Genre Ranking
Get the APP HOT
Rushing Through the Wildness
img img Rushing Through the Wildness img Chapter 5 Nutrition month
5 Chapters
Chapter 6 His secretary img
Chapter 7 Marriage img
Chapter 8 Turn on img
Chapter 9 Sick img
Chapter 10 Not welcome img
Chapter 11 Talk img
Chapter 12 Kiss img
Chapter 13 Curiosity kills img
Chapter 14 Dinner with her family img
Chapter 15 Emergency img
Chapter 16 Cold img
img
  /  1
img

Chapter 5 Nutrition month

"Ilagay mo ang apples sa gitna," utos ni Lorenzo.

Himala at umabot ako hanggang nutrition month. Ayos lang naman ang buhay estudyante/alipin ng Vice President ng SSG. Hindi naman mahirap.

Lessen na nga ang parusa ko according sa kanya, eh. Kaso ayon pa rin, hindi pa rin ako pinakawalan matapos ang ilang buwan.

Ngayon ay nasa booth kami ngayon ng section namin. Nag a-arrange ng mga prutas. 'Yong iba naman ay na-assign na mag luto ng something 'nutritious'. At ang iba pa naming kaklase ay busy kakatulong sa candidate ng section namin para sa Mr. and Ms. Nutrition month.

Taray ng school namin, nutrition month pa lang may pageant na. At, ang iba pa naming kaklase ay sumali ng 'amazing race'. Gusto ko nga sana sumali! Kaso epal si Lorenzo, kami raw dalawa ang mag-decorate ng booth. As in! kami lang dalawa ang natira. Wala si Dayz dahil siya ang candidate namin.

Ending? Ako lang ang kumikilos, tapos siya? Nakaupo lang sa harap ko habang nakakrus ang braso.

Wow, just. Wow!

"Ano pa po, mahal na prinsipe?" sarkastiko kong tanong.

Napahawak siya sa baba niya na animong nag iisip, "Mm... I think that looks okay. Sige, you can take a rest," aniya dahilan para pabagsak akong umupo sa upuan. Nakakapagod!

"Tired?" tanong niya pa sabay kuha ng mani sa dispalys ng booth namin.

"Hoy, display 'yan! hindi pa nga na ja-judge, kumukuha ka na," suway ko.

"Edi, kumuha ka rin para fair," saad nito sabay irap.

"Bakla," bulong ko at kumuha ng saging. Mukhang masarap, eh.

"Dala mo?" tanong ko habang binabalatan ang saging.

"Ang alin?"

"Nutella, at kung ano ano pang syrup na meron kayo... diba gagawa rin tayo ng smoothie?" May smoothie contest din kasi na pakulo ang council.

Tinanguan niya lang ako at kinuha ang tote bag niya para inabot ito sa akin.

Nakangiti akong naghalungkat sa loob. Wow, branded lahat!

White chocolate syrup agad ang nag-shinning shimmering sa mga mata ko. Alam kong hindi ako mahilig sa chocolates, pero wala namang cacao sa white chocolate, kaya okay lang. Nilabas ko ito at binuksan ang seal. Nag-drizzle ako sa saging na kakabalat ko lang.

Hilig ko talaga gawin 'to minsan.

Kagat labi kong sinara ang syrup at ibinalik sa bag niya. Una ay idikit ko lang ang labi ko sa saging para matikman ang syrup.

"Sharap..." napapapikit kong sambit. P'wede kaya iuwi ang syrup? Hehe.

Sunod ay kinagat ko ang dulo nito-

"Fudge," dinig kong bulong ni Lorenzo sabay ng pagtalim ng tingin nito sa lupa.

"Ha? gusto mo ng fudge?" inosente kong tanong sabay lingon sa kanya.

Umiling ito at kinuha ang bag niya upang ipatong ito sa kandungan niya. Sa gano'ng paraan niya ako tinignan ng sobrang seryoso. May galit din siguro siya sa mga saging.

"Problema mo?" mataray kong tugon sa mga titig niya at pinagpatuloy ang pagkain sa saging. Parang kulang yata nang maubos ko ito, gusto ko pa ng isa.

Hindi naman siguro masama kung kukuha pa ako ng isa, 'di ba?

"Pahingi syrup," simangot ko dito.

Tumayo ito at itinabi ang upuan niya sa akin.

"Kuha," aniya habang nakapatong ang bag niya sa kandungan niya.

"Mm, sige," nakangiti kong tugon at nag halungkat sa bag niya. "Wala kang sprinkles d'yan?" nakangiwi kong tanong. Umiling naman ito.

Sayang naman. Honey na lang ang kinuha ko. Nilagyan ko ang tuktok ng saging non at isinauli sa kanya.

"Op!" Agad kong dinilaan ang saging dahil tumulo ang honey!

Itinaas ko ito at binalanse para hindi ako matuluan. Mahirap na. Pero kamalas-alasang natuluan pa rin ang pisngi ko. Sinubukan ko itong dilaan pero hindi abot ng dila ko.

"Hu-" natigilan ako nang bigla niyang hawakan ang baba ko upang itagilid sa kanya!

Napalunok ako nang punasan niya ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya. Pero mas napalunok ako nang bigla niya itong ilapat sa labi niya ang at bahagyang tinikman!

"Sweet," nakangisi pa nitong sambit at umatras.

Halos mamutla ako sa ginawa niya! Parang nawalan ako ng gana sa saging.

"Hoy! Vice pres!" sigaw ng kung sino. Halos sabay namin itong nilingon. Si Blue lang pala. Ang maingay na peace offer ng SSG.

"What?" taas-kilay na tugon ni Lorenzo at pinagkrus ang mga braso niya.

"May isa pa tayong activity! Kailangan mong sumali!" sigaw nito. Pala sigaw talaga siya. Kala mo makikiaway sa kanto sa tuwing bubuksan niya ang bibig niya.

"What? Tsh, I would never join that contest," nakangiwing sagot ni Lorenzo sabay irap. Ang pino talaga ng bawat ng kilos niya, dinaig pa ako.

"Sige na! Maganda ang premyo!" pangungumbinsi pa ni Blue.

"Wala 'to sa usapan, Blue. I'm the Vice President, and I say that I won't join that stupid contest." Talagang matigas si Lorenzo.

"Hoy! Kung makalait 'to! Anong stupid? Maiinsulto si Curly sa 'yo!" inis na sigaw ni Blue sabay padyak sa lupa.

"Sinong Curly?" taka kong tanong. Ngumiti ito sa akin at tinuro ang center ng field.

"Kita mo ang maliit na putikan na 'yon? Nandoon si Curly. Curly the little pig! Siya ang huhulihin sa contest! Kaya nakakainsulto talaga si Vice pres! Walang awa! Walang modo! Walang puso-

"Okay enough! I'll join that freaking contest. Masyado kang OA, alam mo? And you really named the pig?" hindi makapaniwalang sambit ni Lorenzo. Maging ako ay nagulat. Pinangalanan niya ang biik?

"Yey!" nakapalakpak na tugon ni Blue, "Kalaban mo si Drei, my best friend. Gusto niya rin ang price, eh."

"Ano ang price?" curious kong tanong. Ano kaya 'yon?

"Ah, secret pa ang price, pero promise! Sobrang worth it no'n! 'Yon kaya ang pinakabonggang price sa lahat!" sagot niya at hinatak si Lorenzo palapit sa maliit na pabilog na fence.

Napalingon ako sa loob ng maliit na pabilog na bakod. Ang cute! Ang cute ng biik!

"Hi cutie! Mag ingat ka mamaya, ah? 'wag kang papahuli!" kinausap ko ito na para bang ako ang personal coach nito at boxing ang lalaruin niya. "Basta, tandaan mo, kapag lalapit na sa 'yo ang mga tao, lalayo ka! Tatakbo ka ng mabilis, yung pa ekis-ekis para mahirapan sila! Okay?" Parang naintindihan niya ako dahil gumawa ito ng tunog.

"Crazy," dinig kong komento ni Lorenzo.

"Hoy! Ang sama mo! Matalo ka sana," pagsumpa ko dito. Hindi naman ito apektado at nakinig lang kay Blue.

"Basta, paunahan lang kayo ng pagkuha ng biik. Ang price ay i-announce ko mamaya, okay? 'Tsaka, baka marumihan o mapunit ang uniform niyo, kaya hubarin niyo nalang," sambit ni Blue sabay senyas na hubarin nila ang uniforms nila.

Napalunok naman ako nang simulan nilang tanggalin ang coat nila. Matapos ay ang mga butones ng uniforms nila. Ano 'to? Free ulam?

"I'll wear my inner sleeveless shirt," walang buhay na sambit ni Lorenzo nang akma pa siyang papahubarin ng sando.

"Ayts, sayang. Pampahatak na rin ng pusta kung maghuhubad ka," natatawang sambit ni Blue kaya binatukan siya ni Lorenzo. Aba, ginawa pa silang sabong.

Si Drei naman ay mukhang desidido dahil talagang hinubad niya maging ang sando niya. Si Blue na ang nangolekta ng mga damit nila.

Naghiyawan ang mga lalaki, at nagsitilian naman ang mga babae. Agad na dumami ang mga manonood ng wala pang isang minuto. Napatingin naman ako sa katawan ni Drei. Akalain mo? Maskulado rin pala siya?

"Kythe, baka tutulo laway mo niyan," agad akong napalunok at bumalik sa katinuan nang ibulong 'yon sa akin ni Blue. "Gwapo ng mga kaibigan ko 'no? Syempre, nagustuhan mo nga pala ang isa sa kanila noon." Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya! Pa'no niya nalaman 'yon?

"Okay! So now, we are announcing the players of this special contest! Player 1 is Brent Andrei Davis and player 2 is our one and only Lorenzo Jei Golez!" anunsyo ni Darlene.

Pinapasok ni Blue sina Lorenzo at Drei sa maliit at pabilog na bakuran.

"The game begins in 3! 2! 1!" At nagsimulang habulin ni Drei si Curly. Si Lorenzo naman ay nakatayo lang at animong tinititigan ng maiigi ang biik.

Sari-saring boses naman ang namutawi sa kapaligiran.

"Go Lorenzo!"

"Whoo! Go baby Drei! Ang guwapo mo!"

"Shet ang hot nila!"

"Nako, sigurado akong magiging letchon ang biik once mag hubad ng sando ang papa Lorenzo," dinig ko pang sambit ng bakla naming classmate na nasa likuran ko.

Natawa tuloy ako, grabe 'tong mga 'to.

"Go curly! Takbo! 'wag kang papahuli!" nakisigaw rin ako kaya natigilan ang mga nakarinig at tinitigan ako ng masama.

Bakit? Bawal?

Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy, "Whoo! Piggy takbo!" sigaw ko nang muntik na siyang mahawakan ni Drei!

"Ay ano ba 'yan, bakit nakatanga lang si Lorenzo?"

"Shh! Gaga, baka marinig ka."

Pansin kong hindi pa rin kumikilos si Lorenzo kaya lumapit ako sa side niya.

"Oy! Ano? Tatanga-tanga ka lang dyan? Ba't ka pa sumali? Subukan mong hulihin si Curly! Kahit na alam ko namang 'di mo siya mahuhuli dahil ako ang coach niya. Hehe," pagkuha ko ng atensyon nito kaya tinignan niya ako ng masama.

Nagulat ako nang bigla niyang hubarin ang sando niya kaya nagtilian ang mga babae! Napatabon ako sa mga mata at tainga ko dahil sa pinaghalong ingay at init!

Char, ang init ng panahon. Hindi ko yata kayang tignan ang katawan niya.

"OMG! He caught it! He caught the pig!"

Dahan-dahan akong napamulat at gulat na napatingin kay Lorenzo. Puno ng putik ang buong katawan niya at hawak-hawak niya na si Curly!

"We have a winner!" sigaw ni Darlyn. Naghiyawan ang lahat kaya binitiwan na ni Lorenzo si Curly at lumapit sa amin.

Napasinghal ito sa akin, "Easy...hindi magaling ang 'coach' niya," nakangising asar niya at lumabas sa pabilog na bakuran.

Tinignan ko tuloy ng masama si Curly nang bitiwan siya ni Lorenzo. Bakit? Saan ba ako nagkulang sa pagtrain sa 'yo?

"Congrats! At dahil ikaw ang nanalo, you will win a campaign sponsor for the next election of SSG officers!" nakangiting saad ni Blue.

"So that's the price? I can afford that," napapailing na ani Lorenzo at nilingon ako.

Napasimangot naman ako at napatingin sa katawan niyang puno na ng putik. Bakit ang pogi pa rin?

"Teka, ano 'yan?" turo ko sa braso niya nang mapansing may gasgas ito.

"Hala! Lorenzo may sugat ka!" sigaw ni Blue at tinignan 'yon. "Tsk! Nakuha mo 'to dahil sa bakod, 'no? 'di ba masakit?" tanong niya pa.

"I'm used to pain, Blue," makahulugang aniya. Ouch. Pain indeed. Char.

"Hugot amp," komento ni Blue bago niya lapitan si Drei.

"Get my bag from our booth and meet me at the gym," utos nito sa akin at naglakad papunta sa gym. Maghuhugas siguro siya.

Sinunod ko na lang ang gusto niya kasi malamang, may choice pa ba ako?

Pagkarating sa gym ay natigilan ako nang may grupo ng mga lalaki na nakaharang sa entrance. Hindi sila pamilyar. Sabagay, kaunti lang naman ang mga kilala ko dito sa school. Pero, bukod sa hindi sila naka uniform ay hindi rin natural ang kulay ng buhok nila kaya hula ko ay hindi sila dito nag-aaral. Bawal kasi ng unatural hair colors sa SCC.

Binilang ko ang mga ito at hula kong nasa lima sila. Paano sila nakapasok?

"Hoy, baka nakakalimutan mo? May kasalanan ka sa aking gago ka," saad ng isa sa kanila.

"I don't remember," boses 'yon ni Lorenzo kaya kinabahan ako.

"Ha! 'di mo naalala? Aba'y gago ka talaga eh, 'no? Ako lang naman ang binugbog mo sa bar nung nakaraang linggo. Hindi mo maalala? P'wes, ipapaalala ko sa 'yo," anang lalaking kulay green ang buhok at sinuntok si Lorenzo!

Ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko na makita ng malinaw dahil nagkagulo na sila. Literal na hindi ko alam kung ano' ng gagawin.

Sinubukan kong makisiksik kaso hindi talaga ako kasya.

Sandali akong nag-isip ng p'wedeng gawin pero wala akong maisip! Sabagay wala naman akong isip-char!

"Hoy! Itigil niyo 'yan!" lakas-loob kong sigaw kaya napalingon sila sa akin.

Tinawanan nila ako at dahan-dahang lumapit sa akin. Doon ay nakita ko ng tuluyan si Lorenzo. Nakaupo sa sahig habang hawak-hawak ang panga niya. Mukhang medyo napuruhan. Puno pa rin ng putik ang katawan niya kaya mukhang hindi pa siya nagshower.

"Tsk. Hoy, miss, 'wag ka na makialam, kung gusto mo, kita na lang tayo mamayang uwian? Napakainteresante mong babae...gusto pa kitang makilala," nakakadiring anang lalaking kulay green ang buhok. Nakangiti ito at nakatingin ng malagkit sa akin kaya kinilabutan ako ng bahagya.

"Yun oh, tirahin mo 'yan, boss," saad ng katabi niya at nakipag-apir pa. Hala? Ano ako? Dart?

Kinunutan ko sila ng noo, "Anong ginagawa niyo dito? Hindi kayo p'wede rito." Sinubukan kong maging seryoso at tinignan sila ng may kunot na noo.

Kaso mukhang walang epekto. Ano ba yan? Ba't sa mga nababasa kong nobela ay effective?

Mas lumapit lang siya sa akin at hinaplos pa ang buhok ko kaya napaatras ako! Kadiri naman!

"Wala ka na roon. May atraso ang lalaking iyan sa 'kin," bigkas niya sabay turo kay Lorenzo, "kaya gaganti kami."

"Tss," pa-cool kong singhal, "mahina ka pala eh. Alam mo, nagmumukha ka lang na duwag kapag gumaganti ka. Those who seek revenge are the real weak," pag iingles ko pa. Sana umubra.

"Aalis kayo o tatawag ako ng guards? Besides, hindi niyo ba kilala ang binabangga niyo? Kinakatakutan 'yan ng buong school. Isang salita lang niyan, pwedeng-pwede kayong mawala dito sa mundo ng walang nakakaalam," pananakot ko sa kanila.

Kita ko ang pag kunot ng noo ni Lorenzo na animong hindi makapaniwala. Malamang, alam niyang hindi totoo ang mga pinagsasabi ko.

Makisabay ka kasi! Kunwari anak ka ng mafia boss, gano'n!

"Bakit? Kilala mo ba 'to?" tanong ng lalaking may green na buhok. Napatingin ako kay Lorenzo na nakatayo na.

"Oo, kilala ko siya. Binangga ko nga siya eh. Alam niyo anong nangyari? Halos mamatay ako," sa kaba! "kaya kung ako sa inyo, 'wag kayong magkakamali sa kanya." Nanatili akong seryoso na para bang totoo ang sinasabi ko.

"Tsk. May araw ka rin sakin, Golez. Tara na!" mukhang umubra dahil nag-ayang umalis ang lalaking green ang buhok. Pero bago ako tuluyang lagpasan ay may binulong siya. "Pasalamat ka, maganda ka, kaya pagbibigyan namin ang gagong 'yon." Wow, anong konek?

Nang maka-alis sila ay saka ako lumapit kay Lorenzo.

Napasinghal ito, "You shouldn't have done that." Matalim niya akong tinignan.

"Luh? Pasalamat ka nga, eh! Baka tinulungan kita?" hindi makapaniwala kong tugon at padabog na inabot sa kanya ang bag niya.

"What if they didn't believe you? What if they did something awful to you? Can't you see that guy earlier? Ang lagkit ng tingin sa 'yo," nangangaral ang tono ng pananalita nito. "Next time, 'wag mong pasukin ang gulo ko." Salubong ang mga kilay niya nang talikuran niya ako. Pabagsak niyang isinara ang pinto nang makapasok siya sa cubicle ng banyo.

Kung gano'n nag-aalala ba siya? Hindi siguro. Baka nag-aalala lang siya dahil kapag may nangyaring masama sa 'kin...kargo de konsensiya niya ako.

To be continued...

Previous
                         
Download Book

COPYRIGHT(©) 2022