Bigla na lang tumunog ang door bell kaya napatingin ako sa labas ng bintana. Sino kaya ang tao sa labas? Wala naman bumibisita dito sa amin. Kung may kaibigan din ako, natatakot naman sa step mom ko kasi reyna reynahan sa bahay dati.
"Seniorita, may bisita po kayo." Saad ng isa sa mga katulong namin.
Nagtaka naman ako kung sinong bisita ito. Wala akong naalalang may appointment o kung ano man sa akin.
"Snow!" Biglang tili ng isang boses babae na matagal ko ng hindi naririnig.
"Yuki?" Napamaang na tanong ko at nanlaki pa talaga mata ko.
"Yes, ako ito!" Patakbong lumapit ito kaya tumayo agad ako at sinalubong ito ng yakap.
"Yuki! Oh my God! Ang tagal na di kita nakita. For good na ba ito? Dito na ba ulit kayo titira? Nasan pala mga magulang mo? Magkapitbahay parin ba tayo?" Ang dami kong tanong. Ang tagal na kasi namin na hindi nagkita. It was 10 years ago huli kaming nagkita ni Yuki.
(A/N: Yuki is a japanese term of Snow.)
"Teka lang, mahina kalaban. Hahaha." Natatawang saad nito tsaka kumalas ito mula sa pagkakayakap sa akin. "Well, to answer all your question, why don't allow me to sit first?"
"Oops. Hehehe." Tsaka nag-peace sign ako sa kanya. Nawala ang hospitality ko dahil sa excitement. Pumunta kasi ito ng ibang bayan na malayo dito sa neighborhood at di na kami nagkita. Di ko rin naman mabisita ito dahil bata pa ako dati at noong lumaki naman ay di naman ako makagalaw ng malaya dahil sa step family ko.
Umupo na kami tsaka nagpagawa na rin ako ng juice at cookies para sa ngangat-ngatin namin habang nagkukwentuhan kami.
"Bumalik na kami rito dahil natapos na ang assignment ni Papa doon. Kaya for good na rin kami dito. And good thing dahil binebenta ang bahay na katapat sa inyo kaya binili yun ni papa kaya magkapitbahay parin tayo." Sagot nito sa akin.
Parang lumutang naman ang puso ko sa tuwa. Ang bestfriend ko makakasama ko ulit!
"Really? I am so happy. Matagal ko na talagang pinagdadasal na sana bumalik na kayo dito. Miss na miss ko na bestfriend ko." Madramang saad ko sa kanya.
Pero bigla naman natahimik si Yuki. Yumuko ito na tila parang may sasabihin.
"But, I will no longer stay in our house, Snow." Saad nito mukhang nahihirapan ito sa pagsasabi.
Napakunot naman ang noo ko. Di ko siya maintindihan, for good na daw pagstay niya dito tapos sasabihin naman na di siya titira sa bahay. Ano ba talaga Yuki? Prank ba ito? Baka biglang may susulpot na lang bigla na magsasabing you've just been pranked! Di ba? Uso pa naman yan ngayon. Malay mo ako ang napagtripan.
"Bumalik kami rito dahil, papasok na ako sa U Academy." Sabi nito.
The news was like an atomic bomb was dropped. The news was a bomb. Pero dapat di na ako nagulat di ba? Since aware naman kami na elementalist ang parents ni Yuki. Both her parents can summon lightning. Kaya dapat inexpect ko na din yun.
U Academy is a boarding school. Walang makakalabas within the school year. Makakalabas lamang ang mga estudyante doon kung tapos na ang buong school year. Bigla akong nakaramdam ng inggit, pero masaya ako para kay Yuki. Pinangarap ko na makapasok sa U Academy pero isa lamang akong ordinaryong tao, walang kapangyarihan, ubod ng ganda lamang. Chos! Hahaha ang kapal ko talaga.
"Yuki, masaya ako para sayo. Sana pinanganak na lang din ako ng may kapangyarihan para magkasama tayo." Nalulungkot na saad ko. Sana totoo na lang yung panaginip ko.
"Snow, don't worry. Four years lang naman yun tsaka may 2 months vacation din naman kami after school year." Pangchecheer up nito sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako. Kung pwede lang sanang gawing sandata itong kagandahan ko, nako nag-enroll na ako sa U Academy. Pero di ko kaya na ilabas anyo ko, magkakagulo sila. Wahahaha. Pero totoo yun, nagdidisguise nga ako paglumalabas ako. Nakaglasses na makapal at malaki ako para di masyadong mapansin mukha ko.
Ang nakakaalam lang sa totoong itsura ko ay ang family ko, katulong at bestfriend ko, pati family din niya. Pero yun ibang tao ang pagkakaalam sakin ay may pagkanerd na hindi naman totally nerd dahil di naman ako manang sa kasuotan. Normal ako. Kung sa nerd tree pa, ako ang modernang nerd.
Nagkuwentuhan lang kami tsaka tumingin sa album si Yuki. Catching up daw kamo. Ang cheesy haha. Ni hindi pa nga ako nagkaboyfriend may catching up na akong nalalaman. Sa bahay na rin nananghalian si Yuki at nakilala niya ang step family ko na muntikan ng ismiran ni Yuki dahil kay Ria at Dia na mukhang si B1 at B2 daw.
Inabutan na ng gabi si Yuki dito sa bahay at dito na rin siya naghapunan. Grabeng catching up diba? Kulang na lang dito ko na patutulugin si Yuki. Pero syempre kailangan niyang umuwi. Kaya inihatid ko na lang siya sa kanilang bahay na nasa tapat lang naman din.
"Salamat pala. Ang sarap magluto ng kusinera niyo." Saad nito Yuki na natatawa pa. "Buti, di ka tumataba."
"Isa lang ang motto ko Yuki. To eat without getting fat!" Saad ko na tatawa tawa pa.
"Wow! Every girls dream! Pero magandang motivation din yan. Pero yung step sissy mo, bakit ganun? Ang chachaka?" Nakuha pa talaga nitong mamintas di ba?
"Grabe ka naman! Syempre, evil witch ang motherhood nila eh. San pa ba nagmamana." Natatawang sagot ko rin dito. Nagkasundo pa talaga kaming mamintas diba? Bestfriends nga talaga.
"Pero sige, pasok na ako ah. Baka makurot na ako ni mama. Hahaha." Saad ni Yuki habang nagpapaalam sa akin.
"O sya sya.. sige, bukas ulit ah." Sagot ko dito. Pumasok na ito sa gate nila at sumara na ulit. Napabuntong hininga na lang ako ng bumalik sa aking ala-ala ang pagpasok nito sa U Academy.
Pumanhik na ako pabalik pero bigla namatay ang ilaw ng kalye. Ang tanging naiwan na ilaw ay ang sa gate ng bahay namin. Enough for me to see the road way back. Pero may napansin na lang ako, isang lalaking nakabonnet ang nakatayo sa di kalayuan na nakaharap sa akin.
Nakaramdam ako ng takot bigla dahil sa lalaki. Inisip ko na nagkataon lamang yun o baka naman may inaabangan lang ito at trip lang nitong magbonnet. Pero mas lalong bumaha na lang ang aking takot ng naglakad na ito papalapit sa akin. Bigla kong binilisan lakad ko at nagpanggap na hindi ko siya napapasin pero laking gulat ko na lang ng biglang hinablot nito ang braso ko ng marahas.
Napatingin ako rito at nasindak ako sa aking nakita. May hawak itong patalim na akmang isasaksak sa akin. Pero gumalaw ang reflexes ko, nablock ko ang braso niya kaya hindi ako natamaan ng kutsilyo. Walang pagsidlan ang aking kaba. Wala na akong ibang maisip kundi nanganganib ang buhay ko. I want to survive and I want to know who the heck is this man who is trying to kill me.
"Sino ka?! Anong kailangan mo sakin?!" Asik ko dito. Wala akong maisip na kalaban sa labas, maliban sa step mother ko.
"Pasensya na miss, napag-utusan lang." Saad nito at tumakbong pasulong ito sa akin.
My heart was racing like nuts and something swirled inside me na parang may gustong kumawala at bigla na lang naisip ko ang tubig out of the blue and just a blink of an eye may lumabas na tubig sa mga kamay ko and it burst like from a fire truck na tumama sa lalaki at tumilapon ito.
The water is still bursting from my hands at hindi ko alam paano ito patigilin.
"Stop!" Saad ko na hinihingal. Nanlaki ba lang ang mga mata ko ng tumigil ito. Basang basa ang kamay ko na may tumutulong tubig pa.
Holyshit. What was that just now? Nanlalaki ang mga mata ko na tinitingnan ang dalawang kamay ko. Napalunok pa ako. I tried to pinch myself pero masakit. Gising na giging ako at di nananaginip. Napatingin ako sa tao at nakabulagta parin ito, mukhang nawalan ng malay dahil na rin sa impact. Sobrang lakas ng current na tumama rito.
I don't know what is happening. But this is really freaking cool!
Biglang nangisay ang lalaking bumulagta kaya sa takot ko na baka bumangon ito ulit para saksakin ako ay kumaripas ako ng takbo papasok sa gate at nilock.
Hinihingal ako. Napayukom ako, swear to god, a water just burst out from my palm! Does this mean I am elemental too?
____________________________________
And there you go. Nalaman na niya na may kapangyarihan siya! Isa siyang bombera! Hahaha pero joke lang. Abangan niyo na lang ang iba pang chapters and thank you so much for voting!
Vote and Comment!