Chapter 3 2. Test

Xena

Nang makapasok kami sa gate ay roon ko mas lalong nakita ng malapitan ang mga tindahan.

"A-Are those?-"

"Yup! Trolls!" Masiglang sagot sa akin ni Tana.

Mga trolls ang nagtitinda sa mga tindahan. Kadalasan sa mga bumibili ay mga estudyante habang ang iba naman ay mga witches na sadyang dumayo rito. There are different creatures flying, the objects kept moving by itselves, and even wild beasts are roaming around.

"Malapit na tayo Xena!" Nakangiting sambit ni Tana.

Natagpuan namin ang sarili namin sa harap ng isa pang gate. Kailangan naming dumaan dito para mapasok sa kastilyo.

"Ehem! Ehem! Welcome to Mageía!" Masiglang bati sa amin ng mga gargoyle na nagbabantay sa gate.

Agad kaming pinagbuksan nito at bumungad sa amin ang malawak na espasyo na napupuno ng mga estudyante at sa hindi kalayuan ay ang kastilyo.

Hindi ko mapigilang manibago sa paligid. Wala sa sarili akong napatanong sa babaeng kasama ko.

"Tana, bakit parang naging masyadong carefree na ang mga gargoyles? Hindi ba't sobrang mahihigpit sila dati? Tapos ung mga trolls? Hindi ba hindi sila nagpapakita dati sa mga tao? Pero ngayon nagtitinda na sila rito." Sunod-sunod na tanong ko kay Tana.

Nakakapagtaka, ganun ang pagkakaalala ko dati. Matagal na ba talaga akong hindi nakakalabas at marami ng nagbago?

"Ofcourse! Natural lang naman iyon. Wala na silang ikakabahala pa! Its all thanks to Astria!" Sagot sa akin ni Tana.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. "What do you mean?"

"Because of the Grimoire of Astria marami ang nagbago. Sobrang nakatulong ang mga spells niya sa mundo ng mahika. Kahit ang mga creatures ay malaya na ngayong nakakalibot sa lugar ng mga tao dahil alam nilang protektado sila." Pagpapaliwanag sa akin ng babaeng kasama ko.

Tila hangang-hanga si Tana habang nagkekwento sa akin. "She's the greatest witch of all time!" Dagdag pa nito.

Napaiwas ako ng tingin at napaismid ako sa sinabi niya. "Paano mo naman nasabi? Nakilala mo na ba siya?" Sarkastikong tanong ko rito.

"I wish! Pero sa libro ko lang siya nababasa ngayon." Nadidismayang sagot niya.

"How about the Grimoire?"

"Sira ka ba Xena?! Kahit siguro isang pahina non ay hindi ko makikita. That's sacred kaya natural na tinago nila yun!"

I kept my mouth shut. Hindi na ako sumagot pa sa sinabi niya. Sacred huh?

"Hello Students! Welcome to the Academy of Mageía!"

Nakuha ang lahat ng atensyon namin nang biglang may nagsalita sa isang enteblado. Pare-pareho naming hinanap kung saan ang nagsasalita pero nabigo kami.

"Ouch ha? Excuse me!?" Muling sambit ng boses.

Isang palakpak ang narinig namin at nabigla na lang kami nang may higanteng umakyat sa entablado. Itinaas nito ang kamay nito at doon namin nakita ang isang maliit na lalaking nakatayo.

A dwarf?!

"Yan! Magkaharap na tayo!" Sambit ng dwarf.

"Once again! Welcome to the Mageía High! I'm Nasus, your principal for this school year!" Pagapapakilala ng maliit na lalaki sa amin.

Pare-parehong di makapaniwala ang mga estudyante na andito. Kapwa namilog ang mga mata nila at napaawang ang bibig. Sino ba namang hindi? Our principal is a dwarf!

"Since you're all still an apprentice, titignan naming lahat ang kakayahan niyo." Pangunguna ni Nasus.

Nakuha ng sinabi niya ang mga atensyon namin. Sunod-sunod na nagsibulungan ang mga estudyante.

Susubukin na agad ang kakayahan namin? Ngayon na? P-Pero hindi pa nga nag-uumpisa ang klase.

"Now then, proceed to the field! Kung wala pa kayo in 5 minutes, then its a bye bye!"

And just like that, he disappeard. Naiwan kaming mga estudyante na nakatunganga roon at hindi alam ang gagawin.

"F-Field? Pero hindi ba sa baba pa ng burol yon?! Paano tayo makakapunta doon ng limang minuto?!" Rinig kong reklamo ng isa.

Nagsunuran ang mga kumento at reklamo ng mga estudyante. Hindi biro ang inakyat namin na burol para lang makapunta rito.

"se apokaló nkrífin! " A girl shouted.

A griffin appeared in the sky. Agad itong bumaba sa harap niya at sumakay ito pati na rin ang lalaking kasama niya.

Nang makasakay sila ay doon ko lang sila nakilala. Sila ung dalawang nakasama ko papunta rito.

"W-Woah! She called a griffin!" Namamanghang sambit ng isa sa mga estudyante.

Hindi rin nagtagal ay may isang lalaking nakapagtawag na rin ng griffin at mag-isang sumakay dito.

He has gray hair that enhances his fair skin. He's wearing a black unbuttoned shirt revealing his toned abs. Our eyes met for a second.

Nagsimula na ring magtawag ng sarili nilang sundo ang mga estudyante. Pero ang iilan sa kanila ay hindi magawang makatawag ng isang griffin.

I can't blame them. Summoning is a Rank D spell. Kadalasan ay mga pénte or five lamang at pataas ang kayang makapagsummon ng kung ano. Kung isang kang éxi or six ay hindi sapat ang kakayahan mo.

"T-This is it Xena. Hanggang dito na lang ako. D-Dito pa lang bagsak nako. Hindi talaga ako magiging isang witch-"

"Suko ka na?" Pagsingit ko kay Tana. Sadness clouded her features.

"se apokaló nkrífin!" I shouted.

My griffin appeared in the sky and landed infront of me. "Tara na!" Nilahad ko ang kamay ko kay Tana na hindi makapaniwala sa ginawa ko.

"You're going to be a great witch, remember?" Nakangiting sambit ko.

Paiyak na ito nang hawakan niya ang kamay ko. "T-Thank you Xena!" Sambit niya.

Niyakap ako ni Tana ng mahigpit habang pinupunsan ang luha niya. Such a crybaby.

Agad tumungo ang griffin na sinasakyan namin sa ibaba ng burol kung nasaan ang field. Nang makarating kami roon ay tila kumalahati ang bilang ng mga estudyante.

Meron ding timer doon kung saan may limang segundo na lang ang natitira.

"Time's up! Congrats students! You passed the first test!"

Biglang sumulpot sa kung saan si Nasus ng pumapalakpak.

Tsk, kakarating pa lang namin ay may test na agad? And for pete's sake, ang daming estudyante ang naiwan.

"Now then, lets start sa pag-tetest ng kakayahan niyo. Don't worry! Dahil nandito na kayo ay automatic na pasok na kayo sa Academy. Titignan lang natin kung may iba sa inyo ang may kaalaman na pag dating sa magics!" Sambit ni Nasus.

He clapped his hands and a huge circle appeared in the ground. Napaatras ang mga estudyanteng malapit dito.

"Hm, lets see! Sino kaya ang two lucky students natin ang mauuna?" Pangungumpisa ng principal namin.

Nabigla kami sa sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin? Balak niya kaming paglabanin diyan?

"Huwag na kayong matakot! Its just a friendly competition. Marami pa kayong matututunan sa Academy at lalakas pa kayo!" Dagdag ni Nasus.

Tila naglibot-libot ito sa amin at naghahanap ng maisasalang.

"Oh my! What about you, Miss Trefilia?"

Huminto si Nasus sa tapat ng isang babae. Kung sinuswerte nga naman, siya ung babaeng nakasabay ko kanina. The girl with a bad attitude.

Tila nabigla ang mga estudyante nang malaman ang apelyedo nito. Kahit si Tana ay nabigla rin.

"Anong meron?" Tanong ko.

"H-Huh?! Hindi mo ba siya kilala Xena?! Siya ang anak ng ruler ng city na to! Tinatawag siyang princess of Bernice! Shocks! Hindi ko in-eexpect na makakasabay ko siyang mag-aral dito." Namamanghang sambit ni Tana.

"Ang balita ko she's a tría! Akalain mo yon?! Apprentice pa lang siya pero ang taas na ng rank niya! Ano ba naman aasahan mo eh natrain na siya dati ni Aeros, one of the powerful witches dito!" Dagdag pa nito.

Tana's eyes were filled with excitement. Sa kabilang banda ay napaismid ako. Kaya pala, she's a three huh? Kaya ba pangit ang ugali niya?

And Aeros? Ngayon ko lang narinig ang pangalan na yon.

"Hmm, eh sino kaya ang makakalaban ni- Oh! You!"

Napunta lahat ng atensyon namin sa lalaking tinuro ni Nasus. The guy with the gray hair.

"You will be her opponent!"

•••

            
            

COPYRIGHT(©) 2022