Torpe
img img Torpe img Chapter 2 Ang ikalawang pagkakataon ni Zone.
2
Chapter 6 Pagbalik niya sa alaala. img
Chapter 7 Ang nakaraan. img
Chapter 8 Simula ng pagharap ko sa nakaraan. img
Chapter 9 Pagkikitang muli. img
Chapter 10 Pagpasok sa lungga ng kalaban. img
Chapter 11 Isang masakit na katutuhanan. img
Chapter 12 Karaniwang araw sa buhay ko. img
Chapter 13 Pitong sampal instead of pitong halik. img
Chapter 14 Pagpasok muli ni Xiang Lei. img
img
  /  1
img

Chapter 2 Ang ikalawang pagkakataon ni Zone.

Chapter ll

Dahil sa kahihiyan, napaluha nalang ako. Parang gumuho mundo ko dahil sa panyayaring ito. Gusto kong saktan ang sarili dahil sa galit na nararamdaman ko. Subrang nasaktan din ako para kay Scarlett na mahal ko.

Subrang galit ako sa sarili na parang gusto konang tapusin buhay ko. Na sa ganoong sitwasyon ako ng biglang dumating si Yiyi.

"Pre! ok kalang ba?" pangungumusta ni Yiyi sakin. Naka upo lang ako't naka pout naka yukom ang mga palad at nagtigim bangang sa galit ko sa sarili ko. Ano mang oras ay sasabog na ako.

"Pre! Narinig at nakita ko lahat ng pangyayari, wag mong sisihin ang sarili mo. Di mo naman ginusto na magkagano'n ang lahat. Nakita ko naman kung gaano mo sinubukang aminin ang lahat sadyang nadaig kalang ng iyong kawalan ng tiwala sa sarili." Pagpapagaan n'ya sa loob ko.

"Hindi pre subrang kinamumuhian ko ang sarili ko, kung bakit ako ganito. Minsan naiisip ko nalang kung anong silbi ng buhay ko kung di ko manlang mapasaya ang kaisa-isang babaeng mahal ko." Malungkot kong litanya sa kan'ya.

Nasaganoon kaming sitwasyon hanggang sa mag yaya si Yiyi na umuwi nalang kami at magpahinga.

Bahay.________

Galit parin akong nakauwi sa bahay. Dumiretso ako sa'king silid at sinubukang magpahinga't kalimutan na mona ang lahat.

Binigo ako ng aking magulong isipan. Laging bumabalik sa isipan ko ang nangyari kanina. Inuosig ako ng konsensya ko sa nagawa ko kay Scarlett. Ramdam kong nagalit s'ya sa nangyari at diko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa kaniya. Di korin alam kung paano mag-uumpisa muli. Pano kung tuluyan na s'yang nagalit sa akin, paano kung lalayuan n'ya na ako ng tuluyan. Diko makakayanan pagnangyari iyon. Over think malala ka Zonetot?

Iyon ang nasa-isipan ko buong gabi. Di talaga ako nakatulog sa gabing iyon dahil nag overthink malala ako. Pake niyo ba kung over thinker ako? Kayo kaya nasa sitwasyon ko. Bangog ako sa araw na ito kasi wala pa akong tulog.

Sa school.______

"Pre hulaan ko di ka nakatulog kagabi" pagbibiro ni Yiyi.

"Yeah" Tipad na sagot ko sa kaibigan ko. Halata namang wala akong tulog kasi kahit naligo ako mukha parin akong kurimaw sa pagmumukha ko.

"Ok lang 'yon pre wag mona isipin iyon. Ang mahalaga sa ngayon ay pogi ka parin kahit parang eyebugs ka na tinubuan ng mukha." Saad ni Yiran sa akin na diko alam kung pagpapagaan ba ng loob or sinisira lalo ang umaga ko.

"Letche!! ka talaga na may plan Yiran! Sira na nga buhay ko sinisira mopa lalo! Sira ka talagang sira ka" inis na may halong sarkastikong sambit ko sa kaniya.

Nagsimola na ang klase na hito't bangog ako kaya obvious na wala akong naintindihan sa lahat ng lessons.

Lunch break._____

O diba buti pa ang lunch may break ako kaya kailan kaya ako magkakabreak para masabi kona kay Scarlett na iniirog ko siya.

"Pre ano ngayon plano mo sa inyo ni Scarlett ng buhay mo?" Panunukso niya sa akin.

"Di ko alam pre naguguluhan ako, nahihiya't natatakot. Di ko alam kung papano ako hihingi ng tawad sa kaniya at hihingi ng isa pang pagkakataon para sabihin sa kaniyang mahal ko siya na, siya lang ang bumubuhay sa buhay ko." Hinaing ko sa kaibigan ko.

Natapos ang tanghalian nawala akong ibang inisip kondi papano ako hihingi ng tawad kay Scarlett. Nagsimula na ang panghapong klase na subrang lutang ko. Oo bodily present ako buong araw pero mentally absent din buong araw kasi mentally present din si Pilak sa utak ko kaya ganon. Nalito ba kayo mga mambabasa ko? Buti nga sa inyo..HAHAH edi same na tayo.

Dahil maagang natapos ang panghapong klase napagpasyahan namin ni utol Yiran na pagplanohan kung paano ako hihingi ng tawad kay Scarlett. Naayos na namin ang lahat.

"Sige na pre punta kana doon sa lugar na nasa plano natin. Ako na bahala para maisakatuparan ko ang part ko sa planong ito. Gagawin ko lahat kahit ikakapahamak kopa't masaktan, makahingi kalang ng tawad at maka ask ng isa pang pagkakataon para masabi mo ang iyong nararamdaman para sa kaniya.

Nasa lugar nako na, nasa plano namin ni Yiyi.

[Yiran speaking] dito ko aabangan ang pag-uwi ni Scarlett at kidnapin ko siya. Di na niya ako mahahalata nito may takip na ako sa mukha't di na ako nakapang unifurme pang school. Patawad Scarlett sa gagawin ko pero para sa kaibigan ko ito.

Di nagtagal nakita kona si Scarlett habang naglalakad papalapit sa kinaruruonan ko. Halatang pati siya di nakatulog kasi para rin siyang eyebugs na tinubuan ng mukha.

Nakalagpas na si Scarlett sa aking pinagpagtataguan. Ito na ang tamang oras para sundin ang plano. Hawak ang laruang patalim panakot sa kaniya.

"Wagkang gagalaw, wagkang lumingun sa likuran para di ka masaktan binibini, at higit sa..... Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bigla na siyang sumigaw ng napakalakas." Ayos lang ito talaga ang nasa plano namin na sisigaw siya kasi nga natakot sya di malamang sisigaw siya. Baliw kaba Yiran HAHAH.

[Back to Zone] o ha ako na itong nagsasalita wag kayong malito kasi pag nagkaganon lahat na tayo dito litonglito.

Nakita ko sa di kalayuan na hawakhawak na ni Yiyi si Scarlett at nagpupumiglas ito sigaw ang pangalan ko humihingi ng tulong. Saet mga tol nakonsensya ako sa naging plano namin. Pero ito na ito e. Panindigan ko nalang lakasan at tatatagan ko nalang loob ko para rin ito sa akin.

Kahit nahihiya ay lumabas ako at umastang mala super man para sa wonder woman ng buhay kong nasasaktan na sa ginawa naming plano.

Patakbo akong sumisigaw palapit sa kanila. "BITIWAN MO SYAAA!!!" Sabay talon at hinila si Scarlett papalapit sakin. Syempre di na ako nagalangan na baka masaktan si Scarlett sa gagawin ko kasi nga drama lang namin ni Yiyi ang lahat.

Nang hinila ko si Scarlett ay di parin siya binitiwan ni Yiyi humahaguhol na ng iyak si Scarlett. Nang makita ko ang mga luha na dumaloy mula sa kanyang mga mapupungay na mata. Nawala ako sa katinuan at kusang gumalaw ang katawan ko't sinapak ng pagkalakas lakas sa mukha si Utol. Napasigaw siya at napahandusay sa daan. Bigla akong napabalik sa katinuan at instead na tulongan si utol, si Scarlett parin ang inalala ko.

"S-Scarlett ok kalang bah?" S-sorry di ko sinasadya ang lahat. Di ko sinasadyang saktan ka ng ganito. Kasi subra na ang hirap na dinanas mo mula pa kahapon. Im really sorry Scarlett kung nasaktan kita kahapon at nasaktan rin kita ngayon.

Batid kong naguguluhan na si Scarlett sa naging pagamin ko pero tuloy-tuloy lang ako.

"Scarlett sorry sa lahat. Nagawa ko lang ang lahat ng ito, kasi MAHAL KITA' OO MAHAL NA MAHAL KITA SCARLETT" tuloy-tuloy kong pag amin ng lahat sa kanuya.

Naiyak lalo si Scarlett sa mga narinig niya. Magsasalita na sana siya ng inunahan ko ulit siya sa pagsasalita.

"OO SCARLETT MAHAL NA MAHAL KITA MATAGAL NA!. Since pa noong una tayong magkita. Iyong time na di ko sadyang matamaan ka ng bola habang umiinum ka ng juice."

Magpapatuloy pa sana ako ng bila siyang magsalita.

"Wait! Alam kong mahal mo ako at mahal din kita pero naguguluhan ako sa mga sinabi mo." Paglilinaw niya.

"Ok let may explaine everything". Wow naks! napa english ako charot.

Pinaliwanag ko sa kaniya ang lahat. Mangiyak-ngiyak siya sa mga nalaman niya at di lubos makapaniwala sa lahat ng nalaman.

Nasa ganoon akong sitwasyon ng biglang.......

KRIIIINNNGGGGG~ KKRRIIIINNNNGGGG~

Wag kayong etchozz tunog ng sirang alarm clock koyan.

Shit!! Umaga na pala. Naka tulogan ko pala ang pag-iisip sa nangyari samin ni Scarlett kagabi kung pano ko siya pinagmukhang tanga. Ginawang flowervase sa mga pitals na naitapon ko sa kaniya at higit sa lahat panaginip lang pala ang lahat ng iyon? Iyong pagamin ko ng tunay kong feelings kay Scarlett? Iyong pagsapak ko kay utol. Lahat ng iyon panaginip lang pala.

End

_________

Chapter ll

            
            

COPYRIGHT(©) 2022