Gumising ako na kakaiba ang nararamdaman. I felt something inside me that I've onced felt before. . . Na ngayon ko na lang naramdaman ulit.
Changing and restarting of myself. . .
Ewan ko ba at sobrang ganado ako ngayon, gusto kong gawin lahat ng bagay na kaya ko. I want to do things I've never tried before. It's. . . like I'm really starting to open up again. . . a love.
Bumaba ako mula sa kwarto at kahit sa malayo pa ay amoy na amoy ko ang napakabangong bukas ata ng oven na may. . . may cookies!
Lumapit ako ro'n sa may kusina at nakita si Lexus na isinasalin 'yong cookies sa plato, 'yong iba naman ay don sa isang container.
"You're already up?" tanong niya nang makita akong papalapit sa kaniya. Itinigil niya 'yong pagsalin at ipinaupo ako sa upuan malapit sa countertop.
Tinitigan ko 'yong mga cookies. "What are these cookies for? Mukhang masarap, ah!"
He grinned at me. "As I always says, who is Lexus Merchalla, the son of five-star hotel's president? A head chef there, huh?"
Napatawa ako dahil sa pagmamalaki niya nang husto. Aamba na sana akong kukuha, pero pinigilan niya at tinapik 'yong kamay ko.
Nagiba ang ekspresyon ng mukha ko at bumungisngis. Napakadamot!
He just smiled at me and picked one of the cookies and offered it one for me. Isinubo niya sa bibig ko 'yong isang cookie.
"Tss, I baked these for you! Eat all you want, it's not that I'm stopping you," he teased. Kumuha pa ako ng ilan saka kinain 'yon.
It's just so sweet and delicious! I wonder on what things Lexus can't do. He can cook food, he can bake sweets, he can make you. . . blush.
"Ang sarap ng mga bini-bake at niluluto mo!" I complimented him after I ate one cookie.
He smiled playfully at me. "Paano ba 'yan, nagiging mayabang na talaga ako!"
I pressed his arms as I laugh. He really made my day happily!
"Dagdag points na ata pagiging chef ko sa isang PG, ah!" Binatukan ko kaagad siya nang pagtawanan niya ako.
Umirap ako sa kaniya at suminghal. "'Di kaya ako patay-gutom! Masarap lang talaga 'yong hinahain!"
Hindi na siya sumagot, bagkus ay nagpatuloy sa pagsalin ng cookies sa container. Sabado ngayon at wala akong gagawin. Though, I don't have any plans to do right now, not until he suggested one.
"Samahan mo ako, Astra. Ibigay natin 'to sa kapatid mong si Jenia. For sure, she'll love these!" Lexus suggested, which I totally agreed with.
Inilagay ko 'yong container sa food box at saka inilagay do'n sa table. Nagpaalam muna ako kay Lexus na maliligo muna para makapunta na agad kami ro'n.
I paired my sundress with dirty white long sleeve blouse. I only wear a flatsandal and waited for Lexus to finish dressing up.
Dinala ko na agad 'yong food box habang naghihintay kay Lexus dito sa gate. Ilang sandali pa ay lumabas na rin siya suot 'yong black trench coat at wholecut shoes.
Sumakay kami sa kotse niya at nag-drive siya papunta sa bahay ni Tita Raigne. After twenty minutes ay nakarating na rin kami sa bahay ni Tita Raigne.
Hawak-hawak ko pa rin 'yong container nang mag-doorbell ako. Saktong-sakto at pagkabukas ay si Keil ang bumungad sa amin.
"Ate! Buti naman at bumisita ka ulit. Si Jenia, Rean, at Tita, nasa loob!" Ibinaling niya ang tingin kay Lexus. "Pasok kayong dalawa."
Pagkapasok ko sa sala ay nakaupo ro'n si Rean kasama si Jenia habang nanonood ng kung ano sa laptop niya. Mukhang bumisita rito si Rean.
I felt jealous. . . Totoo talaga 'yong sinabi ni Jenia no'n. Na mas pipiliin niya si Rean. I want us to be close as we were before.
Napapikit ako ng marahan bago nagsalita. "Si Tita?" tanong ko, dahilan para bumaling ang atensyon ng dalawa rito malapit sa front door kung nasaan ako.
I avoided their gaze. . . Baka maluha lang ako kapag nakita ko si Jenia na ayaw sa akin. . .
"Nasa taas, ate. Tawagin ko lang." Binitawan niya ako at ibinigay muna sa akin 'yong container saka umakyat papunta sa taas para puntahan si Tita.
Hindi ko napansin na lumapit na pala si Rean sa akin at hinablot 'yong container saka binuksan.
"Jenia! May cookies! 'Di ba favorite mo 'to? Lalo. . . Lalo na kapag si Astra ang nag-bake," pagtawag niya kay Jenia na hindi pa rin umaalis sa couch.
Nabuhayan bigla ang diwa ko. . . Kailan pa niya natikman ang bake kong cookies? Oh! It was years ago. No'ng nagtira ako ng cookies at brownies for them before I brought mine for him before.
Umiling ako. "Hindi ako ang nag-bake niyan." Tiningnan ko si Lexus na nasa tabi ko lang. "Si Lexus. . ."
Tumango lang sa akin si Rean at kumain ng isa. Hindi nagtagal ay bumaba na rin si Tita. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit.
"Who are you with, Astra?" Napansin ni Tita si Lexus na nakatayo sa may front door.
"Ah. . ." Hindi ko alam! What should I tell Tita? Friend? Lover?
"Si Lexus po, Tita. . ." tanging sagot ko kay Tita.
Tumango lang siya sa akin. "Tamang-tama! Dito na kayo mag-lunch! I already cook food."
I invited Lexus at sabay kaming pumunta sa dining table. Until now, hindi ko pa rin nalilingon si Jenia.
"I guess you are Lexus. . . Mind if you tell me your last name?" usisa ni Tita kay Lexus habang kumakain kami.
"Lexus Merchalla Jr. po. Only child of Lexus Merchalla," he answered. Dahilan kung bakit nahulog ni Tita 'yong kutsara niya.
Nanlaki ang mga mata ni Tita, kaya napainom siya ng tubig. "Are you familiar with Merchalla's hotel located at Canada?"
Lexus simply nodded.
Ilang beses na napakurap-kurap si Tita, kaya agad siyang tinanong ni Rean.
"'My, okay ka lang ba?"
Tumango si Tita. "O-okay lang ako, anak."
Hindi ko na isinaisip 'yong reaksyon ni Tita pagkatapos naming kumain. Lumapit ako kay Rean at may ibinulong sa kaniya.
"Give those cookies to Jenia. . ."
Tumango siya at matamis ang ngiti sa akin. "I will make a way for you both to be close again."
I mouthed 'thank you' at her bago kami nagpaalam kay Tita na tulala pa rin hanggang ngayon.
"You are always welcome here, ha? Drive safely," tanging sabi ni Tita sa amin bago kami lumabas sa bahay.
I breath deeply. Hindi pa natatapos ang araw, but I now call it a good day for me.
"This day has been stated as our first date, then."
Gumising ako na buhay na buhay ang diwa ko. Tanging narinig at huling tumatak sa isip ko kagabi ay. . .
"Why don't you build your own bakeshop, Astra?"
Iyan ang sabi sa akin ni Lexus bago ako natulog. I can't deny that I know how to bake pastries. Cakes, brownies, breads, especially my skill in cookies.
Kaninang umaga pa ako nagtitingin sa Internet ng for rent na bakeshop dito lang sa Cagayan de Oro. Fortunately, sa Plaza Divisoria ay mayroon.
For now, magpapasama ako kay Lexus na pumunta ro'n sa Plaza Divisoria para tingnan 'yong shop.
"Hindi ko alam na gagawin mo 'yong sinabi ko kagabi. Good thing, though. You bake so good!" komplimento niya sa akin pagkababa namin ng kotse dahil nasa tapat na kami ng isang saradong bakeshop.
Sakto at dumating na rin 'yong may ari ng shop. I contacted her earlier and to discuss about this.
She opened the door of the shop. Pumasok kami ro'n, at ako naman ay diretsong nilibot ang bakeshop.
Not too small, not too wide. May sariling kusina at bakanteng-bakante. May mga muwebles na rin. Kung bibilangin ang sets ng upuan at table ay maaring nasa sampu.
"Not gonna lie to you, ma'am, but this place is really the good spot for you. Dahil malapit lang ang shop na 'to sa crossing, many people could take a look here," panimula niya at ipinasama ako sa isang room na nasa loob lang ng shop.
Binuksan niya 'yong pinto. "This room ma'am is good for two person. I personally created one for resting here." Nilibot ko 'yong espasyo. Kasing-laki ng kwarto na pwede na matulugan.
Sunod niyang in-explain sa amin ni Lexus ang settings sa shop. "About the chairs and table. I already organize these and packed already with the shop. Noon kasi ay café 'to and I decided to left these here for future purpose, gaya ngayon."
May cashier na ro'n sa harap na katabi lang 'yong glass kung saan inilalagay 'yong pastries. May stove with oven na rin do'n sa kitchen. Overall, ang kailangan ko na lang bilhin is tools for baking at ingredients.
Tumango ako sa kaniya. I actually like the shop. She also discussed me the usually billings of water and electricity.
Pagkatapos ng lahat ng in-explain niya sa akin ay sumangayon na rin ako. I also checked for her title in this shop and more.
"I'm so excited to start my business!" galak kong saad nang makasakay kami sa kotse niya.
I already paid the downpayment for the shop. Possibly, next week ay pwede ko na i-open ang bakeshop. Ang gagawin ko na lang ngayon ay mag-prepare ng kailangan for trials bakes ko.
Ngayon, nasa fourth floor kami ng Gaisano kung saan nando'n ang kitchen stuffs. Tulak-tulak niya 'yong cart habang sinusundaan ako sa mga dapat kong bilhin.
I bought two whiskers, one set of glass bowls, cup and spoon measure, at marami pa. Sobrang excited kong simulan ang business ko na 'to.
I failed to become an architecture, which I just realized that I am good at drawing, but arts aren't for me, to be true.
Sa tuwing gumagawa ako ng plates noon, I did enjoy a lot. Pero, kapag may oras ako na mag-bake? Sobrang sigla at dobleng saya ang nararamdaman ko kapag nagbi-bake ako.
Dumagdag na rin 'yong trabaho ko sa Canada noon do'n sa hotel. Paminsan-minsan naman ay sumisilip ako sa dirty kitchen do'n.
"I guess you are really tired now," bungad sa akin ni Lexus pagpasok namin sa kotse. Tapos na kaming bumili ng mga kailangan ngayon lang.
I smiled. "I am tired, but it's worthy. I am doing what makes me happy. . ."
Pagkatapos no'n ay nag-drive na kami papunta sa shop para ayusin ang mga 'to. He opened the door and helped me to bring these inside.
Dumiretso kami sa kusina at inilapag doon ang mga gamit. Tinulungan niya akong ilagay sa kusina 'yong mga binili namin.
"Water." Ibinigay sa akin ni Lexus ang isang bottled water. Hingal na hingal ako ngayon dahil katatapos lang naming ayusin ang kusina.
"Thank you," I mouthed before I drink up the water. Kahit papaano ay nawala ang hingal ko kaya umayos na agad ako para mag-bake for first time rito sa shop.
Tinulungan ako ni Lexus sa pagmi-mix ng ingredients sa bowl. Kanina pa siya tumatawa dahil punong-puno na raw ng harina 'yong mukha ko.
"Tumigil ka nga!" sita ko sa kaniya saka siya iniwan para ilagay sa oven 'yong cake na ginawa namin, para coating na lang mamaya.
Habang hinihintay naming matapos 'yon ay nilinis namin ang kalat sa kusina.
"I didn't expect that I'll be with you when you are making your way to your goal," aniya pagkabalik niya matapos niyang itapon 'yong black plastic bag na may mga kalat.
I bit my lips slightly. "You were with me when I was feeling nothing. So, it's already expected you by my side when I'm finally reaching my dreams. . . It's all thanks to you."
His head shrugged. "Nah, you should thank yourself for being okay. Afterall, it was yourself who decided to be better."
I frowned my brows. "Okay, okay!" Tumalikod na ako dahil tumunog na 'yong oven. Isinuot ko 'yong gloves bago binuksan 'yong oven. Ang bango!
I immediately placed the cake on the top and let it cool for minutes. Lexus and I prepared the coating and icing for the cake.
Dahan-dahan kong nilagyan ng purple coating 'yong cake at ipinaikot 'yon para ma-coat lahat.
"Ako na sa designing," suhestyon ni Lexus habang hawak-hawak 'yong icing. Tumango lang ako sa kaniya.
Siya naman 'yong lumapit at nagsulat ng kung ano sa gitna ng cake. Nang matapos siya ang lumapit ako para tingnan kung ano ang inilagay niya.
'Our second date.'
Umawang ang bibig ko nang mabasa ang isinulat niya saka siya hinarap na malaki ang ngiti.
"This cake will symbolize our second date, then."