/0/24292/coverbig.jpg?v=ef71e33c77e8fdd9910c73b0c4bd87b1)
Nagising ako dahil sa napakatinis na tunog na nanggagaling sa makinang nagsasabi kung tumitibok ang puso ni inay. Nabato ako sa aking kinatatayuan nang makita kong flat line ang nakaguhit dito. May umakay sa akin na nurse palabas. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso, nanlalambot ang aking mga tuhod kaya napaupo na lang ako sa upuan sa labas ng silid at nanginginig na namamawis ang aking mga palad. Hindi ko kayang tingnan si inay sa gano'ng sitwasyon, parang dinudurog ang puso ko. Kinagat ko ang aking labi upang mapigilan ang nagbabadyang luha.
Makalipas ang labing limang minuto ay lumabas ang Doktor mula sa silid ni Inay.
"Kamusta po ang aking inay? Maayos siya di ba?" tanong ko sa doktor na may nangangambang mga mata. Bumuntonghininga ang doktor.
"Sa ngayon maayos siya pero kapag nangyari ulit ito malaki ang chance na hindi na siya makakaligtas pa kaya kailangan na niyang operahan sa mas madaling panahon." Gumuho ang aking mundo dahil sa sinabi ng doktor.
"Magkano po ba ang kailangang halaga para sa operasyon," tanong ko sa doktor sa nanginginig na boses.
"Humigi't kumulang five hundred thousand." Nanlumo ako sa aking narinig, saan naman ako kukuha nang ganoong kalaking pera? Mas lalo akong nawalan ng pag-asa.
Nandito ako sa hospital church at kasalukuyang humihingi ng gabay sa panginoon.
"Panginoon huwag mo pong hahayaan si inay, pakiusap. Bigyan mo ako ng lakas ng loob para hindi sumuko sa mga problemang dumadating sa amin," pagsusumamo kong bulong habang nakatingin sa imahe ni Jesus. Naramdaman ko na may umupo sa aking tabi ngunit hindi ko ito binigyan ng pansin.
"Kaya kitang tulungan sa problema mo." Napatingin ako sa aking gilid at nanlaki ang aking mga mata. Bakit ba kung nasaan ako nando'n din siya?
"Sinusundan mo ba ako?" magkasalubong kilay kong tanong sa kanya. Nagkibit balikat lang siya sa aking sinabi.
"Let's talk somewhere," hindi nakatingin sa akin niyang saad bago naglakad paalis. Kahit na nag-aalangan ay sumunod ako sa kan'ya, dala na rin siguro ng kuryosidad. Dinala niya ako sa isang coffee shop sa tapat ng hospital.
"Ano ba ang pag-uusapan natin?" diretsong tanong ko sa kanya at direktang nakatingin sa kaniyang mga mata. Hindi niya ako pinansin at tumawag ng waiter upang um-order.
"Two expresso and two cheese cake," order niya sa waiter habang ako naman ay tahimik na nakaupo.
"Do you ever heard about doppleganger? Oh, before that I'm Yvette Zahara Cruz same age as you. Doppelganger is a biologically unrelated look-alike, or a double, of a living person," pahayag niya, natahimik ako sa kan'yang sinabi. Saan ba talaga patungo ang pag-uusap na ito? May kinuha siyang brown envelope sa kanyang bag at kinuha ang nasa loob nito.
"Stella Luis Molina, 20 years old. Working in a restaurant for two years. Have a two siblings named Sean Molina who's currently in its fourth year high school and Letty Gin Molina who has not been able to walk since the accident when she was seven years old. Your father died of stab wounds when your house was robbed three years ago. And your mother is currently in state of life and death," detalyado niyang saad. Parang may bumara sa aking lalamunan sa kan'yang sinabi. Ibig sabihin hindi talaga kami magkadugo.
Paano niya nalaman ang mga impormasyon tungkol sa aking pamilya?
Ano ba talaga ang kailangan niya?
"I have an offer for you, babayaran kita kung magpapanggap ka bilang ako. Sasagutin ko din ang pagpapaopera sa nanay mo at hahanap ako ng tao na puwedeng mag-sponsor para maoperahan si Letty. Ikaw bilang Yvette at ako bilang Stella," pag-aalok niya sa akin. Natahimik ako sa kaniyang sinabi, kung tutuusin pabor ito sa akin ngunit binabalot ng takot ang aking puso.
"Mayaman ka na, nakukuha mo lahat nang iyong gusto at nasa iyo na lahat. Bakit mas gugustuhin mo pang maging mahirap?" tanong ko sa kaniya pagkatapos ay sumimsim ng kape na inorder niya kanina. Napatitig siya sa akin ngunit kumunot ang aking noo nang bigla siyang tumawa. Pinunasan niya ang luhang pumatak sa kaniyang mata dahil sa kasiyahan at huminga ng malalim.
"I can't believe you! Hindi porke't mayaman ay nakukuha ang gusto. Aaminin ko umiikot ang buhay namin sa pera at materyal na bagay pero habang tumatagal nararamdaman ko na maraming kulang at iyon ang hindi ko alam," pagtatapat niya sa'kin. Malalim siyang nakatitig sakin at nararamdaman kong malungkot siya.
Nagkamali ako na hindi pala lahat ng mayayaman ay masaya at kontento.
Masasabi ko na kulang sila sa interaksyon sa kanilang pamilya.
Akala ko lahat ng mayaman ay walang problema ngunit nagkamali ako, tao sila kaya may karapatan din silang masaktan at maging miserable.
"Kung pumayag man ako paano ako kikilos bilang Yvette, ngayon pa lang tayo nagkakilala kaya hindi ko alam ang pagkatao mo," tanong ko sa kanya, napansin kong lumiwanag ang kanyang mukha at nagningning ang mga mata.
"Kung paano mo gustong kumilos ay okay lang basta tatandaan mo allergic ako sa hipon," sagot niya sa akin na may malawak na ngiti na para bang sigurado siya na papayag ako.
"Ipapangako mo ba na hindi mo pababayaan ang aking pamilya lalong lalo na si Letty," paninigurado ko, agad siyang tumango at inilahad ang kan'yang kamay sa akin.
"So deal?" abot taingang ngiti niyang tanong na halos mapunit na ang labi. Napabuntonghininga ako at inabot ang kan'yang kamay. Tinanggap ko ito para kay Inay at Letty at gusto ko rin siyang tulungan na mahanap ang kulang sa kan'ya, ang kasiyahan niya.
"Thank you talaga'" saad niya na sinundan ng kan'yang mahigpit na yakap. May kinuha siya sa kanyang bag at ipinakita sa akin ang isang family picture.
"Ito si mommy ang kaniyang panaglan niya ay Yssa Cruz, mahilig sa mga alahas at mamahaling bagay, tipikal na mayaman. Pero huwag kang mag-alala mabait at maalaga si mommy." Turo niya sa babaeng nasa picture hindi mo mahahalatang may anak na ito dahil napaka bata ng kaniyang mukha. Nakasuot siya ng pulang saya kaya mas lalong lumabas ang kan'yang kaputian at marami siyang suot na mga alahas. Necklace na gawa sa perlas, bracelet na ginto at diyamanteng hikaw.
"Ito naman si daddy, siya si Zack Cruz. Masyado siyang strict at perfectionist kaya hindi kami magkasundo dahil hindi ako nakakakuha ng matataas na grades at mga achievement," mahina niyang saad. Tiningnan ko ang tinuturo niya na nasa litrato at nakita ko ang lalaking may katandaan na, may intimidating look at matatalim na nakatingin. Wala man lang ekspresyon ang kan'yang mukha na isinisigaw ang kapangyarihan.
"Last is my eldest brother ang kaniyang pangalan ay Yvo Zachary Cruz, ang paborito at ang magaling dahil sa dami ng kanyang achievement na nakuha." Napansin kong nalukot ang litrato at nanggigigil na nakatingin dito. Inggit. Iyan ang namamyani sa kan'yang puso. Hinawakan ko ang kaniyang kamay kaya kumalma siya.
"Ako na ang bahala na kumilala sa kanila," saad ko sa kanya.
"May susundo sa iyo bukas dito mismo para ihatid ka sa bahay at puwede tayong magpalit kapag may special ocasion o emergency lang." Binalot ng lungkot ang aking puso, isipin ko pa lang na malalayo ako sa aking pamilya ay napakahirap na. Tumango na lang ako at nagpaalam na bago muling bumalik sa hospital.
****
Nakasilip ako mula rito sa salamin na naghihiwalay sa'king kinatatayuan at sa silid ni inay, pinagbawalan na kasi ako ng doktor na pumasok sa silid. Hinaplos ko ang salamin na pader at pinagmamasdan ko si inay na mahimbing na natutulog. Nasasaktan ako dahil napakadami ng mga makinang nakakabit sa kan'ya na nagsisilbing bumubuhay sa kan'ya. Hinaplos ko ang salamin at hindi ko napigilan ang tuloy-tuloy na pag-agos ng aking luha. Pinunasan ko ang tumulong luha at naglakad para umuwi na. Habang naghihintay ako ng masasakyan ay biglang bumuhos ang ulan kaya sinamantala ko ito para ilabas ang mga unnecessary feelings sa aking puso sa pamamagitan ng pag-iyak. Dahil ang mga pakiramdam na ito ang magdudulot para panghinaan ako ng loob na lumaban. Biglang nanlabo ang aking mga mata hangang sa nilamon ng dilim ang aking paligid
Aldrin Pov
Lintik! Umulan pa kung kailan nagmamadali ako. Sumabay pa ang traffic. Kung minamalas ka nga naman, oh. Tumingin ako sa labas ng sasakyan upang aliwin ang sarili para hindi ako maiinip sa paghihintay kung kailan uusad ang mga sasakyan. Napansin kong may babaeng nakatayo sa ilalim ng ulan, unti-unting pumipikit ang kanyang mga mata na para bang pagod na pagod siya. Bago pa siya bumagsak ay agad akong lumabas ng aking sasakyan at hindi ko na inalintana ang mga sasakyang bumubusina sa likod ng iniwan kong sasakyan dahil bumilis na ang daloy ng trapiko. Agad ko siyang sinalo bago pa bumagsak ang kan'yang katawan. Nakasuporta ang aking mga braso sa likod at ulo niya.
"F*ck! Miss gumising ka." Nanginginig kong tapik sa kanyang pisngi gamit ang kamay na nakaalalay sa kanyang ulo. Binuhat ko siya at pinasok sa aking sasakyan. Kinabitan ko siya ng seatbelt bago ko pinaandar ang makina ng sasakyan. Pumunta ako sa pinakamalapit na hospital. Muli ko siyang binuhat upang ibaba sa sasakyan, dinala siya ng mga nurse sa emergency room at naupo lang ako sa mga nakahilerang labas ng room. Narinig kong tumunog ang aking telepeno kaya kinuha ko ito sa bulsa ng aking pantalon. "Mom" ang basa ko na nag-flashed sa screen ng aking cellphone.
Patay! Paniguradong lagot ako nito. Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tawag.
"Hi mom?" Nakangiwi kong pagbati, inilayo ko ang aking cellphone sa aking tainga dahil alam ko na nakakabinging sermon ang isasagot niya sa akin.
"NASAAN KA NA BANG BATA KA?! KANINA PA KAMING NAGHIHINTAY DITO!" Parang natanggal yata ang mga tutuli ko sa tenga dahil sa lakas at tinis ng boses ni mom.
Mahinahon akong sumagot sa kan'ya, "Nasa hospital ako, mom."
"ANO? Bakit ka nasa hospital? Naaksidente ka ba?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Paniguradong sinsabunutan na niya ang sarili dahil sa frustration. Napatayo ako dahil lumabas na ang doctor sa emergency room.
"Mag-usap na lang tayo mamaya mom," putol ko sa tawag. Magrereklamo pa sana si mom ngunit hindi na natuloy.
"Sino ang kamag-anak ng pasyente?" tanong ng doktor habang ginagala ang tingin sa paligid. Itinaas ko ang aking kanang kamay at tumayo.
"Ako po."
"Kaano-ano ka ng pasyente?" muling tanong ng doktor.
"Hmmm. Boyfriend niya po," napangiwi ako sa aking utak dahil sa aking sagot. Bakit ko ba sinabi yun? Puwede ko namang sabihin na nakita ko lang siya na hihimatayin kaya tinulungan ko siya.
"Meron siyang annemia kaya siya nahilo. Kulang din siya sa kain at tulog. Hindi siya puwedeng ma-strees dahil paniguradong mauulit ito," ani ng doctor bago umalis. Lumabas ako ng hospital at kinuha ang gamit ng babae. Pumasok ako sa silid kung saan naroroon ang babae. Pinagmasdan ko siya, meron siyang matangos na ilong at manipis na labi. Para siyang anghel na natutulog dahil sobrang payapa ng kanyang mukha. Naagaw ng atensyon ko ang bag na hawak ko. Binuksan ko ito at nakitang tanging walllet ang laman. Binuklat ko ang wallet at nakitang may three hundred pesos at nag-iisang ID.
I took the ID, Stella Luis Molina I read. Nice name. Ibinalik ko sa kanyang bag ang wallet at tumayo na. Binigyan ko ng calling card ang lalaking receptionist nitong hospital.
"Tawagan mo ako kapag magbabayad na ng bill " bilin ko sa kan'ya bago lumabas ng hospital. Pumasok ako ng sasakyan at hindi napansing napangiti na pala ako. Stella, huh? Napailing ako at sinimulang nang paandarin ang sasakyan. Dumiretso ako sa bahay dahil sa bahay gaganapin ang family dinner na nakasanayan na tuwing kaarawan ni mom. Nakarating ako sa bahay at pinatay ang makina ng sasakyan bago bumaba.
"Happy birthday mom," bati ko sa kanya pagkatapos ay humalik sa kanyang pisngi ngunit matalim lang niya akong tiningnan.
"YOU'RE LATE!" sigaw niya sa akin na may kasama pang pagduro. Napakamot ako sa aking ulo at alanganing ngumiti sa kanya.
"Hon, birthday mo ngayon kaya dapat hindi ka nagagalit," pag-agaw ni dad sa tensyon ni mom. Tumahimik si mom kaya kinindatan ako ni dad. Napailing na lang ako dahil sa simpleng gesture lang ni dad ay napapatahimik si mom.
"Bakit ka nasa hospital kanina?" tanong sa akin ng isa sa aking mga pinsan. Nabaling sa kan'ya ang aking paningin.
"May tinulungan lang ako," sagot ko sa kan'ya. Palihim akong napangiti dahil naalala ko na naman ang magandang babae.