"Shocks, may powers ako." Masayang masaya ako sa totoo lang. Dahil may pag-asang makakapasok ako sa U Academy. Pero out of control masyado ang tubig. Mapagkakamalan ako nitong bombera.
Ilang ulit ko na sinubukan ang pakalmahin ang tubig at unti-unting kumalma ang tubig. Hangang sa kaya ko ng gumawa ng water balls. O diba ang bilis? Kasi depende lang siya sa command ng isipan. Iniisip ko kasi kanina ang bursting water kaya mala bombero ang tubig ngayon naman na inisip ko ng water balls ay unti-unting namumuo ang tubig sa kamay ko at naging bola ito. Isip ko na umikot ito ng mabilis at umikot nga ito ng mabilis na parang gulong ng sasakyan pero at rest lang ito nasa kamay ko lang.
I didn't know na ganito lang kadali na kontrolin ang isang kapangyarihan. It is all with the brain command at hindi na kailangan ng matinding concentration para mapalabas ang kapangyarihan. Marami kasi akong nababasa na mga fantasy novels na pahirapan ang pagpapalabas ng kapangyarihan. Yung iba nagkakasugat sugat ang mga kamay yung iba kailangan pang sumigaw ng Darna para magamit ang kapangyarihan. I never knew na ganito lang kadali kontrolin ang isang element.
"Hhmm.. so bakit pa may U Academy kung ganito kadali ang kontrolin ang powers?" Nagtataka tuloy ako.
Sinubukan ko naman ulit ang element ko. Naglabas ako ng konting tubig at balak ko na gumawa ng alphabet waters. Inisip ko ang A, iniimagine ko na magmaterialize iyon sa tubig at naging A nga ang tubig sa kamay ko habang nakalutang sa ere. Sumunod ang B hanggang umabot sa Z. It was just so easy. Isipin ko lang kung ano ang gusto kong mangyari sa element ay nangyayari kaagad ng walang kahirap hirap.
Di ko na namalayan na naabutan na ako sa CR ng alas siete dahil tuwang tuwa ako kaya kung anu-uno ginawa ko sa tubig. Ginawa kong pormang bulaklak or mukha ng step mom ko na nakakatawa at fountain. Naligo na lang ako dahil baka magtaka pa ang mga tao sa bahay kung bakit hanggang ngayon ay nasa loob pa ako ng kuwarto ko. Wala akong kabalak balak na sabihin sa kanila na meron akong power. Baka kasi ibenta ako ng step mom ko, mukha pa naman yung pera.
Bumaba na ako at naabutan ko ang step mom ko na pahumhum sa sala at umiinom ng kape or tsa o baka naman lason kasi di yun tumatalab sa itim ng budhi niya. Pero nabilaukan na lang ito ng makita niya ako. Na parang nakakita ito ng multo.
"What?" Nagtatakang tanong ko rito. Di naman ako nakamudpack para magulat ito. Lalong ang ganda ko naman para mapagkamalan na multo baka sila pa, mga mukhang laman lupa bwahahahaha. Di na nito tinapos ang iniinom nito at dali-daling pumanhik ito sa kuwarto niya.
Tumuloy lang ako sa pagbaba ko at may nadatnan ako sa lamesita na sobre. Wala naman nakalagay na pangalan pero mukhang makapal ang laman. Pera? Mukhang pera ang laman. Nagulat na lang ako ng bilang bumalik ang step mom ko at pahablot na kinuha ang sobre sa mesa. Napapataas ang kilay ko. Masama ang pakiramdam ko kay Friah. Base sa mga kilos nito mukhang may binabalak itong masama and to think last night, wala talaga akong maisip na may malaking galit sa akin na gusto akong ipapatay maliban kay Friah.
"Hhmm.." That explains. The horror in her face when she saw me a while ago. Pasensya na. Napag-utosan lang. Yun ang sinabi ng lalaki sa akin kagabi. Napag-utusan lang. At para saan yung sobre? Pera ba yun pabayad sa taong papatay sa akin? Ang kapal naman ng mukha, pera ko pa talaga ang ipambabayad para patayin ako.
Kaya pala nasa mood ito ng di pa ako nakikita kasi akala niya tagumpay ang plano niya. Buti na lang talaga at ipinanganak akong matalino dahil baka hanggang ngayon wala pa rin akong kaide-ideya kung sino ang may gustong magpapatay sakin.
"Seniorita, sulat po para sa inyo." Saad ng isang katulong at binigay sakin ang isang puting sobre na may linings ng gold. Binuksan ko iyon at kumawala doon ang mabangong amoy. Scented paper. Para siyang isang imbetasyon kaya binuklat ko ito.
Dear Snow Brielle Sylveria, We gladly inform you that you've been accepted to Universe Academy. The school starts next week. We encourage you to be at the academy one day before the school starts.
Welcome to Universe Academy!
Kier Cohen Gel Draco
Headmaster
I was eyeing the letter like I was stunned! I was accepted! The letter says I was accepted to U Academy! But I never went to enrol. How come I was accepted? But the heck, who cares? Makakasama ko na si Yuki and little by little my dreams are coming to real.
●●●
Headmaster Kier's POV
"The letter was already sent, Headmaster. By now, she must already reading it." Sagot ng spy sa aking harapan.
Having another water user from a non-magic family is such a mystery. Kaya sa simula pa lang ay napukaw na talaga ang atensyon ko. I sent I spy lastnight and he witnessed the manifestation of the girls power. It was real and the intensity of the power is vast and deep. Naramdaman ko rin yun kagabi. All major elements has terrifying power, na mararamdaman ng lahat ng users milya milya pa ang layo. It was bone chillin power. Mas malakas pa kesa kay Violet ang bagong water user. That was the 2nd manifestation from that girl and the intensity went increase.
Kinilabutan ako ng maalala ko ang aura kagabi. Even Prince Yuan could not be compared with such power o baka naman nagkamali lang ako. According from the spy, may nagtangkang pumatay sa babae at biglang lumabas ang kapangyarihan nito. Baka dahil lang din sa matinding takot nito at pagiging protective nito sa sarili kaya nag-emit ito ng ganun kalakas na aura. It could be adrenaline rush. But it doesn't mean na nawala na interes ko kay Snow. I am looking forward to the new school year.
●●●
Yuan's POV
Naramdaman ko kagabi ang isang napakalakas na pwersa na nanggaling sa kung saan. Sobrang lakas na ikinakilabot ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganoon kalakas na pwersa kaya iniisip ko kung kanino yun nanggaling.
Alam ko na naramdaman yun ng lahat ng users. Imposibleng meron hindi nakaramdam nun. Nakatanggap din ako ng report ng biglang pagkagulo ng mga demons sa labas dahil sa pwersa kagabi. Biglang nag-alisan ang demons na nakapalibot sa barrier.
Ang tanong na lang ngayon ay kanino iyon nanggaling. Ito na ba ang matagal ng sinasabi ni Prophet Uno na siyang magliligtas sa lahat? Pero sino?
____________________________________
Cool! Wow, so fast for updates.. since chapter1, isang araw lang hanggang this chapter and still currently making the next chappie. Salamat sa restday na walang asungot dahil nakakagawa ako ng updates sa WATTPAD. Thank you so much!
Vote and Comment