Genre Ranking
Get the APP HOT
Rushing Through the Wildness
img img Rushing Through the Wildness img Chapter 4 Facing the Punishment
4 Chapters
Chapter 6 His secretary img
Chapter 7 Marriage img
Chapter 8 Turn on img
Chapter 9 Sick img
Chapter 10 Not welcome img
Chapter 11 Talk img
Chapter 12 Kiss img
Chapter 13 Curiosity kills img
Chapter 14 Dinner with her family img
Chapter 15 Emergency img
Chapter 16 Cold img
img
  /  1
img

Chapter 4 Facing the Punishment

"I love to read erotic stories...especially, possessive related stories." Napalunok ako nang sabihin niya 'yon! Kahit kailan ay hindi ako nagtangka na basahin ang genre na 'yon dahil baka mawala na sa 'kin ang katiting na kainosentehan ko. May ideya nga lang ako tungkol sa mga erotic na 'yon, dahil ang trending ng genre, eh.

"H-Ha? A-Ano yan? C-Comedy?" maang-maangan ko.

Nanigas ako sa pwesto ko nang biglang dumikit ang labi niya sa leeg ko! May bumangga kasi sa likod niya kaya nawalan siya ng balanse!

"Oops! Sorry!" sigaw ng mga bata na naghahabulan sa bridge!

Nakahinga ako ng maluwag nang umatras siya at kunwaring napaubo pa. Ano ako? Virus? Nakakainsulto. Naisuklay niya ang mga daliri niya sa kanyang buhok bago huminga ng malalim. Kung hindi ako nagkakamali, ang pula ng pisngi niya. Dahil ba ang init at na sunburn siya?

"L-Let's go," sambit nito habang hindi ako tinitignan. Nauna na rin siya sa akin maglakad.

Pagkarating sa bus ay hindi na ito kumibo pa. Silent mode ang peg?

"Uy? Ayos ka lang?" pangungulit ko rito pero parang wala siyang narinig. "Natatae ka no?" bulong ko dahilan para lingunin niya ako habang nakakunot ang noo.

"The fu-" nilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya dahilan para matigilan siya. Napakurap ito at natahimik.

Isinenyas ko na lang ang nadaanan naming simbahan. Nakangiwi niyang tinabig ang kamay ko at nakapandekwatrong iniwas ang tingin sa akin.

Okay.

Pagkadating namin sa school ay akala ko tapos na ang tour nila, kaso mukhang hindi pa.

"Everyone, proceed to the gym. May libreng merienda," ani Lorenzo the Vice Pres. Wow! Sagip kapamilya.

Ang agaw pansin na mga kahon sa gitna ng gym ang kumuha ng atensyon ko nang makapasok kami. May mga laman itong pagkain. Inabutan kami ng mga students ng juice at maliit na paperbag na may tinapay sa loob.

Tinignan ko kung ano ang laman, "Pan de munggo?" malungkot kong sambit. Hindi naman sa ayaw ko, pero sana 'yong may cheese. Favorite ko 'yon, eh.

Bigla niya na lang may kumuha ng paperbag mula sa kamay ko at pinalitan 'yon.

"Palit tayo," biglang offer niya kaya sinilip ko ang paperbag na binigay niya.

"Mm! cheese bread!" buong galak kong saad. Lumaki ang mata ko dahil sa haba no'n! Sana ang cheese gano'n din. Paborito ko pa naman 'to.

Inilabas ko ito sa supot at nakapikit pang kinagat ang dulo non. Feeling commercial lang, bakit ba?

Pagkadilat ko ay nahuli kong napalunok si Lorenzo habang tinitignan ako. Nawiwirduhan naman siguro siya dahil ang pangit ng tingin niya. He looked like really despises me.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Oh bakit? 'Wag mo sabihin na gusto mo na 'to?" sambit ko sabay nguso sa cheese bread. Umiling ito.

"No. I want-"

"Lorenzo!" Napalingon kami nang tinawag siya ng isang babaeng nakasuot ng black leather skirt, thigh-high black boots at black labeled shirt. Si Adella.

Emo of the day ba itey?

As usual naka eyeliner ito at naka liptint in the shade of bloody red. Maganda naman siya. Matangkad pa. Kaso hindi kami bati.

Naglakad ito palapit sa amin. "I've been looking for you everywhere!" sigaw nito kay Lorenzo at nakapameywang akong tinignan. "And why are you here? Shouldn't you be on class?" taas-kilay nitong tanong at pinagmasdan ako from head to toe.

Hala, first day na first day may inggrata na! Kahit kailan, hindi ko na talaga gusto 'tong si Adella.

"She's with me." Si Lorenzo ang sumagot.

"What?" animong hindi makapaniwalang ani Adella.

"She'll be assisting me."

"But I'm the SSG Secretary," taas-kilay nitong sambit sabay tapon sa akin ng nangunguwestyon na tingin. Eh, 'di ikaw na.

"I know. Pero you work for the President, therefore, Kythe will be working for me." Na speechless tuloy ang Adella. "I want you to be my personal Secretary as punishment for what you did earlier," biglang baling nito sa akin!

Hala siya?! Wala 'to sa usapan!

***

"P'wedeng iba na lang?" request ko sa napakalupit na Vice pres ng SSG. Gusto niya kasi na maging alalay niya ako 'For as long as he says so.' "I mean, grabe naman. Para sa sapak lang? Alalay agad? Buti pa yung iba, pina baranggay lang, o kaya ginantihan." Huli ko nang napagtanto na sinabi ko pala ang laman ng isip ko.

"Ikaw kaya sapakin ko ng walang dahilan?" taas kilay niyang sagot. He really holds grudges, ha?

Kasalukuyan kaming nasa library para i-tour ang juniors. Pero nauwi sa pagtambay nila dito for at least 20 minutes. Hindi pa kasi tapos ang ibang sections, samantalang kami ay panghuling area na ang library.

"Sige, gantihan mo na lang ako. Ayaw ko nga magpa-alalay," nakasimangot kong sagot.

Nagpakahirap si Mama na ipagbuntis at palakihin ako, para saan? Para maging alalay niya? No way. Tumalikod ako sa kanya at tumingin sa mga libro sa bookshelf. Makapagbasa na lang nga.

"Sige," aniya, dahilan para lingunin ko siya.

Napalunok ako nang iharang niya ang isa niyang braso sa tagiliran ko at inilapit ang mukha niya, "But... I don't hurt girls, kaya ibang ganti na lang," he said and smirked.

"H-Ha? Sige," sagot ko. Halos maduling pa ako nang bigla niyang mas ilapit ang mukha niya! Isang dangkal na lang at maglalapat na siguro ang mga labi namin!

"Gusto mo malaman kung anong natutunan kong skills upon reading my favorite novels?" ngisi nito.

Lumaki ang mga mata ko at mabilis na umiling. Baka kung ano pa ang natutunan niya. Paano kung tungkol sa killer o psychopath ang favorite niya? Eh, 'di goodbye na sa akin!

"H-Hindi na lang pala, sige, gawin mo na lang akong alipin...hehe," pinilit kong ngumiti kahit na halata namang peke. "Aray!" napahawak ako sa ulo ko nang mahulugan ito ng libro! Dinig ko ang pagtawa ni Lorenzo habang nakapikit na hinihimas ko ang parteng natamaan.

"Nananadya ka ba?!" inis kong sigaw rito.

Inosente niya akong tinignan.

Duh! 'Di bagay sayo maging inosente.

"It wasn't me," nakangiti nitong sagot na animong wala pang nagagawang kasalanan sa buong buhay niya. Ganoon siya kabait tignan kapag nakangiti siya.

Akma ko siyang sasagutin nang tumingin ito sa wrist niya na wala namang watch, "Oh, look at the time...we better take the students to their respective rooms," biglang aniya at mas mabilis pa sa alas kwatro na lumapit sa students at tinawag sila.

Makatakas lang, 'no?

Sumunod ako sa kanila papunta sa building ng juniors.

"Tara, lunch?" biglang aya niya nang maihatid ang freshmen. Kaswal lang naman ang pagkakasabi niya. 'Yong tipong kahit umayaw ako ay wala siyang paki.

"No thanks, kasabay ko si Dayzelle," sambit ko at nauna sa cafeteria nang hindi siya nililingon. Bahala siya sa buhay niya!

"Dayz!" tawag ko rito na para bang ilang taon kaming hindi nagkita. Umupo ako sa harap nito.

"Uy, ikaw ha? Dumadamoves ka kay Vice Pres," tukso nito.

"Kilala mo siya?"

"Mm. Kanina lang pagkapasok ko sa room. Classmate rin pala natin siya, kaya excused daw kayong dalawa kanina sabi ni sir. Yieeh! Kamusta ang trip?" may bahid ng pang-aasar niyang sambit. So, alam niya na pala?

Sasagot na sana ako nang may sumulpot sa tabi ko mula sa kung saan.

"Care for me to join you?" nakangiti nitong tanong. Nako! Kung 'di niya lang sinabi kung ano ang paborito niyang genre kanina, iisipin kong inosente ito. Wala sa hitsura niya ang magbasa ng ganoong genre. Wala talaga.

"Sige lang, upo ka lang." Si Dayz ang sumagot. Nginiwian ko ito ay nagpatuloy na lang sa pagkain ko. Parang ako pa ang na out-of place dahil panay ang kwentuhan nila.

Hanep, dapat pala ako na ang umalis. Nagmumukha akong joiners, eh.

Pinaglaruan ko ang soup na nasa harap ko sa kawalan ng magawa. Natigilan lang ako nang biglang may maglapag ng sandwhich sa harapan ko.

"You want some? May nutella 'yan." Gusto kong isipin na normal lang ang pag alok niya, kaso may diin eh...parang may something talaga.

"A-Ayaw ko ng nutella." Baka may lason pa 'yan.

"Talaga? Anong gusto mo?" ewan ko ba kung may ubo ang utak ko pero parang iba talaga ang ibig niyang sabihin! Huhu tigilan niya ako! His voice was too innocent! At alam kong hindi siya gano'n.

"Strawberry jam?" aniya na ikinailing ako. "Peanut butter then." Mabilis din akong umiling. "White chocolate spread?"

"Di ako mahilig sa chocolate," nakasimangot kong sagot.

"Oo! Hindi yan mahilig sa sweets! Ewan ko ba sa kanya, mahilig sa bitter," singit ni Dayz na pinandilatan ko ng mata. Hindi kaya ako mahilig sa bitter. Sa maalat ako!

"Okay. now I know." Nakapangalumbaba niya akong tinignan. "How bout Ru-"

"Kakainin ko na!" pigil ko sa kanya! 'Di na kaya ng utak ko ang kakulitan niya!

"Ano? You'll eat what?" nakangisi nitong tanong habang nakapangalumbaba pa rin.

"Y-Yung sandwich, with n-nutella, hehe."

Nakasimangot kong sinubo ang sandwich na dala niya. Mapilit. At feeling close, ha! Matapos niya akong gawing alipin? Bigla-bigla sasabay sa amin mag-lunch?

Wala ba siyang mga kaibigan?

"Wala ka bang mga kaibigan, ha?" tanong ko na ikinatigil niya sa pagkain. Sandali pa niyang nginuya ang laman ng bibig niya bago lumunok at tumingin sa ibang direksyon.

"Have you seen anyone with me now?"

"Maliban sa 'min ni Dayz, wala."

"Then, wala. I don't need friends," sagot niya kaya napatingin kami ni Dayz sa isa't-isa.

Ah, siya 'yong lonely boy type. Okay rin. Mala main character ang peg.

"Ayaw mo ng friends? Eh, bakit ka nandito kung ngayon?" tanong ni Dayz. Oo nga naman. Kung hindi niya kailangan, ba't nandito siya?

Inirapan niya kami, "I said, I don't need any. I didn't say anything about not wanting to have friends. Bakit, ayaw niyo akong kasama? I don't mind leaving," sambit niya at akmang tatayo nang hawakan ko ang palapulsuhan niya para pigilan siya.

Bakit ko siya pinigilan? Nakakagulat naman 'tong kamay ko! Taka niyang tinignan ang kamay kong nakahawak sa palapulsuhan niya kaya agad akong napabitaw.

"A-ah, sige, alis ka na pala," pagbawi ko kaya tuluyan siyang naglakad palayo nang hindi dinadala ang pagkain niya.

"Psh, kunwari ka pa, ha," natatawang komento ni Dayz kaya napasimangot ako.

Ang weird ng lalaking 'yon. Ang hirap basahin. Pa weather-weather kasi ang ugali niya.

"Come to think of it...pamilyar nga siya, Bes," dagdag ni Dayz kaya napalingon ako sa kanya. "Mukhang nakita na natin siya noon, pero hindi lang natin napansin. Ngayon lang natin naging classmate, eh."

"Mukha nga..." Pamilyar din naman siya para sa akin. Hindi ko lang matukoy kung saan ko siya nakita.

***

"Meeting on friday afternoon," tipid nitong sambit habang abala ako sa pagsusulat. Hays, bakit ko nga ba siya katabi ulit?

Kasalukuyan kaming nasa classroom at math pa naman ang subject kaya kailangan ko mag focus. Nasa pinakaharap pa naman ang upuan namin kaya kaharap lang namin si sir.

Bakit parang mas malaki pa ang ambag ko sa council kaysa sa mga totoong student council? Ang unfair, ha! Wala akong extra points para sa efforts ko.

"Hindi pa ba tayo quits? Ilang araw na rin kitang napagsilbihan, ah? Mag tu-two weeks na," nakasimangot kong saad habang nakatingin sa subject teacher. Para kunwari nakikinig ako.

"No, not yet. I still need an assistant. Especially that the acquaintance party is right around the corner," sagot niya habang nagsusulat sa notes. Napalingon ako doon at gusto ko biglang hiramin ang kamay niya dahil ang ganda ng penmanship niya!

"Grabe ka pala mag hold ng grudge? Pang matagalan talaga, eh, no? Kaya siguro hanggang ngayon, asta brokenhearted ka pa rin. Siguro 'di ka pa nakakamove on," natatawa kong bulong kaya nakita ko kung paano siya nagkamali sa pagkopya ng lesson.

Ha! Guilty! Marupok 'to...

Inis niyang ginamit ang correction tape niya. Ako na ang naawa sa papel dahil sa pagkaka diin niya rito na animong may galit siya sa kawawang papel.

"You know... I was about to call it quits after the acquaintance party, guess I'll have to extend your punishment."

Hala, b'wisit. Ang galing mo self. Tanga! Dapat pala naging sipsip ako!

---

"Hindi ako sasali sa acquaintance?!" may bahid ng pagkadismaya sa tinig ko.

Nalaman kong dahil parang parte na ako sa council (kahit walang extra points), hindi na ako makakasali sa mga ganap dahil makakasama ko ang council sa mga tasks nila. Ni hindi na ako mag-aabalang magka-date sa acquaintance dahil wala, parang 'di rin naman ako kasali. Well, as if naman din may aaya sa 'kin na maging date.

Nakita ko kung paano ako singhalan at ilingan ni Adella. Nasa student council office kasi kami. Nag-me-meeting. Kanina pa nga kaming pasikreto na iniirapan ang isa't-isa. Halos hindi ko na nga maalala kung bakit masama ang loob naming dalawa sa isa't-isa.

"Pasensya na, Kythe, ah? Nadamay ka pa. Kung may volunteers lang sana para sa tasks hindi mo na 'to kailangan pang gawin, kaso wala, eh," kalmadong sambit ng Presidente ng council. Ang lambot ng boses niya sa akin.

Buti pa 'tong si Darlene. Mabait.

"'Wag kang mag-alala, Kythe. 'Di ka naman nag-iisa, eh. Tignan mo ako, ilang taon na ba nasayang ang g'wapo kong mukha? Madaming naghihintay d'yan na maka date ako. Kaso wala, eh, anong magagawa ko? Masyado akong responsable. Masyadong busy. Wala na akong panahon para-"

"Tumigil ka nga, Blue. Pa-cute lang naman ang ambag mo," singit ni Candice sa pagdada ni Blue.

"Ha! Kung pa-cute lang man ang ambag ko, at least may ambag!" paglaban ni Blue at parang bata pa itong sumimangot at pinagkrus ang braso.

"Okay, that's enough," suway ni Lorenzo kaya tumikom silang lahat. "All of us should be at the venue 5 hours before the party could even start."

Hays, baka haggard na ako sa oras ng party. Naka-assign pa naman ako sa decorations.

Sa monday ng hapon kasi gaganapin ang acquaintance party. Ala sais mismo ng hapon.

---

Ala una pa lang ay nandoon na kami. Buti at dinala ko na agad ang susuotin ko kaya hindi ko na kailangan pang umuwi. Si Dayz ay umuwi dahil masyadong malaki ang dress niya para dalhin. Halos lahat nga ng students ay umuwi para makapag handa. Half day lang naman kasi.

Manipis at simpleng pink spaghetti top with white cardigan at plain white round skirt lang naman ang dala ko. Hindi na ako nag-abalang mag dress ng bongga dahil ma-b-busy lang din naman ako.

"Kulang. Can you raise up pa? It's not symmetrical," utos ni reyna Adella mula sa baba habang sinasabit ko ang mga tela sa ceiling ng stage.

Hays, siya kaya dito? Tutal mas matangkad naman siya. Nakakatakot kaya gumalaw dahil baka ma-out of balance ang pinapatungan kong ladder.

Kahit hirap man ay mas itinaas ko pa ang tela. Napatihin na ako para ma-itaas ko lang!

"There! That's better!" sigaw niya kaya kinuha ko ang thumbtacks mula sa dulo ng bibig ko at hirap itong nilagay para hindi na maalis ang tela.

Ayoko na. Dapat pala tumakbo na ako bilang council. Mas malaki talaga ang ambag ko, eh!

"Are you done?"

"Ay! Hala!" Nagulat ako nang makaramdam ng presensya mula sa likuran ko dahilan ng pagkahulog ko! "A-Aray..." shuta... ang sakit ng likod ko!

Unang bumagsak ang puwetan ko kaya ramdam ko ang pagmamahid nito.

Agad kong nakuha ang atensyon nila kaya mas lalo lamang lumala ang pakiramdam ko. Para akong maiiyak sa sakit! Ang sakit ng balakang ko! Nabalian yata ako ng buto!

"What are you doing? Tsk. 'Di kasi nag-iingat." At talagang nagawa niya pa akong pagalitan bago yumuko para tignan ang kalagayan ko. Ni hindi siya nag-effort na saluhin ako. Kainis, ah.

Pag nabaril kaya ako, mag-papanic 'to? Baka pagalitan pa ako kasi 'di ako umilag.

"Oh my gosh, Kythe! Okay ka lang? You're hurt!" boses ni Darlene kaya napakagat ako sa ibabang labi ko. Nakakahiya.

Ginamit ko ang palad ko para maibalanse ang sarili ko nang sinubukan kong tumayo. Kaso mas lalo lang yata kumirot ang likod ko!

"Shit," dinig kong pagmura ni Lorenzo bago ako hinawakan sa baywang ko habang ang isa niyang kamay ay nasa braso ko. Inalalayan niya akong tumayo. Para akong maiiyak dahil sa iniinda kong pagkirot ng likuran ko. Tanga kasi.

"Ayon, sir, oh!" boses ng isang bata mula sa labas ng gym. Si Blue. Hila-hila niya ang isang lalaking teacher na nag-g-guide rin ng council. Si sir Terence. Bata pa ito at mukhang kaka-graduate lang 2 years ago. May hitsura rin.

"What happened here?" Agad itong lumapit sa amin.

Ramdam ko kung paano humigpit ang hawak ni Lorenzo sa baywang ko. Ang isa niyang kamay ay naka-alalay sa kamay ko para hindi ako matumba. Sinubukan kong huwag isipin na mala-romance 'to. Hirap man ay inisip kong walang meaning ang lahat. Walang patutunguhan. Minsan talaga, ang sarap din ibagok ng ulo ko, eh. Kailangan ko na yata tigilan ang pagbabasa ng novels. Masyado na akong feeling main character.

"Are you okay? What happened?" Tuluyang naka-akyat si sir sa stage at sinipat ako ng tingin.

"Nahulog siya sa hagdan, sir!" sumbong pa ni Blue.

"What? Dapat next time, mag-iingat kayo. Come, let's bring you to the clinic." Akma akong hahawakan ni sir Terence nang hilain ako palayo ni Lorenzo kay sir.

"It's alright sir, I'll bring her," may diin pa niyang sambit at inalalayan ako pababa ng stage. Tumulong din si Blue kahit na tinataboy siya ni Lorenzo.

Pagkalabas namin sa gym ay tuluyan na kaming iniwan ni Blue. Tinawag kasi siya ni sir.

"Dahan-dahan," reklamo ko nang bilisan niya ang paglakad.

He sighed, "Tsk, he should've been suspended already," dinig kong bulong niya sa ere.

"Sino?"

"Nothing. Sa susunod kasi, mag-ingat ka." Wow, anong konek?

"Concerned ka ba?" kunwaring asar ko.

"Hindi naman. I just know that I'll be the one to blame if ever something bad happens to you while performing council duties. Ayaw ko ng sagabal."

Ay.

---

Dahil sa disgrasyang nangyari kanina, nakaupo na lang tuloy ako ngayon sa isang tabi.

"Okay ka lang ba talaga, bes? Gusto mo bang umuwi?" Hindi ko alam kung ilang beses na 'yan tinanong ni Dayz. Umiling lang ako at ngumiti.

"Okay lang ako. Sayang ang effort kung uuwi pa ako. Malapit na ang sayawan. Sayang naman, baka ikaw ang maging face of the night," natatawa kong biro kaya napatango siya.

"Sabagay. P'wede," puno ng kumpyansa niyang sambit. Sana ako rin, may kumpyansa sa sarili tulad sa kanya.

Hindi ko kasi kaya. Hanggang pagpapanggap lang naman ako o biro. Pero alam ko sa sarili ko na hindi naman talaga ako kagandahan. Ewan ko ba sa mga nagkakagusto sa akin. Ang weird ng taste.

"Here," Biglang may lumapag ng plato na puno ng desserts sa harap namin. Si Lorenzo na nakasuot ng night blue dress shirt at black pants. Simple lang, pero ang lakas pa rin ng dating niya.

"Salamat!" ngingiti-ngiting ani Dayz sabay tingin sa akin ng nakaka-asar. Ewan ko rin ba at panay ang asar niya sa akin at kay Lorenzo.

Alam ko naman ang hangganan ko. Out of league ang isang 'yan.

"Does is it still hurt? Can you walk?" mahinang tanong niya at umupo sa tabi ko. Mukhang sinsero naman siya kaya inayos ko ang pag sagot.

"Kaya pa naman. Baka bukas, mawala na 'to,"

"Nako! Pag si Kythe, hindi gumaling bukas, lagot ka sa papa niya. Doctor pa naman 'yon. Strikto pa. Lagot ka Lorenzo," pananakot pa ni Dayz na agad kong sinuway.

"So your father's a doctor? Ipa-check mo sa kanya ang kalagayan mo pagkauwi mo." Bigla niya na lang tinapik ang likuran ko. Bagay na ikinagulat ko. "Why do you get so surprised, easily?" taka niyang tanong at inalis ang pagkakahawak sa likod ko.

Come to think of it, oo nga. Pansin ko rin na pagdating sa malalakas o biglaang tunog o pangyayari, normal na sa reaksyon ko ang magulat na may halong pagnginig. Ang weird.

"Guess... I'll have to lessen your punishment."

To be continued..

Previous
            
Next
            
Download Book

COPYRIGHT(©) 2022