Chapter 5 4. First Day

Xena

Nakatayo ako sa harap ng pintuan ng dorm ko. Ayon sa nakaukit sa susi ko ay room 306 ako.

Nakasulat naman sa taas ng pinto na room 306 ito. Pero walang doorknob ang pinto o kahit anong pwedeng pasukan ng susi. I looked like a stupid staring at the door waiting it to open for me.

Hindi ko napigilan ang pagkairita ko at nahagis ko sa pinto ang susi. Nabigla na lang ako nang may bibig na lumabas dito at kinain ang susi ko.

"W-Wtf-" Hindi makapaniwalang sambit ko.

Nang nilunok na niya ito ay bigla ako nitong dinuruan.

"Pwe! Mukha kang tanga!" Sambit ng pinto.

Tila naginit ang ulo ko sa ginawa nito. Without thinking twice, hahampasin ko na ito dapat nang bigla itong bumukas dahilan ng pagsalampak ko sa sahig.

"Hahaha tanga!" Pang-aasar ng pinto.

Nang balikan ko ng tingin ang pinto ay nawala na ang bibig nito at naging ordinaryo na lamang ito na pinto. Bwisit!

"Miss, okay ka lang?" Rinig kong sambit ng isang lalaki.

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ng pinto. The blonde guy from before!

Tila natauhan ako at mabilis akong tumayo. "A-Ah oo!"

"Oh, dito rin ba ang room mo?" Tanong lalaki.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Oo?"

"Woah! Nice! Roommate tayo!" Masiglang sambit ng lalaking karahap ko.

Nabigla ako sa sinabi niya. "B-But you're a guy?" Naguguluhang sambit ko dito.

Kumunot ang noo nito sa sinabi ko. "Eh? Bakit may problema ba?"

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. "Huh?! Pwede bang maging magroommate ang lalaki tsaka babae?!"

Katulad ko ay mas lalong naguluhan ang lalaki sinabi ko. He probably thinks I'm weird.

Pero totoo naman ang sinasabi ko! Dati ay hindi pwede iyon!

"Normal lang naman yon." Sambit ng lalaking kaharap ko.

Hindi nako nakipagtalo pa. Matagal nakong hindi nakakalabas kaya marami na rin ang nagbago.

Just go with the flow Xena.

Inilabas ng lalaki ang susi niya at kagaya kanina ay lumabas nanaman ung bibig sa pintuan at kinain ito.

"Yang bwisit na yan!-"

Natigilan ako nang kagaaya ko ay dinuraan din ng pinto ang lalaki. "E-Eh?"

Nagtaka ang lalaki sa inasal ko. "Oh, is it your first time seeing a tsukomogami?"

A tsuko- what?

"Its an object that acquired a spirit. Ang pagkakaalam ko ay halos lahat ng gamit dito ganun. Dinuraan ka rin niya hindi ba? Its their way of marking. It means that you're a resident of this room. Kaya bubukas ito agad pag naramdaman ang presence mo." Nakangiting pagpapaliwanag nito.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. I didn't know that. Wala akong nakikitang ganon sa pinaggalingan ko.

"Anyways, Ang ganda ng laban kanina! Ang galing mo. What's your name again?" Pag-iiba ng lalaking kasama ko.

Kapwa ko ay inaayos din nito ang mga gamit niya sa kwarto.

"Thanks. I'm Xena."

"I'm Leirus, you can call me Lei." Nilahad nito ang kamay niya sa akin na agad kong kinamayan.

"Next time babawi ako." Dagdag niya. Kumindat ito sa akin bago bumalik ang atensyon niya sa pagaayos ng mga gamit.

"Kumusta na nga pala ung kaibigan mo?" I started a conversation. Nakuha nito ang atensyon niya.

"She's fine. Magaling ang mga healers dito sa Academy. Though, hindi biro ang natamo niya."

Nanatiling akong nakinig sa sinabi ni Lei. Hindi talaga biro ang matamaan ng kidlat. That Raze guy was really something.

"Pero kakayanin naman niyang pumasok bukas. Kaya magpahinga na rin tayo." Muli ako nitong binigyan ng matamis na ngiti nang matapos nito ang pag-aayos ng gamit niya.

Maybe having a guy roommate was not bad afterall.

Kinaumagahan ay nagising kami sa ingay, hindi ng alarm clock kung hindi ng bwisit na pinto.

"Mga panget gising na! Gising na!"

Napasinghap na lamang ako at bumangon. Samantalang hanga ako kay Lei dahil mahimbing pa rin ang tulog neto. Seryoso?

"Hindi ko kasalanan kung ma-late siya." Bulong ko sa sarili.

Nag-ayos na lamang ako ng sarili ko at umalis ng kwarto. Base sa orasan sa kada dulo ng hallway ay 6 pa lamang ng umaga. 7 nagsisimula ng klase namin. So ginigising nila kami para sa almusal?

Napaismid na lang ako sa sarili ko nang matandaan kong hindi ko nga pala alam kung nasaan ang Dining hall dito. Wala man lang silang binigay na map sa laki ng lugar na ito?

Naghanap ako ng kung anong gamit sa bulsa ko.

I guess this will do. Inilabas ko ang ballpen sa bulsa ko.

"Deíxe mou ton trópo." Sambit ko.

Lumutang mag-isa ang ballpen at nilahad sa akin ang daan papunta ng Dining Hall. I really felt like cheating, I mean, hindi basta-basta tinuturo ang spell na ito at wala ito kadalasan sa libro.

Sigurado akong ung iba sa mga estudyante na bago pa lamang dito ay pahirapan maghanap.

"X-Xena!"

Natigilan ako nang may narinig akong tumawag sa akin. Nang tignan ko ito ay nabigla ako nang makitang si Tana sa dulo ng hallway.

Dito rin pala sa right wing ang dorm niya?

Agad itong lumapit sa akin. "Hay! Akala ko hindi na kita makikita!" Sambit ni Tana.

Mahigpit akong niyakap neto na parang ang tagal naming hindi nagkita.

"Calm down." Pagpapakalma ko.

Sumabay ito sa akin papunta ng Dining hall para kumain. Nakakahanga ang mga bagay rito sa paaralan dahil kusa silang gumagalaw.

Kada daan namin sa mga bintana ay mag-isang bumubukas ang mga kurtina para masinagan kami ng araw.

Pagdating namin sa Dining hall ay kakaunti pa lang ang mga estudyante. Ang iba rito ay hindi na apprentice o unang year pa lang ng pagaaral dito tulad namin. Mga adept na sila o mga skilled witches na.

Nagkwentuhan kami ni Tana habang kumakain.

"Hays Xena! Buti na lang talaga isang pénte ang nakalaban ko kahapon kaya hindi masyadong magaling." Sambit ni Tana.

"Nanalo ka?"

"Syempre hindi! Pero atlis hindi ako gaanong nasaktan! Ang galing mo kahapon Xena! Hindi mo man lang hinayaang makatira si Leirus." Masiglang sambit ni Tana.

Kumunot ang noo ko nang nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. "Kilala mo yung Lemon na yon?"

Tinignan ako ni Tana na parang may mali sa sinabi ko. "He's Leirus Cail Gardner! He's the son of the Frencide's ruler!"

Kusang tumaas ang dalawang kilay ko sa pagkabigla.

Really? How come na ganun ang anak niya? Frencide is the most wealthy and biggest among the four cities. Dito nakatira ang council na namumuno sa lahat. At dito rin nakatira ang mga kilalang witches, sa pagkakaalala ko.

Maalala ko, nameet ko silang dalawa ni Zairah sa city na pinanggalingan ko. Ano kayang ginagawa nila roon?

"Speaking of, Xena, nakakatakot ang roommate ko." Pag-iiba ni Tana.

Muling napunta ang atensyon ko sa kaniya. "Sino ba ang roommate mo?"

Pasimpleng tumingin sa paligid si Tana bago lumapit at bumulong sa akin.

"The guy named Raze."

•••

                         

COPYRIGHT(©) 2022