Turning Back To My
img img Turning Back To My img Chapter 5 Jhon's story
5
Chapter 6 Lovely vs. Nicole img
Chapter 7 Sundo img
Chapter 8 Pangamba img
Chapter 9 Selos img
Chapter 10 Simula img
Chapter 11 Pag-aalala img
Chapter 12 Surpresa img
Chapter 13 Muntik img
img
  /  1
img

Chapter 5 Jhon's story

"MAY bago tayong kasama." Sabi sa kaniya ni Ellen. Nasa loob na sila ng opisina.

"Siya ang kapalit ni Raul. Ang pogi!" Medyo kinilig si Ellen.

"Talaga?" Aniya. "Nasaan siya?"

"Kausap si sir."

"Mas pogi ba yan kay Anthony?"

"Medyo lamang lang sa kaniya si Anthony. Pero magkaiba ang kanilang appeal."

"Kapag niligawan ka no'n, huwag mo nang pakawalan."

"Talaga," Ani ni Ellen. "Matagal ko na ring gustong magka-jowa , 'no?" Natawa ito.

"Ngayon na ba siya magsisimula?"

"Oo."

Nang pumasok sa opisina ang kanilang pinag uusapan ay napalingon sila rito. Kasabay nito ang kanilang EIC. Lumapit ang mga ito sa kanila. Ipinakilala ng kanilang Editor si Jhon. Tapos saka nito itinuro kay Jhon ang magiging puwesto nito.

Umupo si Jhon sa kaniyang lamesa. Itinuro ni Mr. Alcantara ang mga dapat gawin nito.

"Lovely ano masasabi mo?" Bulong sa kaniya ni Ellen.

"Wala pa rin siyang sinabi kay Anthony." Saad niya at napangiti.

"Nako, alam ko naman hindi mo yan ipapanalo, e." Pagbibiro ni Ellen.

"Syempre, mahal ko Yun e."

"Ang sarap talaga ng may nagmamahal 'no?

"Sinabi mo pa."

Napatingin si Ellen Kay Jhon habang nag uusap ang dalawa.

"Kaya pag niligawan ka niya wag mo na pahirapan pa, sagutin mo na agad." Aniya kay Ellen.

Napatingin sa kaniya si Ellen. Nanatili lang itong naka ngiti habang pinagmamasdan si Jhon.

Pagsapit ng break time ay lumapit sila kay Jhon.

"Hindi ka ba mag mimeryenda?" Tanong ni Ellen kay Jhon.

"Sige," aniya ni Jhon at tumayo ito. "Sasabay na rin ako sa inyo."

Magkakasunod silang lumabas ng pintuan. Nauna sa kanila ang iba nilang kasamahan. Pagdating nila sa cafeteria ay magkasama silang umorder ng meryenda.

"Ako nalang ang magbabayad ng sa atin, ha?" Sambit ni Jhon sa kanila.

"Hindi ka pa nga nakakasahod nanlilibre ka na agad." Pabirong sabi ni Ellen.

"Okey lang," sagot ni Jhon. Binayaran na nito ang kanilang inorder at magkakasama silang kumain sa may bakanteng mesa.

Napansin ni Lovely na laging nakatingin sa kaniya si Jhon. Nginitian na lamang niya ito. At napangiti na rin lang si Jhon sa kaniya.

"Matagal na ba kayo?" Tanong ni Jhon .

"Ako, mag dadalawang taon na ." Sagot ni Ellen.

"Ako naman mag lilimang taon na," Sabi ni Lovely sa kaniya.

"Ah so, matagal na pala kayo rito." Sabi ni Jhon.

"Ikaw?" Bago ka nakapasok dito saan ka dati nag tatrabaho?" Tanong ni Lovely sa kaniya.

"Three years akong naging editor sa isang F&M Publishing Company." Sagot ni Jhon. "nang maibenta ang company na iyon umalis na rin ako."

"Kaya pala madali kang matanggap," saad ni Lovely. " Dahilan experience kana."

"May asawa kana ba?" Tanong ni Lovely kay Jhon.

"Wala pa." Sagot nito.

"Girlfriend?" Sabi naman no Ellen.

"As of now ,zero ako," bahagyang sumuko si Jhon.

Napatingin si Lovely kay Ellen. Napatingin din si Ellen kay Lovely at nag ngitian sila.

"Pareho pala kayong single nitong friend ko," aniya. "Pareho kayong loveless." Napangiti ito.

"Ikaw may boyfriend kana,"tanong ni Jhon kay Lovely.

"Oo." Sagot ni Lovely. " Pupunta siya dito mamayang hapon ipakilala kita sa kaniya."

"Sige," sagot naman ni Jhon. "Para madagdagan na naman ang kaibigan ko. Gusto ko kasi ng maraming kaibigan."

"E....di friends na tayo mula ngayon," pagsisingit ni Ellen.

Napatawa siya. " Salamat," saad ni Jhon.

"Kayo lang?' tanong ni Lovely.

"Tayong tatlo syempre," Sabi ni Ellen at tumawa ito.

"Salamat naman at tinanggap niyo ako bilang bagong kaibigan." Sambit ni Jhon habang nakatingin Kay Ellen at Lovely.

"Siya nga pala," ani ni Lovely. " Wala kabang balak na palitan ang ex-girlfriend mo?"

"Wala pa akong nakikilala na mas mababa sa kaniya, e.". Sagot nito.

"Bakit?, Papalitan mo lang ba siya kapag nakakita ka na ng mas mababa sa kaniya?" Tanong ni Ellen may Jhon.

"Oo." Sagot nito. " Ayaw ko na kasing taas niya. Hindi kami bagay, d ko siya abot kumbaga hindi kami compatible." Dagdag pa nito.

Nagkatinginan sina Lovely at Ellen.

"Okay lang ba sa iyo na napag-uusapan natin siya?" Tanong ni Lovely.

"Ayos lang naman." Sagot nito.

"Bakit na kayo naghiwalay ng girls friend mo?" Tanong ni Ellen sa kaniya.

"Napakataas na kasiya niya, hindi kona siya maabot," sagot ni Jhon. " She's a Doctor, since naging doctor siya napakababa na ang tingin niya sa akin."

"Paano mo naman nasabi na mababa ang tingin niya sayi?" Tanong ni Lovely kay Jhon. '"gayong isa ka namang editor."

"Yes," sagot ni Jhon. "I'm an editor. Pero bago ako naging editor, nagsusulat na ako ng mga tagalog na tula. At hanggang sa ngayon ay iyon pa rin ang libangan mo sa Gabi habang Hindi pa ako inaantok."

"Talaga?" Halos sabay na sinabi nila Ellen at Lovely.

"Oo." Sagot ni Jhon. "Katunayan nga ay may naipublish na akong mga libro." Dagdag pa nito.

"Ang galing naman." Sabi ni Ellen.

"E, saang publication ka naman dati?" Tanong ni Lovely.

" Sa F&M company." Sagot ni Jhon ' at nong hindi pa nila na ibebenta ang company sa kanila ako nag papublish." Aniya pa nito. " Tsaka nong naka graduate na ako inalok nila ako maging editor kaya napasok ako sa kanila bilang Isang Editor sa loob ng tatlong taon."

"Biswal to inspire you Book 1&2." Aniya habang naka ngiti.

"Ikaw ba yon?" Halos sabay na sambit nila ni Ellen at Lovely.

"Bakit? Nakabasa naba kayo ng mga sinulat ko?" Tanong ni Jhon.

"Oo, sabay ulit na sagot nilang dalawa.

"Ano ba masasabi niyo sa mga sinulat ko?" Tanong ni Jhon sa kanila.

"Ako, isa lang masasabi." Sagot ni Ellen. " Maganda."

"Talaga?"

"Oo."

"Ikaw Love?" Tanong ni Jhon.

"Huh?".

"I mean ikaw Lovely." Ano masasabi mo sa mga sinulat ko?" Tanong ni Jhon.

"Maganda, tsaka maraming napupulutan ng aral, very realistic, hugot na hugot , talagang tagos na tagos bawat salita sa mga tula mo." Sagot naman ni Lovely.

"Talaga? Baka binobola niyo lang ako." Saad ni Jhon.

"Bakit ka naman namin bobolahin? E totoo naman ang gaganda ng mga sinusulat mo." Saad ni Ellen.

"Alam mo dapat siguro mag palit nalang tayo ng trabaho," Ani ni Lovely. ", Ikaw nalang humawak sa editorial tapos kami nalang sa Magazine at books."

" Si sir lang makakapag decide niyan." Aniya ni Jhon.

" Sabagay ."

" Nga pala bakit mo naman pala nasabing mababa ang tangin sayo ng ex girlfriend mo? E Isa kang editor at the same time poet. " Tanong ni Ellen Kay Jhon.

"Kasi nga Doctor siya, at syempre iniisip non, mas mataas ang propisyon niya kesa sa isang editor at poet." Sagot ni Jhon.

" Paano ka ba niya tratohin ? Sinabi ba niya na hindi kayo bagay kasi isa siyang Doctor at Ikaw isang editor at poet lang." Tanong ulit nito may Jhon.

"Hindi naman," sagot nito. "pero kase wala siyang pagpapahalaga sa mga sinusulat ko l. Hindi raw kase siya nagbabasa ng tagalog na mga tula. Lalo na ng hindi tungkol sa mga sweet love o kaya love story. Napaka baba ng tingin niya sa tulang isinusulat ko. Kung hindi niya pinapahalagahan ang mga sinusulat ko pa ano ko siya gagawing inspiration? At sa pakiramdam ko, kung gaano kababa ang tingin niya sa mga tulang sinusulat ko, ganon din kababa ang tingin niya sa akin. Dahil sa totoo lang, matagal din akong nabuhay sa pagsusulat ng Tula. At hindi na ako titigil sa pagsusulat hanggat kaya ko. Itutuloy ko pa rin kahit wala na siya."

Nagtinginan sina Lovely at Ellen.

" Napakataas nga niya." Ani ni Lovely.

" Kaya nga minabuti ko nalang na kumalas sa kaniya." Sagot ni Jhon. " Para makatagpo siya ng lalaking kaseng uri niya o kasing taas niya." Dagdag pa nito.

"Tama lang ginawa mo," saad ni Ellen.

"Siyanga pala," Ani ni Lovely. "Ano nga pala Pangalan ng ex mo?"

"Krizille Santos." Tugon nitom

"Akala ko galing sa siya sa pamilyang mayayaman at mataas ang tingin sa sarili." Ani ni Lovely at napatawa siya.

" E anong klaseng babae naman ang gusto mo ngayon?" Tanong ni Ellen.

"Iyong kauri ko lang," sagot ni Jhon. "Para maging compatible kami. Ang puso ko nga, e... Iyong number one fan ko. Para maging inspiration ko siya." Dagdag pa niya.

"Naku, ha?" Ani ni Lovely. " Paano niyanM" e number one fan mo itong kaibigan ko " tumingin siya kay Ellen. Napatingin Naman si Ellen Kay Jhon at napangiti ito.

Nagkatinginan silang tatlo at nag tawanan.

Matapos silang mag meryenda ay bumalik na sila sa opisina. Umupo sila sa kani- kanilang pwesto.

"Mukhang sa iyo may crush si Jhon." Sambit ni Ellen Kay Lovely.

"Bakit?" Tanong niya .

"Sayo lagi siya nakatingin e."

"Tumingin din naman siya sa iyo kanina a."

"Pero mas madalas siya tumingin sayo."

"Hinaan mo pa boses mo. Baka marinig ka e." Bulong ni Lovely kay Ellen.

"Paano iyan? Paano kung ikaw ang ligawan niya?". Tanong ni Ellen.

"Hindi mangyayare yon,"sagit nito. " Alam na niya na may boyfriend na ako e."

"Halimbawa niligawan ka pa nga niya?" Sasagitan mo pa ba siya?" Tanong ni Ellen.

"Hindi na. Mahal na mahal ko si Anthony. Ibibigay ko nalang siya sayo." Saad nito

"Sabi mo yan, ha?"

                         

COPYRIGHT(©) 2022