Genre Ranking
Get the APP HOT
Mga Kwento ng Lagim (Compilation of Short Horror Stories)
img img Mga Kwento ng Lagim (Compilation of Short Horror Stories) img Chapter 4 KABANATA 4: (UNANG KWENTO NG LAGIM) BOARDER
4 Chapters
Chapter 6 KABANATA 6: (IKALAWANG KWENTO NG LAGIM) ANG KWINTAS NI LOLA img
Chapter 7 KABANATA 7: (IKALAWANG KWENTO NG LAGIM) ANG KWINTAS NI LOLA img
Chapter 8 KABANATA 8: (IKALAWANG KWENTO NG LAGIM) ANG KWINTAS NI LOLA img
Chapter 9 KABANATA 9: (IKATLONG KWENTO NG LAGIM) OBRA MAESTRA img
Chapter 10 KABANATA 10: (IKATLONG KWENTO NG LAGIM) OBRA MAESTRA img
Chapter 11 KABANATA 11: (IKAAPAT KWENTO NG LAGIM) THE CURSED TATTOO img
Chapter 12 KABANATA 12: (IKAAPAT KWENTO NG LAGIM) THE CURSED TATTOO img
Chapter 13 KABANATA 13: (IKAAPAT KWENTO NG LAGIM) THE CURSED TATTOO img
Chapter 14 KABANATA 14: (IKAAPAT KWENTO NG LAGIM) THE CURSED TATTOO img
Chapter 15 KABANATA 15: (IKAAPAT KWENTO NG LAGIM) THE CURSED TATTOO img
Chapter 16 KABANATA 16: (IKAAPAT KWENTO NG LAGIM) THE CURSED TATTOO img
Chapter 17 KABANATA 17: (IKALIMANG KWENTO NG LAGIM) DIET img
Chapter 18 KABANATA 18: (IKALIMANG KWENTO NG LAGIM) DIET img
Chapter 19 KABANATA 19: (HULING KWENTO NG LAGIM) ANG BANGUNGOT NA DREAMBOY img
Chapter 20 KABANATA 20: (HULING KWENTO NG LAGIM) ANG BANGUNGOT NA DREAMBOY img
Chapter 21 KABANATA 21: (HULING KWENTO NG LAGIM) ANG BANGUNGOT NA DREAMBOY img
Chapter 22 KABANATA 22: (HULING KWENTO NG LAGIM) ANG BANGUNGOT NA DREAMBOY img
Chapter 23 KABANATA 23: (HULING KWENTO NG LAGIM) ANG BANGUNGOT NA DREAMBOY img
img
  /  1
img

Chapter 4 KABANATA 4: (UNANG KWENTO NG LAGIM) BOARDER

Hindi na nakakatakot ang mukha nito. Nakikita na niya ang mukha nito na buo at hindi wasak.

" Tulungan mo ako..." kahit ang boses nito ay hindi na nakakatakot.

Malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa kanya hanggang sa tuluyan na itong naglaho sa paningin niya. Hinanap niya ito sa paligid pero hindi na niya ito makita. Nang mapatingin siya sa sahig ay nandu'n na ang lipstick na pilit na inabot niya kanina at katabi nu'n ang papel na ibinigay ni Mark sa kanya.

Pinulot niya ang papel at nakita niyang nakasulat doon ang numero ng lalaki. Alam na niya kung ano ang gustong ipagawa sa kanya ni Joy. Dama niya sa puso niya na ang nawawalang babae ay patay na at hindi natatahimik ang kaluluwa nito.

Linggo kinabukasan at wala siyang pasok. Tinawagan niya si Mark at nakipagkita rito. Malapit sa eskwelahan na pinasukan ni Joy dati ang tagpuan nila. Ikinuwento niya rito ang lahat. Ang pagpapakita ng babae sa panaginip niya na wasak ang mukha at ang paghingi nito ng tulong. Umiiyak ang lalaki pagkatapos niyang magkwento rito.

" Nararamdaman ko rin na may hindi magandang nangyari sa kanya. HIndi ko lang matanggap sa sarili ko na wala na nga siya. Alam ko kahit hindi pa nakikita ang bangkay niya. Damang-dama ko iyon mula nang mawala siya. Mas lalong kinumpirma iyon ng mga sinabi mo," kita niya ang sakit sa mukha nito.

Hindi niya masabing huwag itong mawalan ng pag-asa dahil hindi pa naman sila sigurado pero kahit siya ay alam na wala na ang babae. Hinahagod niya na lang ang likod ng lalaki para damayan ito.

" Alam kong may kinalaman ang mag-asawa sa pagkamatay niya. Kailangan nilang pagbayaran ang ginawa nila kay Joy," bigla ay napalitan ng galit ang ekspresyon ng mukha nito.

" Sisikapin kong makahanap ng ebidensiya na pwedeng dumiin sa mag-asawa. I'm so sorry," malungkot na sabi niya.

Matagal na nag-usap sila ng lalaki bago siya umuwi. Kung siya lang ay ayaw na niyang bumalik doon pero hindi siya patatahimikin ng kunsensiya kapag hindi niya natutulungan si Joy.

" Saan ka galing? Di ba, wala kang pasok ngayon?" agad na bungad ni Mang Roger na nagkakape uli nang madatnan niya.

" Pinuntahan ko lang po ang kaibigan ko," sagot niya.

" Oh, magmeryenda ka muna," alok nito.

May juice at tinapay uli sa tabi ng kape nito.

" B-busog po ako," tanggi niya.

" Samahan mo na lang ako habang kumakain kasi nami-miss ko lang ng sobra ang anak ko," pakiusap nito.

Ayaw niyang makahalata ang matanda kaya't umupo na rin siya. Ngumiti naman ito agad. Para maalis ang pagkailang ay ininom na lang din niya ang juice sa mesa.

" Alam mo ba'ng naaalala ko si Joy sa iyo? Magandang bata din iyon," ngayon lang ito nagbukas ng topic tungkol kay Joy.

Naisip niyang tanungin ito tungkol sa babae since ito naman ang nauna.

" A-ano po palang sinabi niya sa i-inyo ba-bago siya n-nawala?" bigla parang nahihirapan siyang magsalita dahil parang umiikot ang paligid.

" Sinabi niya'ng.. Huwag po, Mang Roger, maawa na kayo..." nakangising sabi ng matanda habang nakatingin sa kanya.

Bigla ay kusa nang pumikit ang mga mata niya.

" Josie... gising. Josie..."

Nakakarinig siya nang mahihinang tawag sa pangalan niya at alam niyang si Mang Roger iyon. Pilit niyang binubuka ang mga mata pero parang ambigat ng mga talukap niya.

" Josie! Putang-ina!" sigaw na nito at malakas siyang sinampal.

Tuluyang nagising ang diwa niya sa lakas ng pagkakasampal sa kanya.

" Mabuti naman at gising ka na. Nakakawalang gana kasing romansahin ang isang tulog," nakangising sabi nito.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng matanda at akmang babangon pero hindi niya maigalaw ang dalawang kamay. Nakatali pala ang mga iyon itaas ng kama. Nasa loob sila ng kwarto niya at itinali nito ang mga kamay at paa niya.

" Dito ko rin pinalasap ng sarap iyong si Joy. Hindi ko akalain na ako pala ang makakauna du'n. Akala ko kasi ay pinagsawaan na iyon ng boyfriend niya. Ang swerte ko talaga sa batang iyon," sabi nito at tinanggal na ang pagkakabutones ng pantalon at ibinaba ang zipper.

Sisigaw na sana siya pero may nakabusal pala sa bibig niya. Wala siyang nagawa kundi umiyak habang nagmamakaawang nakatingin sa matanda.

" Sige, umiyak ka lang. Sisiguradhin ko mamaya na maliligayahan ka rin," manyak na manyak na ang dating nito habang tinititigan siya.

Biglang bumukas ang kwarto at iniluwa nu'n si Aling Margie.

" Walanghiya ka, Roger! Uulit ka na naman sa kasalanan mo!" kahit galit na galit ang mukha ng babae ay hinihinaan nito ang boses.

Mabilis na itinaas uli ni Mang Roger ang zipper ng pantalon. Laking-pasalamat niya at dumating ang asawa nito. Nagpapasaklolo ang tingin niya sa babae. Tiningnan lang siya nang malamig ng babae.

" Sinabi ko naman sa iyo na huwag mong ibalandra ang katawan mo. Ngayong ibibigay na ang gusto mo ay may paiyak-iyak ka pa riyan. Huwag kang mag-alala. Ipapatira pa rin kita sa asawa ko mamaya. Mabuti nang masarapan ka muna bago ka mamatay," walang anumang sabi ng babae.

Lalong nandilat ang mga mata niya habang nakatingin dito dahil sa narinig.

" Iyan ang gusto ko sa iyo, eh. Love na love mo ako," malambing na sabi ni Mang Roger na hinalikan pa sa leeg ang babae.

" Tumigil ka nga. Nasa sala iyong bwiset na Mark at may kasamang pulis," gigil na sabi nito kay Mang Roger.

Nabuhayan siya ng pag-asa dahil sa narinig.

Nasa labas lang si Mark at may kasamang pulis!

" Ano! Punyetang lalaking iyan," galit din na sabi ni Mang Roger.

Tumingin pa sa kanya ang dalawa bago lumabas ng kwarto. Matagal-tagal din bago bumalik ang dalawa sa kwarto. Ang inaasahan niya ay maliligtas na siya ni Mark at ng kasama nitong pulis pero bigo siya dahil patawa-tawa pa ang matanda nang pumasok.

" Itutuloy na natin ang naudlot nating kaligayahan," nakangisi ito uli.

Nakita niya nang isinara ni Aling Margie ang kwarto at tumayo lang sa pinto habang nakahalukipkip at walang emosyong nakatingin sa kanya.

" Bilisan mo at mahihirapan na naman tayo kung paano ididispatsa iyan," inis na sabi ng babae.

" Okay, Labs," sagot ng matandang lalaki sa asawa nito.

Hinubad agad nito ang Tshirt at pantalon. Agad na sumampa ito sa kama nang hindi naaalis ang ngisi. Tigmak na ng luha ang mukha niya.

Katapusan na yata talaga nya! Magiging katulad ni Joy ang kapalaran niya!

Previous
            
Next
            
Download Book

COPYRIGHT(©) 2022