GODS - Universe of Four Gods Series - Book 1
img img GODS - Universe of Four Gods Series - Book 1 img Chapter 7 NO.7
7
Chapter 8 NO.8 img
Chapter 9 NO.9 img
Chapter 10 NO.10 img
Chapter 11 NO.11 img
Chapter 12 NO.12 img
Chapter 13 NO.13 img
Chapter 14 NO.14 img
Chapter 15 NO.15 img
Chapter 16 NO.16 img
Chapter 17 NO.17 img
Chapter 18 NO.18 img
Chapter 19 NO.19 img
Chapter 20 NO.20 img
Chapter 21 NO.21 img
Chapter 22 NO.22 img
Chapter 23 NO.23 img
Chapter 24 NO.24 img
Chapter 25 NO.25 img
Chapter 26 NO.26 img
Chapter 27 NO.27 img
Chapter 28 NO.28 img
Chapter 29 NO.29 img
Chapter 30 NO.30 img
Chapter 31 NO.31 img
Chapter 32 NO.32 img
Chapter 33 NO.33 img
Chapter 34 NO.34 img
Chapter 35 NO.35 img
Chapter 36 NO.36 img
Chapter 37 NO.37 img
Chapter 38 NO.38 img
Chapter 39 NO.39 img
Chapter 40 NO.40 img
Chapter 41 NO.41 img
Chapter 42 NO.42 img
Chapter 43 NO.43 img
Chapter 44 NO.44 img
Chapter 45 NO.45 img
Chapter 46 NO.46 img
Chapter 47 NO.47 img
Chapter 48 NO.48 img
Chapter 49 NO.49 img
Chapter 50 NO.50 img
Chapter 51 NO.51 img
img
  /  1
img

Chapter 7 NO.7

Edited

Snow's POV

Sobrang bilis ng araw na lumipas dahil aalis na ako sa bahay para pumunta sa U Academy. Alam na rin ng step family ko na mag-aaral na ako sa U Academy so sa madaling salita alam na nila na may powers ako at mas lalong natakot pa sila sa akin.

Si Yuki naman na tuwang tuwa ay excited na excited. Dapat magsabay na daw kami na pumunta sa U para makapagrequest daw kami na maging roommate kami. Advance ng utak diba? Mana sakin ang bestfriend ko haha.

Narinig ko na ang busina ng sasakyan sa labas, malamang ang pamilya ni Yuki na yan. Alam na rin ng papa ko na talagang nagulat dahil bakit daw may powers ako, baka daw namaligno lang daw ako. Joker din talaga papa ko diba? Parang ayaw pa ata niya na pumasok ako sa U.

Lumabas na ako ng gate at dala-dala ng mga katulong ang mga gamit ko. Iiyak-iyak sila dahil mamimiss daw nila ako. Wala na daw mabait sa bahay, puro na daw kampon ng dilim ang maiiwan. Hahaha. Biniro ko pa nga sila na ipapatapon ko ang step family ko sa dark continent hahaha.

Inayos ko ang get up ko. Nakalugay lang ang mahaba kong buhok at nakasuot ako ng malaki at makapal na glasses.

"Manang, next year magkikita po ulit tayo. Promise po dadalhan ko kayo ng pasalubong." Saad ko naman sa mga ito.

"Mag-ingat po kayo seniorita. Baka maraming magkacrush sayo doon at maraming magalit na babae sayo doon." Iiyak-iyak na saad ng isa.

Kaya nga ako nakadisguise para walang gulo. Baka magkaroon pa ng evil queen doon at malintikan pa ako.

"Opo manang kaya po eto, ganito ayos ko. Sige po alis na po kami." Paalam ko sa kanila at sumakay na ako sa magarang sasakyan nila Yuki.

"Buti pa mga katulong niyo, iniyakan ka. Pero yung si B1 at B2 wala man lang. Ni hindi ka inihatid." Nakasimangot na saad ni Yuki.

Natawa naman ako dito. Ni wala nga din sa isip ko ang step family ko. Wala naman akong pakialam sa kanila.

"Baka hindi nila ako inihatid kasi baka mahalatang masayang masaya sila kasi solong solo nila ang bahay. Magrereyna-reynahan ulit si Friah." Sagot ko naman dito.

"Ang bangis mo talaga girl. Di ko alam kung mabait ka talaga o nasiraan ng bait." Natatawang saad nito.

"Loka ka. Syempre mabait ako. Pero pag sa taong masama sa akin lumalabas talaga pagkamaldita ko. Di na uso ngayon ang nagpapa-api. Sa teleserye na lang ang may nagpapa-api." Sagot ko naman.

"Tingnan mo dinamay mo pa ang nananahimik na teleserye. But anyways, excited talaga ako kasi magkakasama tayo sa school. And knowing you are also a water user, one of major element. I am so proud of you bestfriend." Saad nito.

"You know, I think you are more cooler than mine. Alam mo naman na naglalaro ako ng mobile legends diba? Yung favorite hero ko si Eudora, the mage who can summon lightning. Yung ang naiimagine ko sayo Yuki pwede gumawa ka ng ganun? Gayahin mo si Eudora?" Saad ko dito with matching puppy eyes pa.

Napalunok naman si Yuki. "Snow, laro lang yun at programmed na yun na ganun ang powers nila. Hindi mo ba alam na mahirap kontrolin ang kapangyarihan? It even took me a month para makagawa ng lightning balls." Sagot nito.

Napakunot naman ang noo ko. It took her a month? Samantalang sa akin it only took minutes. Pero di ko na lang yun sinabi dahil baka ma-awkward moment lang at baka isipin nito na mas magaling ako kesa sa kanya. Kasi in just one week, marami akong nagawa sa powers ko. Water whip, sphere, hail storm, water tornado, and I can even create a sword out of water. Nakaka-overwhelm sa totoo lang dahil sa bilis ng progress ko.

Itinuon namin ang tingin sa labas. I can see the castle clearly dahil nakatayo ito sa pinakabundok. And all the rest ay nasa kapatagan na. Ngayon lang ako nakadaan dito dahil ngayon lang din naman ako mapapadpad sa U Academy. The road was aspalt and walling with trees with pink leaves na nahuhulog at natatabunan ang daan. It was quite a scenery, kung pwede lang magselfie ngayon ginawa ko na.

The road was long and very quiet. Ni wala ng kabahayan akong nakikita. Malamang ay pag-aari na ito ng Hari. But you won't feel scared dahil lahat ng puno doon ay kulay pink ang dahon. They are like light bulbs under the sun. The forest is not on grim.

"Yuki, kung alam ko lang na ganito kaganda dito, sana dati pa akong pumunta dito." Saad ko kay Yuki na hindi ko talaga tinangal ang pagkakatingin ko sa labas.

"This property is off limits. Under the decree of the Royal Highness." Sagot naman ni Yuki.

Napa-ah na lang ako. Di ko alam yun. Ni hindi ko nga alam na may ganito sa Universe. Kunsabagay, malimit lang akong lumabas ng bahay at home school din ako kaya di nakakapagtataka kung di ko ito alam.

Mga 30 minutes pa ay nasa harap na kami ng isang napakataas na gate na kulay puti na may dekorasyon na mga gold ang may nakalagay na logo doon na UA. The gate is really tall na akala mo ay depensa iyon para hindi makapasok ang mga giants. Even the walls are as high as the gate. Bumukas ang gate at pumasok na ang sasakyan namin.

I was in awe when I saw the inside of the gigantic walls. It was like a different dimension. There are few pink leaf trees in a green grassy plain. Stone decorated path and a fountain in the middle. At napatingin na lang ako sa isang malakastilyong building doon sa laki na sa palagay ko ay nasa hanggang 50 stories ito sa taas. It was a castle like structure that is made of marble even the post are made of marble as well with decorative gold linings. Di halatang galit sa gold ang nagdesign ng building.

Bumaba kami and you know, newbies natural na para kaming tanga na nakatunganga na nakatingin sa paligid. Sa kaliwa ko ay mukha siyang arena dahil na rin sa structure at sa kanan ko naman ay di ko alam basta malaki rin but I don't know since hindi naman ako manghuhula.

May mga mangilan-ngilan na rin mga sa palagay ko ay estudyante doon ba dumadaan. Napapatingin sila sa amin pero agad din naman binabalik ang tingin sa daan. Malamang nacurious lang sa amin at dahil new faces din kami.

"Snow, ang ganda rito." Saad ni Yuki sa akin.

"No need to remind me." Sagot ko naman rito. Pakiramdam ko ay nasa ibang dimension kami. Sobrang ganda talaga.

"Ehem.."

Naputol na lang ako sa pagdedaydream ko ng may narinig akong tumikhim kaya parang mga ewan kami ni Yuki na tumingin sa pinanggalingan ng tikhim.

And there we saw a boy? No a man, wearing black vest says student body president. Bigla na lang kaming naging attentive ni Yuki when we realize who is this person standing before us.

"Welcome freshmen! Don't worry about your luggage it will be sent as soon as you get your room numbers. So follow me as I tour you around the campus." Saad nito na nakangiti.

Nagkatinginan naman kami ni Yuki. Parang sobra-sobra naman ata dahil ang president pa talaga ng student council ang magtotour sa amin. Di ba ito busy? Pero syempre sumunod na rin kami sa kanya.

"Uhm, are you not busy, Mr. President, for you to bother yourself touring us." Tanong naman ni Yuki.

Dito talaga ako bilib kay Yuki sobra-sobra ang confidence nito. Lakas ng loob magtanong. Kaya nireready ko na ang self ko sa kung ano man ang isasagot sa amin.

"And your name please?" Tanong nito na huminto pa talaga at binuksan ang dala-dala nitong listahan.

"Yuki Winter Sol Wylium, Sire." Sagot ni Yuki. Napatingin naman sa akin si Yuki kaya sumagot na rin ako.

"Snow Brielle Sylveria." Sagot ko.

"Wierd names." Saad nito. Pero mukhang nagchecheck ito. "And by the way to answer your question Ms. Wylium, we do not have many freshmen. For this year we only have 15 students enrolled, which explains I have plenty of time to deal with you all." Sagot nito.

Wow. Just wow. In a huge country of Universe, there are only 15 freshmen. Means, gifted are more scars than before. Mukhang paunti ng paunti na lang ang may mga kapangyarihan.

Naglakad na ito ulit papasok sa building kaya sumunod kami ni Yuki. At lumapit ito sa isang window na may babae doon.

"Room numbers for 2." Saad ni Mr. President.

May inabot na number ang babae tsaka nagtanong kung ano mga pangalan namin. Binigay naman ito ni Mr. President. Pagkatapos malista ang aming pangalan ay binigay sa amin ang room key card na may number Room 401.

"Be happy because you are roommates. And finally, welcome to Universe Academy!" Saad sa amin ni Mr. President.

Nagkatinginan na lang kami ni Yuki at walang humpay ang pagkakangiti namin.

____________________________________

Ayan and they finally went to the school. Ako lang ba ang excited para sa next chapter? Vote now if you are one.

Vote and Comment!

                         

COPYRIGHT(©) 2022