Genre Ranking
Get the APP HOT
Mga Kwento ng Lagim (Compilation of Short Horror Stories)
img img Mga Kwento ng Lagim (Compilation of Short Horror Stories) img Chapter 5 KABANATA 5: (UNANG KWENTO NG LAGIM) BOARDER
5 Chapters
Chapter 6 KABANATA 6: (IKALAWANG KWENTO NG LAGIM) ANG KWINTAS NI LOLA img
Chapter 7 KABANATA 7: (IKALAWANG KWENTO NG LAGIM) ANG KWINTAS NI LOLA img
Chapter 8 KABANATA 8: (IKALAWANG KWENTO NG LAGIM) ANG KWINTAS NI LOLA img
Chapter 9 KABANATA 9: (IKATLONG KWENTO NG LAGIM) OBRA MAESTRA img
Chapter 10 KABANATA 10: (IKATLONG KWENTO NG LAGIM) OBRA MAESTRA img
Chapter 11 KABANATA 11: (IKAAPAT KWENTO NG LAGIM) THE CURSED TATTOO img
Chapter 12 KABANATA 12: (IKAAPAT KWENTO NG LAGIM) THE CURSED TATTOO img
Chapter 13 KABANATA 13: (IKAAPAT KWENTO NG LAGIM) THE CURSED TATTOO img
Chapter 14 KABANATA 14: (IKAAPAT KWENTO NG LAGIM) THE CURSED TATTOO img
Chapter 15 KABANATA 15: (IKAAPAT KWENTO NG LAGIM) THE CURSED TATTOO img
Chapter 16 KABANATA 16: (IKAAPAT KWENTO NG LAGIM) THE CURSED TATTOO img
Chapter 17 KABANATA 17: (IKALIMANG KWENTO NG LAGIM) DIET img
Chapter 18 KABANATA 18: (IKALIMANG KWENTO NG LAGIM) DIET img
Chapter 19 KABANATA 19: (HULING KWENTO NG LAGIM) ANG BANGUNGOT NA DREAMBOY img
Chapter 20 KABANATA 20: (HULING KWENTO NG LAGIM) ANG BANGUNGOT NA DREAMBOY img
Chapter 21 KABANATA 21: (HULING KWENTO NG LAGIM) ANG BANGUNGOT NA DREAMBOY img
Chapter 22 KABANATA 22: (HULING KWENTO NG LAGIM) ANG BANGUNGOT NA DREAMBOY img
Chapter 23 KABANATA 23: (HULING KWENTO NG LAGIM) ANG BANGUNGOT NA DREAMBOY img
img
  /  1
img

Chapter 5 KABANATA 5: (UNANG KWENTO NG LAGIM) BOARDER

Biglang namatay ang ilaw sa kwarto.

" Labs, akala ko ba gusto mong manood gaya ng dati? Bakit pinatay mo ang ilaw?" tanong ni Mang Roger.

" Brownout siguro. Hindi ko pinatay ang ilaw," dinig niyang sabi ng babae.

Bigla ay parang may tumulak uli sa kanya paitaas habang nakahiga. Dinig pa niya ang kalabog sa sahig dahil sa pagkahulog ng lalaki galing sa kama.

" Huwag ka ngang malikot, babae ka!" galit na sabi nito.

Biglang bumalik ang ilaw. Bigla ay nahintakutan ang mukha ng lalaki habang nakatitig sa paanan niya. Wala siyang nakikita roon pero takot na takot ang mukha nito. Ganu'n din si Aling Margie. Nakatuon ang tingin nito sa tinitingnan ni Mang Roger.

Takot na takot na pilit nitong binubuksan ang pinto ng kwarto pero ayaw nu'ng mabuksan. Tumili ang matandang babae habang si Mang Roger naman ay nakahawak na ang dalawang kamay sa leeg nito. Para bang sinasakal nito ang sarili. Dilat na dilat ang mga mata ng matanda.

" H-huwaaaggg! P-patawarin mo akooo, Joy! Argghhh!" hirap na hirap itong magsalita dahil sinasakal pa rin nito ang sarili.

" L-lumayo ka! Lumayoooo kaaaa!" takot na takot na sigaw ng babae na pumunta na sa isang sulok at tinatakpan ang sarili habang sumisigaw.

Biglang may sumipa sa pinto at nakita niya si Mark at ang isang pulis. Nagtatakang napatingin ang mga ito sa mag-asawang tila hindik na hindik pa rin. Hindi pa rin inaalis ni Mang Roger ang kamay nito sa leeg.

Mabilis na nilapitan siya ni Mark at kinalas ang mga tali. Ang pulis naman ay hindi alam kung ano ang gagawin sa mag-asawa. Maya-maya ay tumayo si Aling Margie at may kinuha sa drawer ng kabinet. Bitbit ang malaking gunting ay nilapitan nito ang asawa.

" Patay ka na, Joy! Pinatay ka na namin! Huwag mo na kaming guluhin!" sigaw nito at mabilis na inundayan nang sunud-sunod na saksak ang sariling asawa.

Hindi sila nakakilos sa kabiglaan sa ginawa ng babae. Agad na itinutok ng pulis ang baril sa babae.

" Ibaba mo iyan!" warning ng pulis.

Tumigil nga ang babae pero punung-puno na ng saksak ang leeg ni Mang Roger. Nanginginig ang kamay na binitiwan ng babae ang gunting.

" Roger! Asawa ko!" agad na nilapitan nito ang asawa na bumulagta na sa sahig.

" Hindi! Akala ko si Joy ka! Nakita ko kasi si Joy. Hindi ba pinatay na natin siya? Hindi ba't pinagsasaksak mo siya pagkatapos mo siyang galawin. Binagsakan ko pa nga ng malaking bato ag mukha niya dahil sa sobrang galit ko. Pero nakita ko talaga siya kanina. Sorry, Roger!" hindi binibitiwan ng babae ang asawa nitong dilat ang mga mata at wala nang buhay.

Natanggal na ni Mark ang mga tali niya at nakayakap na siya rito. Agad na may tinawagan ang pulis. Si Aling Margie naman ay pauli-ulit lang ang sinasabi.

" Sabi ko naman sa iyo kasi na sunugin natin ang katawan ng babaeng iyon pero gusto mong ilagay lang siya sa loob ng kama," wala sa sariling sabi pa rin ng babae habang yakap ang bangkay ng asawa.

Biglang napatingin sila ni Mark sa kamang inuupuan nila. Mabilis na lumabas si Mark at kumuha ng kutsilyo sa kusina. Umalis siya sa kama nang sirain iyon ni Mark gamit ang kutsilyo. Pinagsasaksak ni Mark ang kama hanggang sa tumambad ang isang malaking bagay na nakabalot ng makakapal na kumot. Mabilis na pinagtatanggal ng lalaki ang kumot habang umiiyak na tinitingnan niya lang ito. Nang matanggal na ang mga kumot ay tumambad sa kanila ang isang katawan ng tao na nasa loob ng makapal na plastik.

Natigilan si Mark at hindi na makakilos. Umiiyak itong naaupo sa sahig habang titig na titig sa plastik. Kinuha ng pulis ang kutsilyo sa kamay ng lalaki at ito na ang nagbukas ng plastik. Umaalingasaw agad ang nakakasulasok na amoy. Tinakpan nila ang mga ilong nila habang paunti-unting tumambad na sa kanila ang naaagnas na katawan na nakasuot ng uniporme. Hindi na makikilala ang bangkay pero alam nilang si Joy iyon dahil suot pa nito ang ID nito sa school.

Pumalahaw na ng iyak si Mark. Agad na nilapitan nya ito habang umiiyak din.

Maya-maya ay dumagsa na ang mga tao at mga pulis sa lugar. Hindi na makausap nang matino si Aling Margie. Paulit-ulit lang nitong kinukwento ang pagpatay ng mga ito kay Joy. Ayaw nitong humiwalay sa bangkay ng asawa.

Naipalibing na nang maayos si Joy. Dumalo siya at ang mga kaklase nito sa school. Lumuwas din ang mga mga magulang nito galing probinsiya. Malungkot at umiiyak siya habang ibinabaon na ito sa lupa. Alam niyang matatahimik na rin ang kaluluwa ni Joy.

Dinalaw siya nito sa panaginip sa huling pagkakataon. Hindi na duguan at wasak ang mukha nito. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.

Salamat...

Iyon ang huling sinabi nito bago ito tuluyang nawala sa paningin niya.

Pagkatapos ng isang taon mula nang pangyayaring iyon ay opisyal na rin ang relasyon nila ni Mark. Alam niyang magiging masaya rin para sa kanila si Joy kung saan man ito naroroon.

- WAKAS NG UNANG KWENTO (BOARDER)-

Previous
                         
Download Book

COPYRIGHT(©) 2022