Chapter 2 1. Mageía High

Xena

"Sigurado ka na bang aalis ka?"

Napatingin ako sa lalaking nagtanong sa akin. Ang lalaking nakasama ko nang matagal na panahon sa lugar na ito.

"Of course, kailangan." Nakangiting sagot ko.

Tipid itong ngumiti sa akin bago ibigay ang mga gamit ko. "Mag-iingat ka Xena, iba na sa labas ngayon."

Tumango ako sa sinabi niya. "Yes, I will, salamat sa lahat at hanggang sa muli."

Sa huling pagkakataon ay nagpaalam ako rito bago umalis sa naging tirahan ko ng ilang taon.

Kailangan kong umalis. Para iyon sa ikabubuti ng lahat.

Pumunta ako sa capital ng city. Kahit matagal nakong hindi nakakalabas ay alam ko pa rin na nasa capital ang mga portals.

Yes, portals. Every city has their own portals. Para makapunta sa iba't ibang lugar. Pero ang pagkakaalam ko ay isang portal lang ang meron sa city na to. Gretta is just a small city anyways.

Kaya maaga akong umalis para hindi ako mahirapang gumamit ng portal. Sigurado akong mamaya ay marami na ring mga tao ang pupunta rito para gumamit at ayokong makigulo sa kanila.

Nang makarating ako sa capital ay wala pang gaanong tao. Mga sibilyan lamang na nag-aayos ng mga paninda ang kadalasang maagang gumigising dito.

Mabuti naman at hindi ako mahihirapang gamitin ang portal.

Naglibot ako sa capital para hanapin ang portal. Alam kong nandito ang portal pero hindi ko alam kung saan mismo ang pwesto. Ganito ba pag matagal ng hindi nakakalabas?

Sa paghahanap ay nakuha ng atensyon ko ang fountain sa gitna mismo ng capital. Isang estatwa ng babae ang nasa gitna nito.

That's it! I found it!

Ang estatwa na iyon ang nagsisilbing palatandaan.

Napangiti ako sa sarili ko at lumapit doon. Sa wakas ay nahanap ko na rin-

Bago ako makahakbang papalapit ay natauhan ako. Nawala ang ngiti sa labi ko nang may mapagtanto akong bagay.

Shit! I forgot the spell!

Napasabunot na lamang ako sa sarili ko. Ilang taon akong hindi lumabas at hindi rin gumamit ng portal. For pete's sake!

Ang pagbukas ng portal ay isa sa mga basic magic. Its a Rank F spell. Kahit mga éxi ay marunong gumamit nito.

"Ano? Hindi yan bubukas kung tititigan mo lang." Rinig kong sambit ng isang babae.

Pasimple akong napaismid sa sinabi ng babaeng nasa likod ko.

She has an ash hair and brown eyes. Her skin is white as snow and her cheeks are red as apples. Kapansin-pansin ang marangyang damit na suot niya. Mayroon din siyang mga suot na porselas.

Its pretty obvious that she's a noble.

May kasama rin siyang lalaki na parang kaedad niya lang din. Who has a blonde hair and blue eyes. He looks elegant in his blue tunic shirt. Kapwa ng babae ay marangya rin ang suot nito.

Nakapila sila sa likod ko at hinihintay akong gumamit ng portal.

"U-Uy ano ba Zairah!" Mahinang pagsaway ng lalaking kasama nito. Nahihiya itong napatingin sa akin.

"Hehe, sorry miss. Ako na lang ang magbubukas para sa'yo. Saan ka ba pupunta?" Pag-iiba niya.

Napangiti ako sa sinabi ng lalaki. Mabuti pa siya ay maayos ang ugali. Hindi katulad ng babaeng kasama niya.

"To Mageía High."

Both of them paused. The girl's forehead furrowed and the guy's jaw dropped. Pareho silang nabigla sa sinabi ko. Bakit may mali ba?

"You're a witch? A witch that can't open a port-"

"Nice! Doon din kami pupunta!" Biglaang sambit ng lalaki.

Hindi na natuloy ng babae ang sasabihin niya nang sumingit sa pagsasalita niya ang lalaki. Napairap na lamang siya.

Tumabi sa akin ang lalaki at hinawakan niya ang fountain.

"Anoígo tin pýli! "

Unti-unting lumiwanag ang fountain at bumukas na ang portal. "Tara na!" Masiglang sambit niya.

Naunang pumasok sa loob ang babae at sumunod sa kanya ang kasama niya. Hindi rin ako nag-aksaya ng oras at pumasok na rin ako.

"Nandito na tayo!" Nakangiting sambit ng lalaki.

Bumungad sa akin ang masiglang bayan ng Bernice. Kung ano ang kinatahimik ng bayan na pinanggalingan ko ay kabaliktaran dito. Kahit umaga pa lang ay andami ng mamamayan sa paligid. May kani-kaniyang buhay ang mga tao.

"Miss nandun ung Academy."

Tinuro sa akin ng lalaki ang isang kastilyo sa tuktok ng isang burol.

"Mauuna na kami!" Dagdag niya.

Nagpasalamat ako sa kaniya at isang ngiti ang sinagot nito sa akin. Habang nauna na maglakad ang babaeng kasama niya.

Muli kong pinagmasdan ang bayan ng Bernice. Isa ito sa apat na malalaking bayan. Hindi na kaduda-duda ito dahil nandito lang naman ang nag-iisang eskwelahan para sa mga gustong matuto ng mahika.

Our nation is called Miyamih, kung saan ito nahahati sa mga cities at ang kilalang apat ay Bernice, Paranela, Gestia and Frencide. Sa kanilang apat ay ang pinaka main ay ang Frencide kung nasaan ang council, ang lugar ng mga nakakataas.

Nandito kaya ang libro na hinahanap ko?

"Excuse me!-"

Natigil ang pagkakatunganga ko nang may nakabangga sa akin na babae.

She has a short brown hair and a round glasses. She's also wearing a steampunk dress and boots.

Nahulog ang lahat ng libro na hawak niya. Sobra-sobra pa ata sa sampu ang librong hawak niya.

Paano niya nakikita ang dinadaan niya?

"S-Shit! I'm sorry!" Natatarantang sambit ng babae.

Agad ko itong tinulungan na pulutin ang mga librong nahulog niya. "N-No! Wag na, I'm really sorry hindi ako tumitingin sa dinadaan ko-"

Nagmamadali itong pulutin ang mga librong nahulog niya. Sa kasamaang palad ay nasira ang isa niyang libro at kumalat lahat ng pahina nito.

Napabuntong hininga na lang ako nang mas lalo itong nataranta. Mas lalo niya lang nakakalat lalo ang mga gamit niya.

She's so clumsy.

Tinigil ko ang pagpupulot ng libro niya at tumayo ako. "flotér!"

Unti-unting lumutang ang lahat ng libro niya pati na rin ang mga pahinang nakakalat. Nang tinuro ko ang daliri sa isang pwesto ay napunta ito lahat dito.

Naiwang tulala ang babae sa ginawa ko. "Y-You're a witch?!" Namamanghang tanong nito.

Ngiti lamang ang sinagot sa kaniya.

"Woah! Y-You're so good at magic!" Dagdag niya.

Muli nitong pinulot ang lahat ng libro niya at pinilit niyang makipagkamay sa akin. "I'm Tristana, you can call me Tana! And I'm also a witch!" Masiglang sambit niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at nakipagkamay ako sa kanya. "Xena."

"Ohh! Pupunta ka rin ba sa Academy?" Marahang tanong ni Tana.

Tumango ako sa tanong nito. "Great! Pupunta rin ako roon! Sabay na tayo!" Dagdag niya.

Hindi ako umangal sa sinabi niya at pumayag akong sabay kaming pumunta ng Academy. Tinulungan ko na rin siya sa dala-dala niyang libro. Mahirap na at baka may mabangga nanaman siya.

"Hm, Xena saan mo nabasa ang spell na yon?" Biglaang tanong ni Tana.

Nabigla ako sa tanong niya at hindi kaagad ako nakasagot. "A-Ah, ung kanina ba? Tinuro sa akin ng Teacher ko."

"Wah! Mabuti ka pa! Hays, sa totoo lang hindi ako magaling sa magic eh. Kaya nga éxi lang ako." Sagot niya.

Tinignan ko siya at naging malungkot ang ekspresyon nito.

"Isang magaling na witch si mama kaya mataas ang expectation niya sa akin. Pero wala talaga akong kakayahan pagdating sa magic hehe." Dagdag niya.

Tipid na ngumiti sa akin si Tana. Hindi ko napansin na malapit na pala kami sa academy.

"Cheer up. Kaya nga nandito ka hindi ba?" Nakangiting sambit ko.

Lumiwanag ang itsura ni Tana sa sinabi ko.

"Yup! I'm going to be a great witch!" Masayang sagot nito sa akin.

"Yey! Nandito na tayo!"

Nasa tapat kami ng Academy at kusang bumubukas ang gate nito. Tila mas malaki ito sa malapitan. Nang bumukas ang gate ay parang isang bayan din ito sa loob dahil sa laki nito.

Maraming mga tindahan ng kagamitan at kung ano-ano. At sa gitna naman ay ang malaking kastilyo kung saan kami mag-aaral.

I guess this is it. Sana rito ko makita ang hinahanap ko.

•••

            
            

COPYRIGHT(©) 2022