Chapter 4 3. Duel

Xena

Lahat kami ay nakatingin sa lalaking kaharap ni Nasus. The guy with a gray hair.

"What's your name?" Tanong ni Nasus dito.

"Raze." Walang ganang sagot ng lalaki.

"Ace?" Pag-uulit ni Nasus.

"No, Raze-"

"Very well! Mister Ace, you will the opponent of Miss Zairah Trefilia!" Masiglang sambit ni Nasus. Napaismid na lamang si Raze sa sinabi nito.

Pumunta ang dalawang napili sa bilog. Lahat ng estudyante ay inaabangan ang magiging laban ng dalawa. Hindi ko sila masisisi dahil kahit din naman ako. Mataas ang rank ni Zairah kaya gusto kong makita ang paraan niya ng pakikipaglaban.

"Wala sanang samaan ng loob." Sambit ni Zairah.

Hindi pinansin ni Raze ang sinabi niya. Kung tutuusin ay parang wala itong pakielam na napili siya.

I mean, kung ibang estudyante yun ay malamang na kakabahan ito.

"Okay! In 3! 2! 1! Start!"

Umalingawngaw ang pito ni Nasus. Naging tahimik ang paligid at lahat ng atensyon namin ay nasa dalawang nasa bilog.

"Fotiá! " Zairah attacked first.

Manghang-mangha ang mga estudyante nang lumabas ang mga apoy at pumunta ito patungo kay Raze. Akala namin ay tapos na agad ang laban dahil hindi tumira pabalik si Raze rito pero hindi.

Raze dodged Zairah's attacked by jumping. By freaking jumping!

Sobrang taas ng talon niya!

"Fotiá." Walang kaemo-emosyong sambit ni Raze.

Habang nasa ere ay binalik ni Raze ang atake ni Zairah. Lumabas ang apoy rito na hindi inaasahan ng kalaban niya.

"neró!" Mabilis na bigkas ni Zairah.

The water appeared and stopped the fire from going to Zairah. Lahat ng estudyante ay namangha sa bilis ng pag-atake ni Raze at ang mabilisan ding pagtigil ni Zairah sa atake nito.

But still, hindi ako masyadong naengganyo sa laban nila. Those are just basic spells, Rank F kumbaga. Malaki pa naman ang inaasahan ko sa tría na yon.

"Eh? Not bad. I'm impre-"

"Lets end this crap." Pagsingit ni Raze.

Natigilan si Zairah sa sasabihin niya nang magsalita ang lalaking kaharap nito. Hindi namin inaasahan ang sumunod na nangyari.

"ilektrikí enérgeia." Seryosong sambit ni Raze.

And before we knew it, Zairah got struck by a lightning. Tila natahimik ang lahat nang agad itong nawalan ng malay.

I was stunned. Hindi ko rin inaasahan yon. Even Nasus pause for a moment. That was a Rank C spell!

It can be found in books but only a few can use it. Kaya tumaas ang rank nito dahil sa difficulty.

"Z-Zairah!"Nag-aalalang sambit ng isang lalaki.

Agad na lumapit kay Zairah ang isang lalaki. Ung lalaking kasama niya kanina. The blonde hair guy.

"Magpapahinga na'ko. Nasaan ang dorm?" Walang ka emo-emosyong sambit ni Raze kay Nasus.

"A-Ah here! Right wing of the castle!" Hindi makapaniwalang sagot ni Nasus. Pero kaagad ring natauhan ito at bumalik ang pagiging masigla niya. Nagawa pa niyang kumaway nang umalis si Raze.

"Now that's a nice fight! Who's next?!" Pag-iiba ng principal.

Napaawang ang mga bibig namin sa narinig. Hindi kami makapaniwala sa sinabi nito. Seryoso ba siya? Itutuloy pa rin natin to?

"Shut up! Kailangan natin gamutin si Zairah-" Giit ng lalaking kasama ni Zairah.

"Oh! Ikaw ang susunod Mister Lemon!" Biglaang sambit ni Nasus sa lalaki.

Kumunot ang noo ng lalaking kasama ni Zairah sa sinabi nito. "What?! No!-"

"Don't worry! Ang mga healers na ang bahala sa kanya." Dagdag ni Nasus.

Pumalakpak ito at sumulpot ang isang higante at kinuha si Zairah. "Gagamutin siya sa Castle!"

Napasinghap na lang dito si blonde guy na wala rin namang magagawa.

"Now, hmm. Sino kaya ang makakaharap mo?" Sambit ng principal.

Nilibot ni Nasus ang tingin niya sa mga estudyante. Umikot ang tingin niya sa mga estudyante sa field nang matigilan siya. Tila nagtama ang mga tingin namin at kumurba ang labi niya.

"You! That lady with a beautiful hazel eyes!"

Napabuntong-hininga ako sa sinabi nito. Great.

"You're going to be his opponent!" Sambit ng principal.

Lahat ng tingin nila ay napunta sa akin. No choice na'ko.

Bago ako makalapit ay naramdaman ko ang paghawak ni Tana sa braso ko.

"X-Xena-"

Tila paiyak nanaman ito. Hindi naman siya yung napili ah?

"Okay lang Tana."

Tipid akong ngumiti rito bago ako tuluyang pumunta sa bilog.

"What's your name?" Tanong sa akin ni Nasus.

"Xena."

Nabigla si blonde guy nang makita ako.

"I-Ikaw yung- tsk. Sorry miss, kailangan kong bilisan ang laban. Pupuntahan ko pa ang kaibigan ko." Seryosong sambit nito sa akin.

Hindi ito magawang makatingin sa akin. Mukhang nakilala niya ko.

"Okay! Ready na ba?! 3! 2! 1! Start!"

Muling umalingawngaw ang tunog ng pito hudyat na magsisimula na ang laban.

"ánem-"

"varýtita." Sambit ko.

Hindi na natuloy ng lalaking kaharap ko ang spell niya nang unahan ko siya. Agad itong napadapa sa lupa at hindi makagalaw. Mayroong pwersa na humihila rito pababa.

"W-Woah! Bihira lang ako makakita ng mga witch na gumagamit ng spell ng gravity! Amazing!" Sambit ni Nasus na manghang-mangha sa ginawa ko. Kahit ang mga estudyante rin ang nabigla.

"A-A Rank A spell?!"

Kahit nahihirapan gumalaw si blonde guy ay nagawa pa rin nitong magsalita.

He's right. I used a Rank A spell. Pero hindi naman ito ganon kahirap gamitin. The thing is, bibihira lamang itong makita sa mga libro. Kaya tumaas ang rank nito.

Ito lang ang naisip kong spell para matapos kaagad ang laban ng hindi ko siya nasasaktan masyado. I mean, hindi ba sabi niya gusto niyang matapos kaagad?

"Oh?! Mister Lemon! Kaya mo pa ba?! Pag hindi ka pa bumangon in 3! 2! 1!"

"Okay! Miss Xena is the winner!" Malakas na sigaw ni Nasus.

"na stamatísei." Muling sambit ko.

Nawala ang epekto ng spell sa sinabi ko at nagawa ng makabangon ni blonde guy.

"Here!"

Inabot sa akin ni Nasus ang susi ng dorm ko. "Right wing of the castle!" Dagdag pa niya.

"And you Mister Lemon! Nasa clinic ang kaibigan mo. Ipapabigay ko na lang sa inyo ang mga susi ng dorm niyo!" Sambit naman nito kay blonde guy.

Inabot ko ang susi ng dorm ko at magsimula nakong umalis habang pumili na ng bagong pares si Nasus.

"P-Paano?-" Pagtataka ng lalaking nakalaban ko.

Napatingin ako kay blonde guy na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

"I thought y-you're just an éxi- I mean, you can't open a portal!-" Naguguluhang sambit niya.

Kumurba ang kabi ko sa sinabi nito.

"Well, I'm also a witch. Just like you."

•••

            
            

COPYRIGHT(©) 2022