/0/23280/coverbig.jpg?v=517a046f958d6d7fea63c5c7265ac80b)
Krystella's P.O.V~
"Bilisan mo Krystel!" nag-mamadaling sabi ni Natasha. Meet my friend Namy. She holds the marupok at malandi award. Top #1 sa pag-club at iiyak-iyak sa 'kin kapag na-heartbroken. Nagmadali akong lumabas ng kotse ng pintuan. I stepped my boots out at pagbaba ko makikita mo agad ang malaking pangalan ng venue.
5TH AVENUE CLUB
From what I know, exclusive ang club na ito. Mostly rented lang ito at hindi makakapasok ng walang invitation. Nahilo ako nang hatakin ako ni Natasha papasok sa club. If you might wonder, nasaan ako ngayon? I'm here inside Natasha's party. Well her cousins party pero siya 'yong pinaka stand out dito so parang siya 'yong may party.
Ika-ika akong maglakad dahil hindi parin tumitigil sa paghatak si Natasha.
"Hey! N-Nathasha wait!" I said. Pinasuot ba naman kasi akong ng heels tapos hahatak-hatakin ako? I'm currently wearing a fitted silky black dress paired with black heels.
I agreed to change myclothes to the nearest cafe earlier. Sabi daw, para hindi ako magmukhang nene.Nene? Seriously? I let go from Natasha's grasp at napa-atras nang konti.Napatalikod siya at tinignan ako.
"Bilis! Naghihintay na saatin do'n si bakla!" she cheered while flipping her hair back. Napa-ikot ako ng mata sa kanya.
"Kung hindi mo sana ako pinasuot nito. I would have walked faster!" I replied while trying to catch up to her. She didn't respond at just kept walking.
Nang makarating kami sa gilid, nakita ko si Kyle may hawak na bote ng alak. Kinaway-kaway niya ito kaya madali namin siyang nahanap at napuntahan. Napatakbo kami papunta sa kanya at muntikan na akong matapilok.
Meet Kyle! My Knight in Rusty Armor.
Why rusty? You may ask? Kasi minsan hindi ko talaga alam kung lalaki ba talaga siya or bakla. He just doesn't want to admit it pero halata naman. Even so, he's still our friend. He's a crackhead at hindi nahihiyang makipag-sabunutan kapag may nang-aapi sa 'kin. Kaya hindi kami nawawalan ng kaaway eh.
Pagkarating ay agad akong umupo sa tabi nila. The surrounding was noisy so kailangan ko talagang lakasan ang boses ko kapag kausap ko sila.
"Cheers to us! Malapit na matapos ang year and college na tayo!" ani ni Kyle habang tinaas ang bote ng alak. Napasunod naman si Natasha sa kanya.
"Kyle.. we just started our school year. End of August pa lang," sabi ko. And here I am, nakaupo lang habang nag-iinuman sila. They both stared at me deadpanned. Napataas ang aking kilay sakanila. What's their problem anyway?
"What?" I asked habang naka-krus ng braso. Binaba nila ang kanilang mga bote at napabugtong hininga. Sabay pa talaga sila ha. Ano 'to scripted?
"Drink!" pilit ni Natasha. I rolled my eyes at her habang tinatabig ang bote na inaabot niya sa 'kin.
"I told you, I don't drink. Low alcohol tolerance remember?"
"Ano bayan ngayon lang naman! Tska bakit ka ba galing sa hospital?" tanong ni Kyle. They both stared at me, waiting for my answer.
"Ako lang kayang mag-uwi sainyong dalawa. If I get drunk what will happen to the three of us? Baka ma-skandalo pa tayo," I answered. They both sighed in defeat.
"Sige na nga basta mapipilit rin kita mamaya" sabi ni Natasha habang kumindat sa 'kin. May pa-ganyan ganyan siya tapos missing nanaman mamaya kasi may kalandian nanaman.
"Eh siya-siya bat ka nga pala nasa hospital beshy?" tanong ni Kyle. Napatingin ako sa lapag at sinubukang iwasan ang tanong. I wouldn't want to ruin they're night dahil sa bad news ko. KIlljoy na nga ako, tapos dadag-dag pa.
"Kaya nga! Ano may kalandian kasa hospital?!" malakas na tanong ni Natasha. Nagsitinginan 'yong mga tao sa aming paligid. Kahit kailan 'yong bunganga talaga nito.
"Shh! I just had an appointment.. sa doctor," mahinang sinabi ko. Napahawak ako sa aking mga tuhod. Paano ko nga ba sasabihin? I can't just show up and say 'Hey friends! I'll die in a few years!' A big no! It's hard to say it to them. Lalo na't kaibigan ko sila mula bata pa kami. They might make a huge fuss about it. Not MIGHT, they WILL make a big fuss about it. Sila pa kaya? Nakakahiya nasa party pa kami. I'll guess I'll just find an excuse for now.
"Tapos?" tanong niya.
"I got my results and turns out I have glioblastoma, " I answered. They both stared at me while holding their bottles.
Obviously, they don't know what it means! Sila pa kaya. They share the same brain cells.
"Ano 'yon beshy? Alam mo namang tanga-tanga kami eh, " sabi ni Kyle. Huminga ako ng malalalim at sinagot siya.
"W-wala, sa susunod ko na lang sasabihin. We're s-suppose to have fun right?" I answered with an assuring smile. Nagtinginan na lang silang dalawa at nag-sesenyasan.
"Sa tagal ng pinagsamahan natin alam kong may tinatago ka Krystel. Pero kung ayaw mo sabihin ngayon hindi ka namin pinipilit." sagot ni Natasha. I sighed in relief. They really are my friends. Buti na lang nandito sila para sa 'kin.
They're like the light to my darkness. Some people may have boyfriends and girlfriends. But for me? I have my best friends. Iba talaga kapag kaibigan ang nandiyan para sayo. Do you get that feeling? Tumango ako at nginitian si Natasha. Nagsimula sila mag-inuman at nakinood lang ako. Dumaan ang waiter kaya nagpakuha ako ng orange juice.
"Hay ano bayan wala manlang gwapo dito," sabi ni Natasha. Napatawa ako habang pinaglalaruan ang baso ng juice.
"Talaga Namy? Landi mo uy!" tukso ni Kyle.
"Hanap ka ng hanap. Maghintay ka na lang kasi! True love comes at the right time remember that," dag-dag ko. She rolled her eyes at me. Ayaw niyang nasasabihan pero pag nagkamali iiyak-iyak saamin ni Kyle.
"Madali mo lang yan sabihin kasi maganda ka!" sagot niya sa 'kin. Napabugtong-hininga ako sa kanyang sinabi.
"I'm not. And even if I am lalandi ba ako?" tanong ko sa kanya. Tumawa si Kyle at nagsalita rin.
"Tumpak beshy! Ako nga walang boyfriend oh!"
"Alangan lalaki ka! Ay hindi pala bakla!" sigaw ni Natasha. Ayan nanaman silang dalawa. They might look like a couple fighting but no! Not even a bit. Sadyang mahilig lang talaga sila mag-away.
Napangiti si Namy, 'yong ngiti na may binabalak na masama.
"You know Krystel, sinabi ko na sayo a million times na ha! Enjoy your teenage life. Kapag nag-asawa ka na, house wife ka na lang! Maglilinis ng bahay, mag-aalaga ng bata. So treasure your life at lumandi ka na! Tulad ko!" bilin sa 'kin ni Natasha.
"At sino naman nagsabi na mag-aasawa ako?" sambit ko sa kanya.
"Weh? Sa ganda mong yan hindi ka mag-aasawa o kahit boyfriend man lang? Andami kayang gwapo na naghahabol sayo! Sana all hindi na kailangan maghabol Unfair talaga," tutol niya habang napanguso sa 'kin.
"Wag kang masyadong adik sa gwapo Namy, go for the personality. 'yon ang importante sa tao. Bihira lang makahanap ng lalaking tapat," sermon ko sa kanya.
Well, I'm saying based on experience. Siguro nagsasawa na silang kakakinig sa mga sermon ko. But even so, I'll never get tired of reminding them.
"Eh konti lang rin naman ang gwapo sa mundo kaya 'yon ang habulin natin! Tama ba Kyle?!" sagot ni Natasha. Binaba ni Kyle ang kanyang bote ng alak.
"Tama!" lasing na sambit ni Kyle. Napairap ako sakanila.
"Tumahimik na nga kayong dalawa." Sinaway ko sila.
Oras ang lumipas at masaya kaming nag-daldalan sa party. Sa totoo lang, halos makalimutan ko na ang mga masamang nangyayari ngayon sa buhay ko.
Napatingin kami parehas ni Kyle ng dumating si Natasha mula sa comfort room. Nakangiti siya saamin habang may kasamang mga lalaki. Ano nanaman 'tong ginagawa ni Natasha? Dinamay pa talaga kami sa mga dinadala niyang mga lalaki.
Kinawayan sila ni Kyle para makita ang table namin. I displayed a fake smile as the guys sat down with us. May katabing lalaki si Kyle at Namy habang ako mag-isa sa sa inuupuan.
"Nice to meet you guys! Andrew na lang ang tawag niyo sa 'kin, " maligalig na sabi niya. Puro kindat naman ang binabigay ni Namy sa kanya. What the hell?
"Natasha here, but you can call me Namy."
"Yes miss beautiful" hirit ni Andrew. Wow, ambilis naman! Wala pang 24 hours may nicknames agad?
"Magandang gabi ladies and gentleman! I'm Arthur nice to meet ya, " wika ng isang lalaki na katabi ni Kyle. Nginitian naman siya ni Kyle habang may pa flying kiss pa.
Kahiya naman sakanila grabe.
"How about you? Pakilala ka naman saamin!" wika ni Arthur. I displayed a very bright smile to them 'yong tipong nakakasilaw pag tinignan mo.
"Krystella. " I extended my hands, "It's a pleasure to meet you."
They happily welcomed me na parang close-na-close na kami. The table was filled with chatters as minutes passed by.
"Antagal naman 'nun bro," nag-aalinlangan na wika ni Andrew. Napatingin kami sa kanya.
"Sino?" tanong ni Natasha.
"Ah, 'yong isang kaibigan namin nasa-cr. Hintayin natin nandito na rin ''yon mamaya."
"Sure let's wait for him." I smiled at them.
This will be a long night.