Turning Back To My
img img Turning Back To My img Chapter 3 Pagsuyo
3
Chapter 6 Lovely vs. Nicole img
Chapter 7 Sundo img
Chapter 8 Pangamba img
Chapter 9 Selos img
Chapter 10 Simula img
Chapter 11 Pag-aalala img
Chapter 12 Surpresa img
Chapter 13 Muntik img
img
  /  1
img

Chapter 3 Pagsuyo

LINGGO ng umaga, nakita niya ang kotse ni Anthony ng lumabas siya sa loob ng isang mall. Nang makita siya nito ay agad itong nilapitan ni Anthony ngunit iniwasan niya pa rin ito at umalis palihis ng ibang direction.

"Lovely, huwag mo naman akong iwasan oh," Ani ni Anthony habang humahabol sa kaniya. "Gusto lang naman kita makausap e, "

Hindi niya pinapansin si Anthony, tuloy tuloy lang siya sa paglalakad.

Hinawakan siya ni Anthony sa kanang kamay.

"Lovely, Please! "Wika nito.

"Bitiwan mo nga ako," aniya at pilit niyang inaalis ang kamay ni Anthony sa pagkakahawak sa kaniya.

"Hindi kita bibitawan."

"Tatawag ako ng pulis."

"O sige tumawag ka. Tignan natin kung may pulis na makakarating sayo."

Napahinga siya ng malalim. "Ano pa ba ang pag uusapan natin?" Inis na tanong niya Kay Anthony.

"Pwede bang doon tayo sa kotse ko,? Saad ni Anthony. " Ihahatid na tuloy Kita."

"Ayokong magpahatid sa iyo. Kaya Kong umuwing mag-isa."

"Paano tayo makakapag usap ng maayos dito?"

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin."

"Okay, mahinahing sambit ni Anthony. "Kung talagang gusto mong dito na lamang tayo mag usap, sige. Dito na lang tayo mag usap ."

Napatingin siya kay Anthony. Parang nakuha nito ang ibig niyang mangyari.

Hinawakan nito ang kaniyang kanang kamay.

"Doon na tayo sa kotse." Sabi nito

Wala siyang nagawa kundi ang sumakay sa kotse ni Anthony.

"Ano pa ba ang pag-uusapan natin?" Tanong niya.

"Tungkol sa atin" sambit ni Anthony.

"Tapos na ang lahat sa atin."

"Hindi ako makakapayag."

"Ayo'ko na, e . Ano pa ba ang magagawa mo?"

Pinaandar na ni Anthony ang kotse. "Hindi pa rin kita titigilan."

"Doon ka nalang kay Nicole."

"Iniwan ko na siya."

"Lalo kang mawawalan kapag iniwasan mo siya."

"Hindi ako mawawalan."

"Bakit, bukod ba Kay Nicole, mayroon ka pa bang iba?"

"Oo."

"Sino?"

"Ikaw." Napatingin sa kaniya si Anthony.

Nakadama siya ng kasiyahan sa sinabing iyon ni Anthony. Parang gusto na niyang mapangiti. Pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Baka Kasi makahalata si Anthony na wala talaga sa loob niya ang ginagawa niyang pag-iwas dito.

"Naipangako ko na sa iyo na iiwasan ko na si Nicole, at tutuparin ko ang pangakong iyon." Aniya ni Anthony.

"Wala na akong pakia alam kahit pa iniwasan mo siya."

"Ganon na ba kalaki ang pagkamuhi mo sa akin?"

"Higit pa sa iniisip mo."

"Talaga bang hindi mo na ako mapapatawad?"

"Hindi na."

"Wala ka na bang nararamdaman para sa akin?"

"Wala na."

"Talaga?" Nakangiting napatingin sa kaniya si Anthony.

Nagtaka siya. Pero medyo kinabahan siya. Iniisip niya na baka nahahalata siya ni Anthony na umaarte lamang siya.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong niya.

"Hindi naman ako tumatawa a," saad ni Anthony. "Nakangiti lang ako."

"Bakit ka nga ngumingiti?"

"Sabi mo kasi wala ka nang nararamdan para sa akin."

"Kaya ka natawa? dahil sinabi kong wala na akong nararamdaman para sayo."

"Oo. 'di ba galit ka sa akin? At iyon ang nararamdaman mo para sa akin. Sabi mo kanina ay wala ka ng nararamdaman para sa akin. Ibig lamang sabihin nito ay hindi kana galit sa akin."

"Sira!" Napanguti rin siya. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin, 'no?"

"Hay salamat," sambit ni Anthony. "Ngumiti na."

"E ano ngayon kung ngumiti ako?"

"E di hindi ka na galit sa akin."

"Iyan ang akala mo."

"Hindi ko na akala yon. Dahil ang akala ko, hindi totoo. Samantalang ang nakikita ko sayo, iyon ang totoo."

"Alin ang totoo?"

"Yong hindi kana galit sa akin."

"Paano mo nasabing hindi na ako galit sa'yo?"

"Nakikita ko sa iyong mga mata. Madali namang makita sa mga mata ang tunay na nararamdaman ng puso, hindi ba?"

Hindi siya nakasagot. Dahil sang-ayon siya sa sinabi ni Anthony. Totoong maitatago mo ang mga tunay mong nararamdaman sa pamamagitan ng iyong pananalita at paggalaw, pero hindi mo iyon maitatago sa iyong mga mata.

Napangiti sa kaniya si Anthony. Napangiti na rin siya. Hinawakan nito ang kaliwang kamay niya at nagpaubaya siya

"Baka mabangga tayo?" Sabi niya at tumingin siya sa unahan.

Binitawan ni Anthony ang kamay niya at nagfucos sa pagmamaneho. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ito ng tingin at madalas ay nagkakatinginan sila ng mata sa mata at nagkakangitian pa.

"Kumain kana ba? Magmeryedna muna tayo." Banggit ni Anthony.

"Busog pa ako, e" saad niya.

"Kahit kunti lang."

"Bahala ka."

Huminto sila sa tapat ng Jollibee. Pumasok sila roon at umorder ng sphagettii at burger. Habang kumakain sila ay nagkakangitian pa rin.

"Mamaya na tayo umuwi." Sambit ni Anthony

"Bakit? Saan tayo pupunta?"

"Mamamasyal muna tayo."

"Pagod na ako, sa ibang araw na lamang tayo mamasyal."

"O sige," aniya ni Anthony. " Sa Saturday. Maghapon tayo mamamasyal."

"May gagawin ako ng Saturday." Sagot ni Lovely

"Ano?"

"Pag iisipan ko pa." Napatawa siya

Napangiti naman si Anthony.

Matapos silang magmeryedna ay inihatid naman ni Anthony si Lovely sa kanilang bahay.

"Umupo ka Muna," Sabi niya at itinuro niya kay Anthony ang sopa sa may Sala. Na bahay na sila ni Lovely.

"Salamat," saad ni Anthony at umupo na.

"Sandali lang, ha? Magbibihis muna ako."

"Sige," aniya ni Anthony.

Pumasok siya sa kaniyang silid. Nagbihis siya ng damit. At nag shorts na lamang siya at itim na damit. Bumalik siya sa baba kung saan naroon si Anthony at umopo sa tabi niya.

"Wala ka bang gagawin ngayon?" Tanong niya.

"Wala naman."

"Baka hinihintay ka ni Nicole?" Napangiti siya.

"Hindi ko na alam ang papunta sa kanila."

"Ang sabihin mo kahit tulog ka, kaya mong pumunta sa kanila. Dahil kabisadong kabisado mo na ang papunta sa kanila." Napatawa siya.

"Talaga bang iniiwasan mo na siya?" Seryuso niyang tanong.

"Oo," saad ni Anthony.

"Paano kung siya naman ang humabol sayo?"

"Hindi ako magpapaabit sa kaniya," pagbibiro ni Anthony at napangiti.

"Sira ka talaga," aniya. " Pero seryuso na nga ako panay ka biro." Napapangiti siya.

"Akala ko kasi, nagbibiro ka pa rin," saad ni Anthony.

Ilang minuto silang nagkatitigan at kapwa sila nakangiti.

"Aasahan ko pangako mo, ha?" Habang nakatingin sa mata ni Anthony.

Tumango siya.

"Talagang iiwasan mo na siya ng lubusan."

"Hindi lamang iyan ang ipapangako ko sa iyo," saad ni Anthony.

"Ano pa?"

"Mula ngayon, hinding-hindi na kita sasaktan." Dagdag niya at hinawakan nito ang kaniyang mga kamay. Unti unti nag umapaw sa kaniyang puso ang kaligayahan habang nananatili silang nakatitig sa isa't isa.

Nag uumapaw ang kaligayahan ni Lovely habang naka higa siya sa may kama. At umaasa siya sa katapatan ni Anthony sa pangako nito sa kaniya.

            
            

COPYRIGHT(©) 2022