Parang kanina lang ay sama-sama kaming kumakain sa hapag-kainan at nagtatawanan sa luntiang patag na aming labas; ngunit sa isang iglap lamang, nawala na ang mga ito. At ngayon, mag-isa na lang ako sa malamig at madilim na lugar na 'to. Para bang buo kong pagkatao ay kinuha sa akin at ang natitira kong rason upang mabuhay ay tuluyan nang nawala.
Hindi ko maimulat ang aking mga mata dahil sa bigat nito, wala rin ako marinig. Tila ba nilamon ng kadiliman ang paningin at pandinig ko. Ako rin ay humihikbi na sabay ang pagpatak ng aking mga luha.
Mga ilang sandali pa ay may isang init na yumakap sa aking katawan. Isang init na pumapatay sa kalamigang aking nadarama, ngunit hindi kayang patayin ang kalungkutan sa aking puso. Kahit na gano'n, akin 'tong kinuha at niyakap nang mabawasan ang nararamdaman kong lamig at lungkot.
May nadama rin akong isang haplos sa aking pisngi. Mainit din ito. Gumaan ang pakiramdam ko nang ito'y dumampi sa aking nilalamig na pisngi. Hindi ko makita kung ano ang humahaplos sa 'king mukha at sa buo kong katawan, sapagkat hirap ko na imulat ang aking mga mata. Hinayaan ko lang ang init na 'yon na lumamon sa akin hanggang sa mawala ang aking ginaw. Sa pagkakataong iyon, tuluyan na akong natulog nang mahimbing.
Pagkamulat ng aking mga mata, isang kulay na abong tela ang aking nakita. Nilibot ko ang paningin ko at nalaman na nasa isang malaking tolda na gawa sa tela ako natutulog. Napansin ko rin ang kalinisan ng aking katawan at may suot na puti at bagong bestida. Nawala ang aking kadungisan at may kakaiba akong naamoy sa aking sarili, amoy ng isang mabangong bulaklak na hindi ko matukoy kung ano. Nakita ko rin na may puting telang nakabalot sa aking mga sugat.
Bumangon ako at sa pagbangon ko sa malaking kama ay umikot ang aking paningin. Napahawak ako sa aking noo at pinikit, hinintay na mawala ang nararamdaman kong hilo.
Pagdilat muli ng aking mga mata ay nakita ko ang hari na kapapasok lamang sa tolda na may magandang kasuotan – kasuotan na tanging mga dugong bughaw lamang ang may kakayahang makabili.
Naglakad s'ya papunta sa akin at ako ay umatras. Kinuha ko ang kumot na nasa tabi at mabilis kong tinuklob sa aking katawan. Umupo naman s'ya sa aking tabi at aakmang hahawakan ang aking mukha, subalit agad ko 'tong iniwasan. Hindi ko makita kung ano ang naging reaksiyon niya sa kadahilanang nilihis ko ang aking tingin – tumingin sa baba. Napansin ko na lamang, mula sa gilid ng aking paningin na tiniklop niya ang kan'yang kamay at inatras ito.
Kahit na hindi n'ya tinuloy ang paghawak sa akin, ayaw ko pa rin siyang makita. Ayokong makita ang taong pumatay sa aking pamilya, ang taong sumira ng aking buhay.
"Nagugutom ka ba? Nais mo bang kumain? Isang araw ka nang walang malay at sigurado akong gutom ka na," banggit niya sa akin. Malalim at malumanay ang kan'yang boses, para bang nag-aalala s'ya sa akin.
"Anong pake mo? Hayaan mo na akong mamatay sa gutom, upang sa ganoon ay makasama ko na ang buo kong pamilya," mariin kong tugon sa kan'ya na nananatiling nakayuko.
"Kakain ka sa ayaw mo o sa gusto mo." Kahit hindi ko nakikita, bakas sa tono ng boses n'ya ang galit at saka siya lumabas.
Nakahinga ako nang maluwag nang siya ay nakaalis.
Kahit na matagal akong walang malay, wala pa rin akong naramdamang kahit na anong gutom, tanging kalungkutan at galit ang nagpapabusog sa aking puso.
Napakapit ako sa mga braso ko. Sa sobrang kapit ko ay hindi ko namalayan na sobra pala ang pagkakadiin ng mga kuko ko rito, bumakat na rito ang aking mga kuko ko. Wala akong naramdamang sakit, tanging poot lang kaya lalo kong diniinan ang pagkakabaon dito. Nananatiling sinusugatan ko ang aking sarili hanggang sa bumalik na s'ya kasama ang isang babae na may edad na na may dalang pagkain.
Narinig ko na lang ang sigaw niya ng, "Minerva!" at patakbo niya akong pinuntahan. Kinuha ang aking mga kamay.
"Ano ba!? Bitawan mo ako!" At saka ko sinubukang tanggalin ang kamay n'ya sa akin.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, ha!? Sinasaktan mo na ang sarili mo! Tingnan mo na lang ang mga braso mo, dumudugo na dahil sa kahangalan mo!" singhal niya sa akin.
"Ano bang problema mo!? Wala kang karapatan pagsabihan ako sa kung ano ang nais kong gawin sa katawan ko! Bakit naman ako makikinig sa isang katulad mong mamamatay tao!?"
Tinitigan niya ako nang matagal at nakita ko kung paano manggigil ang mga ngipin niya. "May karapatan ako dahil simula ngayon pagmamay-ari na kita. Baka nakalimutan mo yata kung sino ang kaharap mo? Ako si Hari Ezekiel de Francia, ang hari ng bansang Grandorya at ikaw ay susunod sa lahat ng mga pinag-uutos ko... Kapag sinabi kong kumain ka, kakain ka. Kapag sinabi kong 'wag mong saktan ang sarili mo, gawin mo. Dahil kung hindi..."
""Dahil kung hindi," ano? Ano ang gagawin mo sa 'kin? Papatayin mo ako gaya ng pagpatay mo sa pamilya ko? O baka naman susunugin mo ako gaya ng pagsunog mo sa aking bayan?" mabilis kong sumbat. "Wala akong pakialam kung kunin mo rin ang buhay ko, ang totoo nga iyan ay magpapasalamat pa nga ako sa 'yo dahil sa pagpatay mo sa akin, eh. Para naman... para hindi na kita makita pa. Hindi ko na makita ang pagmumukha mo, hayop ka!" At saka ko siya sinampal. Naging maluwag ang kapit niya sa aking mga kamay kaya nagawa ko makatakas at sampalin siya.
Ang sarap sa pakiramdam na masampal ang halimaw na 'to.
Napansin ko ang pagkagulat ng babaeng nasa likuran. Samantala walang emosyon na hinarap ako ng hayop na ito. Huminga siya nang malalim at hinigpitan pa niya ang pagkakahawak niya sa aking mga kamay. Napaungol ako sa sakit at tiningnan siya nang masama.
"Kung iyon ang gusto mo, hindi kita pagbibigyan. Sa tingin mo ba ay basta-basta lang kita papatayin?" Marahal n'yang nilapit ang mukha at dahil do'n, isang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha namin sa isa't isa. "Gagamitin ko ang maganda mong katawan upang matugunan ang pangangailangan ng aking katawan. Araw at gabi kita gagamitin hanggang sa mawalan ka ng lakas upang pumiglas at tumanggi pa sa mga kagustuhan ko," bulong niya sa 'kin.
Agad naman niya pinunta sa likuran ko ang mga kamay ko at hinawakan niya ito gamit ang kaliwa n'yang kamay. Hinaplos niya gamit ang kanang kamay niya ang mukha ko at pinadausdos papunta sa aking labi. Kan'ya niyang pinaglaruan ito hanggang sa ngumanga na ako. Pagkatapos ay kaniya niya ako hinalikan. Nilalim niya ang kaniyang halik sa akin at naramdaman ko ang paggalaw ng kaniyang dila sa loob ng aking bibig.
Talagang nandiri ako sa ginagawa niya at nais ko na masuka. Nagpumiglas ako upang makawala sa kan'ya, ngunit masyadong mahigpit ang paghawak sa akin. Akin naman kinagat ang kan'yang labi at ito ay dumugo, nalasahan ko pa ang marumi niyang dugo.
Nakakadiri!
"Argh!" Sabay siyang umatras at binitawan niya ako. Pinunasan ang dugo sa kan'yang labi at tumawa. "Kaya gustong gusto kita. Huwag na huwag ka magbabago, aking diwata," natatawa n'yang usap, pagkatapos ay sinenyasan n'ya ang babae na nasa likuran.
Nagmadali ang babae na pumunta sa amin at nilapag ang pagkain sa kama. Ngunit bago pa niya ilalapag ito ay kinuha ito ng hayop na 'to at pinaalis.
Nang siya ay lumabas, nilapag niya ang hawak na bandeha na pilak sa aking harapan. Sunod niyang kinuha ang pilak na kutsara at nagsandok ng pagkain, at saka n'ya ako pinakain.
Tiningnan ko ang mukha n'ya at lalo ako nainis sa kaniya. Kitang kita ko ang biglaang paglambot ng tingin niya sa akin, bigla na lang siya lumambing at bumait.
Hindi tama ito. Hindi ka rapat makaramdam sa akin ng pag-aalala dahil isa kang halimaw. Ano bang nangyari sa iyo at bigla ka na lang bumait sa akin?
Tunay akong naguguluhan sa kan'ya. Bigla-bigla na lang siya magiging masama - isang halimaw - tapos bigla na lang din siya lalambot.
Nang nilapit n'ya ang kutsara sa aking bibig ay agad ko 'to tinapik. Sinunod kong sinipa ang bandeha na may pagkain. Pagkatapos ay umatras ako palayo sa kan'ya at binalin ang tingin sa baba.
Wala akong narinig na kahit na ano sa kan'ya, ni salita, hampas, o ano pa man ay wala akong naramdaman. Nanginginig ako sa galit at para ako maluluha. Pinipigilan ko lang bumagsak ang aking mga luha dahil ayokong magmukha akong mahina sa harapan n'ya.
Mga ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang ang paggalaw n'ya. Akala ko hahampasin niya ako, ngunit tumayo lang siya at muling lumabas. Saka ko lang niyuko ang aking noo at tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha at sinigaw ang lahat ng galit na kanina ko pa kinikimkim sa aking loob.