Pinagbintangan pa ako ng stepmom ko na binaha ko daw ang bahay dahil sa kuwarto ko lang din ang basang basa lahat. Like duh, mag-eeffort akong kumuha ng ganun karaming tubig para basain ang kuwarto ko at pabahain ang kabahayan? Ipagpapalit ko ang sarap ng tulog dun? Like what the heck! Ano akala nila sakin, lunatic? Buti sana kung kadugo ko sila baka may pag-asa pa.
Buti may mga katulong din sa bahay kahit papano di ako ang nakalinis sa buong kabahayan. Pero sabog na sabog naman ang tenga ko sa lintanya at muntikan pa akong masampal dahil sumagot ako.
Flashback:
Nakayuko lang ako habang mala megaphone ang bibig ng stepmom ko. Kanina pa ito at umiinit na talaga ang ulo ko sa kanya. Konting konti na lang talaga.
"Wala ka na ngang silbe dito sa bahay, gumagawa ka pa ng kalokohan! Alam mo ba kung gaano kamahal ang mga gamit na nabasa? Kaya mo bang bayaran yun lahat?" Umuusok na saad ni Friah
Naikuyom ko naman ang palad ko. Feel na feel ko talaga ang Cinderella moment kaso may hindi tama. Ayoko na ng Cinderella moment, nakakapagod.
"Wala ka talagang kuwenta! Mana ka talaga sa nanay mo!" Asik nito na siyang ikinaputol lahat ng pasensiya ko.
Tiningnan ko ng masama si Friah at medyo nagulat ito dahil kauna-unahan ko itong tinitigan ng ganun.
"Don't you dare insult my mom." May bantang saad ko. Ni hindi ko nga kilala mama ko ito pa kaya? Tapos kung makajudge, akala mo ang daming alam. "At wala akong pakialam kung nasira man ang mga gamit dito sa bahay! Ikaw ang walang karapatan sa pamamahay na ito. Ikaw na palamunin ng papa ko at ang mga hudas na anak mo! Ni hindi niyo bahay ito at ni hindi niyo pera ang pinangagastos niyo sa mga luho niyo! Ang kakapal ng mukha niyo! Kung makaasta kayo dito sa bahay parang kayo ang may-ari, salin pusa lang naman kayo!" Galit na galit ba insulto ko dito. Wala akon pakialam kung malditang maldita na ako sa paningin niyo. Pero dahil sa ininsulto niya mama ko na nananahimik na sa kabilang mundo, ibang usapan na yun.
"You bitch!" Itinaas nito ang kamay nito para sampalin ako pero napigilan ko iyon.
Ngumiti ako ng malademonyong ngiti na siyang ikinakilabot nito. "Try to slap me, and you will find yourself homeless in the streets." Banta ko rito.
Akala kasi ng mga ito ay di ako lalaban. Ilang taon na ba akong ina-alila ng mga ito sa sarili kong bahay? Limang taon na ata and now that I am turning 18 all will be transferred to me. Yun ang sinabi ng papa ko noong bata pa ako. The will was already made and secured, para kung may mangyari man daw sa kanya ay wala na daw akong poproblemahin.
"Y-you can't do that." Namumutlang saad nito. Halatang kinakabahan na ito ng sobra-sobra.
"M-mama..." nahihintakutan na saad dalawang step sister ko.
"Do you think I can't do that? I can do whatever I want in this house, since I own everything in this house and all money that you have." Saad ko dito.
Napatawa ito ng pagak. "I am the legal wife of your father, whatever he owns, I own." Saad nito na biglang naging confident.
I smiled. "FYI, 10 years ago, all property and assets was transferred under my name. I just did nothing about your abuse since you are the wife of my father. But now, all goody two shoes vanished within me. So try to provoke me again and you will end up in the streets as a beggar!" Banta ko dito at nagwalk out na.
End of Flashback
Yan ang nangyari. Wala sana akong kabalak balak na sabihin sa kanila ang buong katotohanan na ako na may-ari ng mga ari-arian ng papa ko dahil para na rin sa kaligtasan ko pero sumosobra na sila. Kung hindi ako iimik baka ako pa ang papalayasin ng mga ito sa sarili kong bahay.
Pero isa parin malaking mesteryo sa akin ang pagkabasa ng aking buong kuwarto o baka naman kagagawan nila yun para may dahilan sila na pag-initan ako at palayasin? Sa lahat ba naman ng kuwarto sakin pa talagan tapos ako pa pagbibintangan, bangag ba sila?
Lumabas na ako ng kuwarto ko at pasalamat ko lang dahil malinis at tuyo na ang lahat. Nakita ko rin ang mga stepsister ko na may binabasang libro. Alam ko na nakita nila ako pero di ako pinansin ng mga ito. Di rin ito nag-abalang utusan ako, dahil nga sa mga nangyari.
Di ko naman nakita ang aking step mother o baka naman nag-eemote yun sa kuwarto niya dahil di makamove-on sa mga pangyayari. Alam ko naman na kayamanan lang ni papa ang habol ng mga ito at ngayon alam na nila na wala silang makukuha ay parang gumuho na ang mga pangarap ng mga ito.
"Seniorita Snow, handa na po ang pagkain." Saad ni manang Cli. Ilang dekada na ito sa bahay at sobrang bait din nito.
"Sige po manang kain na po tayo." Yaya ko dito. Talagang kasama ko mga katulong sa bahay na kumakain. Ganyan na talaga kami dati pa pero nagbago yun ng nag-asawa si papa dahil masyadong maarte si Friah, social climber na wala naman maibubuga. Hahaha.
●●●
Yuan's POV
Kasama ko ngayon sina Jin, Violet, Avis at Luna. Nasa academy kami. Wala pa naman pasukan since enrollment pa pero nandito na kami para sa isang pulong. Ipinatawag kami dahil may mahalaga daw na report na kailangan namin malaman.
Nakaupo lang kami at nababagot dahil hindi pa dumadating ang dapat magreport.
"This is boring." Saad ni Avis na nakapangalumbaba.
"You said so." Sang-ayon naman ni Luna na mukhang inantok pa sa katahimikan.
Medyo mahirap magcompliment mga ugali namin dahil ako na stikto at tahimik, si Jin naman na tahimik na walang pakialam, si Violet na puro pagpapaganda at pacute ang alam, si Avis na puro pagkain ang nasa-isip at si Luna na madaldal na wala naman nag-aabalang nakikipagdaldalan.
"Be patience. An important report will arrive." Saad ko naman sa mga ito.
Sumunod naman ang mga ito at habang si Violet ay pangiti-ngiti sa akin. Di ko alam pero gusto kong sunugin ang pagmumukha nito. Nakakairita noon pa, malamang dahil sa element nito na water kaya mukhang di ko talaga siya kasundo. Pero wierd dahil nakikipagclose ito sa akin kahit gusto ko itong ibalibag para lumayo ito.
Bumukas na ang malaking pintuan at pumasok doon ang aming headmaster na may kasamang espiya. We all do have spy na pinakalat sa buong kaharian. We keep on searching gifted child para sa Academy at para na rin dagdag depensa at opensa sa mga kalaban.
"Good day Elites!" Headmaster Kier sang. Di ko alam pero napaka-acentric nito na pagkatao. Kahit sa pananamit nito ay halatang halata din.
"Good day Headmaster." Bati naman namin pero tumayo kaming lahat. Though we are Royalties but in the Academy, we are just merely students in training to harness our potential.
"Take your seat." Saad nito at naki-upo na rin habang ang spy ay nakatayo lang at walang imik.
"What is this report all about, headmaster?" Tanong ko rito. Ayoko ng patumpik tumpik pa. Time is running and we already wasted some.
"Hhmm.. yes, about that. Last night, we have found another elemental user." Sagot nito na parang wala lang.
Napakunot naman noo ko. Para yun lang kailangan ipatawag pa kami? Tuwing may nahahanap sila ay di naman nila ginagambala kami para ipaalam sa amin. Nakakafrustrate, na nasayang lang ang oras namin para sa isang maliit na bagay lang.
"And why do we need to know that?" Takang tanong ko rito.
"That is because, another water elemental rose up from a non magic family." Maikling sagot nito na titingin tingin pa sa kuko kung may dumi ba.
I was in surprised. So was everyone. No one in the history has the same element outside the family of Violet. Kaya nagkatinginan na lang kaming lahat sa aming nalaman.
___________________________________
Yay! Nadiscover na si Snow! But she still doesn't have any idea na siya ang may kagagawan ng pagbaha sa bahay nila! So abangan niyo na lang ang susunod na chapter!
Vote and Comment!