Kinaumagahan matapos kaming magkita ni Fereo ay nagbihis agad ako at nagplanong pupunta ulit kina Tita Raigne. Nagsuot lang ako ng simpleng fitted dress bago pumunta ro'n.
Hindi na ako nagpasama kay Lexus dahil marami pa siyang gagawin at ayaw kong makaabala pa sa kaniya.
I pressed the doorbell at agad na nagbukas no'n ay si Tita Raigne. "Astra! Hindi ka nagsabi na pupunta ka. Pasok ka."
Niyakap ko muna si Tita bago pumasok. Hindi talaga siya nagtatanda, ah! Sobrang dalaga pa rin ang mukha niya.
"Upo ka muna," aya niya sa akin at pinaupo ako sa may sala. "Noong isang araw daw, pumunta ka rito? Sayang at hindi kita naabutan."
Pumunta muna siya sa kusina para kumuha ng juice at cookies do'n. Ayaw ko nang kumain pa no'n dahil may mapait akong alaala ro'n.
Bumalik siya dala-dala 'yong juice at cookies na nakalagay sa plato. For the first time in almost four years of neglecting to taste cookies again, ngayon na lang ako kakain nito.
Alam kong ibang cookies 'to dahil marunong mag-bake si Tita ng pastries. "Hindi pa rin nagbabago ang pag-bake mo ng cookies, Tita! Baka naman gusto mong i-share sa akin."
"Sasabihin ko sa 'yo, kapag may balak kang magpatayo ng café," pabiro niyang sabi sa akin. "Ang sarap no'ng gawa mo noon, natikman ko!"
Naalala ko na naman 'yong brownies at cookies na ginawa ko noon para sa kaniya. "Wala 'yon, Tita. Wala lang talaga akong magawa no'n," pagsisinungaling ko.
"Maiba tayo, ano na ba gagawin mo?" pagiiba niya sa usapan namin.
Napatingin ako sa kawalan bago lumabas ng buntong-hininga. "As I should, I'll file an annulment."
Biglang nagiba ang ekspresyon ni Tita. "I am sorry, Astra. Ako na ang naghihingi ng dispensa sa ginawa sa 'yo ni Rean."
Hinawakan ko ang magkabilang kamay ni Tita. "I am the one who should, Tita. A-ako ang sumira sa pamilya niyo. Kung hindi 'yon ginawa ni Mama ay sana kompleto pa kayo."
"No, it's okay, Astra. Hindi mo kasalanan 'yon. At isa pa. . ." Napatigil si Tita, tila nagdadalawang isip kung itutuloy pa. Tumingin siya sa kaliwa't-kanan bago nagsalita ulit. "Hindi talaga siya ang ama ni Astra. Iniwan na ako no'ng totoo niyang ama dahil may iba siyang pamilya. . ."
Nanlaki ang mga mata ko sa biglaang rebelasyon ni Tita. "S-sino ang tatay niya?"
Suminghal si Tita bago ako sinagot. "Huling balita ko ay nasa Canada siya kasama 'yong pamilya niya."
Tumango lang ako. These past years na kinikimkim ko ang galit para kay Mama, lahat pala 'yon ay mauuwi sa muli naming paglalapit.
"B-bakit hindi niyo po sinabi kay Rean?" tanong ko pang muli sa kaniya.
"Dahil ayaw ko nang kung ano pang connection sa kaniya. Ayaw kong malaman niya na may ama pala siyang iniwan kami." Malapit nang magsilabasan ang luha ni Tita.
"Kaya, please Astra. Forgive your Mom kapag nagkita kayo, I don't want you both to be mad at each other because of this misunderstanding."
I smiled at her with hope. "I will do it maybe soon, Tita. . ."
"Nga pala. . . Si Rean dito pa rin ba siya nakatira, Tita?" tanong ko sa kaniya at iniba ang paguusapan.
"I guess marami kang hindi nalaman dito sa bahay. She no longer stays here since that happen. I've taught her lessons. Although, she accepted the consequences," sagot sa akin ni Tita. Hindi ako makapaniwala. . .
Nakaya niyang itaguyod ang sarili niya? She was so clumsy before. But, yeah, people change.
"Minsan naman ay dumadalaw siya rito kapag may event," dagdag ni Tita.
Napatango na lang ako dahil hindi ko alam ang reaksyon ko. So, she was really growing, huh. . .
"Gano'n pala. . . Sina Keil at Jenia, Tita? Nasaan sila?" tanong ko. Mukha kasing wala sila rito dahil kanina pa ako at ni anino nila ay wala.
"Nasa university pa sila. Jenia and Keil are improving and studying well because of you," komplimento sa akin ni Tita.
"No, Tita. S-si Jenia. . . Galit siya sa akin." Napayuko agad ako nang masabi ko 'yon. How should I make up with her?
"In life, hindi talaga maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan. The both of you can go back to usually the both of you do. Just think about how will you make up with her. Give her something remarkable about you." Nahiwagaan ako sa suhestyon ni Tita. Kahit kailan talaga ay magaling siya kapag ang usapan ay makikipagayos!
Napansin kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko agad ito saka binasa 'yong isang mensahe.
From: Lexus.
I've already conducted a lawyer. We will be meeting him later at a café nearby. I'll fetch you, okay?
Ibinalik ko 'yong cellphone ko sa bag pagkatapos kong basahin 'yon.
"Salamat ng marami, Tita." Niyakap ko agad siya. Gaya ng paulit-ulit kong sinasabi. Hindi ko alam kung saan kami pupulutin kung wala si Tita.
"Kailan ka ba babalik dito sa bahay? Miss na kitang makita kada umaga rito at nagluluto ng almusal!"
Oo nga, ano. Hindi namang pwedeng habang buhay na akong titira sa bahay ni Lexus. "Pagiisipan ko po, Tita. Mauuna na pala ako, Tita. May pupuntahan pa po ako."
"Sige, Astra. Balik ka, ah?"
I then left the house after we talked. Pagkalabas ko ay saktong nasa labas na si. Lexus na nakasandal sa driver's seat.
"Let's go?" He opened the front door saka ako ay umupo ro'n.
May café malapit sa Corrales, kaya ro'n kami pumunta. May kalayuan dito sa Bulua ang Corrales at traffic pa sa CDO Bridge sa mga oras na 'to.
Habang nasa kalagitnaan kami ng traffic ay nagtanong bigla sa akin si Lexus. "Are you really sure to get an annulment with him?"
He kept asking me this for nth time! Ayaw niya bang matapos na ang connection naming dalawa? "Hindi ko na mabilang kung ilang beses ka nagtanong sa akin niyan. Bakit, ha? Pipigil ka?"
Umiling siya saka tumawa. "No, I'm not. At least, the both of you departed ways at hindi ka na matatali. I am. . . just happy for you."
My brows furrowed. "Dami mong alam, Lex. Go sign na, oh!"
Mabilis lang ang naging biyahe namin kaya nakarating na kaagad kami sa café. Sabi sa akin ni Lexus ay on the way pa raw 'yong lawyer.
"Order muna tayo," aya niya sa akin. Lumapit kami ro'n sa may counter at naghanap ng pwedeng iinumin.
"What's your order, ma'am, sir?" tanong sa akin ng isang pamilyar na boses kaya agad kong inangat 'yong ulo ko mula sa pagtitingin ko ng mga cake.
"Rean. . ."
"Astra," pagtawag niya rin sa pangalan ko. I guess this is where she works.
"I-it's been years. . ." Ngumiti siya sa akin. Biglang dumating 'yong manager ata ng café, kaya niya iniba 'yong usapan. "What's your order, ma'am, sir?"
I am too stunned to speak, kaya si Lexus na ang sumagot. "Three icebrew-coffee and one dozen of this." Itinuro niya 'yong cookies na kanina ko pa tinitingnan.
Umupo muna kami ro'n sa may corner table at naghintay na i-serve 'yon. I am still speechless. Tumigil ba siya sa pagaaral?
Si Rean ang nag-serve sa amin saka 'yon inilagay sa table. Tinitigan niya si Lexus bago sa akin siya bumaling.
"Can we talk?" tanong niya sa akin. I nodded and give sign to Lexus na iwan muna kami.
Umupo siya sa at kaharap ako.
"I don't know where to start this, but I'll go with explaining the issue before-."
"Don't continue it. Ayaw ko nang marinig pa ang mga 'yan, dahil matagal ko nang ibinaon sa lupa," I told her. I don't want to hear sh*ts anymore, ayaw ko nang madurog pa.
She gulped. "Pero, kailangan mo. Don't be like me who was blinded by hate, by vengeance. I am facing all the consequences because of a mistake. . ." aniya. Dahilan ng pagkakunot ng noo ko.
My brows furrowed. "W-what do you mean. . ."
"I just found out years ago na hindi pala siya ang tunay kong ama. Na kaya pala nangaliwa si Dad ay dahil nalaman niya na hindi ako tunay na sa kaniya."
She cupped her face before she continued.
"Kaya ngayon, I am asking for your forgiveness. I badly want to apologize to you, but it's too late because you moved in Canada. I am working here with my blood and sweat to buy ticket. I wanted to talk to yoy personally, pero nandito ka na pala. I also collect my money to look for my real father."
"At isa pa.. m-may i-isang babaeng.." Natigilan si Rean at napasapo sa noo. "S-sabi niya tutulungan niya akong maghiganti dahil sa nangyari no'n. A-at s-sabi niya. . . Ga. . gawin ko raw 'yon."
Napahawak ako saa bibig ko dahil sa nalaman ko. Babae? Inutusan si Rean na gawin 'yon? At sino naman 'yon?
"S-sinong.." Hindi ko natapos ang dapat kong itanong, dahil nakuha niya agad ang pahiwatig ko.
"Eyla.. 'yon lang ang sinabi niya sa akin," sagot niya sa akin. Nakita ko na lang ang sarili kong kumuha ng tubig at agad 'yong ininom.
"I swear, Astra. Walang nangyari sa amin ni Fereo. She framed up, Astra."
"Don't be blinded, please," dagdag niya pa at pinunasan ang pisngi.
"I will still file it," desidido kong sagot. Nangyari man o hindi, gagawin ko 'to dahil ito ang nararapat.
Kung sino ka man, Eyla. Hindi ko alam ang ang kasalanan ko sa 'yo. Hindi ko alam kung bakit mo 'to ginawa sa akin. Sinira mo ang dapat sanang magandang buhay na nakamit ko na.
"I guess, hindi ko na mababago ang desisyon mo. Maiba nga, sino 'yang kasama mo?" usisa niya sa akin. Lumingon ako kay Lexus na malapit sa pinto ng exit habang nakahalukipkip ang mga braso niya't nakasandal do'n.
"He's the son of the manager na pinagta-trabahuan ko sa isang restaurant sa Canada," sagot ko sa kaniya nang bumaling ako ulit sa kaniya.
She grinned at me. "What if he likes you? Will you give him chance? The way he stares at you, it's like he is commanding and watching you."
Umiling ako dahil sa sinabi niya. "We are friends. Nothing more, nothing less."
"He somehow looks familiar to me. Hindi ko lang matandaan kung saan." Pinasadahan niya ng tingin si Lexus.
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay lumapit na sa amin si Lexus kasama ang isang lalaki-'yong attorney na hahawak sa annulment ko.
Nagpaalam muna si Rean na babalik na raw siya sa counter. Umupo na rin 'yong attorney sa harap at katabi niya ro'n si Lexus.
Nasa mid-thirthy na ata siya, pero mukhang bata ang mukha niya.
"I'm Attorney. Andajes, I'll be handling you. What we need to do next is the psychological counseling," paunang sabi niya. "I am Lexus' friend. He called me to help you with these. Usually, in looking for attorney, it will take weeks. Good for you that your friend knows one."
I nodded at him at patuloy siyang pinapakinggan.
"Are you mentally stable now? If you are, pwedeng hindi na tayo dumaan sa counseling at para filing of affidavit na lang."
Tumango ako sa kaniya. Wala namang bumabagabag sa akin ngayon at hindi ko na dinidibdib 'yong nangyari noon.
"Okay, good to hear. Maybe one of these weeks we will be going to file directly and to get the trials then."
Pagkatapos naminy magusap ay lumabas na rin siya sa café at nagpaalam. Ako naman, lumapit kay Rean na nasa counter.
"Mauuna na kami, Rean. Let's meet one of these days," I formally said. She smiled at me before we left the café.
When we finally sit in Lexus' car he drive it to somewhere.
"Saan tayo pupunta?" I asked him. Hindi kasi siya dumaan sa kung saan ang daan papuntang Carmen.
"Pumunta muna tayo sa Cogon. I want to eat street foods there with you," aniya saka 'yon iniliko. Dahil malapit lang dito sa Corrales ang Cogon, mabilis lang kaming nakarating.
Malapit na ring gumabi, kaya paniguradong marami na ang naka-display do'n. He parked the car at una kaming bumili ng fried chicken skin.
This was one of my favorite here. I enjoy being here since a lot of people are here to eat too. Dahil walang tubig na binebenta rito, sumakabila muna kami at bumili ng buko juice.
"Hindi naman buko to, e! Puro asukal lang," bulong niya sa akin nang itapon niya 'yong baso ng buko juice.
Tumawa ako sa kaniya. "Aba, bawal rich kid dito sa Cogon, ano!"
He rolled his eyes at me. "Pasalamat ka-."
Hindi ko narinig 'yong sunod niyang sinabi dahil may motor na sobrang lakas ang takbo ang dumaan.
"Magpapakamatay ba 'yon?" sigaw ng karamihan at napahawak sa tainga nila dahil sa matinis na ingay ng motor.
"Ano 'yon?" Bumaling ako sa Lexus.
He shrugged his shoulders. "Wala! Kumain na lang tayo."
Hinila ko agad siya sa ibang stall at dinala ro'n sa may isawan. "Dalawang betamax po."
His brows furrowed. "Betamax? Ngayon ko lang narinig 'yan." Tiningnan niya 'yong binili ko na iniihaw na. "You mean dinuguan?"
Tumango ako sa kaniya. "Inaaya mo ako rito sa Cogon, pero wala ka naman palang alam."
"Kaya nga ako nagpasama 'di ba para naman may malaman ako? Tss, dagdagan mo nga ng isaw, 'yan pinakagusto ko."
Pinagmasdan ko siyang nilandak lahat ng isaw sa bibig niya. I am speechless seeing him eating almost of the food we bought. Halos maubos na nga ang panindang isaw dahil sa kaniya.
"My gosh, Lexus! I can't believe you. Napamahal ka na ata sa isaw, ah!" I almost clapped out of amusement.
"I told you I love isaw!" he said again.
I can still remember that we also went here at halos ubusin lahat ng Fereo ang isaw kahit 'yong araw na 'yon palang siya kakain no'n.
I shrugged my shoulders. Kung anu-ano na lang talaga pumapasok sa isip ko.