulit niya.
"Dahil isa siyang malaking g*go! Manyakis ang lalaking 'yan!" sabay turo ko kay pevert.
Napabaling ulit ako sa hepe nang sunod-sunod siyang napaubo na parang matatanggalan na siya ng lungs sa sobrang lakas umubo.
OA ah!
"M-mr. Leem . . . totoo ho ba ang sinasabi niya?" hindi makapaniwalang tanong ng kalbong hepe.
Aba naman putragis kang kalbo ka? Ano sa tingin mo, nagsisinungaling ako? At talagang sinisigurado niya pa sa lalaking 'tong pa-chill-chill lang na nakaupo sa upuan. Feeling maangas, hindi naman astig!
Aba'y maghintay ka lang at malapit ka nang ilipat sa seldang kalalagyan mong hipokrito ka!
"Hindi ko alam sa babaeng 'yan," walang pakundangan niyang sabi.
"Aba naman Mr. Pervert slash Mr. Hipokrito! Nakailang hipo ka sa akin kanina at kailangan mong pagbayaran ang mga pang mo-molestiya mo sa akin! Harassment ang isasampa kong kaso para sa'yo," iritang sigaw ko sa kaniya.
"Kapag ba nakulong ako rito, sa tingin mo maibabalik ba sa dati ang lahat?" sarcastic niyang untag. "Hindi, 'di ba? Sinasayang mo lang ang oras ko," walang emosyon niyang sabi.
Ay, g*go nga?
"Chief! Ikulong niyo na 'to! Narinig mo naman ang mga sinabi niya 'di ba? At saka kailangan niya talagang makulong sa ginawa niya sa akin! Hinipuan niya ako sa maseselang katawan ko!" sigaw ko habang tinuturo ang pervert.
Lumunok muna ang hepe at nagkamot ng ulo.
Makati?
"Ms. Orteza . . . tama ho si Mr. Leem, nagsasayang lang ho kayo ng oras," mahinahon niyang sabi sa akin.
Napatayo ako sa kinauupuan ko at hinampas ko ng malakas ang kalbo niyang ulo, charot! 'Yong lamesa ang hinampas ko.
"Anong gusto niyong gawin ko chief?! Ang hayaan na lang na makalaya ang pervert na 'to?!"
Lumunok ulit siya at pinapakalma niya ako. Kakalma lang ako kapag nakita ko nang nakakulong ang lalaking 'to sa selda.
"Hindi ho sa gano'n Ms. Orteza," nagpa-panic na ang kalbong hepe.
Bakit kaya nawalan siya ng buhok sa ulo? Kahit isang bakas na buhok ay walang makikita.
"Kung gano'n ikulong niyo na 'yan!" inis kong sabi.
Kumamot ulit siya sa makintab niyang ulo. May kuto ba siya?
"Kahit ikulong ko pa siya sa selda, wala pang sampung segundo ay makakalaya pa rin siya. Hindi mo ba kilala si Mr. Leem?" paliwanag ng hepe.
"A-ano?" naguguluhan kong tanong. "W-wala akong pakialam kung sino pa siya. Ang gusto ko lang naman ay makulong ang hipokritong 'yan," nanlalambot kong sabi.
Magsasalita pa sana ang hepe nang biglang tumayo ang pervert at hinarap niya ako nang walang emosyon ang mukha. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya napaatras ako ng bahagya.
"Kahit ipakulong mo pa ako rito . . . sa isang pitik ko lang, laya na agad ako."
Napakuyom ako ng kamao sa sinabi niya.
Ang ibig niya bang sabihin. Kahit ipakulong ko pa siya rito ay wala ring saysay dahil kahit ano'ng gawin ko para maipakulong siya ay makakalaya't makakalaya pa rin ang pervert na 'to.
"Eh, kung gano'n pala . . . oh, sige! Payag na 'kong makipag-areglo sa'yo! Kung hindi naman pala kita maipapakulong ay mas mabuting gawin ko na lang 'to sa'yo para kahit pa-paano ay makabawi ako sa pambabastos mo sa akin!"
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at ipinakita sa kaniya ang pag galaw ng panga ko habang masama ang ipinukol kong tingin sa mga mata niya.
Ginawa ko na dapat 'to kanina para makabawi man lang. Tinuhod ko ng malakas 'yong bayag niya kaya napainda agad siya sa sakit. Hinawakan niya ang nangingilong betlog niya sa pantalon habang tumatalon siya sa sobrang sakit ng pagkakatuhod ko sa alaga niya.
Halos lahat na nandito sa presinto ay napa Ohhh! at alam kong ramdam din nila ang sakit na nararamdaman ni pervert ngayon.
Deserved!
"Gusto mo rin Sir chief?" alok ko habang nakangisi ng nakakaumay.
Marahan siyang umiling at ramdam ko ang takot at panginginig ng katawan niya.
Binalingan ko ulit ng tingin ang pervert at halos maglumpasay na siya sa sakit ng alaga niya.
Buti ngaaaa!
"Ayaaaannn! Dapat lang 'yan sa'yo. Hindi ka na magkaka-anak niyan dahil basag na 'yang betlog mong hinayupak ka!" sigaw ko sa kaniya.
"Y-You'll pay for this! I-I swear! I will kill you!" sigaw niya sa akin.
Inirapan ko lang siya bago ako tuluyang lumabas ng presinto.
Nag-make face ako habang naglalakad palabas. As if naman mapapatay niya ako 'di ba? Sino ba siya sa akala niya? Akala niya ba mabibili niya ang lahat? Kahit siya pa ang pinaka mayaman dito sa mundo ay hindi ako magpapatalo sa hinayupak na hipokritong 'yon!
I will kill you, kill you pa siyang nalalaman! Suntukin ko kaya ang betlog niya, para matauhan siya. Hindi sayang ang oras niya kundi sinayang niya ang oras ko.
WALANG HIYANG pervert na 'yon! Inisahan niya pa ako, buti na lang ay may talent ako sa pagtuhod ng betlog.
Kaya nang makauwi ako rito sa bahay namin ay pagod na pagod ako. Buti na lang ay may na sakyan pa akong bus pauwi.
Sino ba namang hindi mapapagod? Eh, daig ko pang sumabak sa g'yera, kagagaling ko lang sa trabaho no'n tapos mamanyakin pa ako ng hipokritong 'yon?
"'Ma, nandito na po ako," malamyang sabi ko.
"Oh, anak nand'yan ka na pala. Kumusta naman ang b'yahe? Mukhang pagod ka ah, kumain ka na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Mama.
"Mamaya na po muna ako kakain, 'Ma. Magpapahinga po muna ko," 'tsaka ako umupo sa hindi gaanong kalambot na sofa at isinandal ang batok sa sandalan nito at pumikit.
Hindi gano'n kalaki ang bahay namin at hindi rin maliit pero tama lang ito para sa aming pamilya. Mahirap lang kami kaya naman todo kayod ako para may mailaang pang gastos para sa pamilya ko at para na rin sa pag-aaral ng tatlo kong kapatid.
Kauuwi ko lang galing trabaho, umuuwi ako kada isang buwan dito sa bahay para ma-i-abot kina Mama't Papa ang sweldo ko. Ayokong ipadala sa mga padalahan kasi mas gusto ko ako mismo ang nag-aabot sa kanila ng pera.
Lahat ng mga paper bags na hawak ko kanina. Sa boss ko talaga 'yon, isinama ko lang sa pag-uwi para walang gumalaw sa pinag-uupahan ko ro'n sa Manila. Marami kasing pakialamera ro'n kaya iniingatan ko ang gamit ko lalo na kung hindi sa akin kaya dapat kong pahalagahan ang mga iyon dahil mamahalin pa naman 'yong mga laman ng paper bags na hawak ko.
Sa totoo nga n'yan ay apat na buwan na rin akong nagtra-trabaho sa ICT bilang isang utusan ng mga empleyado. Grabe 'di ba? Pero keri lang naman at hindi kaliitan ang sahod, hindi tulad sa pagsasaka kahit nakakatulong sa amin ang pagmimina ni Papa sa sakahan ay hindi pa rin 'yon sapat sa pang araw-araw dahil nag-aaral pa ang mga kapatid ko.
Kahit mahirap, kinakaya ko pa rin para sa pamilya ko. Para mabigyan sila ng magandang buhay. Hindi pa rin ako tumitigil na mangarap para sa pamilya ko dahil alam ko sa sarili ko na kahit ganito ako ay may opportunity pa ring darating sa buhay ko at hihintayin ko ang araw na 'yon.
Pero sa ngayon, kailangan ko munang magsumikap para sa pangarap. Dahil sa panahon ngayon kailangang munang maging praktikal sa buhay. Mahirap man o madali ay dapat natin kayanin para sa pang araw-araw, kailangan din nating maging malakas sa bawat yugto ng buhay at maging matatag para sa bawat araw na dumaraan.
Ang pinaka goal ko sa buhay ay 'yong mapatapos ko sa pag-aaral ang tatlo kong kapatid. Gusto kong matupad nilang lahat ang mga pangarap nila sa buhay bago ko matupad ang pangarap ko dahil sila ang una kong pangarap. Ang makita silang matagumpay sa buhay ay natupad ko na rin ang isa sa mga pinapangarap ko.
Ako nga pala ang Ate sa tatlo kong mga kapatid, hindi ko na naitapos ang pag-aaral ko no'ng 3rd year college ako, maaga akong nagtrabaho para may pangtustos sa pang araw-araw. Pero nag-iipon ako ngayon para maipagpatuloy ko ang naudlot kong pag-aaral. Pangalawa si Kate Orteza, pangatlo si Kiko Orteza at pang-apat si Kathy Orteza.
Puro kami letter K 'no? Gano'n talaga. Si Papa kasi ang nagbigay ng mga pangalan namin.
Kahit mahirap ang maging panganay ay nagpapasalamat pa rin ako dahil ako ang naging panganay sa kanila. Ayokong nakikita silang nahihirapan. Ayokong nakikita ang pamilya ko na nahihirapan at nasasaktan dahil triple ang balik no'n sa akin sa tuwing nasasaktan sila. Mahal na mahal ko sila higit pa sa buhay ko. Walang makakapantay sa kanila kahit na ano'ng materyal na bagay pa 'yan.
Ilang minuto pa ay idinilat ko na ang mga mata ko at bigla kong naalala ang ginawa sa akin ng hipokritong 'yon!
Bigla na namang uminit ang ulo ko dahil sa ginawa niya kanina at parang nararamdaman ko pa rin ang mukha n'yang nakasubsob sa dibdib ko.
Walang'ya!
Xian's P.O.V
MULA SA AKING opisina pinatawag ko ang sekretarya.
"Charlott, nasaan na ang pinatabi ko sa'yong mga paper bags. I need those paper bags, tomorrow. Asap," sabi ko sa secretary ko.
"Mr. Leem, pinatabi ko muna sa isang alalay ng mga empleyado niyo. Kasi po ay marami na rin po akong dalahin no'ng araw na 'yon pero babalik naman po siya sa lunes at--" hindi niya natapos ang sinasabi niya nang biglang akong magsalita.
"I don't need your explanations. You're fired," mariin kong sabi.
Hindi ako nakatingin sa kaniya dahil busy ako sa pagpiklat ng mga papeles na pinipirmahan ko.
"Po? W-wag po, sir . . . sorry po . . . tatawagan ko na po siya. 'Wag niyo po ako tanggalin sa trabaho, sir. Kailangan po ako ng pamilya ko," utal niyang sabi.
Ramdam ko ang panginginig ng boses niya at pagkataranta.
"Okay, next time be professional as my secretary because one wrong move you'll be fired. You understand? Now. You may leave," istrikto kong sabi habang nakatingin sa malayo.
Mabilis namang lumabas ang secretary sa office ko, bumuntong hininga ulit ako at sumandal sa swivel chair habang nagmumuni-muni. Biglang sumagi sa isip ko 'yong babae kanina. Ang lakas naman ng loob niya para kalabanin ako, hindi niya alam kung sino ang binangga niya.
One wrong move baby girl. I'll kill you.
Nagtiim ang bagang ko nang maramdaman ko ang alaga ko na unti-unting tumatayo.
F*ck!
Bakit ko ba ginawa 'yon?!
Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa sobrang inis.
Grabe talaga! Hindi ko maiwasang hindi matukso sa babaeng 'yon lalo na no'ng yumuko siya at ang matambok niyang puwit ang tumambad sa akin.
Pero, hindi ko talaga makakalimutan 'yong mapasubsob ako sa dibdib niya.
'Like heaven'
Sa totoo lang. Hindi ko naman talaga sinasadyang mapasubsob sa hinaharap niya pero ang pagpisil sa puwit niya, sinasadya ko talaga 'yon lalo na no'ng sinamantala ko ang pagkakasusob sa malulusog niyang hinaharap.
Napakalambot ng puwit niya pagpinisil at hindi talaga pagsasawaan ng kahit na sino mang lalaki. Pero s'yempre akin lang ang babaeng 'yon bawal may humawak sa kaniya dahil may kasalanan pa siya sa akin na dapat niyang pagbayaran.
Siya 'yong tipo kong babae dahil naaalala ko sa kaniya si--
Napailing agad ako ng ulo nang maalala ko na naman ang babaeng matagal ko na dapat kinalimutan. Hindi p'wedeng palagi na lang akong ganito sa tuwing maaalala ko siya. Parang nakakulong pa rin ako sa isang selda na matagal ng huma-hunting sa pagkatao ko at hindi ako makawala sa ala-alang 'yon.
Bumuntong hininga ulit ako at huminto na sa pag-iisip sa babae at nagsimula nang pumirma ng mga papeles. Bukas na bukas kailangan ko na talaga lahat ng laman ng paper bags na 'yon. Dahil kung hindi paniguradong malaki ang mababawas sa share ng kompanya.
Lahat ng importanteng papeles at gamit ko ay nando'n para sa i-re-report ko bukas sa meeting. Dapat kompleto ang mga 'yon
at kung may mawala man ni isa sa mga 'yon. Ang secretary ko lang ang sisisihin ko at wala ng iba pa. Siya ang secretary at dapat panindigan niya ang consequence na mangyayari. Dahil bakit niya ipapahawak sa iba ang ipinapatabi ko sa kaniya? Kapag nawala 'yon, kahit mahirap lang sila at kahit kailangan pa siya ng pamilya niya, tatanggalin ko talaga siya rito sa kompanya ko. Hindi ko kailangan ang isang 'tulad niyang pabaya.
Whatever she says, mark my words.
"Sir!" tawag ng secretary ko.
"What?" tanong ko na hindi tumitingin sa kaniya dahil abala ako sa pagpirma.
"Bukas na bukas po ay pupunta na po siya rito," hinihingal niyang sabi at ang tinutukoy niya ay 'yong may hawak sa mga paper bags ko.
Natigilan ako,
Parang may mali.
Bakit ganito kung mag-react itong puso ko?
Bakit pumipintig ng mabilis?
Tumikhim ako.
"Good, pero siguraduhin mo lang na hawak pa niya lahat ng 'yon at dapat kompleto pa rin. Dahil kapag may nawala kahit isa roon, p'wede ka ng umalis sa kompanya ko," mariin kong sabi habang pumipirma.
Ramdam ko ang kaba at takot sa katawan niya pero wala akong pakialam.
"Now, you may leave," sabi ko sa mariin na salita.
Natataranta naman siyang lumabas sa opisina ko.
Katharine's P.O.V
NAPAHINTO AKO sa ginawa ko nang biglang mag ring ang cellphone ko at ang secretary na si Charlott ang tumatawag.
Ano kayang kailangan niya at napatawag siya? May problema siguro sa opisina.
"Hello, Kath. Bukas na bukas ay bumalik ka na rito sa opisina dahil kailangan na ni sir 'yang lahat ng paper bags at kapag may nawala kahit ni isa d'yan ay pareho tayong malilintikan at paniguradong matatanggal tayo sa trabaho. Kaya bukas na bukas ay bumalik ka na rito," natatarantang sabi niya sa kabilang linya.
"H-ha? Gano'n ba? Sige, bukas na bukas ay nand'yan na ako." Sabi ko at pinatay na ang tawag.
"'Ma, 'Pa. Mukhang hindi na po ako magtatagal ng isang linggo rito sa bahay, kailangan ko na pong maibigay sa boss namin ang mga paper bags at kapag hindi ko agad naibigay 'yan paniguradong sisante na ako," nag-aalalang paliwanag ko.
"Gano'n ba? Os'ya sige, mag-iingat ka bukas sa b'yahe mo. Marami pa namang salisi Gang ngayon," sabi ni Papa.
'Opo, 'Pa! Marami ngang salisi Gang
ngayon at iba't ibang technique 'yong
mga bagong Gang ngayon. May
salising subsob sa dibdib Gang at
hawak sa pang-upo Gang!'
Bigla na naman nag-init ang ulo ko.
"Oh, anak ayos ka lang ba? Bakit namumula ang buo mong mukha pati na rin 'yang tainga mo?" tanong ni Mama.
"Ayos lang po ako, 'Ma. Siguro sa pagod lang po 'to. Pahinga na po ako, kailangan ko na ring umalis bukas e."
Pumunta na ako sa k'warto kung saan nando'n ang papag na tinutulugan ko.
Kahit mag a-alasingko pa lang ng hapon ang dilim na agad sa labas. Mukhang uulan pa ata bukas ah.
Wala pa rito ang mga kapatid ko kasi mamayang ala singko pa ng hapon ang uwian nila.
Mamaya na lang ako makikipag-k'wentuhan kapag na bawi ko na ang lakas ko.
Ilang minuto pa akong nakatingala sa bubong ng bahay at hindi rin nagtagal ay nakatulog na ako.
NAGISING na lang ako sa may sumisigaw na boses.
"Mama! Mama! nandito na po ba si Ate?" excited na tanong ni Kathy.
Kaya naman bumangon na ako sa pagkakahiga ko.
"'Wag mo munang istorbohin ang Ate ninyo dahil pagod 'yan sa trabaho kaya kailangan niyang magpahinga," wika ni Mama.
"Ay, gano'n po ba?" malungkot niyang tanong. "Sayang naman po, ipapakita ko pa naman sa kaniya ang mga stars na nakuha ko. 'Ma. 'Pa. Tingnan niyo po oh, ang dami kong stars."
Masayang sabi niya at pinakita pa niya kina Mama at Papa ang dalawa niya braso na puno ng stars.
Napangiti ako. Dahil kahit pa-paano ay masaya ako na nakakapag-aral ng maayos ang mga kapatid ko. Lumabas ako sa pinto dahil kanina pa ako nakasilip sa kanila.
"Wow! ang dami namang stars ng baby ko," masayang sabi ko kay Kathy.
"Ate!" sigaw niya at mabilis siyang yumakap sa akin.
"Hmm . . . na miss ko ang baby girl ko," sabi ko habang yakap siya. Umupo ako sa harap niya para mas lalo ko siyang mayakap.
"Na miss din po kita Ate," masayang sabi niya. Ngumiti ako at humiwalay sa pagkakayakap mula sa kaniya at ginulo ang buhok niya.
"Galingan mo pa lalo sa school ah? Para maging isa kang magaling na doktor," masayang sabi ko sa kaniya at tumango-tango naman siya.
"Opo naman Ate," nakangiting sabi niya.
Ginulo ko ang buhok niya 'tsaka ako tumayo at humarap sa dalawa kong kapatid.
"Oh, kayo kumusta?" masayang tanong ko.
Yumakap silang dalawa sa akin.
"Ayos naman po kami Ate. Na miss ka po namin," sabi ni Kiko.
Bumitaw na sila sa pagkakayakap sa akin.
"Ikaw Kiko 'wag ka munang manligaw dahil bata ka pa at dapat priority niyo ang pag-aaral at ikaw naman Kate. 'Wag ka munang magpapaligaw, magpayaman muna tayo bago mag-love life. Okay?" pagpapaalala ko.
"Ate naman eh! Lagi mo na lang 'yan sinasabi pag-umuuwi ka rito sa bahay alam na po namin 'yan," sabi ni Kate na kumakamot pa sa sentido.
"Aba! S'yempre, kailangan kong ipaalala sa inyo palagi 'yan baka mamaya eh may mga jowa na pala kayo at sinisekreto niyo lang sa akin. Dinaig niyo pa ako, mga bata pa kayo kaya mag-aral muna kayo. Basta 'wag munang manligaw at magpaligaw hangga't--" hindi ko pa na tatapos ang sasabihin ko nang magsalita silang tatlo.
"Hangga't hindi pa tayo yumayaman!" sabay-sabay nilang sabi.
Masaya ko silang niyakap gano'n din sila.
Masaya ako dahil kahit na mahirap kami ay hindi pa rin nagbabago ang mga ugali ng mga kapatid ko. Magagalang pa rin at may pananaw sa buhay.