Torpe
img img Torpe img Chapter 4 Nakakabaliw na tagpo.
4
Chapter 6 Pagbalik niya sa alaala. img
Chapter 7 Ang nakaraan. img
Chapter 8 Simula ng pagharap ko sa nakaraan. img
Chapter 9 Pagkikitang muli. img
Chapter 10 Pagpasok sa lungga ng kalaban. img
Chapter 11 Isang masakit na katutuhanan. img
Chapter 12 Karaniwang araw sa buhay ko. img
Chapter 13 Pitong sampal instead of pitong halik. img
Chapter 14 Pagpasok muli ni Xiang Lei. img
img
  /  1
img

Chapter 4 Nakakabaliw na tagpo.

Chapter lV

After namin kumain ay umakyat na ako sa'king silid para mag sipilyo't matulog. Nakahiga na ako sa aking kama ng bumalik sa aking gunita ang mga katagang nakasulat sa unang mahina ng booklet. Agad akong napabalikwas ng bangon at tinungaw muli ang booklet sa ibabaw ng study table ko. Kinuha ko iyon at agad binuklat.

Binuksan ko mula una hanggang sa ikalawang pahina at sinimulang basahin ang nakasulat. [ O diba wala akong balak na paki-alaman ito pero hito ako pinaki-alaman at nagsimola ng magbasa. HAHAHA di talaga ako shismuso pero hito't binabasa kona.]

Nilalaman ng ikalawang pahina.____

From: unknown

To: Zone Frecs

Zone Frecs, masaya kaba na pinaiyak at sinaktan mo ang kaibigan ko? Masaya kabang hito siya ngayon nagdurusa? Masaya ka bang nakikita siyang unti-unting pinapatay ng sakit at kalungkotang iginanti mo sa kanya? Sa kabila ng kabaitan, at katapatang sayo'y inalay nya? Zone Frecs anong klasing tao ka? Or tao ka pa nga ba talaga?

Nagsimula na akong malito makadama ng lungkot at guilt sa sarili. Sa dinami-daming babaeng pinaglaru-an ko sino ito sa mga iyon? Pinag patuloy ko ang pagbabasa umaasang magpapakilala siya sa sulat ng kaibigan n'ya. Hanggang sa may isang tulang nakasulat.

Tula______

Hi lobby, masaya akong masaya ka. Kahit alam kong mali pero hinahayaan kita dahil mahal kita. Di ko kayang pagsabihan ka, kasi baka masaktan at magalit ka.

Nasasaktan ako tuwing may pinapaluha kana namang iba. Nasasaktan ako para sayo kasi parang ok lang sayo manakit ng kapwa tao na kinasasaya mo.

Lobby, kailan kaba magbabago sinta ko. Kailan kaba magising na mali iyang mga pinaggagawa mo. Ilan pabang mga babae ang papahirapan mo.

Ilang babae pabang gaya ko. Ang bigyan mo ng traumas at trust issues lobby ko. Ilang babae paba ang kailangang mabaliw at ipasok sa mental gaya ko.

Lubhang inusig ako ng kunsensya at kina-in ng hiya di kona kayang ipagpatuloy pa ang pagbabasa. Kung sino man ito wala na akong balak alamin pa. Malay natin isa lang itong patibung ng mga kalaban ko. Pero papano kung totoo talaga ito? Anong gagawin ko?

Inilagay ko uli sa ibabaw ng mesa ang booklet. Nagpasya nalang akong matulog ngunit nahihirapan akong makatulog dahil sa mga nabasa ko sa booklet.

Sana pala di ko nalang binasa ang nasa loob ng booklet na iyon. "Dark Secret, don't open it, it will ruin your entire life." Totoo nga kaya iyon? Maging ang mga naka sulat doon? Nasa ikatlong pahina palang ako pero subrang ginugulo na isip ko.

Pinilit kong matulog hanggang sa diko namalayang nakatulog na pala ako.

Andito ako ngayon sa school kahit araw ng sabado kasi may biglaang pagpupulong daw tungkol sa isang masamang nangyari sa loob ng school. Ano kaya ito riot na naman ba ng mga gang. Bakit lahat kami kailangang pumunta. Ginawa pa talaga nilang mandatory para siguradong lahat pupunta.

Pagkapasok ko sa campus ay wala akong nakitang tao. Kinda' weird ah, nasaan na kaya sila. Napagpasyahan kong dumiretso nalang sa Gym kung saan gaganapin ang pagpupulong.

Papasok na sana ako ng mapansin kong puro mga babae lang ang nandoon. Mga nasa sampo lang sila sa tantsa ko. Na mumukhaan ko sila pero diko mapangalanan. Basta alam kong kilala ko sila. Its kinda' weird lang talaga kasi diko matandaan ang mga pangalan nila.

Nakita ko silang masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Since nandito na ako pumasok nalang ako at na upo sa isang tabi.

[Mambabasa speaking– o ano na Zonerox diba malupit ka sa mga chicks ayan sunggaban mona sayang naman yong pagkakata-on.]

Ang weird talaga ng mga pangyayare sabi ko sa aking sarili. Kanina pa ito e, mula no'ng pulutin at basahin ko ang booklet. Nasa ganoong sitwasyon ako ng mapansin kong tumahimik ang paligid. Agad naman akong nagtaas ng tingin sa gawi ng mga kababaehan na nasa di kalayuan lang.

Nagulat akong nakita silang lahat na nasa akin na ang tingin napaka seryuso nila at parang di ko malabanan ang kanilang mga tingin. Nagbawi ako ng tingin at ibinaling nalang sa kabilang parte ng gym.

Pero mas nagulat ako ng makitang naroon din sila, i mean 'yong mga kakabaehan ay nandito din sa kabilang parte ng gym. Kinabahan na ako at kinilabutan. Nagsitayuan na lahat ng balahibo ko sa katawan. Isipin n'yo na kung anong mga bahibo ang gusto ninyong isiping tumayo. Kasi lahat talaga nagsitayuan.

Nagsimola na akong mag isip di kaya panaginip lang lahat nang 'to. Sinampal ko ang sarili ko "aray ang sakit napalakas ata pag sampal ko sa sarili ko ah." So since, nasaktan ako ay totoo ito. Totoo ang lahat ng mga nangyayare ngayon. Magsasalita pa sana ako saking sarili ng....

"HAHAHAHA" narinig ko ang tawanan ng mga kababaehan. Kaya napalingon ako sa gawi nila. Magtatanong na sana ako kong bakit nila ako tinatawanan ng maunahan ako ng isa sa mga kakababaehan.

"Nakakatawa ka Zone Frecs naturingan kang lalaki, bad boy, takaw sa gulo at babaero pero sinasampal mo lang sarili mo?" HAHAHAH HAHAHAH tawanan nilang lahat.

"Bakit" sagot ko habang naka pout.

Dahil ba lalaki ako di na ako dapat nananampal? So dapat binatukan ko nalang sarili ko ganon ba 'yon?" Inis kong pagsagot sa kanila.

"HAHAHAHAHA" tawanan lang uli ng mga kababaehan.

"Alam n'yo ba kung bakit sampal lang ang iginawad ko sa aking sarili? O diba hindi? Inis kong sambit sa kanila.

"Kasi ganito 'yon, papaliwanag ko sa inyo ha ng malaman n'yo." Saad ko sa kanila habang nagtatawanan parin sila.

"Una, kaya sampal lang kasi gusto ko lang naman malaman if nanaginip lang ba ako kasi ang weird eh."

"Pangalawa, mas nakakahiya at mas magmumukha akong tanga if batukan ko ang sarili ko para lang malaman if nananaginip lang ba ako."

"Pangatlo at huli, kaya sampal lang ginawa ko kasi napakagwapo ko at pinaka-iingatan ko itong mukha ko. Ayaw kong magkapasa ito. Gets n'yo? Mindset ba mindset." Patawa kong sabi sa kanila.

Pero nakakatawa ka parin Zone alam moba 'yon?" HAHAHA sabay na naman nilang tawanan.

"Bakit" inis kong singhal sa kanila.

Sumagot na naman ang isa sa kanila.

"Tanong mo sa sarili mo?" HAHAHAH AHAHAH malakas ulit na tawanan nila.

"Mga baliw ba kayo? Tumatawa kayo ng wala namang nakakatawa. Alam ko namang gwapo ako at may since of humor narin pero di iyon sapat para pagtawanan n'yo ako ng gan'yan." Inis ko paring asik sa kanila.

"Kami baliw?" Sambat nong isa sa kanila.

"Oo kasi bakit n'yo ako pinagtatawan. May katawa-tawa ba sa gwapo kong mukha? Isa pa mukha ba akong clown para matawa kayo ng ganyan sa akin." Pagpalaliwanag ko sa kanila.

Sumagot uli yong isa sa kanila.

"So kami ang baliw ganon ba? Saan naman kami mababaliw sa iyo? Hindi rin baka sa mga jowa namin oo pero sayo "juicolored" never." HAHAHAHHAHAH mas malakas pang pagtawa nila sakin.

Tumahimik nalang ako since di ko na alam mga nangyayari sa paligid subrang weird. Nawala tuloy sa isip ko ang ipinunta ko dito. Iyong pagpupulong nga pala tungkol saan naman kaya iyon. Ba't ang tagal nila ako lang nag-iisang lalaki tapos mga kasama ko mga werdong babae. Nasa ganoong sitwasyon ako ng magsalita uli ang isa sa mga babaeng nandito.

"Zone nakakatawa ka talaga"

"oo nga" pagsang-ayon ng iba at sabay nagtawanan na naman sila.

"Ano ba talagang trip n'yo ha?" Inis kong sabi sa kanila.

Kasi talagang kanina pa ako naiinis sa kanila. Nawawala kaastigan ko sa mga 'to ah. Na stressed na mga muscles ko at lalong nawala hotness ko sa mga babaeng nandito. Nakaka embyerna mga shungnga. Magpapatuloy na sana ako sa self talk ko ng may isa na namang sumagot.

"Really Zonerox di mo alam kong bakit ka, nakakatawa? Subukan mo kayang tingna sarili mo sa salamin ng malaman mo kung anong nakakatawa sa itsura mo." Mahabang litanya ng isa sa mga shunggang babaeng nandito.

Agad ko namang kinapa ang mukha ko at wala namang mali o kakaiba rito. Tumingin ulit ako sa kanila at panay parin tawanan nila't nagbubulungan pa. Na wewerduhan na talaga ako sa mga nangyayari at naguguluhan. Nangangapa ako ng kasagutan.

May problema ba talaga sa akin o pinagti-tripan lang ako ng mga ito. Biglang kumulo ang dugo at sa ano mang oras ay sasabog na ako. Kaya galit ko silang kinumpronta.

"Pinagtitripan nyo ba ang handsome na ito?"

[Mambabasa speaking– naks galit na daw pero may halong kahanginan parin sana all Zonetot.]

"Kanina pa kayo ah, pag-ako na inis malapit na akong mapikon sa inyo. Pag ako napikon malapit na akong magalit n'yan sa inyo. At pag ako nagalit edi put*ang'na n'yong lahat." Galit na may halong sarkastiko kong sabi sa kanila.

Magpapatuloy pa sana akong manghihimutok ng biglang magsalita ang pina ka shukla sa mga embyernang babaeng impakta.

Talaga ba Zone di mo parin ba napapansin kung anong nakakatawa sa iyo?" Sarkastiko n'yaring sabi sa akin at sinang-ayunan naman ng mga kasamahan niya sabay tawa.

"Hindi" maiksi kong tugon sa kanila.

"O sige papaliwanag rin namin sa'yo gaya ng pagpapaliwanag mo samin about doon sa sampal instead of batok." Pambubuyo n'ya sakin at pinagtawanan pa ako ng iba.

"Una, nasa paaralan ka bakit nakapantulog outfit ka."

"Pangalawa, naka pantulog kana nga lang butas pa."

"Pangatlo't huli rin, nakapantulog kana nga dito sa paaralan, may butas pa sa may bandang pwetan baliktad pa pagkasuot mo sa damit mo. Wow naks! HAHAHAHA HAHAHAHA ganyan na ba bagog pormahan ng mga kabataan ngayon?" tawanan uli nilang lahat.

Ako naman ay nagulat, nabigla at kinain ulit ng kahihiyan papano nangyaring naka pantulog lang ako. Samantalang kanina lang bihis na bihis ako. Papanong butas pa itong suot ko eh bagong bili palang ito. Papanong baliktad eh masusi kong tiningnan kanina sa salamin postura ko at ayos naman lahat bago ako umalis.

Subrang nakakabaliw ang mga pangyayari. Halos kainin ako ng lupa sa hiya. Parang gusto kong maglaho nalang sa mundong ito sa kahihiyang na feel ko. Nasa gitna ako ng kalituhan at sa di kapani-paniwalang pangyayari ng biglang.

Kraaaannggg~ Kraaaanngg~ kraaaaaanng.

Wag kayo ano diyan ha. Dumi na naman ng inyong isapan. Tunog ng sirang alarm clock ko iyan.

Napabalikwas ako ng tayo at ang tanging na sambit ko lang thank Lord panaginip lang.

End

_________

Chapter lV

            
            

COPYRIGHT(©) 2022